[3] SUGA

Bangtan SonyeonDAD

 

SUGA

December 30, 2014 Tuesday

 

V-DAY

 

“Happy Birthday to you!” Birthday ulit ng isa sa amin. Sino pa ba? Edi si daddy V.  Sa mga nakaraang araw, walang babae o lalaking pumupunta rito para sabihing sila ang nanay o tatay nung bata. Ibig sabihin, magtatagal pa sya sa’min dito. Medyo may kaba pa rin kaming bigla syang bawiin ng mga magulang nya. Ang malaking pinag-aalala namin ay si V. Kung ano ang mararamdaman nya kung darating ang mga tunay na magulang ng bata? Feeling namin ni Jin, hindi nya kayang mawalay dun sa bata eh. Unang pagkikita pa lang kasi gustong-gusto na nya yung baby. Tsk. Saka na nga ‘yun. Enjoyin muna namin ang buhay kasama ang bagong myembro ng kulto. HAHAHA! Biro lang. Bagong myembro ng pamilya.

 Ilang araw matapos namin bilhan ng isa pang set ng damit yung baby boy namin, nag-isip na kami ng magandang pangalan.

Jin, Omnom, V, Yui, Zee, Namjoon II, Suga II, Jimin II, at Jungkook II

 

Papatayin ata namin si baby sa dami ng suggestions, pero nagstick to one kami, wala dyan sa mga pangalan na ‘yan ang napili namin.

 

Flashback

 

“Hyung ,eto papel, pag-isipan nating mabuti.” Suggest ni Jimin at inabutan kami ng pen. Kinuha ni Jin ang papel at black pen at isa-isa kaming tinignan. Para kaming nag-time out sa basketball or volleyball team.

“Ganto, Jimin at Jin…” Sinulat nya yung pangalan nilang dalawa ni Jimin sa gilid.

 

“Hyung, anong plano mo?” tanong ni V.

 

“Wag kang magulo!” saway ni Namjoon at nakatingin kaming lahat sa hyung namin.

 

“Kapag pinagsama ang Jin at Jimin, Ji…” tapos ay nagsulat sya ng malaking Ji sa gitna at nilagyan ng arrow yung Jin at Jimin na name na kasusulat lang nya kanina. “IKAW!” tinuro nya si V. “Taehyung, hmmm..” pinitik pitik nya yung ballpen at itinuro si J-Hope, “Taehyung (tunay na pangalan ni V) at Hoseok (J-Hope) … Since parehas kayong may H,….” Sinulat nya ang pangalan ni Taehyung at Hoseok sa gilid at nilagyan ng arrow papunta dun sa H na malaki na itinabi nya sa JI na nasa gitna.

 

“Wag kang magulo V! Ang panget na ng sulat ko!” reklamo ni Jin Hyung, tinutulak kasi sya ni V mula sa kanan at pilit syang sumisingit para makita yung papel. Muli ay tumingin sya sa amin ni Jungkook.

 

“Ano nga pala pangalan mo?” tanong nya sa akin. “Yoongi.” Sagot ko naman.

 

“Yoongi at Jungkook hyung! May parehong double O!” nakangiting sabi ni Jimin.

 

“WOW! Tumatalino ka Jimin ah!” bati ni Jin sa kanya at sinulat ang dalawang malaking O at ang pangalan namin with arrows patungo dun sa O na ‘yun.

 

“Jihoo?” tanong ni Jungkook.

 

“Di ba bading ‘yun?” tanong ni V.

 

“Huy!” saway ni J-Hope.

 

“Ako pa! Ako pa! Wala pa akong pangalan!” pagvovolunteer ni Namjoon na may hawak na red pen parehas ng akin. “O-O!” ginuhitan ni Namjoon ng red pen yung dalawang o.

 

“HOOOY! Akin na!” inagaw ulit ni Jin at sinulat ang pangalan ni Namjoon sa at isang malaking letter N sa dulo ng JIHOO. “JIHOON!” nakangiti sya. Wow! Ang galing ni Jin hyung. Biruin mo yung napag-sama-sama nya names namin?

 

“Hehehe.”

 

Kinuha ni V yung papel at tinignan, kinuha nya yung itim na pen at may sinulat syang hindi ko nakita. Tapos ay nagtatawa si Jin pati sina Jungkook.

 

“Ano ba meron? Patinigin ako!” sigaw ko sa kanila, sinosolo kasi nila yung papel.

 

“Hyung, you better not see it. hahaha!” tawa ng tawa si Namjoon at kanya-kanya na sila ng sulat hanggang sa nagcrumpled yung paper at nanakbo sila paalis. Pinulot ko yung papel na kanina lang ay sinusulatan namin at sumakit ang ulo ko yung makita ko yung ma nakasulat.

 

“YOONGI” at sa tabi ay may “LAGID” kapag binasa mo ng diretso, “YOONGILAGID.” GILAGID PALA AH!!” binura ko yung nakasulat na lagid tapos binura ko rin yung mga kalokohang pinagsusulat ni V. Kamalas ko nga lang, pawala na yung tinta nung red pen! Hayup, kita ko pa rin yung “LAGID”.

Yung cute, binura ko, malakas kutob ko na si Vlang magsusulat ng ganun.. Tapos may blue pen rin, ang alam ko si Jungkook yung may hawak nun. At ang tanging nagsulat ng GOT NO JAMS sa name ni Jimin ay yung isa pang may pulang pen kagaya ko. Sino pa ba? Edi yung taong pinagpipilitang yung ‘OON’ sa name ni JiHoon ay kanya… Okay.

 

THIS IS WHAT THE PAPER LOOKS LIKE.. OKAY...

 

 

End of Flashback

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

At ganun na nga, natapos ang pagpapangalan namin sa kanya. Si baby JiHoon. Ang pogi ng name di ba? Parang ako. Hehe! Biro lang. Hindi ko na maalala kung saan ko nailagay yung papel na ‘yun. Sana walang ibang taong makakita, kundi patay ang gilagid ko.

 

Hindi pa naman ganun kasakit ang ulo ko. Hindi naman masyadong nag-iingay yung baby pero sina Jimin, J-Hope at V lang talaga ang kailangan kong sawayin ng sawayin. May isang araw pa nga na binitbit ni V papunta sa terrace si JiHoon tas doon hinagis-hagis. Halos mawalan ng malay sa kaba si Jin nun na nagsasampay ng mga bagong labang damit sa ginagawa ni V eh. At in the end, pinagalitan ni Jin si V at hindi sya nakakain ng coffee jelly dessert sa dinner namin nun.

 

Meron pang oras na iniwan ni Jimin yung niluluto nyang noodles kasi umiyak si JiHoon at muntikan nang masunog ang buong kusina namin. Mabuti na lang at nandoon si Jungkook at napatay nya kaagad yung apoy.

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

December 25, 2014

 

Naiwan ako, si Jin, at Jungkook sa bahay. Hindi kasi nakasama si Jungkook sa family outing nila nun kasi may concert syang pinuntahan. Christmas concert ata ng paborito nyang group na Big Bang o ni IU ‘yung pinuntahan nya. In short, kami na lang ni room mate ko ang naiwan at sa kwarto muna namin naiwan si baby. Mabuti na lang at hindi ngumawa ng sobra si baby JiHoon kundi baka naibato ko na rin sya sa terrace. Haha! Biro lang.

Mahirap rin pala mag-alaga ng bata lalo na kung hindi ka sanay, buti na lang at nandun si Jin para magpalit ng diapers at magtimpla ng gatas. At may naaccomplish rin naman ako kahit papano. Natutunan ko kung paano maglagay ng lampin. Oha?! Natuto rin akong magpatahan ng bata. Tapos natuto rin akong magpalit ng damit nya pati punda ng unan nya at kumot.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

 

“BULAGA!” nilalaro ni V si JiHoon at tawa naman ng tawa yung bata. Kung ano-anong klaseng mukha kasi pinapakita sa kanya ni V eh.

 

“Baka mahipan ka ng malakas na hangin at maging permanent na yang mukha mo.” Sabi ko, lumingon sya sa akin at hindi ko maipaliwanag yung itsura nya, para syang nakatira ng kung ano. “Hindi naman kaya matakot si baby JiHoon dyan?”

 

“Hindi hyung, tatawa sya!” at lumingon sya ng ganun ang itsura kay JiHoon, “TATAWA SYAAA!” at ganun na nga, tumawa ulit si JiHoon.

 

“JiHoonieeee!! Hoonieee!” bigla syang binuhat ni V tapos niyakap.

 

“Hoy! Di kaya maipit ‘yan? Di na makahinga!” awat ko.

 

“Ano ka ba hyung! Kaya ko ‘to!” sabi nya sa akin. Lumapit naman sa amin si Namjoon at kinuha si JiHoon kay V. Masasakal na kasi sa yakap eh.

 

Bitbit ni Namjoon si JiHoon, “What’s up baby? How are you? Do you wanna learn how to rap?” tanong ni Namjoon sa kanya.

 

“Hey hey!” sabi ni V, “Ako magtuturo sa kanya ng rap!” pagvovolunteer nito.

 

Napasapo na lang ako sa mukha ko. Kakaiba talaga ‘tong si V. Hindi ko alam kung nagpapatawa ba sya o seryoso sya sa sinasabi nyang tuturuan nyang mag-rap si JiHoon, e hindi pa nga marunong magsalita yung bata.

 

“Jihooniiee!” tumatakbong basa ng pawis si Jimin at Jungkook at akmang yayakapin nila ang bata. Naglaro na naman yung dalawa sa labas. Hindi man lang sinabi sa’kin. Sabagay, matatalo ko kasi sila. Hahaha!


“HEY HEY!” iniwas ni Namjoon si baby JiHoon sa dalawa, “Amoy pawis kayo, maligo na kayo tapos magbihis!”saway nya sa dalawa. Nakita kong nalungkot ang mukha nina Jungkook at dali-dali silang umakyat sa hagdan. Tumigil muna sina Jungkook at Jimin sa gitna, “Wait ka lang baby Hoonieeee!!” at kumaripas sila ng takbo.

 

Tinawag kami ni Jin para kumain na ng mga inihandang potahe, kasi nga birthday ni V.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

“BUSOG AKO HYUNG!!” hinihimas ni J-Hope yung tyan nya, ganun rin sina Jimin at Jungkook.

Nakakunot ang noo ni Jungkook, “Pati ako pagod na pagod. Bakit walang kapaguran yang si JiHoon? Tawa lang ng tawa. Kahit ano gawin mo oh! Gising na gising pa!” tinuro ni Kookie si JiHoon na nakahiga lang sa crib nito at parang sumusuntok sa hangin.

 

“Mapapagod rin ‘yan.” Sabay lagay ni Jin sa center table ng chichirya at inumin.

 

“Hindi pa ba tayo tapos?!” tanong ni Jimin.

 

“Ayoko na kumain hyung!!” sabi ni Jungkook.

 

“Kumain ka! Makakabuti sa ilong mo ‘yan!” sabi ni Jin.

 

“HAHAHA!”

 

“Grabe, ilong ko na naman.” Takip ni Jungkook sa ilong nya at kumuha ng kapirasong crackers at sinubo ito.

 

“AYAN! Akala ko ba ayaw mo na? Bakit kumakain ka pa?!” nakangiting tanong ni Namjoon.

 

“Sabi kasi ni Jin hyung kumain ako eh!” pagpapaliwanag nya.

 

“E sinunod mo naman?” tanong ni J-Hope.

 

“Masamang tumanggi sa grasya hyung. Hehe” sagot ni Kookie at kumuha ulit. Walang katapusang kainan ata ‘to! Parang-awa!!

 

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

December 31, 2014

 

Bumili lang kami ng konting fireworks. Di na raw kasi kami pwedeng magpaputok ng sobrang daming firecrackers kasi may baby, sabi ni Jin appa. Hahaha! Napapansin ko na ring may namumuong concern sa kanya. Kinakareer na rin eh! Aayaw-ayaw nung una, gusto rin pala! Utoot! Hahaha!

 

Si Jungkook naman ang wala ng New Year at lahat kami magkakasama sa bahay. Pinagbawalan ring lumapit muna si V kay baby kasi may sipon sya. Dahil siguro sa bugbog na rin yung katawan nya sa part-time job nya at pag-aalaga kay JiHoon. Sa kwarto muna sya ni Namjoon at Kookie since wala naman si Kookie sa bahay at si Namjoon lang mag-isa sa kwarto nya. Sa ganung paraan, di mahahawa si JiHoon sa kanya.

 

“HYUNG HYUNG!!” kumakaripas ng takbo pababa si J-Hope. Sya kasi naiwan sa itaas para patulugin si baby.

 

“Bakit?” tanong ko.

 

“Si JiHoon, hindi pa rin natutulog, iyak sya ng iyak, pinapa dede ko naman kaso ayaw..” natatarantang sabi nito. Umakyat kami ni Namjoon para tignan si JiHoon.

 

Umiiyak nga ito’t namumula. Hinawakan sya ni Namjoon, “Hindi…”

 

“Bakit?” Tanong ni J-Hope.

 

“May lagnat ata sya.” Sagot ni Namjoon.

 Agad akong lumapit at hinawakan si JiHoon.“Oo nga! Tawagin nyo si Jin, ihatid nyo sya sa ospital! Dalian nyo! Hindi tayo pwedeng magbigay ng kung ano lang, bata ‘to!” at dali-dali syang bumaba para sabihin kay Jin hyung ang nangyari.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angela_Mae #1
Chapter 5: Update ka na! Ganda nito! Please!
-iKissAndTell #2
Chapter 1: Please update soon :))
kislife #3
looking forward to it <3