[GOD OF DESTRUCTION]

Bangtan SonyeonDAD

GOD OF DESTRUCTION

 

January 31, 2015

 

Saturday Nightmare

 

“Hyung naman, sa dinami-rami ng pwede mong maupuan, bakit yung pande coco ko pa?” - V

 

“Hyung, ikaw huling gumamit nitong earphones ko di ba? Hindi na gumagana yung isa.” -Jungkook

 

“Namjoon, yung ballpen ko, pinantusok mo na naman ng mga bond paper no? Nasira mo na naman yung puncher?” –Jin hyung

 

“Namjoon bili ka ng bago mong plato, akala mo hindi ko nakitang nabasag mo yun habang naghuhugas ka kagabi.”-J-Hope.

 

“’Wag mo nang subukang manghiram sa akin ng kahit ano!” – Suga

 

“Hindi mo naman intensyon sirain yung mga gamit hyung, basta ‘wag ka na lang hahawak ng kahit ano. Makakatulong ka pa.” –Jimin.

 

“Da-da-da-da ---Appa!!” – JiHoon.

 

Sa lahat ng mga narinig ko buong linggo, pinakamatino na yung kay JiHoon. Kapag kasi may nasisira, ako ang laging sinisisi. Hindi ba pwedeng sila muna? Sila naman talaga kasi gumagamit nun eh. Hiniram ko lang. Kaso, nagkataong na nung ako yung gumamit, nasira. Yung kay V, tama ba yung ilagay nya sa sofa yung pandecoco nya? Ayon, naupuan ko tuloy. Ayaw na raw nya kainin kasi naflat na. Flat de coco na raw.

 

Nawalan na raw sya ng gana kumain lalo na nung naisip nyang tumapat yung pwet ko dun sa pande coco nya. Medyo iba maiisip nyo kung binasa nyo yung unang statement. Yung pwet sa pande coco. Okay, kung hindi nyo nagets, mas okay para sa akin ‘yon. Wag nyo na lang alamin kasi mandiriri lang kayo.

Nitong Miyerkules, hiniram ko yung earphones ni Jungkook, nasira na kasi yung sa akin. Nung una kong gamitin ‘yon, hindi na talaga gumagana yung isa. Pinagtyagaan ko, akala ko naman alam na ni Jungkook na sira na talaga yung earphones nya. Nagtyaga ako kasi sya lang nagpahiram sa akin sa lahat ng mga pinagtanungan ko dito sa bahay. Kung pwede lang kay JiHoon ako manghiram, kaso wala naman syang ganun.

 

Binalik ko kay Jungkook yung earphones saka sya nagreklamo, sinira ko daw, ayun, binayaran ko na lang para matahimik yung bibig yang putak ng putak nung araw na ‘yon. Para kaming nagkaroon ng isa pang baby sa loob ng bahay.

 

Kulang-kulang sa gamit yung bahay namin kaya naisipan kong hiramin yung matibay na ballpen ni Jin hyung. Masyado kasing fab yung ballpen ko kung ipambubutas ko lang ng bente pirasong short bond paper na may lamang script na ifafastener ko sa folder para ibigay dun sa leading actor ng film namin. At dahil hindi uso ang puncher at tamad akong bumili, ginamit ko yung ballpen ni Jin hyung pambutas. Naging successful naman ang operasyon pero yung dulo ng ballpen nya ang napuruhan. Tanggap ko naman ‘yun. May pambili naman sya na pamalit dun. Ako, wala. Hehe.

 

On the spot jackpot naman ako nung naghuhugas ako kagabi ng pinggan. Eksakto naman kasi na pagala-gala si Jihoon at binunot nya yung balahibo ko sa binti habang hawak ko yung plato. At ayon na nga. Napasigaw ako sa sobrang sakit ng paghila nya. Para akong nagpawax sa ginawa nya. Nabitawan ko yung plato at basag na ito bago ko pa sya masalo. Tinignan ko naman ang reaksyon ni JiHoon at tuwang tuwa sya sa nabunot nyang buhok at balak pang isubo. Pinigilan ko, baka maging Super Namjoon pa sya kapag nakakain sya nun. Push ko na pogi ako. Ok. At hindi ko alam na umaali-aligid na pala ang baba ni J-Hope ng mga oras na ‘yon.

 

Agad nakarating sa kinauukulan ang mga pangyayari kaya ayon, ayaw na magpahiram ni Suga ng kahit ano sa akin. Eto namang si bulilit, akala ko e dadamayan ako. Hindi naman pala. Umasa ako kasi tinapik-tapik pa nya ang balikat at braso ko. Inabutan pa nya ako ng yakult para kumalma. Nung kukunin ko na sa kanya yung yakult agad nyang binawi at ininom. Sa sobrang inis ko, tinapik ko yung dulo nung yakult na iniinuman nya at nabulunan sya. Belat! HAHAHA! Babala: Wag nyong gagayahin ang kasamaan ng poging si Namjoon. Lahat ng mga nakasaad rito’y pawing kagwapuhan lamang.

 

At si JiHoon, patuloy pa rin sa paglaki at pagtakaw. Naalala ko pala, may sinabi si V sa amin na may umaali-aligid sa amin dito. Hindi ko alam kung sila ba yung mag-asawang matanda na nakikita ko na laging sumisilip sa may bakuran. Akala ko nanlilimos lang kaya hindi ko nilalabas. Kuripot ako eh!Hahaha! Joke. Takot lang talaga akong makipag-usap sa hindi ko kilala. Mamaya ako pa yung mahipnotize at ma-r*pe ng wala sa oras. HAHAHA! Sa gwapo kong ‘to! Maraming nagtatangka. Hahaha!

 

At payo rin ni Jin-hyung na wag kong labasin baka kasi magtanong tungkol sa bata dito sa bahay. Bawal nga kasi ang bata dito sa bahay pero naitatago pa rin namin sya dun sa matabang kurakot naming land lady. Feeling ko pa nga, may crush ‘yon sa akin. Haha! Joke, bigay ko na lang sya kay Jimin.

 

Nakahiga si Jungkook sa kama nya dito sa kwarto namin, naglalaro ng COC. Anong satisfaction ba ang nakukuha ng tao kapag naglalaro sila nun? Ma-try nga magdownload bukas. Haha! “Jungkook, naglalaro ka na naman ng COC.” Puna ko sa kanya.

 

“Hindi hyung, may ka-chat ako!” nakangiti nyang sabi tapos tumawa sya ng sobrang lakas na parang kinikiliti ng higad.

 

“HOY! Anong kalandian ‘yan?” sa sobrang curious ko e nagdive-in na ako sa kama nya sabay tabi sa kanya. Sinisilip ko kung ano meron sa cellphone nya pero ayaw nyang ipakita. “Madaya!” sigaw ko.

 

“He-he he! Privacy Namjoon hyung!” sabi nya habang ikinakaway ang kanang hintuturo nya. Tapos nagsimula na syang magtype ng kung-ano dun sa phone nya.

 

“Kalandian nga naman oh!” sabi ko sa kanya. Nakakapag tampo. Samantalang kapag ako may lovelife, kwento agad. Sya wala man lang share-share! Magaling na bata!

 

“Hindi ako malandi hyung. Si Halla lang ‘tong kausap ko. Kagague kasi nya.” Whut? Gague? Ano daw?

 

“Bading ka na Jungkook? Kung ano-ano na natututunan mo.”

 

“Hindi hyung. Nakakatawa lang talaga syang kausap. HAHAHAHA!” tawa nya ulit.

 

“E ano ba kasi yang pinag-uusapan nyo? Para ka kasing kinikilig? May gusto ka dyan no?”

 

Tumingin sya sa akin sabay type ulit sa kanyang cellphone, “Wala hyung. At kahit kailan di mangyayari yun. We’re just friends.”

 

“UTUT MO! Friends friends! Mga linya mo, bulok!”

 

“There was never an us, and never will be an us.” Sabi nya sa akin. Aba! Paingles ingles?! Hugot sa balon? Hahahaha!

 

“Edi never will be the two of you! Ipaglaban mo, dyan ka magaling eh!” kausap ko sya pero nakatingin ako sa kisame. “Bakit naman, hindi mo ba sya type?” Konting kulit lang, mapapaamin ko si Jungkook.

 

“Hmm…” kumunot ang noo nya at kilay, “Hindi naman sa ganun, kasi bestfriend ko sya.” Sagot nya.

 

“Di ba pwede yung bestfriend into lovers?” tanong ko.

 

“Hindi. Kasi kapag ganon, masisira friendship namin kung ano man ang kalabasan. Kung magkagusto man ako sa kanya o magkagusto sya sa akin.”Pagpapaliwanag nya. May point naman. Mahirap nga ‘yon. Pero malay naman kasi. Feeling ko naman hindi rin sya matatanggihan ni Halla. Hahaha! Sa pogi ba naman ng bunso ng barkada namin.

 

“Ewan ko, ang komplikado ng sitwasyon mo Kookie, ayoko ng ganyan.” Sabi ko sa kanya. Tas nangiti lang sya at patuloy sa pagchat sa kaibigan forever dawn yang si Halla. Lumabas ako ng kwarto namin at bumaba sa sala. Nandun si Jin hyung nanonood ng tv habang katabi si Jihoon na busy sa paglalaro ng bago nyang teddy bear.

 

“Hyung, hindi kaya maging bading yang si JiHoon? Pinaglalaro mo ng teddy bear?” tanong ko sa kanya.

 

Sumagot naman si Suga hyung na nasa sofa rin, “Nako, may balak pa ngang ibili nya si JiHoon ng Barbie!” medyo may pagkabading pa pagkakasabi ni Suga hyung ng Barbie. HAHAHAHA!”

 

“SSHH!!” pagpapatahimik ni Jin hyung.

 

“Seryoso?” tanong ko.

 

“Hindi! Baliw yang si Suga! Sya ata may gusto ng Barbie!” sagot nya. Sinipa naman sya ni Suga hyung. Dahil malandi ang dalawang ito, nakakapagselos. Joke! Lumabas na lang ako ng bahay sa sobrang boring. Nasa trabaho nya si V kaya bubulabugin ko muna sya dun. HAHAHA!

“Thank you!” saktong sabi ni Taehyung matapos nyang mapunch at matanggap yung bayad nung customer pagpasok ko.

 

“Welcome po!” sabi nya sa akin pero hindi sya nakatingin. Busy sya sa pag-aayos ng pera. “Pwede bang bumili ng unggoy dito?” tanong ko sa kanya.

 

“Nako sir, wala pong binebentang unggoy dito.” Sagot nya. Hindi pa rin sya lumilingon sa akin at parang may hinahanap na kung ano.

 

“Ano hinahanap mo?”

 

“May nalaglag akong barya. Di ko makita.” Sagot nya sa akin. Haha! Baliw talaga.

 

“Wala bang unggoy dito? Bakit may nakita ako?” tanong ko sa kanya.

 

“WEH?! Saan?” tanong nya sabay tingin sa paligid pero mabilis ang paglingon lingon nya.

 

“Yung kausap ko.” Sagot ko sa kanya. Eksakto namang tingin nya sabay angat ng kanang kamay at sinabing, “LOKO KA HYUNG!” binato nya sa akin yung napulot nyang barya eksaktong tumama sa noo ko.

 

“ARAAAAY!!!” sigaw ko habang hawak yung noo ko. “Ang sakit! Kainis ka!”

 

“Mas kainis ka! Grabe ka, unggoy agad? Ganun ba ako panget? Ang sama mo! Labas!” sabay turo nya sa pinto ng shop.

 

“Hahaha! Joke lang! Pikon ka naman!” pinulot ko yung baryang binato nya sa akin at pinatong sa may table ng cashier nya. “ANO?” tanong ko sa kanya, ang sama makatingin eh.

 

“Ngayon hyung, nagka-unggoy na talaga sa petshop. Maraming salamat sa pagdalaw ng isang six footer na unggoy dito sa aming pet shop. Magiging tourist attraction ka hyung.” Aba! Gumaganti! Marunong! Hahaha!

 

“Sabado na nagtatrabaho ka pa, wala ka bang day-off?” tanong ko sa kanya.

 

“Meron naman hyung, bukas.” Sagot nya.

 

“Hmm.. Kumusta naman dito?”

 

“Okay naman, mabenta yung pagkain ng mga isda.” Sabay turo nya dun sa shelf ng puro pagkain ng isda. “Kung naghahanap ka ng pagkain para sa unggoy, wala dito hyung. Sa palengke o supermarket meron, ilang piling ba gusto mo? Bibilhan kita mamaya pag-uwi ko. Hehe!” sabay peace sign nya.

 

“Baliw!”

 

“Hahaha! Biro lang, napadaan ka dito hyung? Ibibili mo ba si Baby V ng food?” Baby V?

 

“Sinong Baby V?”

 

“Yung fishy fishy fishy fish ko dun sa bahay? Yung fighting fishy ko! Si baby V!” pagmamalaki nya sa akin habang iniimagine atang lumangoy yung kanyang fighting fish.

 

“Ahh! Kaya pala kamukha mo yung isda. V rin pala pangalan. Tsk tsk!”

 

“Bastos ka hyung! LABAS!” sigaw nya sa akin pero natatawa sya. Biruan lang naman eh, ganyan kami magmahalan, peksman, walang iwanan. Itaga sa nostrils ni Jungkook.

 

Kinwento ko sa kanya yung nangyari kanina tungkol dun sa Barbie doll ni Jin hyung tapos nagsimula na syang magwala sa katatawa. Pati na rin yung ginawa ko sa yakult ni Jimin non, pati yung sa earphones. Lahat ng nangyari sa akin kinuwento ko na sa kanya. Masarap kasi syang kausap. Kahit out of this world ang utak nya, na sa’yo naman ang atensyon nya kapag nagkukwento ka.

 

Nasabi ko rin sa kanya yung tungkol sa kalandian ni Jungkook, ang sabi naman nya e ganto, “Hyung, si Jungkook, seryoso sa buhay, kung may gusto man syang babae, itatago nya muna sa atin yon hangga’t hindi pa sila. Kahit pa binansagang ilong ng bayan, este international playboy at Mr. Spreading legs sya, naninigurado lang sya na yung babaeng ‘yun e ang kanyang forever.”

 

“Gago, walang forever” sagot ko sa kanya.

 

“Meron, POREBER!” pagtatanggol nya.

 

“Wala nga!”

 

“Ang bitter mo pa nga!” sabi nya sa akin, “Hyung kasi, minsan kailangan rin natin ng privacy. Yung para sa sarili lang natin, yung hindi natin kailangang ishare lahat. Magtira tayo ng kahit kaunti para sa sarili natin. Mahirap rin kasi yung masyadong open tayo sa mga tao. Mahirap na magtiwala.” Naging seryoso ang mukha nya at tumingin sa mga nakadisplay na isda sa shop. Tumayo sya at saka pumunta dun sa mga aso, may English spaniel, Japanese spitz, Beagle, Labrador, Chinese sharpei at dachshound. Sinundan ko sya papunta dun.

 

“May bumili na rito kay Hobi.”  Sabay turo nya dun sa Dachshound  na aso.

 

“HOBI?”

 

“Oo hyung, lahat sila may pangalan.” Nakangiti nyang sabi, “Ito,” sabay turo nya dun sa English spaniel, “Si Kookie.” Tapos tinuro nya yung beagle, Labrador at Chinese Sharpei, “Ito naman sina Suga, Joonie, at Chimchim. Si Chimchim yung Chinese sharpei hehehe! Ang cute.” Sabi nya.

 

“Wala man lang kapangalan si Jin hyung?” tanong ko sa kanya.

 

“Meron!” lalo syang napangiti tapos nanakbo sya papunta dun sa kabilang parte ng shop. “Sya! Si Jinnie! Si Jinnie pig!” sabay turo nya dun sa pot belly pig. “HEHEHEHEHE!”

 

“HAHAHAHA! Ang sama mo kay Jin hyung!” napapapalakpak ako sa katatawa.


“Ang cute kaya, Jinniepig! Hihihi! Cute naman sya eh!” binuhat nya yung baboy tapos pinakita sa akin. Niyapos-yapos nya tas binalik sa kulungan. “May nakabili na rin kay Jinnie pig, kukunin sya bukas hyung. Kukunin sya ng wala ako.” Malungkot nyang sabi sa akin.

 

“Ang lungkot mo ah.”

 

“Napamahal na kasi sila sa akin. Ako nagpapakain, naglilinis ng kulungan nila. Ganun, para ko na silang mga anak hyung.” Nakangiti sya habang tinitignan ang paligid na puno ng mga hayop.

 

“Sabi mo, mahirap magtiwala. Buti nagtitiwala ka dun sa mga bumibili sa kanila?”

 

“Hyung, kapag may bumili, ibig sabihin, interesado silang alagaan yung hayop. Mahalin, pakainin at patirahin sa mga bahay nila.” Sagot nya.

 

“Hindi ka natatakot mawalay sa kanila?”

 

“Natatakot, pero ganun talaga. Sa una lang naman ‘yun hyung. Kung may darating, may darating. Kung wala, edi wala. Dapat matuto rin tayong mag-let go. Mahirap kasi kung pati yung nakaraan panghahawakan natin. Hindi naman pang-habang buhay yun di ba?”

 

“AHA! Mabuti’t inamin mong walang forever! HAHAHA!” huli ka ngayon.

 

“Hmm.. siguro nga. Pero hyung, nababagabag ako, dun sa dalawang nakikita ko. Araw-araw silang sumusunod sa akin pauwi.” At muling nabuksan na naman ang misteryong bumabalot dun sa dalawang taong yun.

 

“Di ka nila tinatantanan?”

 

“Hindi hyung. Natatakot na talaga ako. Mula sa bahay, ganun. Nakakatakot.” Hinawakan nya ang braso ko. Ramdam ko ang pagkatakot nya sa malamig nyang kamay. ‘Wag kang matakot Taehyung, nandito lang kami. Nandito lang kami.

 

“Hyung…” sabi nya sa akin, kita ko ang kaba sa mata at boses nya.

 

Tumingin ako sa may pinto ng shop at tumambad sa amin yung dalawang taong sinasabi nya. Kasabay ng biglang pag-ulan at pagkidlat sa labas “AAAAAAHHHHHHH!!!!” malakas kong sigaw.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

“Baka nabigla lang sya sa mga nangyari ganun?”

 

“Imposible, naniniwala akong natakot sya ng sobra.”

 

“Mukha nga, ang putla ng labi nya.”

 

“Wag nga kayong ganyan? Nauna pa syang himatayin kesa sa akin.”

 

“Hahaha! Naiimagine ko kung ano itsura nya bago mahimatay! Pang best actor! Hahahaha!”

 

Naiirita ako sa boses nung tumatawang yun at alam kong si Jimin ‘yon kaya agad akong bumangon at dumilat. Hinanap agad ng mata ko si Jimin saka ko sya sinakal. “AAAHHH!!” sigaw nya. Nagsitakbuhan naman sina J-Hope at V para pigilan ako.

 

“Loko ka talaga Jimin!!” sabi ko sa kanya. “Todas ka ngayon!”

 

“Hyung!” awat ni V sa akin sabay tanggal ni Suga sa mahigpit na pagkakahawak ko sa leeg ni Jimin.

 

Umubo-ubo si Jimin, “Grabe, muntikan na ako dun! Parang joke lang eh!” sabay bawi nya.

 

“Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.” Sabi ni J-Hope sa kanya.

 

Tinaas ni Jimin ang dalawa nyang kamay, “Sorry naman po….”

 

“Ano ba nangyari?” tanong ko. Wala na talaga akong maalala bukod dun sa pagsigaw ko ng malakas nung pagpasok nung dalawang sinasabi ni V.

 

“Hyung, pumasok yung dalawang nakacoat. Yung kinatatakutan ko.” Sagot ni  V.

 

“Wala namang ginawa sa’yo? Sa akin?” tinignan ko ang katawan ko mula ulo hanggang paa, baka kasi wala na akong saplot sa katawan.

 

“Wala hyung! Wag kang feeler! Hahaha!” tawa ng tawa si V tapos may iniabot syang calling card sa akin.

 

“Hyung, mga scout daw sila ng isang entertainment, Hmm. gusto nila akong kunin bilang trainee nila. At actually, lahat daw tayo dito sa bahay. Matagal na nila tayong sinusubaybayan, hindi lang nila alam kung paano tayo i-aapproach kasi nga wala naman daw lumalabas sa bahay kapag nandun sila.” Nakangiting sabi ni V.

 

“O di ba? Big opportunity!!” Napapapalakpak si J-Hope na parang sea lion.

 

“Sisikat na tayo sa buong universe!” natatawang sabi ni Jimin.

 

“Tapos mapapangasawa ko na si Kaya!!” sige, mangarap ka pa V.

 

“Totoo?” tinignan ko yung calling card.

 

“Tawagan lang daw natin sila kung handa na tayo.” Sabi ni Jimin.

 

“Okay….” Totoo ? talaga?

 

“Walang mag-aartista, walang magiging trainee! Balik sa taas!” napatingin kaming lahat kay Jin hyung tapos ay kinuha nya yung calling card at pinunit yun.

 

“NOOOOO!!!” parang gumuho ang pangarap naming lahat nung bigla nyang paulanin sa harap namin ang pira-pirasong calling card.

 

“Akyat sa taas! Mag-aral!” huli nyang sabi bago kami kumain ng hapunan.

 

Buong hapunan ay tahimik lang kami. Maski si JiHoon ay tahimik rin. Nauna na kasi syang matulog. Nasa crib lang sya sa tabi ni Suga hyung. Wala ni-isa ang nagsasalita sa amin dahil sa nangyari. Tahimik na humihigop ng sabaw si Jimin at ganun rin si Jungkook. Hawak lang ni V ang kutsara nya habang tinutusok tusok yun sa kanin. At busy lang si Jin hyung sa pagkain ng marami. Kami naman ni J-Hope ay nag-oobserba lang sa mga nangyayari. Nakakawalang ganang kumain kapag ganto. Ang tahimik eh.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

Natapos ang kainan at natutulog na ang lahat maliban sa buong araw na online na si Jungkook, nakangiti sya habang nakatingin sa screen ng phone nyang nakakabit sa powerbank. Di na talaga mapigilan ‘tong si Jungkook eh. Nakaramdam ako ng kung ano kaya lumabas ako ng kwarto. Dumaan ako sa kwarto nina Jin at Suga hyung.

 

“Hindi ko naman balak sirain ang pangarap nila. Mahirap na. Para kay JiHoon na rin. Kapag sumikat man tayo, o maging trainee, magiging busy na lahat. Walang mag-aalaga sa bata. Kung ganon ang gusto nila, mabuti pa e ipaampon na lang talaga natin sya.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angela_Mae #1
Chapter 5: Update ka na! Ganda nito! Please!
-iKissAndTell #2
Chapter 1: Please update soon :))
kislife #3
looking forward to it <3