[JIMIN]

Bangtan SonyeonDAD

I’m trying to make the POV’s as manly as possible. Ayokong maging too much ghei ang pov’s nila. Kaya sorry for so much seriousness ng mga pov. Hehe. Isa sa mga struggles ng female writer ang magsulat ng male point of views, kasi hindi kami lalaki. HAHAHA! Chos! Iba kasi talaga approach kung guy ang magnanarrate. E sana naging namja na lang ako di ba? Haha joke.

----------------------------------------------------------------------

 

JIMIN

January 13, 2015 Tuesday

 

Tuesday, hectic, may pasok ulit, anak ng lollipop ni Namjoon hyung

 

Gusto kong umulan kasi hayup ‘tong katapat bahay namin, makapag-karaoke ba naman, itapat yung speakers sa amin! Hustisya! Mas sintunado pa ‘to sa asong ulol eh TT__TT. Okay puro reklamo ako, back to reality. Nagising ako ng alas singko ng umaga dahil bukod sa want-to-sawang videoke ng katapat bahay namin, ang lakas rin ng iyak ni JiHoon. Huhu, wawa naman ang Hoonie ko!

Siguro naiinis rin sya’t hindi makatulog sa ingay. Nakatayo sya’t nakakapit sa crib nya nung kinuha ko sya. Tinignan ko kung may something sa diapers nya, pero wala naman. Good boy, hindi ako ang magpapalit. Hehe. Ang pinaka-ayoko kasi sa lahat ng ginagawa kapag inaagalagaan si baby e yung magpalit ng diaper o lampin.

 

Gising na si Jin hyung at nagluluto na ng breakfast namin nung binaba ko si JiHoon.

 

“Oh? Gising na si JiHoon?” tanong nya sakin. Di, tulog pa hyung. Joke.

 

“Yup. Ang ingay sa tapat eh.”

 

“Oo nga, nakakainis. Sige, sakto’t ihahanda ko na ‘tong breakfast.” Kiniss nya muna yung pisngi ni baby JiHoon. At ngumuso naman ako bago sya bumalik sa paghahanda.

 

“Hyung…”

 

“Ano?” tanong nya.

 

“Kiss ko?” sabay pout sa kanya. Minsan lang ako maglambing hahaha! Biro lang.

 

“YUCK! Hahaha! Nakakawalang ganang kumain. Mukha kang pusit.” Natatawang sabi nya at fwala, ready na ang breakfast sa lamesa.

 

Nakaupo sa lap ko si baby JiHoon habang kumakain ako. Minsan, hindi ko maisubo yung kutsara kasi yung kamay nya hinaharan nya sa bibig ko.

 

“JiHoon!” saway ko sa kanya pero imbis na tanggalin nya yung kamay nya, nilalagay nya sa pisngi ko tapos sasampalin nya ako ng ilang beses. Okay. I’m good. Patience. I’m a good daddy. Patience. Pero…

 

“Fine. Bitter pa rin ako kasi hindi appa ang tawag mo sa’kin. Galit ako sa’yo.” Sabi ko sa kanya nung tumigil na sya sa pagsasampal sa mukha ko.

 

“Buti nga sa’yo sa pisngi, sa akin, yung baba ko yung puntirya eh.” Sabay subo ni J-Hope hyung ng kanin. Maswerte pa pala ako kung tutuusin.

 

Nauna nang umalis sina Jin hyung at Suga hyung, ako muna maiiwan dito ngayong umaga kasama si Kookie. Wala si V dahil sa part time job nya dun sa fast food chain sa may kabilang kanto. Naks! Kanto boy hahaha! Hindi naman sya tambay pogi lang dun kasi may pera naman syang inaabot kanila hyung para kay baby. At nakikita ko naman sya dun na tumutulong sa pet shop ng babaeng apo ng kapatid ng kuya ng tito ng great grandfather ng kapatid ng nanay ng tito ng lola ko. Haha.  (in short lola ko sa tuhod)

Ang may-ari pero ang nagpapatakbo e yung pinsan kong gwapo. Si Park Chanyeol, mas matangkad nga lang sakin. Okay I’m done.

Sinulat ko sa papel na binigay ni V, lukot lukot pa nga yun, sinulat ko dun yung babaeng apo ng kapatid ng kuya ng tito ng great grand father ng kapatid ng nanay ng tito ng lola ko para mas maintindihan ko yung sinabi ko. Medyo nakakalito nga. Sana pinaiksi ko na lang pala hahaha! Nagpatulong pa ako kay Sehun para lang maintindihan ko lahat. Si Sehun pala yung matandang hukluban na bestfriend ng best friend ni Chanyeol na si Kai. Kaklase ko sa isang subject ko ngayong college.

 

Naikwento rin ni V na maraming pumupunta sa pet shop mula nung ma-assign raw sya dun. Dumami ang buyers ng gold fish at buyers nya. Ewan ko kung ano yung pinopoint nya dun, na sya ba yung mabenta o yung mga isda. Ang alam ko kasi mga hayop lang ang binebenta dun at hindi ko alam na mabenta pala ang unggoy sa pet shop namin. HAHAHA! Biro lang.

Ganti ko lang yan sa sinabi ni V nung kaharap namin yung ate ni J-Hope hyung. Sabi kasi parehas naming gusto ng noona ni J-Hope hyung si Jungkook tapos sabi ko, hindi ko sya ganun kagusto, not to the point na ‘yun. Tapos sabi ba naman ni V na gusto ko raw ang mga lalaki, pero sinabi kong ayoko sa kanya kahit lalaki sya. Ayon lang.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

 

“Kookie!” tinawag ko sya kasi jumingle na naman sa kanyang diaper si JiHoon. Alam nyo namang maarte ako’t ayoko ng nagpapalit ng lampin.

 

“Yes hyung!” hawak nya yung cellphone nya at naglalaro ng COC (Clash of Clans) na kamakailan lang ay itinuro sa kanya nina Namjoon hyung at Jin Hyung.

 

“Palitan mo naman ‘to.” Itinuro ko yung diaper na ikinagulat nya.

 

“Hyung, mas matanda ka sa’kin. Kaya mo ‘yan!” at bumalik sya sa kama at humiga.

“HOY! PSST!” binato ko sya ng unan pero hindi sya matigil. “Ano ba?” lang ang sabi nya tapos gumulong pababa.

 

“Sige na!!” pilit ko sa kanya. Pero ayaw nya.

 

“Jungkook!” hinila ko yung shorts nya pababa pero wala pa rin. Sinipa nya ako sa tyan saka isinuot muli yung short habang nakatingin lang sa cellphone. Asar!

 

At magtutuos kami ni diaper! Tinignan ko si Hoonie at saka lumunok, “Parang-awa!” sigaw ko sabay sinuot yung face mask, disposable gloves, at hair net. Handa na rin ang gunting at mag-oopera na ako. Biro lang. Face mask at gloves lang. Huhuhu. Why o why?

 

Unti-unti kong tinanggal ang pagkakadikit ng diaper sa tagiliran ni Hoonie at binuksan ito, halos masuka ako sa amoy. “OH WHY U SO ARTE PARK JIMIN? ARE U A GAY?” NO! NO! NO!

 

Pumikit ako at saka hinila yung diaper paalis sa kanya. At inayos ang pagkakatiklop nun katulad nung nakikita kong ginagawa nina hyung, para hindi raw mangamoy.

 

“Jungkook naman kasi!” tapos ay kumuha ako ng wipes at pinunasan ang kanyang booty and you know. Makailang ulit na punas na magaan then tapos na. At pinalitan ko na sya ng diapers. Magaling Park Jimin! Magaling! Mabuti na lang at hindi pupu ‘to kasi kung magkataon, di ko na talaga kakayanin i-wipe out ‘to! Baka tuluyan kong hubaran si Jungkook para sya ang magpalit. Hahaha!

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

May narinig akong doorbell habang naglalaro kami ni Hoonie ng bato-bato pik, since laging bato ang tinitira nya. Lagi syang talo. HAHAHA! De, di talaga sya marunong. Para lang may magawa kami. Nanakbo papunta sa kwarto namin si Jungkook at hinihingal sya.

 

“Oh? Bakit? Sino nandyan? Nandyan ba prof mo? Bakit takot na takot ka ata?” tanong ko kay Jungkook. May nagpipipindot pa rin ng doorbell kaya lalo akong kinabahan. “Huy! Sumagot ka!”

“Hyung, nandyan yung land lady natin!” sagot nya sabay pulot ng mga laruan ni JiHoon.

 

Paktay! Wala sina Jin Hyung! Paano na ‘to? Sandali lang! Pinahawakan ko kay Jungkook si Hoonie at saka iniligpit ang mga gamit. “Wag kayong lalabas ni baby. Wag nyong bubuksan ang pinto. Please. Hangga’t maaari ‘wag syang iiyak!” tumingin ako kay baby Hoonie, “Alam kong good boy ka! Wag kang iiyak ah!” at saka nanakbo ako pababa.

 

Sana hindi mahalata ng landlady naming ubod ng singit, este ng sungit na merong bata dito sa loob. May tiwala ako kay Jungkook. Patuloy pa rin sya sa pagdoorbell at nakikita ko ang sobrang pula nyang labi at mukha nyang namumutiktik sa pink na blush-on.

 

“Hello!” pagbungad ko sa kanya with full smile.

“Hmm..” Nakangiti nyang sabi at agad na pumasok sa bahay.

 

“BAKIT PO?! Lahat ng daraanan nya’y hinaharangan ko. “Ano po bang kailangan nyo? Bayad naman po kami ng renta. At malinis naman po ang bahay, pati kuryente at tubig bayad rin po namin!” sinabi ko na lahat para hindi na sya mag-inspeksyon. Mahirap na.

 

“May nakapagsabi sa aking may bata raw dito sa loob ng bahay?” napalunok ako sa taray ng pagkakasabi nya. Matinis at matalas. Nakataas ang dalawang ahit nyang kilay. Katakot.

 

“Nako!” ngumiti ako sa kanya, pero hindi pa rin nawawala ang pagkasungit ng mukha nya. Pagkapanget pwede na ring isama. “May bata naman po talaga dito. Bukod kay Jungkook, ako.”

 

“Hmmm…” bigla nyang binuksan yung pamaypay nyang mahiwaga at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Akala ko, ikaw ang pinakabata.” Mataray nyang sabi. Aba! Hinahamon ata ako nitong piggy bank na ‘to! Kapag etong pandemonay kong nahuhulas na e nakita mo, maiinggit ka! Baboy ka! Ang sama ko! Looord patawaad! Hindi porke’t gan’to height ko e pwede na nyang maliitin si Jiminie! Baka may mas malaki pa syang hindi nya nakikita sa’kin! Hu-ha!

 

“Mas matanda po ako kay Jungkook ng dalawang taon.” Estimated. Medyo tama naman.

 

“WAAAAAHHH!!” Oh holy eS! Napatakip ako ng bibig ko nang marinig kong umiyak si Baby Hoonie! Patay tayo Jungkook! Patay tayo! Gusto ko na maihi pero hindi pwede. Nakita ko sa mukha ni land lady na itatago na lang natin sa ngalang ‘piggy bank’ na narinig nya yung iyak na ‘yun mula sa itaas.

 

“Ano ‘yun?” tanong nya sa’kin at gusto atang itapak ang dalawa nyang daliring paa sa hagdan. Agad akong humarang at isinandal ang siko ko sa hawakan ng hagdan.

 

“NAKOO!” nakangiti kong sabi. Paano ko ba lulusutan ‘to? Nginitian ko sya’t medyo inangat yung shirt ko, “Hindi nyo po ba napapansin na parang ang init ngayon? Woooh!” sabi ko sabay paypay ng kamay ko sa hangin tapos sumipol sipol ako.

 

“Gusto kong umakyat!” Kinilabutan ako sa boses nya pero hindi pwede. Hindi kami dapat mabuking!

 

“Nako, madam. (*insert piggy bank here*)” sumayaw ako ng free style sa tapat ng hagdan at saka nag-isip ng sasabihin ko. Mabuti na lang at magaling ako sa mga gantong bagay. Nawa’y makalusot ang sasabihin kong ito.

 

“Nanonood po kami ng pelikula na tungkol sa baby. Alam nyo po ba yung “Baby and Me” ni Jang Geun Suk? Nako! Napakaganda po nun, try nyo panoorin!” pero umabante sya papalapit sa akin at gusto ata akong sagasaan. NOOOOO!

“WAAAAHH!” ngawa ulit ni JiHoon. O anong ginawa mo Jeon Jeonggukiiieee?

 

“At saka po-“ at tumingin sya sakin, “At saka po umiiyak si Jungkook ngayon!” malakas kong sigaw, sapat para marinig ni Jungkook. Oh please magrespond ka!

 

Mga ilang sandali pa ng pagpapapaypay at pagsayaw ko ng kung ano-ano sa harap ni piggy bank,

 

“HUHUHUHUHUHU!” iyak ni Jungkook sa ‘taas. YES! May matinding koneksyon talaga kami. Maraming salamat Jungkook! Nakahinga ako ng medyo maluwag-luwag dun. Medyo mahirap pa rin huminga kasi si piggy bank nakaharang sa hangin e.

 

“Wag mo akong niloloko. Kapag nalaman kong may tinatago talaga kayong bata dito, aalis kayo dito sa bahay na ‘to!” nakikita ko na yung laway nya sa may gilagid at tonsil nya. Yuck! Hahaha!

 

“Wala po talaga. Kayo naman! Si Jungkook lang po ang bata dito.” Sabi ko sa kanya with smiling face ulit.

 

“HUHUHU WAAAAAHHH!!” iyak ulit ni Jungkook sa taas. Aba! Talagang kinareer ah!

 

“O sige. Feeling ko naman kung may bata dito, hindi magtatagal ‘yun. Sige na. Inubos lang nito oras ko.” Isinara nya yung pamaypay nyang wala namang naging silbi kundi takpan yung bilbil nya sa tyan. At tuluyan na syang umalis.

 

“PHEW!” muntikan na’ yun ah! Mabuti na lang talaga. Napahawak ako sa dibdib ko at napaupo sa hagdan. Hala! Alas dose na! Kailangan ko na maghanda! Papasok na pala ako!!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angela_Mae #1
Chapter 5: Update ka na! Ganda nito! Please!
-iKissAndTell #2
Chapter 1: Please update soon :))
kislife #3
looking forward to it <3