[NAMJOON]

Bangtan SonyeonDAD

January 15, 2015 Thursday

 

A y way to start the Afternoon

 

                “500 sir.” Sabi ng cashier sa akin after nyang iscan yung mga pinamili ko. Cotton buds, diapers, at alcohol para kay JiHoon. Day off nina Jin hyung at Suga hyung ngayon kaya kasama ko sila bukod kay J-Hope na naiwan ngayong hapon. Inabot ko sa cashier yung bayad. Eksakto’t walang sukli kaya binitbit ko na yung pinamili ko.

Paglabas ko ng convenience store, naglakad na ako para bumili ng tinapay. Masarap ang tinapay kapag hapon, mainit-init pa. Paborito ko rin yung French garlic toast nung bakery. Ah, oo nga pala. Kahapon lang nalaman ni Jungkook, Jimin at Suga ang tungkol dun sa form na sinagutan namin nina Jin hyung. Hehe, galit na galit sila kasi bakit hindi daw Jeon JiHoon, Park JiHoon o Min JiHoon yung last name na nilagay dun.

 Ang tanging sinabi ni Jin hyung ay ganto, with matching taas ng kilay at hawak ng chopsticks habang kumakain kami sa dining area. “Ano na lang ang iisipin nung nurse kung ilalagay ko yung pangalan nyo dun? Iisipin nya na mga bata kayong ama! Kaya tama lang na pangalan ko ang ilagay dun para safe. Dahil ako ang pinakamatanda rito, sinakripisyo ko ang pangalan ko okay?!”

 

May punto si Jin hyung pero hindi yun matanggap ni Suga, gusto nya Min eh haha! At dahil naman daw kasi isang taon lang gap nila, bakit di pa raw sya yung ginawang tatay. Kawawa naman si JiHoon, pinag-agawan. Hehe

Pagkatapos kong bumili ng paborito kong French garlic toast, dumiretso na ako sa bahay. “Jihoon!” saway ko sa batang gumagapang sa sahig na maharang tumatayo para abutin ang little fish bowl nung fighting fish na inuwi ni V. Nanakbo ako at binitbit si JiHoon, “Sino bang nang-iwan sa’yo dito? Bakit ka pinabayaan?” tanong ko sa kanya. Malamang wala syang isasagot.

 

“Namjoon, dumating ka na!” nakangiting sabi ni Jin Hyung habang nakangiti’t karga-karga si JiHoon. Hindi hyung, wala pa ako dito. At… ano? karga nya si JiHoon? E teka? Sino ‘tong batang?

 

Iniharap ko sa akin ang batang bitbit ko at medyo may hawig sya kay JiHoon, pero iba lang ang tabas ng buhok. “Hyung. Sino yang bitbit mo?”

 

“Si JiHoon.” Matipid nyang sabi.

“E sino ‘tong hawak ko? Hyung? Kailan pa naging dalawa ang bata dito sa bahay?” baka tuluyan nang naging ampunan ‘tong bahay namin! San galing ‘tong batang ‘to? Anak kaya ‘to ni Jin hyung? Pero kanino? Dun ba sa unang girlfriend nya na dinala nya rito mga ilang taon na ang nakakalipas pero nagbreak rin sila nung 100th day nila?

O yung babaeng dinala nya na pinakilala nyang classmate nya at gagawa raw sila ng school project sa kwarto nila non, pero naririnig lang namin nina Jungkook na tawa lang sila ng tawa sa kwarto habang naka-lock yung pinto? Hindi kaya, yung lalaking pinakilala nyang si Kiddoh na best friend daw nya.. tapos nagka-anak sila? Aissh! Snap out of it Namjoon! Hindi naman magkaka-anak ang lalaki dahil walang matres ‘yun! Isip-isip?

 

“Ang cute nya di ba?” tanong ni Jin hyung sa akin na nakapagpawala sa pagkabaliw ko dito. Kinurot nya ng mahina ang pisngi nung batang bitbit ko.

 

“Hyung, sino nga ‘to? Anak mo? O anak ni Suga?”

 

“HAHAHA!” tawa ng tawa si Jin hyung, “Anak ni Jin-ye ‘yan.” ANO?! Anak ni.. weh? Di nga? Anak ng pinsan ko ‘to? Bakit hindi ko alam?!

 

“Bakit hindi ko alam?!” tinignan ko si baby na bitbit ko, “Bakit hindi ko alam? Bakit itinago ka ng nanay mo ng ilang taon?” habang tinatanong ko ‘yun, kita kong palihim na natatawa si Jin hyung. Siguro dahil nga sa nilihim sa akin ng pinsan ko na nabuntis sya’t nagbunga ang pagmamahalan nila ng… well, wala namang boyfriend ‘yun eh. Tinignan ko ulit si Jin hyung, pero sa pagkakataong ito, masama na.

 

“Hyung, aminin mo, ikaw ama nitong batang ‘to!”

 

“Hi—hindi ah!” nauutal nyang sabi. Medyo choppy.

 

“Imposibleng magka-anak ang pinsan ko nang hindi ikaw ang ama. Aminin mo!” nagtaksil ka sa akin Jin hyung. Akala ko ba ako lang ang mahal mo? Haha! Biro lang, binuhay ko lang ang NamJin feels.

 

“OUCH!” hinawakan ko yung ulo ko sa sobrang sakit. May humampas kasi sa akin mula sa likod. Tinignan ko kung sino, si Jin-ye pala. “Ang sakit nun ah!” reklamo ko habang hinihimas yung ulo ko. Kinuha nya sa akin yung bata.

“Baliw! Hindi ko anak ‘to. At lalong hindi anak ni Jin.” Sagot nya.

 

“Bakit ka nandito? At bakit may dala kang bata?” tanong ng poging si Namjoon sa kanya. Hehe pogi ako eh.

 

“May dala akong milk para kay JiHoon. Tapos, eksakto naman na iniwan sa akin si baby Daehan, kaya naisip kong isama siya para may makalaro naman si JiHoon.” Ahh! Kaya pala. Akala ko naman may baby na sila ni Jin hyung, edi sana naging ninong na ako. Hehe.

 

“Kaninong baby ba ‘yang si Daehan? Wala akong kilalang kamag-anak natin na nanganak.” Tanong ko ulit sa kanya sabay upo ko sa sofa. Kinuha ko yung French garlic bread na binili ko mula sa bag ko saka kumuha ng maliit na piraso para kainin.

 

“Hmm. Wala nga. Anak sya ng friend ko. Yung mommy nya yung nag-susupply ng milk para kay JiHoon, pati yung mga kaibigan rin nyang bagong panganak lang.” sagot nya.

 

“Supply talaga ah?” natatawang sabi ni Jin hyung na nakatayo sa tabi ni Jin-ye na bitbit naman ang makulit na si Daehan. Natutulog si JiHoon sa balikat ni Jin hyung eh. Hindi ko malaro. Sayang naman. Pero maganda ‘tong view ko ah! Parang anak nilang dalawa yung dalawa haha!

 

“Edi hindi na supply!” sabay hampas sa braso nya ni Jin-ye. Kakaiba talaga ‘tong pinsan ko, mabigat ang kamay eh. Medyo kumikirot pa nga yung hampas nya sa ulo ko. Feeling ko nga kailangan kong magpacheck up. Hahaha!

 

“Nabili mo ba ‘yung mga kailangan ni Jihoon?” tanong sa akin ni Jin hyung.

 

“Yup. Nasa bag lahat.” Sagot ko. Madalas, kapag kami nina J-Hope, Jin hyung at Suga hyung ang naiiwan dito sa bahay kasama si Hoonie, laging ako ang utusan sa pagbili ng kung ano-ano. Si Jin hyung ang nagluluto, naglilinis at mas madalas na kumakarga kay baby. Ganun rin naman ako, minsan lang. Si Suga hyung naman, madalas tulog o di kaya’y nilalaro si Hoonie kapag nabo-bore sya sa bahay. Si J-Hope, parang ako lang, utusan. Haha! Pero mas madalas, kaming dalawa ni J-Hope ang kalaro ni Hoonie.

 

“Natulog kasi si Hoonie, napagod sa paglalaro nila ni Daehan.” Inilagay sya ni Jin hyung sa crib nito. Samantalang binitawan naman ni Jin-ye si Daehan para maglaro sa sahig.

 

“Alam mo bang muntikan nang mamatay yung fighting fish ni V! Muntik na mabasag ni Daehan yung fish bowl.” Sabi ko kay Jin-ye. “Bantayan mo kasi ‘yang bata.”

 

“Oo na po, Mr. Kim Namjoon!” sabi ni pinsan at sinundan kung saan pupunta si Daehan.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

Ilang oras ang lumipas at nawala na ng tuluyan ang kaseksihan ko. Peace!

 

Dumating ang tatlong kumag at nakipaglaro sa dalawang bunso. (V, Jimin at Jungkook) Nagkalat ang mga laruan ng dalawang bata sa buong sala. Hindi rin ako makaupo sa sofa kasi nakahiga si Suga hyung at nanonood ng tv. Hindi ko alam kung saan ako pupwesto kasi nasa dining area naman sina J-Hope, Jin at Jin-ye at ayokong makigulo sa kalandian nung tatlo. Haha!

 

Napagdesisyunan ko na lang na umakyat sa itaas at magsulat ng magandang tema para sa susunod na film production namin. Nagsulat ako ng nagsulat sa papel na binigay sa akin ni V. Masasabi mo kung ang papel ay galing kay V kapag lukot-lukot iyon. At dahil scratch lang naman ‘tong sinusulat ko, okay lang na lukot-lukot.

 

Unti-unti ko nang nabubuo ang konsepto at malapit ko nang matapos ang flow ng istorya. Script na lang ang kailangan para dito. At nakakatuwang tignan dahil isang makabag-damdaming pelikula na naman ang naisip ng gwapong si Namjoon!

 

“HYUNG HYUNG!” sumisigaw si Jungkook papunta sa akin, bitbit nya si Daehan.

 

“O bakit?”

 

“Laro tayo!!” sabi nya habang ikinakaway ang kamay ni Daehan. Ngunit bago pa ako makasagot, nanakbo na sina V at Jimin, kasama si JiHoon papasok ng kwarto namin.


“YEHEY! Pumayag si Namjoon hyung!!” masayang sabi nina Jimin at V at inilalapit sa akin si JiHoon at Daehan ng sabay.

 

Ang mga batang ‘to oh!

 

Pero wala na akong magagawa, kapag nagreklamo ako, baka umiyak yung dalawang bata at pektos ako nito kay Jin hyung kung marinig ng kapitbahay namin ang ingay nung dalawang bata. “Sige na sige na!” inilalayo ko sa mukha ko yung mga paa nung mga bata na itinatapat nina V at Jungkook.

 

“Mga panget! Maglaro na kayo.” Pagtataboy ko sa kanila. Inipit ko yung papel sa loob ng song book ko. Hindi lang mga istorya ang isinusulat ko, pati mga kanta. Actually, rap.

 

“WOOO! Yehey! Tuturuan daw tayo ni Namjoon hyung mag-rap!” pumapalakpak si V, Jimin at Jungkook. Nakaupo si Daehan sa lap ni Jimin at si Jihoon sa lap ni Jungkook at nakiki-palakpak rin.

 

Nakabilog kami sa sahig ng kwarto namin ni Kookie. Bago kami magsimula ng rap session, sinabi ko sa kanyang, sya ang bahalang magligpit ng kwarto pagkatapos. Tumango naman sya agad. At dahil dun, nakahinga ako ng payapa.

 

“Okay, tuturuan ko kayo.” Sabi ko sa dalawang bata. Nakatingin lang sila sa akin. Hindi ko alam kung gusto ba nila akong sabunutan o tuklawin pero handa na ako.

 

“Appa!” natigil kaming lahat nung biglang gumapang si Daehan papalapit sa akin at hinila ang buhok ko. Sabi ko na eh.

 

“Aah!” mahina kong sabi habang tinatanggal yung kamay nya sa buhok ko. Agad na lumapit si Jungkook para tulungan akong tanggalin yung kamay ni Daehan.

 

Nang makuha nya si Daehan, muli itong gumapang papalapit sa akin pero itinaas ko na ang ulo ko sa paraang hindi maaabot ni Daehan. “Appa! Appa! Appwuuhh!”

 

“AHAHAHA!” nakapikit ako pero alam kong boses ni Jimin at V yung nangingibabaw. Pinagtatawanan nila kasi natalsikan ng laway ni Daehan yung mukha ko nung sabihin nya yung “Appwwuuhh!” Magaling talagang mag-ipon ang mga bata eh. Mag-ipon ng laway. TT__TT

 

Mabuti na lang at may towel si Jungkook at agad kong pinunasan yung mukha ko. “DAEHAN!” saway ko sa bata pero imbis na tumigil sya, niyakap nya ako, “Appa!” sabi nya ulit tapos bigla ko na lang naramadaman na yung kaliwang kamay nya, nasa ulo ko na’t hinihila na naman nya ang buhok ko. Magpakalbo na kaya ako?

 

“Awww!” sabi ko sabay tanggal sa kamay nya. Ang hirap makisama sa mga bata, sa totoo lang. Kailangang kontrolin ko ang temper at pasensya ko. Konting tiis pa Namjoon, sasabunutan ka ulit nyan.

 

“Alam nyo, feeling ko anak ni Jin-ye ‘to eh! Kakaiba yung kamay! Kung makasabunot parang matatanggal yung anit ko sa ulo ko.” Pagpapaliwanag ko. Natatawa naman yung tatlong kumag. Ano pa bang sasabihin nila, dakilang tiga-tawa lang naman sila.

 

“DAEHAN!” narinig kong tumawag si Jin-ye mula sa labas ng kwarto.

 

“Kunin mo na ‘yang anak mo! Manang-mana sa’yo!” sabay turo ko kay Daehan.

 

“Hahaha! Ganyan talaga. Kapag panget, dapat sinasabunutan hahaha!” sige tawa ka lang!

 

Ibinigay ni Kookie si Daehan sa pinsan ko, “Mukhang enjoy ka baby ah!” Oo, enjoy talaga syang sabunutan ako. Lalaki ba talaga si Daehan o babae? AHA! Sabi ko na eh! Anak ni Jin hyung ‘yon! Parang binabae hahaha! Biro lang. Love you Jin hyung!

 

“Awww. Uuwi ka na baby?” tanong ni Jungkook at V kay Daehan.

 

“Opo, uuwi na kami ni baby, baka hanapin na sya ni mommy nya.” Sagot ni Jin-ye at ikinakaway ang kamay ni Daehan.

 

“Pwede bang dito na lang sya?” tanong ni V.

 

“NO!” sabi ko. Mariin at matalas. HAHA! Kung nandito ‘yan, baka bukas, wala na akong buhok. O wala na akong anit. TT___TT

 

“Maka-no naman ‘to! Ang bait kaya ni Daehan!” sagot ni Jin-ye. Tss. Makatanggol, palibhasa parehas sila ng dugo. Dugong amazona!

 

“Oo, kasi muntik na mamatay yung fighting fish ni V tapos lagi pa akong tinatawag na appa! E hindi naman ako tatay nyan! Si Jin hyung tatay mo, huh?” tabi ko kay Daehan, pero nakita kong nangilid ang luha sa mata nya. Patay! Natakot ko ata.

 

“Dito na lang siya…” pagpupumilit ni Jimin.

 

“AYOKO!” sagot ko.

 

“Hahaha! ‘Wag kayong mag-alala, dadalaw-dalaw naman kami ni Daehan dito.” Sabi ni Jin-ye.

 

“Talaga Jin-ye noona?!” tanong ni Jimin.

 

“Oo naman. Haha! Sige. Mauna na kami ni Daehan, kakain na rin ata kayong hapunan.”

 

“Edi sumabay ka na samin noona.” Suhestyon ni Jungkook.

 

“Oo nga!” segunda ni V.

 

Tumingin sa akin si Jin-ye. “Tss” so ako pa magdedecide. Bakit hindi si Jin hyung tanungin nya? “Bahala kayo!” sabi ko at masaya silang bumaba kasama si JiHoon.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

12:45 am

 

Nagising ako kasi may maingay sa kabilang kwarto. Bumangon ako’t lumabas para tignan kung anong nangyayari, nakita ko si Jimin na nagbabasa ng kung-ano sa kapirasong papel.

 

“Psst!” agaw ko sa atensyon nya. Mahina lang para hindi magising si Jihoon at yung dalawang nagduduet sa paghilik.

 

“Hyung!” sabi nya at tahimik na lumabas ng kwarto.

 

“Gabing-gabi na’t nagbabasa ka pa, ano ba ‘yan?” tanong ko sa kanya.

 

“Hyung, love letter.” Matipid nyang sagot.

 

“ANO?!—maerskdflaeoyi” hindi ko na maintindihan ang sinasabi ko kasi tinakpan nya bibig ko.

 

“Hyung naman! Wag ka nang mag-ingay! SHHH!!” pagpapatahimik nya sa’kin. Tinanggal nya yung kamay nya sa bibig ko.

 

“Yung totoo?” linya ‘yan ni Jin hyung, ginamit ko lang. “Hindi ko alam kung saan ako magugulat, sa baho ba ng kamay mo o sa baho ng hininga mo.”

 

“Ay grabe.” Sagot nya, “Love letter to hyung…”

 

“Tss. San galing? Hahaha!”

 

“Hindi ko rin alam, nakita ko sa locker.” Sagot nya with hesitations.

 

“Locker. E baka namali lang ng pinaglagyan. Wag assuming!” sabi ko sa kanya. Pero umiling sya sa akin.

 

“Hyung, para sa akin, may Jimin na nakalagay.” WEH?! Ang pogi ni Jimin ah!

 

Kinuha ko yung papel at binasa yung mga nakalagay.

 

“Jimin please say you’ll wait for me.

I’ll grow up, someday you’ll see

Saving all my kisses ,just for you.

Signed with love, forever true.”

 

“HA!” sabi ko habang nagpipigil ng tawa, “HA! T@3!”

 

“Hyung naman!” inagaw nya sa akin yung papel tapos nilagay sa bulsa ng pajama nya.

 

“Hyung-hyung ka dyan?! Hahaha!” sabi ko. “Walang forever. Di ‘yan totoo.” Mga pauso ng mga tao ngayon oh!

 

“Grabe ka naman hyung. Kinakabahan ako kung kanino galing ‘to!” sagot nya.

 

“E? Wala ka bang kilala o alam na nagkakagusto sa’yo?”

 

“Wala.”

 

Napatingin ako sa mukha nya, seryoso?

 

“Ano ba ‘yan?” nagulat kami ni Jimin nung biglang lumitaw si Jin hyung sa likuran nya’t kinuha yung papel na nakalawit sa bulsa ni Jimin.

 

“HYUNG!” pipigilan pa sana ni Jimin pero hindi na nya naagaw. Binasa ito ni Jin hyung ng tahimik matapos ay tumawa.

 

“Anong masasabi mo hyung?” tanong ko sa kanya.

 

“Walang kwenta.” Matipid na sagot ni Jin hyung. “Akala ko, importante.”

 

“Importante ‘to hyung! Matter of life and death!” sabi ni Jimin. Hindi ko nagets. Haha!

 

“Knock-knock lang ‘yan! ‘Wag kang assuming!” ahh! Kay Jin-hyung rin pala yung linyang ‘wag kang assuming!’ gaya-gaya talaga ako. TT__TT

 

“knock knock?” tanong ni Jimin. Binuksan nya yung papel at tinignan namin ang nakasulat.

 

“Meron sa taas!” turo ko. May nakasulat sa kaliwang bahagi ng papel.

 

Knock knock!

Ans: Jimin

 

 

“Jimin please say you’ll wait for me.

I’ll grow up, someday you’ll see

Saving all my kisses ,just for you.

Signed with love, forever true.”

 

 

 

“Minsan try nyong makinig ng lumang kanta.” Humihikab na sabi ni Jin hyung at tumalikod sa amin, kumaway sya at pumasok na ng kwarto.

 

“Luma?” nagkatinginan kami ni Jimin at sabay kaming umiling.

 

“Matanda na nga.” Sabay naming sabi.

 

 

 

 

Sorreh late UD. Ngayon lang may pumasok sa isip ko. TT__TT medyo corny na sya hahaha! Sorry sa iba kong readers, hindi ko na naaupdate yung iba ko pang stories, nawawala sa utak ko yung mga susunod na mangyayari eh. TT____TT ayun. Enjoy the kookie update!

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angela_Mae #1
Chapter 5: Update ka na! Ganda nito! Please!
-iKissAndTell #2
Chapter 1: Please update soon :))
kislife #3
looking forward to it <3