QBAI-10

Queen and I
Please Subscribe to read the full chapter

SEULGI'S Pov

 

"Arte, di ko yata kaya. Nahihiya ako" kasalukuyan kaming binibihisan ng damit dahil sa gagawing photoshoot mamaya. Akala ko pinapatawag lang kami para mag meeting yun pala may photoshoot na. Di man lang ako ininform ni arte. Haiist ayoko talaga na kinukuhan ng picture, naiilang talaga ako.

 

"Oh may hiya ka pa pala" walang ganang sagot niyo sakin. Walangyang bababe. Nagmomoment of truth ako dito eh tapos babarahin niya lang ako. Ang gago lang.

 

"Syempre! Baka ikaw yung wala" at pinagsisihan ko yung sinabi ko ng sinamaan niya ako ng tingin.

 

"S-sorry, ganito lang talaga ako pag kinakabahan" inaamin ko naman talaga, mapagbara at mapang-asar ako kapag kinakabahan.

 

Di niya ako sinagot at pinagpatuloy lang sa pagkalikot ng kanyang cellphone. Ano ba ang meron sa cellphone niya at parati nalang niyang pinaglalaanan ng pansin.

 

"Arte" walang sagot -_-

 

"Uyy ate arte" dedma -_-

 

"Ate" tumingin ito sakin. Walang emosyon yung mukha niya. Napalunok naman ako pero pinagpatuloy ko parin ang pang-aasar sa kanya.

 

"Arte"

 

"At-"

 

"Pwede ba! Can you stop calling me arte or ate! Naririndi ako!"

 

"Eh ano ba ang gusto mong itawag ko sayo! Baby?!" bigla akong natigilan sa sinabi ko. Tumingin naman siya sakin ng nakakaloko. Shet ka Seulgi! Sa dami ng pwedeng sabihin bakit baby pa ang nasabi mo.

 

"Ay EUT!!" nagulat kami sa taong sumigaw. Shet! May ibang tao pa palang nandirito. Nakakahiya tuloy.

 

"Sige lang. Tuloy niyo lang po. Wala lang po kami dito. Kakilig po kayo" sabi ng isa na umakto pa na parang ihing-ihi sa sarili.

 

"Di naman ako nanghihingi ng callsign babymanyak, pero if you like, tawagin mo kong baby" kumindat pa ang gaga. Ang tanga talaga ng bibig ko. At anong callsign ang pinagsasabi nito

 

"Bahala ka nga diyan" ayaw ko na siyang asarin. Ako lang yung na-aasar eh.

 

"Pikon" asar niya sakin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

 

"Mhalan Dee and Hee Ghad, are my models ready?" tanong ng bagong pasok na babae. Siya ang magiging photographer namin sa photoshoot na gagawin. Ipinakilala siya kanina ni Ms. Moe na pumunta pa dito para makapag-observe daw.

 

"Just a few touches!" sagot nila. Tumango naman ang photographer at lumabas.

 

Sa totoo lang, kay Arte lang sila nag-effort ng malaki. Sakin, wala. Binihisan lang ako ni Hee Ghad ng puting damit at parang jacket na mukhang leather na kulay itim at pants. Kay arte naman ay binihisan nila ng kapareho ko din pero manipis na sando ang ipinares sa jacket at maikling shorts kaya kitang-kita ang mapuputi nitong mga hita tsaka nilagyan ng kolorete yung mukha.

 

Yung hita talaga Seulgi yung napansin mo. Di ba pwedeng yung paa o mukha

 

Pakyu! Eh yun yung una kong napansin

 

Napansin o minanyak este tinitigan.

 

Napansin! Gago ka talaga! Manyak

 

Ako ay ikaw! Gago! Ikaw yung manyak!

 

"Baliw" sayo oo. Nababaliw nako sayo arte.

 

"Tsk" pagsusungit ko. Akala niyo siya lang ang marunong magsungit. Ako rin no!

 

"Di bagay sayo magsungit Baby" nanlaki yung mata ko. Did she just call me...?

 

"....manyak" napaka hmpp talaga ng babaeng to.

 

"Kala mo no" ngumiti pa ito ng nakakaloko. Mukha siyang magandang ulol. Bakit ganon? Bakit lahat nalang maganda sakanya.

 

"Ang cute niyo pong dalawa. No wonder kayo yung napili na icover sa magasin"

 

"Magasin?" tanong ko. Akala ko simpleng photoshoot lang to. Yung parang testing lang kung okey ba talaga ako sa camera. Pero ang isubok agad at ilalagay sa cover jusko! Mas nadagdagan lang yung kaba ko eh. Baka mamaya pangit ko pala sa camera, eh makikita talaga yun.

 

"You're partnered with a goddess babymanyak. Don't worry, kung pangit ka man tignan at least maganda naman yung katabi mo" Wow. Kung hangin lang ang maarteng to, siguro kanina pa ako nilipad ng pagkalakas-lakas.

 

Lumabas na kami at lahat naman sila nagsitinginan samin. Ano bang meron? Dinadagdagan lang nila yung kaba ko eh. Siguro narealize na nila na pangit talaga ako. Pero kalaunan ay lumihis rin sila ng tingin. Mostly babae kasi ang staff.

 

"God Seulgi, you should wear clothes like this everyday. Bagay na bagay sayo. You're so hot" sabi ni Slathe Matche. Isa ring model dito. Isa siyang foreign model na matagal ng namamalagi dito sa Pinas. Kasama niya si Miss Moe na bumisita sa set. Di ko nga alam, kung makipag-usap sakin parang close na close eh. At hindi ganong klaseng close like literal na close talaga. Kumapit lang naman kasi ito sa braso ko. Nailang tuloy ako dahil dumikit yung malaking ano niya sakin. Pilit ko naman tinatanggal yung hawak niya pero sobrang higpit talaga. May lahing linta ba ang babaeng to? O ahas?

 

"Hey , pakitangal ng hawak mo kung ayaw mong pumutok yung fake mong hinaharap" nanlaki yung mata ko sa rude remark ni Arte. Walang kagatol-gatol na sinamaan niya rin ito ng tingin. Parang papatay na ang mukha niya.

 

Mukhang natakot naman ang isa at dali-daling kumalas sa braso ko at umalis papalayo samin.

 

Tumingin ako kay arte at namatay ako bes. Wala na finish na ako. Isang malakas na suntok sa tiyan yung natanggap ko. Shet lang.
Ano bang nagawa ko.

 

Napayuko at napadaing naman ako sa sakit. Tumingin naman ako sa paligid at busy ang lahat. Di ba nila nakita yung nangyari. Huhu. Ang sakit.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sianligh
Mag sh-shameless promote ako ng isa ko pang story dito. It's called APHRODITE'S FIRST LOVE. JUST CHECK IT OUT ON MY PROFILE. Hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 20: waiting po
Pristinemoon
36 streak #2
Chapter 20: 🥺🥺🥺
Maddox03 #3
Chapter 2: Updateeee plsss
notjoohyunn
#4
Chapter 20: Update pleathhh 🥺
notjoohyunn
#5
Chapter 13: ʕっ•ᴥ•ʔっ
IS2SEULRENE #6
Chapter 20: Gandaaa updaye juseyooo
reuxxxklp
#7
Chapter 20: authornim mag update ka please ang ganda ng stories mo 😭😭
_rtempest
1026 streak #8
Chapter 20: ganda ng mga stories mo otor! waiting w/ respect din dito sa updates mo <3
broke_asf
#9
Chapter 20: Wendy ang Krystal unexpected ship pero nakakakilig sila huhu