QBAI-7

Queen and I
Please Subscribe to read the full chapter

                                                     QBAI-VII

 

SEULGI'S Pov 

 

Himala na kanina pa tahimik itong kasama ko mukhang may malalim na iniisip. Kanina ko na rin napapansin na malayo na sa siyudad ang dinadaanan namin at puro puno na ang nasa paligid. 

 

 

Teka! Mukhang may balak yata siyang masama sakin ah! Hala! baka balak nito patayin ako at ilibing ang katawan ko sa tabi-tabi dito. 

 

 

"Kung ano man yang iniisip mo. Hindi yon" aba bumalik na ang masungit na maarte. 

 

 

"Saan na ba kasi tayo? Ang layo na ng siyudad oh" tumingin ako sa likod. Tanging nag-iilawang mga building nalang ang nakikita ko. Kumbaga parang cityscape nalang ng siyudad. 

 

 

"Hmm.." yun lang ang tanging sagot niya. Hmmmm. Ano ba ang ginawa nito at mukhang pagod na pagod. 

 

 

"Bakit ba pagod na pagod ka? Ano bang ginawa mo?" di ko na mapigilang itanong nacucurious na rin kasi ako. 

 

 

"Wala" wala? Tsk. Nakalimutan kong wala nga palang kwentang kausap to minsan. Nag-abala pa ako. 

 

 

"Kung sasabihin kong napagod ako kakaisip sayo.. maniniwala ka ba?" gulat naman akong napatingin sakanya. Ayan na naman siya. Nakangisi siya sakin at kumikinang pa ang mga mata dahil narin sa liwanag ng buwan na nagrereflect sa sasakyan. Bakit ba ang ganda niya pag ganito siya? 

 

 

May nararamdaman na naman ako sa dibdib ko pati narin sa tiyan ko. Gutom na yata ako. Hay 

 

 

"Syempre Hindi" Ano ba ang pumapasok sa kokote nitong babaeng ito. Ginogoodtime na naman ako nito. Ganyan siya minsan. Kung hindi nagsusungit nang-aasar naman. 

 

 

"thought so" mahinang sabi nito pero narinig ko pa rin. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang tumingin sa labas ng bintana.

 

 

"Kailan ba natin sisimulan ang research thesis natin?" nag-aalala na ako. Sa ilang araw na pagsasama namin ni isa o ni research man lang ay wala pa kaming nagawa. In short wala pa kaming nasimulan. 

 

 

"Bakit? Nagmamadali ka na bang makawala sakin?" Syempre oo. Nakakapagod kaya maging slave niya. Araw-araw nalang akong nasa tabi niya. Puro bitbit ng mga gamit at hatid-sundo ang ginagawa ko sakanya. Kaya naman pala napagkakamalan kaming mag-jowa. 

 

 

"Oo bakit?"hindi ko alam pero may biglang kumirot sa dibdib ko ng biglang lumungkot ang tingin niya pero bigla rin naman napalitan yun ng ngumisi siya at tinignan ako ng n-nakaka-akit. 

 

 

Lumapit ito sakin na ikinalunok ko naman. Bakit ba ganito siya? Lumapit pa siya ng kaunti hanggang nasa tenga ko na ang bibig niya. Feel ko naman na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang hininga niya kasabay rin non ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. ! Ano bang nangyayari sakin! Mama! 

 

 

"Wala lang. Ako kasi hindi pa. Hindi pa akong handang bitawan ka" napasinghap naman ako ng maramdaman ko ng bagya ang bibig niya sa tenga ko. 

 

 

"T-tulog mo nalang yan. P-pagod ka na" utal na sagot na ikinatawa niya. Lumayo naman ako sa kanya. Pero hindi pa rin tumitigil sa mabilis na pagtibok tong puso ko. 

 

 

Syet! Magkakasakit na yata ako nito sa puso eh. 

 

 

"Next week nalang natin simulan. After foundation week tutal may free week naman after that right?" sagot nito. Tumango nalang ako at umayos ng upo malayo sa kanya dahil di ko na yata mawari ang inaasta ko tuwing katabi ko siya. 

 

 

"Ma'am. Nandito na po tayo" pantawag samin ni kuya driver. Tumingin naman ako sa labas at nalula ang aking mga mata dahil sa sobrang laking bahay. 

 

 

"Baba na. Andito na tayo" sinunod ko naman ang sinabi ng isa. Wow! Ang laki talaga.

 

 

"Ngayon ka lang ba nakakita ng ganyang bahay. Isara mo nga yang bibig mo" sinamaan ko naman ng tingin ang maarteng ito. Seriously. Di ko talaga alam ang ugali ng babaeng ito. Minsan nagtataray at nagsusungit at minsan naman nang-aasar kagaya nalang kanina. Bipolar yata ang isang to eh. 

 

 

"Augh! Make it fast Manyak. Follow me!" nagpanting naman ang tenga ko sa tinawag niya sakin. 

 

 

"Di ako manyak no!" inikutan niya lang ako ng mata. Aba't ang gagang to. Namo! 

 

 

Inis ko naman siyang sinundan patungong bahay nila. Ang layo ng pinarkingan ni kuyang driver eh. Gutom na talaga ako. 

 

 

Pagdating namin sa pintuan ay agad naman kaming sinalubong ng isang matandang babae. Nakangiti pa ito at makikita mo na napakabait nitong tao. 

 

 

"Nanay Lucing!" parang bata namang tumakbo si arte papunta sa matanda. Sinalubong naman siya ng yakap ng matanda.

 

 

"Nay namiss po kita!" sigaw nito at niyakap pa ng mahigpit ang matanda. 

 

 

"Hayhay. Buti naman at napag-isipan mong umuwi dito. Akala ko wala ka nang balak na umiwi pa rito" kutya sakanya ni nanay lucing na siya namang ikinanguso ng bibig niya. Bakit ang cute niyang tignan na ganyan siya. Pisti! Magpapacheck-up na talaga ako. 

 

 

Mukhang napansin naman ako ng dalawa kaya napabitaw naman sila ng yakap. Mabuti naman. Akala ko kasi aabutin na kami ng siyam-siyam bago makapasok. 

 

 

"Nak, di mo ba ipapakilala sakin yang kasama mo?" tanong pa nito kay arte na nakangiti. Ewan ko lang kung ano ah pero parang may something sa ngiti na yun. 

 

 

"Ah. Kang Seulgi po nay. Magandang gabi po" pagpapakilala ko sa sarili ko dahil mukha wala naman yatang balak na ipakilala ako ng maarteng to. Tinaasan ba naman ako ng kilay.  

 

 

"Aba! Kagalang na bata. Ako naman si Nanay Lucing ang tagapag-alaga ng mansyon na ito haha" tuwang sabi ng matanda. Nagmano kasi ako s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sianligh
Mag sh-shameless promote ako ng isa ko pang story dito. It's called APHRODITE'S FIRST LOVE. JUST CHECK IT OUT ON MY PROFILE. Hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 20: waiting po
Pristinemoon
36 streak #2
Chapter 20: 🥺🥺🥺
Maddox03 #3
Chapter 2: Updateeee plsss
notjoohyunn
#4
Chapter 20: Update pleathhh 🥺
notjoohyunn
#5
Chapter 13: ʕっ•ᴥ•ʔっ
IS2SEULRENE #6
Chapter 20: Gandaaa updaye juseyooo
reuxxxklp
#7
Chapter 20: authornim mag update ka please ang ganda ng stories mo 😭😭
_rtempest
1026 streak #8
Chapter 20: ganda ng mga stories mo otor! waiting w/ respect din dito sa updates mo <3
broke_asf
#9
Chapter 20: Wendy ang Krystal unexpected ship pero nakakakilig sila huhu