QBAI-6

Queen and I
Please Subscribe to read the full chapter

QBAI-VI

 

SEULGI’ S Pov

 

"Can you please stop fidgeting. Nakakairita ka na ah!" saway sakin ng maarteng kasama ko. Kanina pa kasi ako di mapakali. Nakalimutan ko kasi na may trabaho pala ako ngayon. Di ko na naisip dahil hinila na agad ako ng maarte na to papuntang agency. Pero sinasabi ko lang ah. Pag ako na sisante sa trabaho ko, humanda talaga ang maarteng to.

 

 

"Ano ba! Isa nalang ha!" aray! Kung makasigaw naman ang babaeng to akala mo magkalayo kami. Eh ang lapit-lapit lang kaya namin. Lumabas lahat yata ng tutuli ko sa tenga.

 

 

"Bakit ka ba nasisigaw ha! Ang lakas pa naman ng boses mo." di ko narin mapigilan kaya pinatulan ko na.

 

"Ang likot mo kasi. Hindi ako mapag-relax ng maayos" napabuntong hininga nalang ako at umupo ng maayos. Ayaw ko nang makipag-away sakanya dahil nakakapagod rin. Tsaka nakikita ko rin na mukhang pagod nga ito.

 

 

"Sorry. Iniisip ko lang kasi ang trabaho ko" napamulat naman ito at napatingin sakin. Bwesit! Ayan na naman ang maganda niyang kulay asul na mata. Bigla naman akong naconscious sa tingin niya kaya napaiwas ako bigla.

 

Teka! Bakit ba ako nacoconscious sa mga tingin niya ah! Mata lang yun Seulgi ano ba! Meron ka rin niyan. Mas maganda pa. Pwe!

 

"Don't worry. I've already talk to my manager. Siya na daw bahala sa trabaho mo" napatango nalang ako at tumingin nalang sa labas ng bintana.

 

Hindi ko alam pero may namumuong something sa dibdib ko tuwing tumitingin ako sa mga mata niya. Napailing ako. Pagod lang siguro ako.

 

 

 

"Hey. Andito na tayo. Gumising kana diyan" yugyog ko sakanya. Pagkatapos naming mag bangayan ay nakatulog siya. Halata ngang pagod ito. Hindi naman kasi biro ang maging model at the same time estudyante na may nursing course pa. Tindi diba.

 

"mmm" hindi naman siya natinag at mas lalo pang sumiksik sa pintuan na hinahalayan niya. Hay nako. Kung bakit ako pa kasi ang nakatuon na gisingin siya eh. Yung manager niya kasi nasa loob na at ang driver naman niya ay pumasok sa loob para magdala ng mga gamit niya.

 

 

Napatingin naman ako sakanya. Mahahabang pilik-mata, matangos ang ilong at pinkish lips pa. Idagdag mo pa ang malaporcelanang kutis niya. Hindi nga mapagkakailang marami ngang nagkakagusto sa maarteng ito.

 

At Isa ka na diyan?

 

Hindi no! Kahit na gaano pa kaganda yan never akong magkakagusto sakanya no. Mala-anghel nga ang mukha pero tinalo naman si santanas pagdating sa ugali kaya asa siya! At isa pa straight ako no!

 

Straight mong mukha mo!

 

Straight naman talaga ako! Boyish lang ako kumilos at manamit pero straight ako! Porket wala lang akong crush at boyprend ay hindi na ako straight! Sila lang naman ang nag-iinsist na hindi eh pero straight talaga ako! Tse!

 

 

"pinagnananasahan mo na naman ako no" napabalikwas naman ako at napatingin sa may-ari ng boses. Nakangisi ito na mas lalong nakapagpa-se- No! Hindi y! No! Auh!

 

 

"Tse! Feeling ka din eh no. Pangit mo nga eh. Tulo laway pa. Yuck" nawala naman bigla ang ngisi nito at tumingin sakin ng seryoso sakin. Napalunok naman ako ng lumapit siya ng kaunti sakin. Konti nalang maglalapat na ang mga labi namin. No!

 

"I do not drool" napasinghap ako ng maramdaman ang hininga niya sa labi ko. Ang bango. Parang kagagaling niya lang sa pagtotoothbrush.

 

Parang naiiyak nako. Ang kabog sa dibdib ko ay mas lalong lumalakas. Naman eh! Ano ba ang nangyayari sakin!

 

"E-ewan ko nga sayo!" singhal ko at lumayo na sakanya. Ngumisi naman ito at ulit. Parang nakaka-akit ang mga tingin niya.

 

Seulgi! Maghunos dili ka nga! Labanan mo ang demonyo na yan!

 

"B-bumangon ka na nga diyan! Kanina pa tayo hinihintay sa loob" sabi ako at nauna nang oumasok sa loob at iniwan siya sa sasakyan. Bahala siya don.

 

 

"Oh? Asan na si Irene? Bat di mo kasama?" tanong sakin ni Jongsuk na siyang manager ni Irene. Ewan ko nga kung bakit nagtitiis to na maging manager ng isang demonyong maarte eh. Samantalang gwapo naman siya. Pwedeng-pwedeng siyang maging artista. Para nga siyang bida sa korean drama na palaging pinapanuod ni nanay. Kinain na rin kasi ng sistema haha.

 

"Ewan ko pero gising na yon. Hintayin nalang natin" kumunot naman ang noo nito pero tumango rin. At hindi nga ako nagkakamali dahil papalapit na sa amin ang maarte.

 

Holy sh- bakit habang lumalakad siya papalit eh kusang bumabagal rin ang ikot ng paligid. Parang nagso-slowmo. Napansin ko naman na napanganga ako ng bigla siyang ngumiti at kumindat. Shet! Ano ba to!

 

"Ganda niya no?"

 

"Oo" wala sa sariling sagot. Bigla naman akong natauhan at lumaki pa ang mata. Tinignan ko naman si Jongsuk at nakangisi ito.

 

"Ay hindi pala! Pangit siya! Pangit!" eto na naman yung feeling na naranasan ko kanina. Napapapadyak nalang ako sa inis.

 

"Hi! Sorry. Naghintay ka ba ng matagal manager. Iniwan kasi ako ng isa diyan eh. Alam naman niyang injur

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sianligh
Mag sh-shameless promote ako ng isa ko pang story dito. It's called APHRODITE'S FIRST LOVE. JUST CHECK IT OUT ON MY PROFILE. Hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 20: waiting po
Pristinemoon
36 streak #2
Chapter 20: 🥺🥺🥺
Maddox03 #3
Chapter 2: Updateeee plsss
notjoohyunn
#4
Chapter 20: Update pleathhh 🥺
notjoohyunn
#5
Chapter 13: ʕっ•ᴥ•ʔっ
IS2SEULRENE #6
Chapter 20: Gandaaa updaye juseyooo
reuxxxklp
#7
Chapter 20: authornim mag update ka please ang ganda ng stories mo 😭😭
_rtempest
1026 streak #8
Chapter 20: ganda ng mga stories mo otor! waiting w/ respect din dito sa updates mo <3
broke_asf
#9
Chapter 20: Wendy ang Krystal unexpected ship pero nakakakilig sila huhu