QBAI-4

Queen and I
Please Subscribe to read the full chapter

                                                                                                                      QBAI-IV

 

Seulgi's Pov

 

"Seulgi! Bumangon kana diyan! Malelete ka nang bata ka! Jusko!" napabalikwas naman ako sa sigaw ni nanay. Tsk. Ang sarap ng tulog ko eh. Minsan naiisip ko kung may lahing megaphone ba tong nanay ko. Mas effective pa kasi bunganga ni nanay kesa sa alarm clock.

 

"Oo na! Andyan na!" sigaw ko pabalik. Araw-araw nalang ganito yung gawi namin. Mabuti nalang at mga early birds rin ang mga tao dito kundi kanina pa kami sinita.

 

"Bilisan mo na diyan! May bisita ka!" di ko nalang sinagot si nanay at dali-dali nalang tumungo sa cr at naligo.

 

"Nay! Anong almusal?" ang una kong tanong pagkababa ko. Bakit ba. Breakfast is life eh.

 

"Di mo pa nga ako binabati ng good morning tapos mag-hahangad kana ng almusal. Hala alis!" bunganga talaga ni nanay. Tsk. Napailing at napangiti na lamang ako dahil alam kong nagpapalambing lang yang nanay ko.

 

"Eto naman. Syempre Biro lang nay. Good morning sa maganda kong nanay!" lambing ko sakanya. May payakap-yakap pa ang peg.

 

"heh! Puntahan mo muna ang bisita mo don sa salas. Kanina pa yan dito" kumunot naman ang noo ko. Bisita? Sa ganitong oras?

 

Pumunta nalang ako ng salas. Sino pa ba ang pupunta sa bahay ko pwera nalng sa dalawang ugok at kay Moonbyul.

 

"Irene?" gulat na tawag ko sakanya. Napatingin naman ito sa akin. Naka- dekwatro style ang upo. Parang reyna lang eh no. Nakasuot ito ng babay blue dress na mas lalong nakapagpaputi sa kanya. Ang ganda pangit niya talaga.

 

"Tsk. Kanina pa ako dito. Wala ka bang alarm clock ha" naiinis na sabi niya kahit hindi nakatingin sakin. Busy kasi sa phone.

 

"Pano mo nalaman ang address namin? At bakit ka nandito?" tanong ko sakanya. Inangat niya ang tingin sakin. Nakakapaninding balahibo naman ang tingin niya sa sobrang talim. May kasama pang pag-angat ng kanang kilay.

 

"Doesn't matter. And stop being annoying. Just go and eat your breakfast." kahit naguguluhan man ay sinunod ko nalang ang sinabi niya at tumungo nalang pabalik ng kusina.

 

"Oh bakit ka nandito? Hala! Pakainin mo naman ang bisita mo. Tawagin mo siya at sabihin mong kumain dito kundi ikaw mismo ang hindi ko papakainin" napakamot nalang ako ng ulo sa banta ni nanay. Ano bato! Kaloka ha!

 

"eh nay. Baka nakapag-almusal nayon at ayaw ng kumain ulit" knowing her. Body concious yon. Model pa naman.

 

"Bakit? Tinanong mo na ba siya ha! Ganyan mo ba tratuhin ang bisita mo? Hala! Papuntahin mo siya dito" Aishhhh! Hindi ko naman siya bisita nay eh. Baka Bwisita na maarte. Nakakainis. Pero tama naman si inay. Hindi ko rin naman siya tinanong kung nakapag-almusal na siya. Teka! Parang ako pa yong stupid dito ha! Leche. Tsk

 

Dahil sa takot na hindi makakain ay bumalik ako ulit sa salas kung saan naroroon ang maaerteng reyna.

 

"A-ahm Irene. Nakapag-almusal ka na ba?" tumingin naman ito sakin. Her piercing blue eyes is looking at me. Sa totoo lang. Nakakapanghina ng tuhod yung mata niya. Tsk.

 

"Not yet. But I'm not hungry" sagot nito at bumalik na sa kanyang ginagawa which is looking and doing something on her phone.

 

"Ahmm ano. Gusto mo kumain? Ini-imbitahan ka kasi ni nanay na mag-almusal"

 

"Tell her to go ahead. I'm not hung-"

 

*growl*

 

Nanlaki naman ang mata niya at napangiti naman ako ng lihim.

 

Hindi pala gutom ha.

 

"Looks like the parasites in your stomach is insisting the other way" naks! Napa-english tuloy ako ng wala sa oras.

 

"I-I'm -"

 

"Hep! Stop right there. Huwag ka na ngang magsinungaling. Tara na nga. Nagugutom na rin kasi ako" di ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin at hinila ko siya papuntang dining area.

 

Wow! Ang daming ulam. May okasyon ba o ano?

 

"Nay anong okasyon? Bat ang dami naman yatang ulam?"

 

"Wala. Basta kumain ka nalang diyan." napa-ikot naman ako ng mata. Kahit kailan talaga si nanay. Napaka-sungit. Tsk.

 

Uupo na sana ako ng mapansin kong nakatayo pa rin ang maarte.

 

"Oh ano pang hinihintay mo upo na" sinamaan naman niya ako ng tingin pinalakihan ng mata. Nagbabanta ba siya?

 

Hayss. I moved a chair for her at ginesturan siya na umupo sa silya. Sumunod naman ito at umupo ng prente. Tsk. Arte talaga.

 

Tahimik lang kaming kumakain. Himala nga dahil hindi bumubunganga si nanay. Usually kasi maingay si nanay. Nahihiya siguro.

 

Tinignan ko naman tong katabi ko at nagulat ako dahil ang lakas niyang kumain. Fried rice, hotdog at itlog lang naman ang ulam namin. Yayamanin ngayon ang mayora niyo haha.

 

"Uy...dahan-dahan. Baka mabulunan ka." nilagyan ko naman ng tubig ang kanyang baso just incase.

 

"Can't help it. Who knows that this kind of foods is so delicious" lihim naman akong napangiti. So hindi pa siya nakakain ng mga ganitong pagkain? Ano ba ang klaseng pagkain ang kinakain nito? Siguro yung mga luxurious.

 

"Masarap ba iha? Hahaha. Nako salamat" weird naman akong napatingin kay nanay.

 

"Yes po. It's super good" napataas naman ang kaliwang kilay ko. Wow. Kailan pa naging mabait ang arteng to.

 

"Sige. Sa susunod punta ka dito ulit. Ipag-luluto kita" this time kay mama naman ako napataas ng kilay. Kelan p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sianligh
Mag sh-shameless promote ako ng isa ko pang story dito. It's called APHRODITE'S FIRST LOVE. JUST CHECK IT OUT ON MY PROFILE. Hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 20: waiting po
Pristinemoon
36 streak #2
Chapter 20: 🥺🥺🥺
Maddox03 #3
Chapter 2: Updateeee plsss
notjoohyunn
#4
Chapter 20: Update pleathhh 🥺
notjoohyunn
#5
Chapter 13: ʕっ•ᴥ•ʔっ
IS2SEULRENE #6
Chapter 20: Gandaaa updaye juseyooo
reuxxxklp
#7
Chapter 20: authornim mag update ka please ang ganda ng stories mo 😭😭
_rtempest
1026 streak #8
Chapter 20: ganda ng mga stories mo otor! waiting w/ respect din dito sa updates mo <3
broke_asf
#9
Chapter 20: Wendy ang Krystal unexpected ship pero nakakakilig sila huhu