QBAI-13

Queen and I
Please Subscribe to read the full chapter

SEULGI'S Pov

"Mam Seulgi, nandito na po tayo sa bahay ni Mam Irene" nagising ang diwa ko sa tawag ni kuyang driver. Nagpasalamat muna ako bago lumabas habang buhat-buhat si arte papasok.

"Oh iha! Seul! Ari naman kamo? Akala ko matagal pa yung event sa eskool niyo? Kag ano natabo sa alaga ko nak?" napangiti ako sa accent ni nanay. Dali-dali niyang binuksan yung pintuan. Sinamahan niya'ko paakyat patungo sa kwarto ni arte.

"Ah nay, yung alaga niyo ho kasi, nakatulog dahil sa pagod. Ayoko namang gisingin to dahil alam kong pagod na pagod to" sagot ko. Binuksan ni nanay ang pintuan ng kwarto ni arte. Nagpasalamat ako at tinungo ang bedroom area sa kwarto ni arte. Ang dami kasing keme sa kwarto niya.  Meron pang floor-floor cheche. Parang bahay lang yung style ng kwarto. May sarili rin itong ref sa loob.

Pagkadating ko ng bedroom area ng kwarto ni arte ay agad ko rin siyang inihiga sa kanyang kama. Kinumutan ko na rin ito tsaka kinuha ang heels niyang nakakamatay para maging mas komportable ito sa pagtulog.

Pagkatapos kong tignan kung okay na ba siya. Kagaya ng kanina, inihawi ko yung humaharang na buhok sa kanyang mukha kaya malaya kong napapagmasdan uli ang maganda niyang mukha. Haha infairness, mukhang mabait yung natutulog niyang itsura ah. Di kagaya kung gising siya na napaka-ubod ng arte.

Nang masiguro kong okay na siya ay agaran rin akong lumabas. Mahirap na,  baka magising pa ang arte at gumawa pa nang kung ano-anong isyu. 

"Nay, alis na po ako. Paki-alagaan nalang iyang alaga niyo. Sige po" paalam ko kay nanay Lucing.

"Sure ka ba nak? Nagluto nako dito ng hapunan. Kumain ka muna" alok nito

"Ah sige salamat po nay pero hinahanap narin po ako samin eh. Sa susunod po pramis. Titikman ko po yung masasarap niyong luto" sabi ko. Itinaas ko pa yung kanang kamay ko na ikinatawa naman niya.

"O siya sige nak. Mag-ingat ka pauwi ah" tumango ako saka tuluyang lumabas ng bahay.

"Manong. Di niyo na po ako kailangang ihatid. Salamat nalang po" sabi ko kay manong. Alam ko namang pagod rin ito kakabyahe.

"Ho? Pero bilin po ni Mam Irene na ihatid po kayo palagi. Tsaka malayo pa po yong bahay niyo" sagot nito sakin. Napakunot ako ng noo. May ganon pang nalalaman yong arteng yun. Napangiti ako.

"Hindi na manong. Malapit nalang kami dito haha. Sige salamat po!" paalam ko sabay takbo na palabas ng gate para di na niya ako mahabol haha. 
 


 

"Ma! Nandito na po ako!" Totoo yong sinabi ko kay manong kanina na malapit nalang yung bahay namin kila arte. Siguro isa o dalawang kanto lang ang layo nito sa bahay nila. Bigay ng kompanya.

Sobra-sobra na nga eh. Hindi naman ako makatanggi dahil dala narin pala sa kontrata. Tsaka mas safe narin kami ng pamilya ko dito lalo na ang mga kapatid ko. Ang babata pa kasi nila. Kaya pagka-ayos na pagka-ayos ng papeles ay pinalipat ko sila agad dito sa bahay.

Mga ilang days palang kami namamalagi dito kaya nababaguhan pa kami sa lahat. Hindi rin alam ni arte dahil nga mga this week lang kami nakalipat.

At tsaka masyado narin kasing maraming paparazzi ang umaaligid sa bahay namin. Dagdag mo pa pati yung mga tao ay dinadagsa rin yung bahay namin. Kala mo naman tourist attraction ang bahay namin.

Bibigyan pa sana nila ako ng kotse pero tinanggihan ko dahil wala naman sa kontrata at pangalawa ay hindi naman ako marunong mag-drive so wala ring saysay.

"Oh nak! Mabuti naman. Tulungan mo nga muna ako sa paghahanda ng hapunan natin" sigaw ni mama mula sa kusina.


Grabe. Nakakalula parin talaga ang ganda ng bahay na'to. Hindi man kasing laki ng bahay ni arte kasi gods level na yung kalakihan ng bahay niya pero sobrang laki parin to kung tatawagin para sa mga ordinaryong tao katulad namin. Wala kaming gastos sa mga gamit dahil kompleto rin paglipat namin.

"Seul, anak. Salamat talaga ah. Pagpasensiyahan mo na rin ang mama mo. Ako yung nanay pero ikaw pa yung nagtatrabaho at nagtataguyod sating pamilya. Dapat nag-eenjoy kapa sa kabataan mo eh" naluluhang pahayag ni mama. Minsan lang maging emosyonal tong si mama pero sagad.

"Ma, huwag mo ngang sabihin yan. Pamilya tayo, pamilya ko kayo. Responsibilidad ko kayo ng mga kapatid ko. Ako yung panganay kaya dapat lang no. At tsaka ikaw rin po ang dahilan kung bat to nangyari lahat dahil, syempre! Kung hindi mo'ko ipinanganak di walang maganda sa mundong to ngayon dahil nagmana lang naman po ako sa kagandahan niyo. Ayiee." kita mo. Nakukuha ko na yung kahanginan at mga kalokohan ni arte haha.

"At isa pa, nag-eenjoy rin naman ako nay kaya huwag na po kayong umiyak dyan. Sige ka papangit ka nyan" pinunasan ko ang mga luha niya at niyakap siya.

"Osya, osya" humiwalay ito ng yakap sakin at iniayos ang sarili "Tawagin mo nga yung mga kapatid mo sa taas. Masyadong nawili kakalaro ng kompyuter" tumango ako at humalik sa pisnge ni mama.

"Dreame, Leavey, Galaxyne, Foreston. Baba na kayo. Kakain na tayo. Mamaya niyo nalang ipagpatuloy yan" yaya ko sa mga kapatid ko. Notice niyo? Ang ganda ng mga pangalan nila no. Haha.

"Ate!" tumakbo sila sakin. Muntikan na'kong madapa ng tumalon sila payakap sakin.

"Atwe! Namwiss pwo kitwa!" niyakap ko ng mahigpit ang bunso namin at pinanggigilan ang pisnge nito. Ang cute cute lang kasi. Ikinarga ko ito

"Namwiss ka rin ni ate panaginip"

"Ate! Naperfect ko kanina ang quiz namin sa Physics at ako rin yung pinakahighest sa individual project namin sa Calculus" pagmamayabang naman ni Leavey. Ginulo ko ang buhok nito at nag thumbs-up.

"Goodjoob Dahon. Talino mo talaga katulad ng ate mo"

Pagkatapos naming magpakabusog sa luto ni mama ay agad na bumalik ang mga bata sa itaas para mag-computer. Nako, mukhang magsisisi ako na bumili ako ng computer. Haha

"Pumunta kanina dito ang papa nila Dreame" napatigil ako sa paghuhugas ng plato. Nilingon ko si mama kung tama ba ang narinig ko.

"Ano na naman daw ang pakay niya?" hindi na bago yon. Taob-litaw ang lalaking yon. 

"Kukunin niya daw si Dreame. Bakit ganon?... Bakit ang kapal pa din ng pagmumukha ng lalaking yon?" napatakip ako ng bibig dahil kamuntikan na akong mapahagulgol sa tawa.

"Ma, magfile nalang kaya kayo ng divorce para hindi na kayo guluhin ng lalaking yun" Hindi ko rin maintindihan si mama minsan.

"Hindi rin naman niya pipirmahan yun. Gago yon eh" napabuntong hininga ako. 

"Eh ikaw? Hindi mo ba namimiss ang pamilya mo?" hindi naman bago sakin ang usapang to. Alam kong hindi ako kadugo ng pamilyang to.

"Wala pa rin akong maalala mama" napayuko ako. Bakit nga ba wala akong maalala. Ganon ba katindi ang nangyari sakin na hanggang ngayon wala pa rin akong maalala.

"Huwag mo munang pilitin Nak. Baka sumakit na naman iyang ulo mo." may inilahad ito sakin.

"Panyo?" dumudugo na naman ba ang ilong ko?

"Obvious ba?" kita mo'to sinopo pa'ko. Sarap irapan kaya lang baka ukitin nito yung mata ko.

"Mauna na po ako sa taas ma" humalik ako sa pisnge nito at pumunta sa kwarto ko sa taas at humiga sa napakalambot kong higaan. 

"Haayyy Kapagod" tanging nasambit ko bago tuluyang pumikit yung mata ko.

.
.
.
.

"Hoy Bata!" tsk ano naman ba ang gusto nito. Kebabaeng tao ang lakas ng boses.

"What do you want?" walang emosyon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sianligh
Mag sh-shameless promote ako ng isa ko pang story dito. It's called APHRODITE'S FIRST LOVE. JUST CHECK IT OUT ON MY PROFILE. Hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 20: waiting po
Pristinemoon
36 streak #2
Chapter 20: 🥺🥺🥺
Maddox03 #3
Chapter 2: Updateeee plsss
notjoohyunn
#4
Chapter 20: Update pleathhh 🥺
notjoohyunn
#5
Chapter 13: ʕっ•ᴥ•ʔっ
IS2SEULRENE #6
Chapter 20: Gandaaa updaye juseyooo
reuxxxklp
#7
Chapter 20: authornim mag update ka please ang ganda ng stories mo 😭😭
_rtempest
1026 streak #8
Chapter 20: ganda ng mga stories mo otor! waiting w/ respect din dito sa updates mo <3
broke_asf
#9
Chapter 20: Wendy ang Krystal unexpected ship pero nakakakilig sila huhu