[1] JIN

Bangtan SonyeonDAD

JIN

D-day December 4, 2014

 

Twenty two, next year, twenty three and still counting.

Simpleng araw para sa simpleng okasyon. Lahat naman tao di ba nagbibirthday? Lahat tumatanda, lahat namamatay. Nakatingin ako sa mga mahahabang crepe papers na nakasabit sa kisame ng kwarto namin ni Suga. May mga pink at blue na balloons rin. Napangiti ako sa mga kalokohan nitong mga ‘to. Siguraduhin lang nilang sila maglilinis ng lahat ng kinalat nila.

 

Bumangon ako sa aking kama, “POP!”

 

Nagpaputok ng poppers sa mukha ko ang nakabunny headband na si V, may suot syang pulang ilong. I mean yung sinusuot ng mga clown, ganun. “HEPI BIRTHDAAY!” sigaw nya ng sobrang lakas sa mukha ko. Ngiting tagumpay sya habang nagpapaputok pa ng mga natirang poppers sina J-Hope, Jimin, at Jungkook.

 

“HAPPY BIRTHDAY!” bati nilang lahat sa akin habang pumapalakpak. Hinahabol naman ni V ang mga nalalaglag na confetti mula dun sa party poppers. Tinanggal ko ang mga confetti na iniwan ng popper ni V sa ilong ko.

 

“Mga baliw talaga kayo!” nakangiti kong sabi sa kanila. Ang hilig nila sa ganto! Hindi ko naman sila masisisi, birthday ko. Kailangan magpakasaya.

 

“Gagawin naming extra special ang birthday mo hyung!” inakbayan ako ni J-Hope habang tumitingin sa mga lobo na nakasabit pa rin sa kisame. Yung ibang lobo kinuha ni V at itinali sa braso ni Jungkook. Haha, para talagang mga bata ‘to.

 

Sabagay, bata pa nga sila.

 

“Ang saya nyo ah!” sabi ko kanila V, ngumiti sya’t sumagot, “Masaya talaga kami, birthday mo hyung eh.”

 

Hindi mawala ang ngiti sa mga mukha ko, mula nung tumira ako sa dorm kasama sila sa loob ng ilang taon, napapanatag ang loob ko. Nasanay na siguro ‘tong katawan ko sa ingay, kulit at gulo ng mga taong kasama ko kaya kahit anong kalokohan ang gawin nila, immune na ako.

 

“Yehey!” sigaw ni Taehyung habang binabato kami ng mga lobo na nasa sahig. “HUY PSST!” saway ni Jimin sa kanila na nabubugbog na ng mga lobo na binabato nung dalawa.

 

“Haha! Sali ka dali!” aya ni V. Eto namang si Jimin, game na game at nakibato rin ng lobo sa kanila.

 

“Meron pa kaming surprise!” nakangiting sabi ni J-Hope at sinenyasan ng kung-ano sina Jungkook. Tumayo si Jungkook at binuksan ang pinto, sina Suga at Namjoon na may dalang cake. May suot na party hat ang dalawa.

 

“Yung totoo? Children’s party?” tanong ko sa kanila, pero natatawa talaga ako. Bakit ganto sila mag-effort? Medyo childish… sabi ko nga, bata pa kasi sila haha! Pero si Suga? Imposible.

 

Puti ang icing ng cake at may nakasulat na kulay pink dito, “Happy 22nd Birthday Kim Seokjin” from V.

 

“V? bakit V lang?” nakatingin ako sa kanilang lahat. Di nga? Si V lang? Sumilip sina Jungkook, Jimin at J-Hope.

 

“Huy! Kanina nandyan pa mga pangalan natin a? Bakit wala na?!” tanong ni Jungkook. Tinignan naming lahat si V na nakangiti lang habang nakatago ang mga kamay nya sa likod.

 

“Nung kinuha namin ganyan na nakalagay.” Sagot ni Suga. Tumango naman si Namjoon.

 

“Yung totoo?” tanong ko ulit.

 

“Heeheeeheee!” mahinang tawa ni V, halatang pigil pero malakas ang kutob naming may ginawa syang kalokohan.

 

“Ayyy…” nanghihinayang na sabi ni J-Hope, “seryoso kami Jin-hyung, nandyan yung mga pangalan namin nung binili namin ‘yan. Pagkatapos ni V, pangalan ko, tas nya.” Sabay turo kay Namjoon, “tas siya,” kay Suga, “tas si Jimin tapos si Kookie!” kunot ang noong tinititigan ni J-Hope ang cake.

 

“HEHEHEHE” tawa ulit ni V. Noong first anniversary namin bilang magkakaibigan, may inihanda rin kaming party. May ginawa rin syang kalokohan nun. Katatapos pa lang nung kanta namin, agad nyang hinipan yung kandila nung cake. Grabe talaga yun. Tuwang tuwa sya sa sarili nya habang pumapalakpak tapos sinakal-suntok pa sya ng mahina nina J-Hope sa ginawa nya. Unahan ba naman kami?

 

Puro talaga sya kalokohan. Minsan naiisip ko na mas weird sya kesa kay Jungkook na mas bata sa kanya ng dalawang taon. Hindi pala, isang taon at walong buwan kung susumahin. Pumunta sa likod ni V si Jimin at tinanggal ang kamay ni V sa pagkakatago nito sa likuran nya, “AHA!”

 

“Bakit?” tanong ni Namjoon.

 

“Huli ka balbon!” sigaw ni Jimin at pinakita sa amin ang kuko ni V na may kulay pink. Inamoy ni Jimin ang kamay nito. “YUUUCK!” napalayo si Jimin at mukhang diring-diri ang itsura nya.

 

“Bakit? Ano amoy?” tanong ni Suga.

 

“Kadiri hyung, amoy laway!” sumbong ni Jimin.

 

“Hahaha! Kadiri, maghugas ka ng kamay mo V!” tinulak ni sya ni J-Hope palabas ng kwarto namin. Hindi mapigil yung ngiti naming lahat.

 

Umiiling si Kookie, “Grabe naman katakawan ni hyung.” Ngumiti ako’t inakbayan ko si Jungkook. “Okay lang yun. At least lahat kayo kasama ko ngayon, di bale nang natira yung pangalan nya dyan. HAHA”

 

“Pero kadiri pa rin, imagine mo hyung, may laway ni V yung cake!” maasim ang mukhang sabi ni Jimin. “Paano natin paghahati-hatian yan?”

 

“Mamaya mo na isipin yung paghahati, ang importante mahipan na ni Jin hyung ‘to kasi tunaw na tunaw na po yung kandila nung cake.” Pagrereklamo ni Namjoon na kanina pa bitbit yung cake.

 

“Ay oo nga!” sabi ni Suga at itinapat na ulit sa akin ang cake.

 

“Okay happy birthday to me, from V.” basa ko sa nakasulat. Eksaktong pumasok ng kwarto si V, tapos na syang maghugas ng kamay. Dali-dali syang nanakbo at sumigaw ng “HAPPY BIRTHDAY HYUNG! MATANDA KA NA!!!”

 

“Hahaha!”

 

“Okay wish ka na hyung.” Sabi ni Namjoon.

 

“Okay okay.” Pumikit ako at nag-isip ng wish ko. Ano ba ang dapat kong i-wish? Yung more birthdays to come? Hindi, yung long life? Happy moments with them? Hmm pwede rin. Yun na lang.

 

I wish I’ll spend more happy moments with my friends. Lahat sila.

 

Mula kay Jungkook na naging napakabait na bunso, si V na sobrang kulit, ang roommate kong si Suga na tumatayong pangalawang kuya sa aming lahat. Kay Namjoon na very understanding na kahit madalas na sobrang weird nila (namin) e mahaba pa rin ang pasensya nya. Pero ang totoo’y isa sya sa makalokohan rin sa amin. Kay J-Hope na feeling nya’y hindi sya perpekto pero perpekto talaga sya. Hanggang kay Jimin na small but terrible na isa rin sa nagpapagulo sa dorm na ‘to.

 

Kawawa nga si J-Hope sa kanila eh. Nitong huli nga, habang naliligo si J-Hope, nalimutan nyang isara yung pinto ng cr, nakasabit sa labas ng shower area yung damit nya tas kinuha nila Jimin nang hindi sinasabi sa kanya, halos kalahating araw sa cr na hindi lumalabas si J-Hope nun kasi wala talaga syang suot na damit. Hahaha!

 

At hinipan ko na yung kandila at muling kumanta si V, “HEYPI BIRTHDAY! HEYPI BIRTHDAY!!” ibinato nya ulit sa amin yung mga nagkalat na lobo sa kwarto.

 

“Ey Ey!” saway ni Suga, “Ikaw magligpit nito pagkatapos!” kinuha ni Suga yung cake at iniabot sa kanya. “Ikaw na rin kumain ng laway mo.”

 

Wala man kaming makain na cake, naiwan naman sa kwarto si V na tuwang tuwa, “CAAAKEU! YEHEY!! CAKEU!” rinig namin mula sa labas. Iniwan kasi namin sya dun para maglinis.

 

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

 

“Hyung, curious ako, ano yung winish mo?” tanong ni Jungkook. Nanonood kami ng bagong film na pinroduce ni Namjoon, nahilig sya sa pagpoproduce ng films dahil boring nga naman.

 

“Hmm. Secret.” Sagot ko.

 

“Ano ba storya nyan?” tanong ni J-Hope kay Namjoon. May bitbit syang soft drinks in can at isa-isa kaming inabutan. Umupo sya sa tabi namin.

 

“About a guy na nafall sa isang babaeng hindi naman talaga nageexist.” Sabi ni Namjoon. WOW. At napawow na lang talaga kami sa ganda nung movie. Medyo nagkalat nga lang ako ng tissue kasi nakakaiyak. Nakakaiyak naman kasi talaga! Tsaka hindi lang naman ako ang umiyak no! Pati kaya si J-Hope, nakatakip pa nga mukha nya bago sya pumasok ng kwarto nila. Magbabasa raw sya ng comics.

Hindi ako tinantanan ni Jungkook tungkol dun sa winish ko, sa buong pelikula ata’y naka isang daang beses syang nagtanong. Sinabi ko lang na “world peace” para matahimik sya.

 

At ngayon, in peace na syang natutulog. Hindi raw nya kaya ang madramang ending. Loko kasi ‘tong si Namjoon, birthday na birthday ko, pinaiyak ako! Binato ko sya ng rolyo ng tissue. Wala na kasing facial tissue kaya pati yung tissue sa cr namin ginamit ko na.

 

“OUCH!” mahinang sabi nya habang pinupulot yung tissue na ibinato ko. “Hyung naman! Hindi ba maganda?”

 

“Maganda! Sa sobrang ganda gusto pa kitang batuhin ng tissue!” galit kong sabi sa kanya habang boses ngo-ngo ako.

 

“Haha! Hyung naman.” Nililigpit nya yung kalat namin nung makarinig kami ng sigaw mula sa kwarto nina J-Hope, Jimin at V. Tumakbo kami’t tinignan kung ano ang nangyayari.

 

“Iwan nyo nga kasi ako!” sigaw ni J-Hope. Hawak ni V ang mga paa ni J-Hope at hawak naman ni Jimin ang ulo ni J-Hope na nakahiga sa kama. Hinihila sya ni V samantalang tinutulak naman sya ni Jimin. Nakakapit si J-Hope sa magkabilang gilid ng kama nya. “ANO BAAAA!!” kita pa sa mga mata nya na kagagaling lang nya sa pag-iyak. Haha.

 

“Kayo, pinaglololoko nyo na naman si J-Hope.” Saway sa kanila ni Suga. Pero ngumiti lang ang dalawa.

 

“Hoy kayo dyan! Tulungan nyo naman ako!” nagmamakaawang sabi ni J-Hope. Gusto man namin syang tulungan, natatakot kami. Natatakot kaming baka kami naman ang pagtripan ng dalawang yun.

 

“Tulungan daw natin sya!” sabi ni Namjoon at lumapit sa kanila. Nakita kong huminga ng malalim si J-Hope pero mali sya, hinawakan ni Namjoon ang binti nya’t sumama sa paghila sa kanya.

 

“Aaaaaa!” pagpupumiglas ni Hobi. Sobrang higpit na ng kapit nya sa kama nya pero hindi pa rin sya tinatantanan. Nagulat ako nung tumakbo si Jungkook at Suga para sumama sa kalokohan nila.

 

“Wa! WAAAG!” pagmamakaawa ni J-Hope. At dahil naaawa ako sa kanya, sumama na rin ako sa trip nung lima.

 

Mga ilang minuto rin kaming tawa ng tawa at nagkwentuhan ng biglang may nag-doorbell. “May bisita ka hyung?” tanong ni V.

 

Umiling ako, “Akala ko nga kayo yung may surprise sa akin.” Sabi ko at nagtinginan kaming lahat out of no where.

“Ichecheck ko.” Tumayo si Suga at sumunod naman kaming lahat. Hawak ni J-Hope yung balikat nya, napuruhan ata. Sorry, Hope. Hehe. Minsan lang naman.

 

Sinilip ni Suga mula sa hi-tech naming cctv built-in doorbell. “May package.” Sabi ni Suga.

 

“Walang tao?” tanong ni Namjoon.

 

“Wala eh.” Sagot nito.

 

“Baka galing sa may crush sa’yo hyung.” Sabi ni Jimin. Imposible, malay ba nila sa birthday ko.

 

“Uy kunwari pa, isusurprise nyo ako eh!” sabi ko sa kanilang lahat kaya binuksan ko na yung pinto at nakita yung kahon na nasa harap.

 

Binuhat ko yun at inalog-alog. “Hmm..” medyo mabigat. Inalog ko ulit ng kaunti hanggang sa may ngumawa.

 

“WAAAAAAHHHHH!!!” sigaw ko at nabitawan ko yung box. Sakto naman at nasalo ni Jungkook yung box at nilapag. “Buksan nyo! Buksan nyo!” sabi ko.

 

Agad na binuksan nina Suga at V ang box. “OH MY POTATO” sabi ni Namjoon nang silipin nya yung box.

 

“BABY!” sigaw ni V. Akala ko’y nagbibiro lang sya pero agad nyang binuhat yung baby at kinarga tapos hinagis-hagis.

 

“Sino? At bakit may baby? Bakit dito satin?!” tanong ko sa kanilang lahat. Nagkibit balikat lang sila.

 

“This is not a good joke.” Sabi ni Namjoon. Akala ko rin ay joke lang pero sa itsura nilang lahat, parang hindi nga ito Joke.

 

“Wieee!” sigaw ni V habang nilalaro yung baby. Tuwang-tuwa siya habang bitbit yung bata. “Ang cute nya hyung! Ampunin natin sya! PLEAAASEE!” pagmamaka-awa nya sa akin.

 

“NOOOO!” sigaw ko sa kanya. “Unless, babae ‘yan!” sabi ko sa kanila.

 

“Choosy pa si Hyung oh!” asar ni Jimin.

 

“Hindi, magulo kasi kapag lalaki. Ewan ko! Pero please naman…” napasapo ako sa ulo ko. Paano ako mag-aalaga ng anim na bata at isang baby? Sabihin nyo!

 

“Pretty please hyung! Ang cute cute nyaaa!” kinagat ni V yung tenga nung baby tapos kinikiss nya yung matambok at mamula-mulang pisngi. Aaminin ko, cute yung baby pero…

 

“Tignan nga natin kung babae o lalaki ka baby!” nakangiti nyang sabi at sinilip yung diaper nito. “PPPPFFFFTT!” napailing-iling si V habang nakakunot ang buong mukhang basang basa.. well ng ihi ng bata.

 

“Ano?” tanong ni Namjoon.

 

“Confirmed.” Matipid na sabi ni V. Nagpipigil naman ng tawa sina Jungkook at Jimin. Kita rin sa dalawa ang pandidiri nito. “Lalaki hyung!”

 

"Kailan ka pa nagkababy hyung? Bakit di namin alam?" tanong ni Namjoon.

 

Extra special? This is not right!

 

--------------------------------------

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angela_Mae #1
Chapter 5: Update ka na! Ganda nito! Please!
-iKissAndTell #2
Chapter 1: Please update soon :))
kislife #3
looking forward to it <3