[J-HOPE]

Bangtan SonyeonDAD

 

J-HOPE

January 1, 2014 New Year 1:29 Morning

 

Sinugod namin sa ospital si baby JiHoon. Lahat kami’y nag-aalala sa kanya. Nasa Information desk kami ng ospital ngayon. Kung kailan naman magbabagong taon saka magkakasakit si JiHoon. Medyo antok na kami pero para ‘to kay baby. Tinext ko si Jungkook para iinform sya sa mga nangyari. Tumawag rin si Suga hyung kay Jin Hyung kani-kanina. Tinanong nya si Taehyung kung lumapit sya kay baby. Nung una, ayaw daw umamin tapos bigla na lang umiyak. Sabi nya, di raw nya matiis na hindi makita si JiHoon nung mga nakaraang araw, tas nung wala raw tao sa kwarto, pumuslit sya tapos kiniss nya yung bata. Haaay, pasaway talaga. Kaya pala hindi ko mapigil sa pag-iyak si baby kanina. Maski kasi sa feeding bottle ayaw nyang uminom eh.

 

“Sir,” tawag nung nurse. Lahat kami’y tumingin sa kanya. “Paki-fill po yung information, complete name, birthday at info sa parents nya.” Inabot nya samin yung sheet for personal info ni JiHoon.

 

Kinuha ni Jin hyung yung papel, “Kim JiHoon”. Sulat nya dun sa papel. Ngayon hindi ko madedetermine kung sino ang ama, kung siya ba, si Namjoon o si Taehyung ba ang ama. Basta posibleng magreklamo si Jimin, Suga at Jungkook kung makikita nilang “Kim” ang last name ni JiHoon.

 

Matapos nun ay sinulat nya ang “December 4” bilang birthday nito. Tumingin sya samin, “Tama ba?”

 

“Hyung medyo… hindi ata tamang December 4, medyo malaki na si baby… hindi rin natin alam ang real age nya.” Napakamot sa ulo nya si Namjoon pati na rin ako. Paano kami magfifill ng form kung hindi namin alam ang mga ilalagay?

 

Napansin kong masuspetsya ang tingin sa amin nung nurse kaya inagaw ko ang ballpen at binura ang December 4, ginawa kong February 17, 2014.  “J-HOPE!” pabulong na sabi ni Jin-Hyung, parang nainis sya.

 

“Hyung, ‘yan ang tama. Nalimutan mo na ata.” Pagpapalusot ko at ngumiti dun sa nurse. Nginitian na lang rin nya ako at nagpatuloy kami sa pagfifill-up ng form. Kundi dahil kay Taehyung! Nako!

 

“Sino nanay?” tanong ni Jin samin. Nagkibit balikat si Namjoon hyung at tumingin sya sa akin, “Sino?”

 

Aba malay ko?! Alangan naman pangalan ng crush ko ilagay ko dyan di ba? “Pangalan ng land lady natin hyung.” Hahaha!

 

“Ok ka lang?” tanong nya sa akin, “Kadiri, mangilabot ka nga!” nung sinabi nya ‘yon, natawa ako, kasi nakakakilabot ngang isipin na nanay ni JiHoon yung lumba-lumba na ‘yon. O Jusko, patawarin nyo po ako!

 

“Haha, dali na hyung, magsulat ka na lang ng kahit anong pangalan dyan!” turo ko dun sa papel pero naghehesitate si hyung. Parang ayaw pa magsulat eh. Nagulat ako nang kunin ni Namjoon yung ballpen at biglang nagsulat, “Arte mo, ayan!”

 

Binalik nya sa amin yung papel at fwalaaa! Hu-ha! Hu-Ha! Jararan! Napa-high five ako kay Namjoon nang ilagay namin yung pangalan ng pinsan nya na crush na crush ni Jin hyung. “WHAT THE?!” galit na sabi ni Jin.  Bestfriend sila dati ni Jin hyung pero nung nalaman nyang may feels si hyung sa kanya, lumayo sya kasi mukha daw babae si Jin hyung tapos parang mas babae pa raw sa kanya. TT__TT grabe no? Buti hindi ako mukhang babae. Kabayo lang! Hahaha!

 

“OHA! OHA!” nakangiti kaming dalawa sa kanya at sumasayaw ang mga kamay namin sa tuwa habang tinutusok tusok yung pisngi, tenga at tagiliran nya.

 

“Mga ugok talaga kayo!” sigaw nya samin, “Bakit nyo sinulat?!” tanong nya samin.

 

“EHE WALA EH! Nakasulat na, nakakahiya naman kung buburahin mo pa hyung.” Pagbibiro ni Namjoon. Pinipigilan ko lang ang tawa ko ngayon. “Bae Jin-Ye” eh kilig si hyung! AWTSU!

 

“Manahimik!” tinaas nya yung kanan nyang kamay para tumahimik kami pero imbes na matahimik kami ay lalo kaming tumawa.

 

“HOOY! Ano bang problema nyo?!” mataas nyang bulyaw samin.

 

“Hi Jin!” bati ni Namjoon.

 

“JIN?!? EH?” napalingon sa tabi nya si Jin hyung at nakita nyang nakatayo ang pinsan ni Namjoon na si Jin-ye. “HI!” bati nya samin.

 

“Bakit kayo nandito?” pagtataka nya, nakasuot sya ng nurse uniform. At malamang dito rin sya nagtatrabaho. “Wala naman…” napakamot sa noo nya si Namjoon.

 

“Ahh. E kasi…” putol na sabi ni Jin hyung at biglang sumingit sa eksena si nurse. “Sir kunin ko na po yung info sheet ni baby.” At kinuha ang papel kay Jin hyung. PAKTAY!

 

“Baby?!” malakas ang sigaw nya na pumukaw sa atensyon ng mga taong nandito.

 

“AH! AH! ANO!!” pumunta ako sa harapan nya para mabaling ang atensyon nya sa iba. “Dito ka nagwowork?” tanong ko sa kanya.

 

“Hmm hindi, internship.” Sagot nya.

 

“WOW WOW!” sabi ko, e kasi naman naiwang tulala si Jin hyung, eksakto pang pangalan ni Jin-ye ‘yung nakalagay dun. Mabuti na lang at hindi pinansin ng nurse ‘yung pangalan nung nanay.

 

“Sino po ang daddy ng bata?” tanong nya samin.

 

“DADDY?!” tanong ni Jin-ye, pero tinakpan ni Namjoon ang bibig ng pinsan nya kaya natahimik ito. “Sige hyung!” sabi namin kay Namjoon.

 

“Wala po kasi kayong info dito.” PAKTAY!

 

Napasapo sa ulo nya si Namjoon at napapikit naman si Jin hyung. Tumingin sya kay Jin-ye na kumunot lang ang noo at mataray ang tingin kay Jin hyung.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

Natapos ang interview, joke. Nasa kwarto si baby JiHoon at doon nagpapahinga. Kawawa naman si baby JiHoon. TT__TT naiwan sa loob ng kwarto si Namjoon at kasama ko ang dalawang Jin sa may canteen ng ospital at nagtititigan ngayon.

 

“AAWWWW!” Hinampas ni Jin-ye si Jin hyung ng memo sa ulo. HAHA!

 

“Daddy ka dyan? At anong baby? Ano ‘yun?” tanong ni Jin- hye kay hyung.

 

“Ano kasi…” nauutal na sabi ni Jin hyung.

 

Dahil ayokong naiiwan sa ere ang usapan, sumingit na ako, para naman may purpose ang existence ko dito di ba? “Bigla na lang kaming naging daddy.”

 

“WHAT?”

 

“Alam kong magiging ganyan ang reaksyon mo, pero biglaan. Birthday ni Jin Hyung nun nung iwan yung baby sa tapat ng bahay namin then walang mag-aalaga kaya nagdecide kami na alagaan na lang yung bata.”

 

“And you want me to believe you?” tanong nya sa akin. Tumango ako. Mabilis pa sa kidlat ay muli nyang hinampas si Jin hyung ng memo pati ako, “Ouch!” masakit nga. TT__TT Haaaalp!

 

“Kung alam ko lang, baka anak nitong butihin nyong kaibigan yun sa mga naging babae nya!” sabay turo nya kay Jin hyung. “AKO? BAKIT AKO?” turo ni Jin hyung sa sarili nya.

 

“If I know, lagpas sa mga daliri ko naging girlfriends mo!” wow! Di nga? More than 10? O kasama pa yung sa paa na 20?

 

“Hindi kaya! Muntikan ko lang maging girlfriends yung iba dun.”

 

“Girlfriends, tignan mo ‘to!” hahampasin pa ulit nya ng memo si Jin hyung pero umepal na ako, “Op-op! Chill! Walang may girlfriend sa amin at hindi talaga namin anak yung bata.”

 

“Kinakampihan mo naman ‘tong lalaki… este babaeng ‘to!” sabay turo nya kay Jin hyung.

 

“Hindi ako babae ok!” pagtatanggol ni Jin hyung.

 

“Babae ka! Mas babae ka pa sakin, dyosa! Hayup ka!” babatukan nya sana si hyung pero umupo na lang sya sabay dekwatro at tinitigan kami. “Hindi nyo man lang naisip na dalhin na lang sa shelter yung bata?”

 

“Yun na sana ang plano kaso ayaw nila.” Sabay turo saki ni Jin hyung. Utot! Baka sya rin? Hahaha!

 

“Okay fine. Ano pala diagnosis sa baby?” tanong ni Jin-ye samin.

 

“Hmm… fever, humina immune system nya since thru feeding bottle lang namin sya pinapadede.” Hinawakan ni Jin hyung ang kamay ni Jin-ye. Wag mong sabihing sa kanya sya hihingi ng gatas? I mean..  milk, di nga?

 

“Pwede ba naming hingin ang tulong mo?” seryoso ang mukha ni Jin hyung. Hayup, dumadamoves. Pasimple oh! Kilig na ‘yan! Eww! HAHAHA!

 

“LOKO!” at dahil mabigat ang dinadala, este mabigat ang kamay ni Jin-ye, hindi na nakatakas si Jin hyung sa sampal ni Ji-hye. Tumayo sya sabay sabing, “Grabe ka! Sa dinami-rami ng pwede nyong kunan, bakit ako pa?!” agad nyang tinakpan ng braso at kamay nya yung dibdib nya.

 

“What?!” gulat na gulat si Jin hyung sa reaksyon ni Jin-ye. Sabay tingin nya doon, “Wag kang assuming!” sagot ni Jin hyung.

 

“EH?” pinahid nya yung kamay nya sa dibdib nya at hinawi ang buhok. Kita sa mukha nya ang pagkahiya sa mga binitawan nyang salita. Ano kaya ang balak ni hyung?

 

“Sa liit nyang iyo? No no no!” umiiling si Jin hyung at namumula naman si Jin-ye. “At hindi ka pa ina para magkaroon ng gatas no! HAHAHA!” namumula na ang pisngi ni Jin hyung. Grabe, nahiya ako para kay Jin-ye. Pero sabagay, totoo naman, kapag tinignan mo, parang wala.. HAHA! Biro lang.

 

“Hihingi lang ako ng tulong sa’yo. Kailangan kong makahanap ng pwedeng hingan ng milk.” Sabi ni Jin hyung. “Pwede mo ba kami tulungang maghanap?”

 

“Now na? as in? New year ngayon.” Sagot ni  Jin-ye. Ang hirap magkwento, puro sila Jin!

 

“Pwede naman next time, pero as soon as possible.”

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

Nasa kwarto kaming lahat ni JiHoon at binabantayan sya. Di magandang salubong para samin ng taon ang nangyari kay JiHoon. Gising si baby JiHoon, hindi ata talaga ganun kaganda ang nararamdaman nya. “Ajujujuju~~” laro ko sa kanya pero ang tamlay nya. Hinawakan lang nya yung daliri ng kamay ko.

 

“So sya si JiHoon..” sabi ni Jin-ye. “Okay, wag kayong mag-alala tutulong ako. Baka dumalaw-dalaw rin ako para tignan sya. Wala akong tiwala sa hyung nyo eh.” Sabay tingin nya kay Jin hyung.

 

Napangiti lang kami sa kanya except kay Jin hyung na nanlilisik na yung mga mata kay Jin-ye. JOKE! Alam kong may sparks yung tingin na ‘yun. Ay landi! HAHAHA.

 

Calling…..

Jimin cute

 

“Sinong? Bakit Jimin cute ang nakalagay dito?” pinakita ko sa kanilang lahat yung cellphone ni Namjoon na nagriring sa tabi ko.

 

“WHAT?” kinuha ni Namjoon yung phone nya sa akin at, “Pinahiram ko lang minsan yung phone ko, tsk tsk.” Saka nya sinagot yung tawag. At nilagay sa loud speaker.

 

“HYUNG HYUNG”

 

“Oo! Naririnig namin kayo, hindi kami bingi! Nakaloudspeaker kayo.” Sabi ni Namjoon.

 

“AY TALAGA?” tanong ni Jimin.

 

“OO.” Sagot ko.

 

“Uy! J-Hope hyung!” sagot nya, “Kumusta si Hoonie?”

 

“Wala sya rito.” Sagot ko. Nagpipigil kami ng tawa nina Namjoon.

 

“Anong wala?”

 

“Wala talaga. Di ko alam,nawawala ata si baby.” Sagot ni Namjoon na sinakyan ang trip ko. HAHAHA!

 

“Di nga?! Weh?” sat ono ng boses nya, halatang hindi sya naniniwala.

 

“Oo, nawawala nga sya eh. Huhuhu~” singit ni Jin hyung. Medyo paiyak na yung boses nya kaya nagpipigil na kami ng tawa ni Namjoon. Nakahawak na kami sa kanya-kanya naming bibig at tyan.

 

“HANAPIN NYO! HALA! KAILAN PA NAWALA?” napaluhod na ako sa pagpigil ng tawa ko. Pero nagsalita na si Jin hyung.

 

“Okay lang si Jihoon. Nandito pa sya sa ospital. Medyo mataas pa yung lagnat nya pero magiging okay na naman daw sya.” At nagsimula na kaming magkwento ng mga pangyayari.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

January 11, 2015 Sunday

Desperado

 

Mabilis nakarecover si JiHoon. Naalala kong nagalit pa si Jungkook kay V kasi hinawaan nya ng sakit yung bata. Nakakatawa talaga yun kasi yung pinakabata pa samin yung nagagalit sa kanya.

 

Medyo nasasanay na kami sa routine ng pag-aalaga kay JiHoon, ang bilis ng panahon at natututo na syang dumapa at maglakad. Parang kailan lang nung makita namin sya sa box nun. Dumadaldal na rin sya. Puro sya, “Tatata, dadada, nya nya.. uuuu” with matching haba ng nguso. Tapos Marunong na rin syang manampal at manuntok. Lalo na yung baba ko. Lagi nyang ginagawang punching bag. Huhu. Meron pang time na pati nguso ko sinuntok nya nung pinipilit ko syang ikiss nya ako sa lips. TT_TT

 

Samantalang kapag si Jin hyung o si Jimin o si jungkook o kaya si Taehyung pumapayag syang magkiss sila. Samantalang ako, wala. Feeling ko tuloy hindi nya ako daddy. Medyo masaklap lang rin ang buhay kasi naalala ko nung ako yung sinisi nila nung nalaglag sa sofa si JiHoon. Di ko naman talaga kasalanan yun eh. Kay Jimin ko talaga iniwan si JiHoon.

 

Gusto ko ng kiss…. Mula kay JiHoon. Napakababaw man pero naiinggit kasi ako sa kanila. Si Suga hyung naman may hawak sa kanya ngayon. Hawak nya sa dalawang kamay si JiHoon at tinuturuan ‘tong maglakad.

 

“Sabihin mo, appa!” sabi ni Suga sa kanya.

 

“Hoy appa! Ako rin! Sabihin mo Namjoon appa!” nanakbo bigla si Namjoon papalapit kay JiHoon.

 

“V APPA!” sigaw ni V at tumabi sa akin.

 

“Jungkook appa!” sabi ni Jungkook.

 

“Hep! Di ka pwedeng appa! Bata ka pa! Hanggang hyung ka lang!” sabi sa kanya ni Jimin.

 

“Grabe. Ang sama nyo.” At nagpout si Jungkook pero nakatingin pa rin sya’t umaasang matatawag syang appa ni JiHoon.

 

“Jimin appa! y appa!” sigaw ni Jimin...

 

“Me, Jin appa!!” tinuro ni Jin ang sarili nya habang nakatingin sa kanya si JiHoon pero tinawanan lang sya ni JiHoon at tumingin sa akin.

 

“Wag yan! Mahaba baba nya! Panget yan! Kabayo!” turo sa akin ni V. Niyakap ko si V sabay mahinang sinuntok sa tagiliran. “AKO! V Appa! Madali lang di ba?”sabi nya habang kumakawala sa ginagawa ko.

 

Lumapit sa amin si baby JiHoon habang hawak ni Suga ang kamay nya. Nakatingin lang sya sa akin at tinitigan ko rin sya. Oh please, wag kang iiyak! Naalala ko kasi nung ilang araw pa lang sya rito, nagtitigan kami tapos bigla syang umiyak.

 

“Sabihin mo, Hobi appa…” sabi ko sa kanya with full smile. Pinagdarasal ko ngayong hindi ko sya mapaiyak sa itsura kong ito. Mabait naman si Hobi appa di ba?

 

Nagulat kami nung humaba yung nguso ni JiHoon at nagsalita, “appa”

 

Natigilan silang lahat except sa akin, “Ano ulit? Sabihin mo? Sabihin mo JiHoon!” agad kong kinuha ang kamay nya kay Suga hyung at umupo ako sa sahig, hinawakan ko sya sa tagiliran nya habang nakatayo sya. “Appa!!” tapos ay ipinalakpak nya yung kamay nya at dahil sa bigla ko, napaluwag ang hawak ko sa kanya kaya napaupo sya pero tumawa lang sya tapos, “appa!”

 

“MADAAAAYAAAAA!!!” sigaw nilang lahat sa akin. Hindi ako madaya, sadyang maswerte lang ako!

 

HAHAHAHA! “Kiss naman … ppoppo!!” sabi ko sa kanya pero umiiling sya. “BAKIT GANUN? TINAWAG NGA NYA AKONG APPA PERO AYAW NYA AKONG IKISS?!”

 

“Hahaha! Ibig sabihin hyung, quits lang tayong lahat HAHAHAHA!” tinapik ako sa balikat ni V.

 

Tinignan ko ulit si JiHoon, “appa.” Sabi ko. At inulit na naman nya.

 

“OHHH!!” bigla na lang akong pinagpapalo nilang lahat, ang swerte ko raw. Pero wala akong kiss.

 

“V appa!” pagpupumilit ni V pero hindi nagsasalita si JiHoon sa kanya.

 

“BAKIT?!” bigla syang binuhat ni V at hinagis hagis. “Sabihin mo! APPAAA! V APPAA!!” pero wala pa ring sinasabi si JiHoon, tinatawanan lang nya si V. “BAKIT?!”

 

Talaga nga atang quits lang, sila may kiss, pero sa akin ang “appa.” Huehue.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angela_Mae #1
Chapter 5: Update ka na! Ganda nito! Please!
-iKissAndTell #2
Chapter 1: Please update soon :))
kislife #3
looking forward to it <3