[2] V

Bangtan SonyeonDAD

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

V

TGIF - December 5, 2014

 

No Classes

“Dadalhin natin yung bata sa shelter. He cannot stay here. Hinayaan ko lang sya dito for one day. Just one day!” Gusto kong gilitan yung ulo ni Jin hyung habang sinasabi nya sa amin ‘yun. Joke! Natulog si baby sa kwarto naming tatlo, at since good daddy ako, sa tabi ko sya natulog. Medyo inaantok pa nga ako kasi binabantayan ko sya, baka kagatin ng lamok eh. Mahirap na magkasakit ang napakacute na baby. Hindi ba pwedeng ampunin na lang namin ‘tong cute na baby na ‘to?

 

Bitbit ko sya habang natutulog. Ang cute nyang tignan, nagta-thumb sya at kita mong mahimbing ang tulog nya. Cute cutie cute cute!

Hinihintay ko sina hyung na matapos magbihis, dadalhin daw kasi namin si little baby ngayon sa shelter. Ang sabi kasi nila hyung, hindi raw namin kayang alagaan si baby kasi una, busy sila ni Suga hyung sa trabaho nila, ikalawa, sina J-Hope hyung naman at Namjoon hyung fourth year college. Ikatlo, kami ni Jimin third year college samantalang si Kookie, first year college na.

 

Wala raw maiiwan dito kay baby, pero sabi ko naman, uso ang shifting, since half day sina J-Hope hyung at si Namjoon hyung sa umaga, at kami namang tatlo sa hapon. Bakit hindi na lang maging ganun? Tapos may two days day off naman sina Suga hyung at Jin hyung sa work nila kasi hindi naman nila kailangang pumasok dahil si Suga hyung yung may-ari nung dance at recording studio. At may mini business (monkey business joke), ewan ko kung ano business ni Jin hyung. Hehe. Basta meron sya.

 

Sabi naman nina hyung, paano daw yung papeles ni baby, yung pambili ng gatas, pambili ng damit, yung bakuna, yung diaper! Tapos, bawal daw dito bata sabi nung landlady naming matanda. Asarrr! Di ba kami pwedeng lumipat ng bahay? Please, please.

 

Kawawa naman kasi si baby boy, iniwan sya ng magulang nya dito. Uupakan ko kung sinong magulang nito, pero dahil cute sya, hindi na lang.

 

“Ang lungkot ng Taehyung natin ah.” Sabi sa akin ni J-Hope hyung at tinapik ako sa balikat.

 

“Hyung, pwede bang dito na lang siya?”

 

Nagkibit-balikat si hyung, “Hindi pwede, alam mo naman.” Pi-nat ni J-Hope hyung ng marahan yung likod ni baby at ngumiti ito, “Kahit gustuhin pa natin madagdagan ang pamilyang ‘to, masyadong magastos.”

 

“Hyung! Pwede naman ako magpart-time job! Tutulong ako! Kahit ano gagawin ko!” malakas kong sabi, para naman marinig nung mga nagbibihis sa loob.

 

“Shh!” awat sa akin ni hyung, “natutulog si baby.”

 

“Hyung…” kailangan ko pa bang magpacute para hindi namin dalhin si baby sa ampunan o shelter o kung anoman? “Hyung, baka kung mapano yung baby dun? Alam nyo bang sobrang daming babies na inaalagaan dun? Hindi nila mabibigyan ng focus at TLC si baby!” TLC- Tender Loving Care.

 

“V…”

 

“Ang cute cute naman ng baby namin!” nakangiting dumating si Jimin kasama si Kookie. Basang-basa ng pawis yung mga jacket nilang suot. Nagjogging na naman sila. Every Saturday routine nila yun eh, yung sabay magja-jogging. Minsan kasama ako, minsan sina hyung naman. Depende sa mood, “Ang cute cute cuteee!” pinipisil ng mahina ni Jimin yung pisngi ni baby boy.

 

“Uyy! Baka magising!” pigil ko sa kanya.

 

“Ito naman! Ano’t nakabihis? Bibili ng gamit ni baby?” tanong ni Jimin. Kung pwede lang talagang bumili na, bumili na ako. Umiling ako, “Sina hyung, dadalhin daw namin sa shelter si baby.”

 

Nakita kong nag-iba ang timpla ng mukha ni Jimin at alam kong kakampi ko sya. “Jimin!” malungkot kong sabi sa kanya. “I know- iknow.” Simpatya nya sa akin. “Ganun na ba talaga? Wala na ba talaga tayong magagawa? Pwede rin ako magpart-time. Since half day naman tayo, pwede naman tayong mag-alaga sa kanya di ba?” Yun na nga yung point ko, kaso ayaw pa rin nina hyung.

 

“Try natin kausapin sina Suga hyung at Jin, sila lang naman eh.” Sabi ni J-Hope.

 

“So okay lang sa’yo?” tanong ko with matching beautiful eyes. Hehe.

 

“Oo, basta wag lang syang maingay. Ayoko ng maingay.” YES! May pag-asa pa. May chance pa baby!!

 

Umakyat na sina Jimin at Kookie para makapag-ayos ayos. Sakto naman na lumabas sina Jin, Suga at Namjoon hyung.

 

“Namjoon…” tinawag ni Hoseok si Namjoon at parang may binulong ito. Nakita kong nagkibit-balikat lang si Namjoon hyung at saka tumingin sa akin. Puppy eyes lang. Puppy eyes lang V! Puppy eyes! Eepekto yan! YES!

 

Hawak na ni Jin hyung ang susi at nagsusuot na sya ng kanyang sapatos. “Jin.” Tawag ni Namjoon-hyung sa kanya.

 

“Oh?”

 

“Pwede bang dito na lang si baby?” tanong ni Namjoon hyung. Napatigil si Jin hyung sa pagsisintas at tumingin sa amin.

 

“Are you joking?” tanong nya kay Namjoon.

 

“Please.” Segunda ni J-Hope hyung. May puso ang mga kuya ko! Meron sila! Kaya please pumayag ka na!! Huhu!

 

“No.” dahil walang pag-asa kay Jin hyung, kay Suga hyung naman.

 

“Hyuungg~” sabi ko sa kanya.

 

Napapikit sya at tumingin kay Namjoon hyung, “Dali na..” malumanay na sabi ni Namjoon hyung. For the first time, nakita ko syang magbeg kay Suga hyung hahaha!

 

“Please! Shifting na lang gawin natin! Maghahanap ako ng part-time.” Sabi ni J-Hope hyung.

 

“Ako rin hyung!” pagpepresenta ko. Eksakto namang gumalaw si baby boy. “Baby!! Papayagan na tayo ni hyung!! Yiee!” masaya kong inalog-alog si baby sa tuwa. Medyo humihikab pa siya at sinusubo ang kamay nyang maliit. Agad na pumunta si J-Hope hyung para punasan yung kamay ni baby.

 

“Ako rin! Magpapart time!” sigaw ni Jimin hyung mula sa itaas. Kasunod nya si Jungkook na nagpupunas ng basa nitong buhok.

 

“Pero pano yung ….” Hindi na itinuloy ni Jungkook yung sasabihin nya dahil biglang binuksan ng malakas ni Jin hyung ang pinto.

 

“Labas!” sigaw nya sa amin.

 

“What do you mean na labas?” tanong ni Namjoon hyung.

 

“Labas! Lumabas na kayo! Isama nyo yang bata, aalis na tayo.” Mariin nyang sabi. May magagawa pa ba kami? Kung nakakapagsalita lang si baby.

 

“Hyung naman!” sabi ni Namjoon hyung.

 

“Minsan lang tayo magkakachance magka-baby!” sabi ni J-Hope. Pero imbis na sumang-ayon kami, natawa kami bigla.

 

“Hyung naman, yung term mo! Hahaha!” tawa ng tawa si Jimin at napatikom ang bibig ni J-Hope hyung. Tsk, tsk.

 

“Hyung please!” pilit ko pero kasunod na nyang lumabas si Suga hyung. Alam kong ayaw ni Suga hyung sa baby kasi una, maingay, pangalawa, maingay at pangatlo, maingay. In short, ayaw nya ng maingay.

 

“Dalian nyo.” Sabi ni Jin hyung sa akin. Pero hindi ako gumagalaw. Bitbit ko pa rin si baby boy at ang kulit-kulit nya.

 

“Hyung!~” pagpupumilit naming lahat sa kanila. Napakamot sa batok nya si Suga hyung, uyy bibigay na ‘yan! Bibigay na! Yiee!

 

“Ano ba gagawin namin sa inyo?” tanong ni Suga hyung samin. Nakangiti na sina Namjoon hyung at J-Hope hyung. Ibigsabihin kaya nun?

 

“O please.” Bumagsak ang mga balikat ni Jin hyung sa pangungumbinsi sa amin. “Kung ayaw nyo, ako na lang magdadala.” Pumasok si Jin hyung at pilit na kinukuha sa akin si baby.

 

“Umiiyak yung bata!” sigaw ni J-Hope hyung.

 

“Ayoko! Ayoko!” mahigpit ang hawak ko sa bata. Ayoko syang pakawalan, dahil isang beses na matanggal ang kapit ko sa kanya, posibleng mawala na sya ng tuluyan. At ayokong mangyari yun! Kahit pa yung una naming pagkikita’y hindi ganun kaganda kasi inihi—oo inihian nya ako sa mukha.

 

Inaawat na sya nina Namjoon at Jimin hyung pero ayaw pa rin nyang bitiwan si baby. Umiiyak na yung anak ko! Bitiwan mo sya! Joke!

 

“Jin!” nagulat kami nang biglang hinawakan ni Suga hyung yung kamay ni kuya Jin tapos tinanggal nya ito. “Tama na please.”

 

“What?” pagtataka ni Jin hyung.

 

“Alam kong gusto mo rin naman yung baby. Kung lahat naman tayo handang maging daddy para sa kanya, bakit hindi? Magtutulong-tulong naman tayo! Hindi mo pasanin lahat!” napapalakpak si Namjoon hyung sa sinabi ni Suga hyung. “Please.”

 

At sa huling please na ‘yun ay binitawan ni Jin hyung ang baby.

 

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

“Maayos ba seatbelt nyo?” tanong nya sa amin.

 

“Yes hyung.” Masaya naming sagot. Nasa sasakyan kami ni Jin hyung ngayon para ibili ng gamit si baby! Syempre, care of Jin and Suga hyung ang pambili! Wala pa rin kasi kaming nahahanap na part time job.

 

Bitbit ni Jimin si baby boy habang nilalaro-laro ito. “Teka, ano pala name nitong baby?”

 

“Jin.” Sagot ni Jin hyung.

 

“Yuck!” kumunot ang noo ni Suga hyung. “Di bagay.” Dagdag pa nya.

 

“Dapat lang Jin, birthday ko kaya dumating yung bata dito.” Pagpapaliwanag nya samin.

 

Nagpout si Suga hyung at tinignan si baby, “Gusto mo ba ng name na Jin? Gusto ba ng baby?” Wala namang distinct action si baby, “Ayaw nya!” pag-iinterpret ni Suga hyung.

 

“Bakit? Naintindihan mo sinabi nya? May sinabi sya?” tanong ni Jin hyung.

 

“AHA!” biglang sumigaw si Jimin hyung, “Omnom!” suggestion nya.

 

“OMNOM?” tanong ko, bakit naman Omnom?

 

“Omnom, matakaw sya, tignan mo, tindi magthumb oh.” Pinunasan ni Jimin hyung yung pisngi ni baby boy. Ang hirap naman, wala syang pangalan.

 

“Namjoon na lang.” hirit ni Namjoon hyung mula sa likod ng sasakyan.


“Hyung!” tinignan sya ng masama ni J-Hope hyung. Hahaha! Ang kulit nila.

 

After ng road trip namin, namili kami ng mga gamit ni baby boy. Salit-salit kami ng bitbit sa kanya. Ang bigat kasi nya eh. Minsan ako bumubuhat, minsan si J-Hope hyung, minsan si Namjoon-hyung, minsan si Jimin hyung, minsan si Jin hyung (Ayiiee) at minsan si Suga hyung. Ayaw syang buhatin ni Jungkook eh, natatakot ata baka umiyak sa kanya. Hehehe.

 

Diapers, lampin, bagong sapatos, pitong damit na magmumukhang pogi si baby, well good for a week. Feeding bottle, baby vitamins, milk, stroller, crib at baby carrier. Kumpleto na ang set up sa room namin nina Jimin hyung!

 

“Sigurado kayong dito yung baby?” tanong ni Namjoon hyung. “Wala akong tiwala sa inyo eh. Alam nyo naman, medyo careless kayo. Ah…”

 

Inakbayan sya ni J-Hope hyung “No need to worry Namjoonie, kaya namin ‘to!”

 

“Okay, pero kapag may problema…” alangang sabi nya. Ito talagang si hyung oh, parang sya tatay nitong bata. Hahaha!

 

“At since ayaw rin naman nina Jin hyung at Suga hyung ng baby, dito dapat talaga sya samin!” sabi ko. Suminghot naman ng kaunti si Jin hyung, may sipon ba sya o ano? Kung may sipon sya nako! Dapat lumayo sya kay baby, baka mahawa eh.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

“Huy! Gabi na, binabantayan mo pa rin si baby?” tumabi sa akin si Jimin at tinignan si baby V na natutulog. Baby V ang tawag ko sa kanya, tutal, wala pa syang totoong pangalan, V na lang. V junior! Hahaha! Joke lang.

 

“Jimin, sa tingin mo ba magtatagal dito si baby?”

 

“Bakit naman?”

 

“Ahh. Sa tingin mo, hindi sya kukunin ng tunay nyang mga magulang?” pag-aalala kong sabi.

 

“Hindi siguro. Iniwan sya dito eh. Hehe.” Tumayo si Jimin at tinapik ako sa balikat, “O sya, matutulog na ako, matulog ka na rin. Tulog na rin naman si baby.” Tumango lang ako at tinignan si Jimin hyung pumunta ng kama nya at nagtalukbong.

 

Huminga ako ng malalim at lumabas muna para uminom ng gatas. Hindi pa kasi ako inaantok..

 

“Hindi pwedeng magtagal yung bata dito, mahirap pawalan kapag dumating ang mga magulang nya. Ang mga tunay na magulang ng bata. Paano kung bigla syang kunin sa atin? ‘Yun ang ikinakatakot ko.” Natigilan ako sa mga narinig ko mula sa kwarto nina Jin at Suga hyung. May punto si Jin hyung, paano nga kung ganun? Pero di pa naman kaagad babawiin yung bata samin di ba? Hindi pa?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angela_Mae #1
Chapter 5: Update ka na! Ganda nito! Please!
-iKissAndTell #2
Chapter 1: Please update soon :))
kislife #3
looking forward to it <3