[SWAG]

Bangtan SonyeonDAD

SUGA

 

January 27, 2015

10:15 am Tuesday

 

Ohh, ito pala yung Scarlett Johansson, hmm..

 

Kinikilatis ko ang mga ideal type ng mga taong nakatira rito maliban sa type ni JiHoon, di pa uso sa kanya ang mga ide-ideal. At itong si Scarlett na may malaking future ang tinitignan ko. Si Jin hyung talaga oh! Akala ko ba yung pinsan ni Namjoon ang type nya? Pero alam nyo, naniniwala ako na madalas malayo sa ideal type ng mga tao ang nakakatuluyan nila.

Sabi nga nila, “You just never know, until you know.” Quite precise but hard to explain.Para maging successful ang isang relasyon, kailangan unang-una ang compatibility. Kung bagay ba kayo o palagay sa isa’t isa. Ano ang mga gusto at ayaw nyo, nagkakasundo ba kayo sa mga gantong bagay o hindi? At isa sa pinaka-importanteng tandaan ng mga tao ay ang ‘oras’ ang ‘timing’, hindi lang dahil sa parehas kayo ng gusto kundi dapat parehas kayo ng gusto at the same time.

Wow! Ang dami kong sinasabi. Haha! Nabasa ko lang naman ‘yan. Sana kapulutan ko at ng mga kaibigan ko ng aral. Haha! Hindi kasi dapat minamadali ang lahat. Oh! Ang pogi mo Suga! Ang pogi mo talaga!

Mga ilang araw na ang nakakaraan mula nung asarin nila ako kasi hindi ko alam yung dubsmash. Kakaturo lang sa akin nina V at Jungkook kung paano ‘yun at nakakawala sya ng ‘swag’. Laking hiya ko pa nung inupload nina Jungkook sa facebook account nya yung dubsmash ko. Sabi pa nya, “Hyung, blockbuster hit ang dubsmash mo! Daig pa ang Titanic eh! Biruin mo yun, 11,421 likes , 5478 shares and 16,654 comments!” -_-

Hindi ako naniniwala kasi hindi naman kapanipaniwala yun dahil konti lang naman ang friends ni Jungkook sa facebook. Pero sabi ni V, nakapublic raw yung post kaya kahit sino pwedeng makakita. Pero agad kong ipinadelete kay Jungkook ‘yung dubsmash ko. Kung hindi ko pa sinabing ipapaputol ko ang koneksyon ng internet, hindi pa nya buburahin. Kung gusto nyong makita kung ano yung dinubsmash ko, isipin nyo na lang, ham ‘yan.

 

Umulan ang notifications ko sa facebook, puro friend requests ng kung sino-sinong nilalang. Mga taong hindi ko alam na nag-eexist pala. May mga BH0zh bh3hbe Kq, Cutie bebe, at kung ano-ano pang hindi ko maintindihan na salita. May lalaki, may babae, may binabae, may babaeng mukhang lalaki, may transgender, at may taong mukhang hayop. Ni isa’y wala akong kakilala, yung iba mutual friends ko kay Jungkook at V pero hindi ko pa rin inaccept. Mamaya’y mainvade pa ang privacy ko’t makita nila ang mga ‘swag’ kong posts. Hehe.

 

At dahil sa kalokohan ni Jungkook at V na nag-pauso ng pags-share ng dubsmash ko, sa tulong ni Jin hyung, J-Hope at Namjoon, pinagbawalan namin silang gumamit ng internet for one week! Binago namin ang password ng wifi kaya naman wala talaga silang access. Kapag may homework o research sila, kailangang bantayan namin ni Jin para hindi sila makapag-open ng accounts nila sa kahit anong social networking sites. Disiplina. ‘Yan ang kailangan nila. Haha.

 

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin binubuksan yung facebook ko, may nagpost kasi sa timeline ko na classmate ko nung highschool, “WOW! YOONGI! Sikat ka na! Pa-autograph naman sa gums mo!”

 

Nung bumungad ‘yun sa wall ko, bigla na lang akong naglog-out. Paano ba naman kasi, 23 comments na yung nandun sa post at 57 likes. WOW!

 

Nakaupo si JiHoon sa mga hita ko at nakatingin lang sya sa gumagalaw kong daliri habang tinatype ko ang pangalan ng ideal girl ni V. Kaya Scodelario daw, yung artistang kasama ni Lee Hong Ki dun sa Maze Runner. Tinapik ko yung screen at itinuro ko yung Kaya, “JiHoon, kilatisin mo ang type ni V. Maganda ba?” tanong ko sa kanya. Alam ko namang hindi matino ang isasagot nya dahil malay ba nya sa maganda. Pero sya lang ang tanging kausap ko rito sa kwarto kaya hinihintay kong may sabihin sya kahit, appa lang o mamam o ano.

 

“Maganda ba?” tanong ko ulit sa kanya pero subo lang nya ang daliri nya’t hinahawak ang basa nyang kamay sa braso ko. NO! May pure white and healthy skin!! Di bale, hugasan ko na lang mamaya. At dahil hindi pa uso sa akin ang pagligo ngayon, mamaya ko na lang sya kukuskusin ng mabuti hahaha! Dahil walang sparks sa mata ni JiHoon. (Haha sparks) Hindi sya nagandahan.

 

“MIN SUUUUGAAAAA!!!” isang malakas at makapanindig balahibong boses ang tumawag sa akin. Hinawakan ko agad si JiHoon at isinara ang laptop. May delivery na naman ng milk. Haha! At si Jin-ye yun, ang girlfriend ni Jin hyung na si Jin hyung lang ang may alam at kami syempre.

 

“Da-da! Da! Da! Da!” bitbit na naman nya si Daehan at paakyat na sya rito para paglaruin sila ni JiHoon. Aww! Akala ko pa naman masosolo ko na si JiHoon ngayon. Nung magbukas ang pinto’t nakita ko na si Jin-ye at si Daehan agad na nagpupumiglas si JiHoon kaya inilapag ko sya sa sahig at gumapang-gapang na sya. Binaba rin ni Jin-ye si Daehan sa sahig at nakita ko ang maala-romantic drama na pagkikita ng dalawang nag-iibigan. Ang problema lang, bata silang dalawa at kapwa lalaki sila. Di bale, open naman ako sa boy to boy relationship. HAHAHA! Biro lang.

 

Hinayaan naming maglaro ng kung ano-ano yung dalawa. Mabuti’t hindi sila nagsasampalan o ano. Bakit ba sampal agad pumasok sa isip ko? Di ba dapat suntok? Haha! “Kinausap ko si Jinbading kung pwede kong iakyat dito si Daehan. Pwede naman daw, sorry kung nakaabala kami sa’yo. May importante ka bang ginagawa?” tanong ni Jin-ye sa’kin.

 

Hindi, meron, wala. Naghahanap lang ako ng babae sa google. Nothing really important. “Oo, sobrang busy ko, gumagawa ako ng report.” Sabi ko sa kanya.

 

“Aww! Sorry” she looked so upset. Haha! “Sorry talaga sa abala.”

 

“Hahaha! No problem! Ok lang, at least nalilibang si JiHoon sa ibang bagay. Basa na rin kasi yung braso ko ng laway nya hahaha!” natawa naman sya kahit papano sa mga sinabi ko.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

4:14 pm

 

“Here comes the airplane!!” sabi ni V habang pinapaikot-ikot sa dalawang bata yung laruang eroplano. Tuwang-tuwa naman ang mga loko-loko at enjoy na enjoy sa itsura ni V.

 

“Alam mo V, pwede ka na maging tatay.” Bati ni Jin-Ye sa kanya. Binatukan naman sya ni Jin gamit ang kamay nitong naka-kitchen gloves pa.

 

“Aray naman!” hinataw naman nya sa hita si Jin bilang ganti.

 

“Kung ano-anong sinasabi mo dyan kay V. Kapag naging batang ama talaga ‘yan, ikaw ang sisisihin ko!” galit na sabi ni Jin hyung.

 

“Utot mo! Parang gagawin naman ‘yun ni V! Alam kong matinong bata ang kausap ko.” Sagot ni Jin-ye.

 

“Hahaha! Si noona talaga o! Kapag nagka-anak ako, ikaw ninang.” Nakangiting sabi ni V.

 

“Huhu! Ang cute mo talaga V!!” lumapit sa kanya si Jin-ye at pinisil ang pisngi ni V. May kutob talaga akong may pagnanasa ‘tong si Jin-ye kay V. Pedo…

 

“HOOOOOYYY!!” agad pinisil ni Jin hyung ang pisngi ni Jin-ye . “Bata pa ‘yan!”

 

“E ano naman?” banat na banat ang pisngi ni Jin-ye sa paghila ni Jin-hyung.

 

“Ako na lang.” banat ni Jin hyung.

 

“WHOA!” napapalakpak si Jimin na katabi ko’t nanonood lang. At para naman kaming tanga ni Namjoon na masakit na ang tyan dahil kanina pa kami hindi nagmemeryenda. Sa totoo lang, sa ka-sweetness-an ni Jin hyung, ang sarap nyang kainin! Jusko TT__TT Tomguts na talaga ako!

 

“Kadiri ka Jin hyung! ‘Wag kang mangarap ng gising! Hahaha!” sabi ni Jungkook habang hawak yung rattle ni JiHoon.

 

Gumapang sa kanya si JiHoon at pilit na kinukuha yung rattle na hawak nya. , “Ayoko sa bading.” Sagot ni Jin-ye kay Jin sabay tingin kay V na nakangiti lang kay Jin-ye.

 

‘Yung totoo? Anong klaseng landian ang meron? Bakit ako wala? Bigyan nyo nga ako? Hahaha! Joke. “Jin-hyung, alam naman nating mas gwapo ako at mas y sa’yo. Mas lalaki pa. Talo ka talaga.” Pang-aasar ni V kay Jin pero binato sya ni Jin ng unan.

 

“Tss! Makaalis na nga! Maglalagay pa ako ng milk sa feeding bottle!” at nagmamadaling nag-walk out si Jin Hyung.

 

“Lakas tama talaga ni hyung no?” tanong ni Jimin sa amin.

 

“Mukha nga.” Sagot ko.

 

“Si Jin-ye kasi, masyadong paganda. Tss” sabi ni Namjoon, pero narinig yun nung amazonang Jin at hinampas agad si Namjoon sa tuhod. “AWW!”

“Success!!” masayang masayang lumabas ng cr si J-Hope habang nakangiti sya sa amin. Pinupunas nya ang mga basa nyang kamay sa gilid ng short nya.

 

“Naks naman hyung! Ang saya ah!” bati ni Jimin sa kanya habang paupo si J-Hope patabi  sa akin.

 

“Oo nga eh. Ang hirap palubugin! Pinagpawisan ako.” Medyo nagpaypay sya gamit ang kanang kamay nya.

 

“Tss. Kaya pala mabaho.” Biro ko.

 

“Ay grabe hyung.” Sabi ni J-Hope. “Oo nga pala, si Jin hyung?”

 

“Ayun, nandun sa ibaba, gumagawa ng gatas.” Turo ni Namjoon. Medyo iba naisip ko sa gumagawa ng gatas. Hayop na Namjoon.

 

“Hyung peram laptop!!!” nagmamadali si Jimin na umupo sa desk ko’t agad na binuksan ang laptop. Mabuti’t na log out ko yung account ko kani-kanina lang. Burado rin ang history. Haha! Pogi eh.

 

“Ano gagawin mo?” tanong ko sa kanya.

 

“Skype!”

 

“Skype?” tanong ko sa kanya.

 

“’Wag mong sabihing hindi mo rin alam yung Skype hyung?” tanong sa akin ni Jungkook. Isa pa talaga Jeon Jungkook! Hindi ka makakalabas ng bahay na ‘tong kumpleto pa ang ngipin mo!

 

“Alam ko ‘yung skype!” galit kong sagot.

 

At nagtawanan naman silang lahat, sabay sabi ni Jin-ye ng, “Ah! Napanood ko pala yung dubsmash mo!” insert my face palm here. Anytime, anywhere.

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

Bago pa ako matawag na bobo sa social networking sites at mga applications, nagsearch na ako mga ilang araw na ang nakakaraan sa mga programs at kung anu-anong websites para hindi na ako mapahiya. Pahamak na dubsmash ‘yan! Pero bighit talaga yung mga dubsmash nila Jungkook at V eh! Epic fail lang talaga ang akin kaya sumikat. Hahaha! Ehem.

 

SKYPE

Ayon kay partner in crime na Wikipedia,

Skype /ˈskaɪp/ is a telecommunications application software product that specializes in providing video chat and voice calls from computers, tablets, and mobile devices via the Internet to other devices or telephones/smartphones.

 

Pwede ka rin magsend ng instant messages or exchange of files and images. Parang video chat rin sa fb. Tss. Okay.

 

Kakausapin kasi namin si Tony, yung bestfriend ni Jimin at bestfriend ng lahat na nakabase sa Los Angeles California. Wow sosyal! Haha! Spokening dollar ito kaya naman pektos si Jungkook dito hahaha!

 

“Hi Chim chim!!!” isang malakas at malaking boses ang narinig naming lahat at nakita na namin si Tony sa screen. “Hi there!!” nakangiti si Tony sa amin. Minsan lang sya nadalaw dito nung may pera pa sya. Haha! Joke!

 

“Hello everyone!” sabi nya nung sumilip kaming lahat sa camera ng laptop.

 

“HI!!” malakas naming bati sa kanya.

 

“How are you?” tanong ni Jimin.

 

“Well yeah, I’m doing good. How’s the weather there? Is it good?” tanong nya.

 

“Ohh!” tumatango-tango si Jungkook  at parang naiintindihan nya yung sinabi. Haha! Joke lang.

 

“It’s good. Pretty cool. How about there in L.A?” tanong ni Namjoon, ang pinakamatatas magmura. Este matatas mag-ingles sa samin.

 

“We have a very nice weather here today, it’s kind’a cold. Snowy.” Sagot ni Tony. Ano daw? Showy?

 

“Hahaha! We miss you!” sabi ni Jimin kay Tony sabay heart sign. Haha!!

 

“Oh, I miss you all! I wish I can visit you there. How’s school?” tanong nya.

 

“OWWH!” biglang sumingit sa usapan si V at humawak sa dibdib nya. “Very hardeu! Very hard! It’s killing me!”

 

“Yeah! Yeah! Hard. Neck slice!” sabi ni Jungkook habang kunwaring hinihiwa ng kamay nya ang leeg nya. Hahaha.

 

“Mga baliw talaga.” Sabi ni Jin hyung na nasa likod namin at pinapadede si JiHoon.

 

“OH! Hi Jin! Is that your baby?” tanong ni Tony at nagsimula na kaming magtawanan.

 

“OH! That’s Jin hyung’s son!” sabi ni J-Hope.

 

“Yeah! So big!” kwento pa ni Jimin.

 

“OH! No No no!” pagtatanggi ni Jin hyung.

 

“His name is Jihoon!” singit ni Namjoon kulubot sa kwentuhan.

 

“HAHAHAHA!” natatawa lang ako sa sinasabi nila. Eksakto pa’t dumating si Jin-ye’t bitbit si Daehan at tumabi kay Jin hyung.

 

“Jin, baka umu—“ di natapos ni Jin-ye ang sasabihin nya nung sumigaw si Jungkook.

 

“Wife! Wife!” habang itinuturo si Jin-ye na biglang bigla sa pangyayari at sumisilip sa monitor.

 

“Ohh!!” napapalakpak si Tony at natatawa talaga sya. “Really? She’s his wife? So pretty!” bati ni Tony.

 

“WHAT?!” gulat na gulat sina Jin hyung at Jin-ye. Hahaha!

 

“No, no!” pagtatanggi ni Jin hyung.

 

“Actually, Daehan was their first baby, then JiHoon.” Sabay turo ni Namjoon dun sa dalawang bata.

 

“Wow! Two in a row!! Really? You’re so sick man!” natatawa si Tony. Hindi ko alam kung alam ban yang joke lang o natatawa sya kasi nakadalawa agad si Jin hyung. Hahaha!

 

Lumapit si Jin hyung. “It’s not our baby! I don’t have a baby! No baby!” pagtatanggi ni Jin hyung.

 

“No! His name is Kim Jihoon, it’s Jin hyung’s baby.” Sabi ni Namjoon.

 

“Hahaha! Di ko na kaya mga hyung!” nakakapit na sa tyan nya si Jimin at pumapalakpak.

 

“Baby. Baby. Here!” tinuro ni Jungkook yung tyan ni Jin-ye.

 

“WHAT? You’re pregnant again? Oh my Jesus! Wow! Jin, three in a row! So sick man! So sick! Haha!” napapapalakpak si Tony sa kabilang linya.

 

 

“WHAT? Hoy sabihin nyo nga hindi ako buntis! At anong wife wife?!” nagpapanic na sabi ni Jin-ye.

 

At bago pa magkandaletse-letse dahil nagwawala na ang mga tao dito’t may kanya-kanyang kwento ng pag-aasawa at pagiging ama ni Jin hyung ay sumingit na ako, “Hi Tony, I’m sorry but we need to go now! Bye!!” pagpapaalam ko.

 

“Oh haha! I understand hahaha! Please tell Jin that he’s awesome! Hahaha! Bye!” paalam ni Tony at nag-out na kami.

 

“OH NO!” napasigaw si Jimin.

 

“BAKIT?!” tanong ni J-Hope.

 

“Nilog-out ni Suga hyung!” nagtatampong sabi ni Jimin.

 

“Ang gulo nyo kasi!” sabi ko. Hahaha!

 

“Kill joy naman ‘tong si hyung oh!” sabi ni V sa akin at isa-isa na silang nagsi-alisan sa tabi ko.

 

“Mga baliw kayo! Pagkatapos nyong sabihing asawa ko si Jin-ye! Bawiin nyo ‘yun!” galit na sabi ni Jin hyung.

 

Tinapik ko ang balikat nya, “Wag ka mag-alala hyung, mukha namang alam ni Tony ang katotohanan.” Sabi ko sa kanya with kalmado faceu.

 

“Di nga?”

 

“Oo hyung ,alam nyang may pangatlo na kayo ni Jin-ye. HAHAHAHA!” at natapos ang araw na itong hindi nya kami pinakain ng dinner. Ang sama no? Pero dahil may pera kami, sa labas kami kumain ng mga batang hamog na ‘to.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

“Hyung, kanina pa ako kinikilabutan.” Sabi ni V sa amin habang pauwi kami.

 

“Malamig kasi!” sagot ni Namjoon. Tumango naman ako. Malamig nga.

 

“Hindi hyung, feeling ko, may nakatingin sa atin mula pa kanina.” Sagot ni V.

 

Tumingin ako sa paligid pero wala naman, “Wala naman. Gabing-gabi nananakot ka!”

 

“Hindi talaga hyung.” Umiiling na sabi nya.

 

“AYUN!” lumingon kami sa pinagturuan ni V na maliit na eskinita pero wala naman kaming taong nakita. “Nakadungaw sya dun hyung! Kitang-kita ng dalawa kong mata!” pagpapanic nya.

 

Nagmadali na lang kaming umuwi bago pa may mangyaring masama. Natulog si V sa tabi ko dahil natatakot raw sya dun sa nakita nya. Dalawang tao raw na nakaitim at kapwa nakatakip ang mga mukha ng face mask. Nakasuot ng dilaw na hoodie jacket. Isang katamtaman ang height at yung isa, matangkad. Matagal na raw  nyang napapansin na umaali-aligid ang mga ‘yun sa bahay namin. Sa pagkakasabi nyang ‘yun ay hindi na rin ako mapakali, sino kaya ang mga taong ‘yun? Nakakakilabot!

 

 

POSTING LATE UPDATES HERE: MORE UPDATES ARE POSTED ON MY WATTY ACCOUNT. JUST SEARCH MY USERNAME THERE @HOWFISHYLIFEIS

THANKS!!

------------------------------------------------------------------------------------

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angela_Mae #1
Chapter 5: Update ka na! Ganda nito! Please!
-iKissAndTell #2
Chapter 1: Please update soon :))
kislife #3
looking forward to it <3