[JUNGKOOK]

Bangtan SonyeonDAD

JUNGKOOK

 

January 24, 2015

Saturday Holiday

 

From the land of stalactites and stalagmites where the bats liveby. What a wonderful day to post a dubsmash with Jimin hyung! Haha! Napakatrying hard kong mag-english!! At least nagta-try ako, kahit alam ko sa sarili kong ito ang pinakamababa kong subject. Huhu, anyone who can teach me how to English? Ahaha!  Alam ko mali grammar ko. Nacheck ko na kani-kanina lang.

Actually, yayayain ko sana magdubsmash si Jimin hyung pero wala. Pagpasok ko ng kwarto nila, nandun sya’t kalaro si JiHoon. Lagi namang ganun eh. After naming magjogging laging si Jihoon ang pinupuntahan nya. Last week yung pangako nyang maglalaro kami ng Wii, hindi natuloy kasi sabi nya mas importateng mabantayan si JiHoon. Tapos ang laruin na lang daw namin e si JiHoon. Si JiHoon, si JiHoon, lagi na lang si JiHoon! Paano naman ako?

 

At dahil boring, nagdubsmash na lang akong mag-isa. Bahala si Jimin hyung sa buhay nya! Hmp! Yung iba ko namang hyung dito may kanya-kanyang ginagawa sa buhay nila, si Namjoon hyung busy sa pagsusulat ng script daw ng drama ba nya ‘yun o ano? Hula ko, nakakaiyak na naman yung gagawin nya at tutulugan ko na naman para hindi masabing naiyak ako. Haha! Maliit na bagay!

Si V hyung naman e ayon, gumagawa ng homework nya. ‘Wag ko raw syang istorbohin dahil baka mabato nya ako ng sapatos na kabibigay lang sa kanya ng nanay nya. Masungit! May dalaw ata. Tapos naman si Jin hyung, may tinatype sa laptop nya. Hindi ko alam kung ano pero last time ako yung pinakuha nya ng litrato nung nagluluto sya. Baka ilagay nya sa cooking blog nya. Recently, nagsimula ang pagkahilig nya sa pagb-blog about sa pagluluto nya. Proud sya eh! Haha!

 

Si J-Hope hyung, ayun, may practice daw sila ng sayaw sa perya. Haha joke lang! Dance contest daw, tapos yung share nya sa mapapanalunan dun, para daw kay JiHoon. Tss. JiHoon na naman! Paano naman si Jungkook?! Parang kailan lang ako ang pinakabata dito sa bahay. Ngayon, nasa kanya na ang atensyon! Nung una naman okay lang sa akin eh. Kaso parang sumusobra na! Ayoko na.

 

At si Suga hyung… ohhh… Oo nga! Wala syang ginagawa ngayon! Tamad ‘yun eh! Malamang nasa kusina yun at naghahalukay ng makakain. Nanakbo ako papunta sa kitchen at nandoon nga siya, inaayos nya yung laman ng ref namin. “Hyung, anong hinahanap mo?”

 

“Hmm. tinatanggal ko na yung ibang pagkain. Di na naman natin makakain, yung iba, mukhang panis na.” seryoso ang sagot nya. Hmm. pwede ko kaya syang maisama sa dubsmash ko?

“Ah hyung!” ipapakita ko pa lang yung screen ng phone ko nung tumigil sya sa pag-uusisa sa ref. Tumingin sya sa akin at umiling. Ganun na ba? Rejected na ba ako? Isang try pa lang naman eh.

 


“Hyung… dubsma---“

 

“No!” sagot ni Suga hyung. Nakakainis naman oh! Makaalis na nga sa bahay na ‘to!

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

Tubig.

 

Tubig.

 

Tubig.

 

Puro tubig ang nakikita ko. Agos ng tubig ng han river. Ma-try ko ngang tumalon dito, mapapansin kaya ako nila hyung? Sumilip ako’t susubukan ko sanang tumalon pero agad akong kinilabutan kaya bumalik na lang ako sa pwesto ko’t natulala na naman sa tubig.

 

Naalimpungatan ako nung may biglang bumato sa parte ng tubig na tinititigan ko. Tinignan ko kung saan nanggaling at nakita ko si Halla na nakatayo sa tabi ko. “Titig na titig ah? Malaking bagay ba?” tanong nya sa akin, ibinuka nya ang palad nyang may mga maliliit na bato at inialok ‘yun sa akin.

 

“Hindi. Maliit na bagay.” Sagot ko at kumuha ng bato sabay itinapon sa tubig.

 

“Tss. May bayad ‘yon!” galit nyang sabi at umupo sa tabi ko. “Bayad mo! Jade ‘yon! Mahal!” paniningil nya sa akin. Baliw talaga ‘tong babaeng ‘to! Kung umasta parang lalaki eh.

 

“Utut mo! Kailan naging jade ang graba?” sagot ko sa kanya. Muli ay tahimik na naman ang paligid at tinitignan ko na naman ang tubig.. tubig.. tubig.. pero sa pagkakataong ito, kasama ko si Halla na tumititig rin sa tubig.

“Sigurado kang maliit na bagay?” tanong nya ulit sa akin.

 

“Hmm.. oo maliit. Maliit ‘yun eh.” Sinukat-sukat ko sa braso ko ang laki ni JiHoon. Maliit naman.

 


“Hahaha! Kung maliit na bagay, hindi dapat pinoproblema.” Sabi nya sa akin habang nakangiti. Ginagago ba ako nito o ano? Kita na ngang namomroblema ako sa ma----- maliit na bagay eh. Tinignan nya ako sa mukha at unti-unti syang lumapit.

 

“Ba-bakit?” tanong ko sa kanya.

 


“Malaki problema mo. Kitang-kita ko sa ilong mo! Hahahaha!” tumawa sya ng sobrang lakas. Hindi lang malakas, pati tonsil nya kita ko na, ngala-ngala, lahat ng ngipin. Pati siguro bituka nya kita ko na. Nakakahiya!

 

“Hoy psst! Tumahimik ka nga! Nilait mo na naman ilong ko eh!” sabi ko sa kanya.

 

“Di ah, gusto ko nga yang ilong mo.” Huh?

 

“Gusto ko yung ilong mo, malaki. Penge naman ako hahaha!” tss! Mapang-asar.

 

“Dun ka na nga sa bahay mo!! Sa dinami-rami ng taong pwede kong makita dito, ikaw pa!” reklamo ko sa kanya. Bad trip na nga ako sa bahay, hanggang dito ba naman, bad trip pa rin?

 

“Haha! Biro lang, ano ka ba?!” hinampas nya ng malakas ang braso ko. Maton pa sa maton! Feeling ko magkalahi sila ni Jin-ye noona, Amazona. “Tell me your problem.”

 

At doon sinimulan ko nang sabihin sa kanya ang lahat. Alam kong mapagkakatiwalaan ko ‘tong si Halla kahit minsan e loka-loka sya. May tiwala naman ako sa kanya eh, since grade school, best friend ko na sya at hanggang dito sa Seoul, sinundan nya ako. Joke! Hanggang dito sa Seoul magkasama pa rin kami. Sa girl’s dorm nga lang sya nakatira. Mga twelve minutes away sa dorm namin.

 

“Ahhh…” tumatango-tango lang sya. Letse inubos ko laway ko ng isang oras mahigit makwento ko lang ng buo sa kanya tapos tanging “Ahhh…” lang isasagot nya sa akin? Nakakainis naman oh! Sayang effort! Ganto rin kasi yung feeling na nagtatype ako sa facebook nung nag-uusap kami noon, andami-dami kong sinabi sa kanya, ang sinagot lang nya sa akin, dalawa. Hindi dalawang salita. Dalawang letra. “Ok” ang saya di ba? -_-

 

Kung pwede lang itulak ko sya sa tubig ginawa ko na, “Salamat sa sagot mo ah, malaking tulong ka talaga! Hanep!” sabi ko sa kanya tapos natawa na naman sya. Teka lang ah, entertainment section ba ako? Entertainment portal? Pang comedy bar? Ganun? Haha.

 

“Baliw!” wow! One word with five letters with matching one exclamation mark! Nag-iimprove si Halla! Jusko naman po. “Biro lang, alam mo, kulang ka lang sa pansin. HAHAHAHA!”

 

“Oo na, ako na kulang sa pansin. Ako na!” kumuha ako ng bato at binato na naman yung tubig. Di ba pwedeng noo na lang nya batuhin ko? Haha! Joke lang.

 

“Jungkook, mas bata sa’yo yun! Natural kailangan nya ng atensyon! At ikaw, hindi ka na bata. Mag-isip-isip ka nga.” Nag-iisip naman ako eh. Nag-iisip ngayon, pinapalala mo pa nga. Asar. Pabili nga ng kausap!

 

“At ikaw, bilang kuya, kailangan mong intindihin na ganun talaga. Maki-join ka na lang!” dagdag pa nya. E sa ayoko! Hindi pa rin ako nagsasalita. Nakakapagod kaya yung magkwento ako ng magkwento kanina. Sya naman pagsasalitain ko ng mahaba.

 

“Hahaha! Alam mo, parang dubsmash lang ‘yan. Jungkook, nakakain ba ‘yan?”

 

“Hindi.”

 

“O hindi naman pala! Pwede mong ipagpaliban. Hayaan mo yung si Suga oppa, may purpose yung ginagawa nya, yung sa’yo wala.”

 

“Halla!” nakakainis!

“Okay. Okay! Kalma.” Sagot nya sa akin habang nakataas ang dalawa nyang kamay. Inikot nya ang suot nyang sombrero. Snapback. Tss.tomboy talaga.

“Purpose nyan na mapasaya ka.” Sagot nya. Tama.. mapasaya ako. Ilang segundo lang naman ang kailangan ko sa kanila, hindi pa nila mabigay. Nakakainis!

 

“Haha! Nagkataon lang na busy ang mga hyung mo, ‘wag mo na pagselosan yung bata. Walang kasalanan si Hoonie.”

 

“Wow! Nakiki-hoonie ka na!”

 

“Oo. Feeling close nga ako eh hahaha! Joke lang.” sagot nya sa akin.

 

“Ok. Fine. Wala kang kwentang kausap.” Sarkastiko kong sabi. Pero sa totoo lang nakatulong sya. Nakatulong sya kung paano ko mailabas ang lahat ng galit ko. Biruin mo ‘yun may nakinig sa akin for one hour and more sa pagsasalita ko? At take note: Hindi sya natulog. Hehe.

 

“Alam ko naman yon french bread.” French bread? “Basta.kung kailangan mo ng kausap, nandito lang is me.” Isa pa ‘tong jeje kausap eh. -__-

 

“Okay okay. Sige.” Sagot ko.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

Bago ako umuwi, nagpalibre muna si Halla ng ice cream. Tss. Wala na nga akong dubsmash, nakaltasan pa pera ko. Ang pogi mo talaga Jeon Jungkook!

 

Pagdating ko sa bahay, nandoon si Jin hyung sa may pinto. Nakahalukipkip sya’t nakasalubong ang dalawang kilay. Medyo duling ang mata. Peace! Alam kong sermon ang abot ko. Alas sais na kasi ng gabi ako dumating. “Anong oras na?” tanong nya sa akin nung makatayo ako sa harapan nya. Nakaharang sya sa pintuan at wala ata syang balak na papasukin ako.

 

“Six.”

 

“Six ka dyan! Six thirty na!” pasigaw nyang sabi. Medyo piyok-piyok. Nagbibinata si Hyung. O nalimutang magvocalize. Hehe.

 

“Sorry.” Napakamot ako sa batok ko.

 

“Tumatawag kami sa phone mo, pero hindi mo sinasagot. Hindi ka man lang naglunch!” galit na sabi nya sa akin. Oo nga no? Di ko napansing di pala ako nakapaglunch? Nadala ako sa kwentuhan namin ni Halla.

 

“Sorry hyung, nakasilent mode yung phone ko.” Pinakita ko sa kanyang nakasilent mode nga at nandun yung number ng missed calls at messages nila sa akin.

 

“San ka galing?” nakita kong nakasilip sa bintana si J-Hope hyung at Jimin hyung at tinitignan ako. Pero di ko na lang sila pinansin.

 

“Sa may han river.”

 

“HAN RIVER? Ikaw lang mag-isa?” tanong ni Jin hyung.

 


“Ako lang dapat pero dumating bigla si Halla. Ayun.” Sagot ko sa kanya. Kilala ni Jin hyung si Halla, extremely opposites sila. Kung si Jin hyung pabebe, si Halla papogi. Ganyan. Pero close naman sila unlike ni Jin-ye noona na ayon, type ni Jin hyung pero hindi sya type tapos ako naman kay.. okay nevermind.

 

“Tss. Pasalamat na lang ako’t may kasama ka kanina. Ano bang nakain mo’t hindi ka man lang nagparamdam?”

 

“Ikaw, busy ka sa pagtatype sa blog mo, si Jimin hyung kay JiHoon, si V hyung sa homework nya, si J-Hope hyung sa dance practice nya, si Namjoon hyung sa script nya, si Suga hyung sa pagkain! Walang pumapansin sa akin! Nakakainis kaya umalis ako!” halos tumulo ang luha ko sa inis pero kailangan kong pigilan. Lalaki ka Jungkook! Lalaki ka! Macho gwapito!

Nakita kong hindi lang sina J-Hope hyung at Jimin hyung ang nakasilip. Lahat na sila ay nasa may bintana. “Hyung, walang pumapansin sa akin kanina. Lahat kayo busy. Ayaw nyo akong pansinin.”

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

Mabuti’t pinapasok ako ni Jin hyung sa bahay. Tapos na kami kumain ng dinner at pinagpapahinga ko na yung bibig ko. Ang daldal ko ata ngayon, nagamit ko buong muscle ko sa mukha ko. Nanonood kami lahat ng tv habang natutulog si JiHoon sa crib nya. Sorry JiHoon, sorry at pinagselosan kita. Tama nga siguro si Halla, matanda na ako at hindi ako dapat magselos. ‘Wag kang mag-alala, magiging good kuya ako sa’yo, fighting!

 

“Kookie, ano ba yung sinasabi mong gusto mong gawin kanina?” tanong sa akin ni V hyung.

 

“Dubsmash.” Matipid kong sagot.

 

“Ahh! Sorry. Ang hirap kasi nung homework. Tatlong homework yung ginagawa ko eh, sobrang hirap nung isang problem sa math inabot ako ng dalawang oras. Isang item lang yun ah! Sana tama yung sagot ko.” Napangiti kami sa sinabi nya, sana nga tama yung sagot nya, kundi sayang ang effort nya.

 

“Ano yun ano yun?” nakafocus kasi sa pinapanood nya si Suga hyung.

 

“Ano, kasi kanina di ba kinausap kita hyung..” putol ko sa sinabi ko’t tumango naman sya, “Kasi yayayain sana kitang magdubsmash.”

 

“Ahhh!” napatango naman sya at tumingin sa akin.

 

“Kookie.”

 

“Hmm?”

 

“Ano yung dubsmash?” --__-- Suga hyung naman eh!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angela_Mae #1
Chapter 5: Update ka na! Ganda nito! Please!
-iKissAndTell #2
Chapter 1: Please update soon :))
kislife #3
looking forward to it <3