Ika-walo

Kapag Tumibok ang Puso
Please Subscribe to read the full chapter

"Ayayay pag-ibig nakakakilig, parang sine...ayayay pag-ibig, nakakabaliw..."

 

"Tangina Donghae ang pangit ng boses mo!!" Pahiyaw ni Hyukjae sabay hila sa kung anong tela ang mahawakan nya sa damit ni Donghae. Pano pagkatapos netong kumanta ng "Arayyy, arayyy, nakuuuu..." eh sinunod-sunod na neto ang pagbanat ng mga awitin sa videoke.

 

"Ahhhh tama naaa..." Sambit pa uli ni Hyukjae matapos nyang bitawan ang laylayan ng damit ni Donghae upang ilagay naman ang kanyang mga kamay sa tenga niya. Paano daig pa kasi ni Donghae yung baboy na nagwawala sa damuhan sa sobrang sabog ng boses nya. Paano ba naman nakainom na ng tatlong boteng Red Horse si Donghae kaya wala na sa kontrol nya ang boses niya. Hindi naman siya sintunado pero hindi maganda pakinggan ang boses niya kapag lasing.

 

"Ming, busalan mo na nga bibig nyan. Parang may kasama tayong naghihingalong bayawak eh."

 

Nilingon naman ni Hyukjae si Sungmin ngunit isa pa tong 'wasted'.

 

"Putragis na yan," pahiyaw uli ni Hyukjae nang makitang tumatawa mag-isa ang kaibigan nyang hindi malaman kung sawi ba sa pag-ibig o hindi eh.

 

"Cool-off daw hyuk, cool-off!" Sabay tawa ng paimpit na akala mo ay kinikiliti.

 

Ginulo naman ni Hyukjae ang buhok niya. "Hindi nga yun para sayo. Min! Yung kanta na yun hindi yun para sa iyo ang kulit mo naman tatlong oras ka na namin kinukumbinsi. Eto ah, tatanungin uli kita at ituktok mo jan sa ulo mong matigas."

 

Tumingin naman si Sungmin kay Hyukjae habang humihikbi sa kalasingan. HIndi naman talaga siya lasing pa kung tutuusin ngunit nawala na sya sa ulirat pagkatapos ng tatlong lagok ng Red Horse at sa pangalawang kanta ni Donghae. Ikaw ba naman pagsamahin yun eh daig mo pa ang nag-shabu.

 

"Inom-inom kasi eh hanggang yakult lang naman kaya ng sistema niya," singit ni Donghae na tumigil na pala sa pagkanta at naghahanap na naman ng bagong awit sa songbook.

 

"Gago, last mo na yan ha--"

 

Di na naituloy pa ni Hyukjae ang sasabihin niya nang makitang naglalagay na ng bagong numero si Donghae sa videoke. Bago niya pinutin ang enter eh kumuha muna ito uli ng isang bote at itinaas ang kamay na akmang makikipag cheers pa.

 

“Itong susunod na kantang to ay para sa sugatang puso ni tukmol. ”Tinaas niya ang bote ng Red Horse, sabay sabing, "To the heal that never wounds!!!" Cheeerssss!!"

 

"Tanginuh!!" Wala ng nagawa si Hyukjae maliban sa balikan uli si tukmol na ngumingiti na naman mag-isa. "Ngayon tatanungin uli kita,"

 

Nilingon naman siya ni Sungmin na bahagyang nakangiti at punong-puno na hindi maipintang kainosentihan sa kanyang mga mata. Napasinghal na lang si Hyukjae, ayaw na sana niya sirain pa ang kung anong imahinasyon ang tumatakbo sa isipan ng kaibigan niya ngunit kailangn matauhan ni Sungmin nang sa gayon ay alam niya ang susunod na kanta na pipiliin niya. At para naman hindi na ito magmukmok na akala mo naman eh paslit na inagawan ng chichirya.

 

"Ano yun?"

 

Hayyyy.

 

"Ming, hindi para sa iyo yung kanta ni Kyuhyun na cool off."

 

"Paano mo nasabi?" Mahinang tugon ni Sungmin. "Eh sakin lang naman siya nakatingin nung mga panahong yun."

 

"Eh kasi..."

 

"Ano?"

 

"Bakit kayo magku-cool off, eh kayo ba?"

 

Umiwas ng tingin si Sungmin at kitang-kita ni Hyukjae ang paglunok neto na para bang nilamon na lamang niya ang sa kung ano man ang gusto niyang sabihin.

 

"Ano Sungmin, naging kayo ba? Kayo ba? Wala namang kayo eh."

 

Parang tumigil ang mundo ni Sungmin, wala na siyang nakikita at wala na rin siyang naririnig. Tama nga naman si Hyukjae. Bakit nga naman hihingi si Kyuhyun ng cool off eh hindi naman naging sila. Tama naman di ba? Natawa na lang siya. Hindi lang pala siya hopeless... assuming din pala. Sasagutin na sana niya si Hyukjae nang biglang umalingawngaw ang boses ni Donghae.

 

Apir tayo sumakit ang ulo ko

Sumakit ang beywang ko

bomb, bomb, bomb

O tuloy tuloy lang ha

Apir tayo sumakit ang dibdib ko

Sumakit ang tuhod ko

bomb, bomb, bomb

O sabay sabay ...


 

*

 

"Ugh, ang sakit ng ulo ko!" Karay-karay ni Donghae ang sarili niya habang matindi ang pagkapit nya sa ding-ding. Ang usapan kasi magchi-chill chill lang sila sa Starbucks. Libre naman ni tukmol eh. At malay niya ba bakit sila nauwi sa may pub na free videoke for 2 hours daw for 20 drinks.

 

Kinginames.

 

Sa benteng Red Horse, lima lang ang nainom niya. Isa dun kay Sungmin at yung natitira hindi niya alam kung san napunta. Himala na lang kung naubos yun ni Hyukjae pero nga pala hindi naman yun tinatablan ng pagkalasing. Matindi yun pagdating sa inuman.

 

"Paanong hindi sasakit eh rinding rini na yang utak mo sa sarili mong boses. Siguro kung pwede lang magsuka ng utak mo eh sukang suka na yan.”

 

“Sige nga kung pangit ang boses ko bakit ako nakasali sa pakontest ha. Nakaabot pa nga ako sa eliminasyon eh.” Pagyayabang pa ni Donghae.

 

“Sa totoo nyan…” dahan dahan na pasimula ni Sungmin. “Ano eh.”

 

“Ano sabihin mo dali!”
 

Napakamot muna sa ulo si tukmol bago niya ipinagpatuloy ang sasabihin.

 

“Lumabas na yung listahan ng mga nakapasa para sa susunod na---” hindi na nagawang tapusin pa ni Sungmin ang sasabihin niya dahil inalog na siya ng inalog ni Donghae.

 

“Ano kasama pa ba ako ha??”

 

“Teka hae pano makakapagsalita yan eh inalog mo na.” Hiniwalay ni Hyuk ang mga daliri ni Donghae sa braso ni tukmol at inilayo niya ito ng kaunti. Kasi naman naguumapaw yung laway na tumitilansik sa kanila.

 

“Ano, out na kayo ni Hyuk.” Mahinang sabi ni Sungmin.

 

“Huh?” Tanong ni Donghae na parang naguguluhan. “ Out? Nag-out na kami? Inamin na naming bakla kami?”

 

Parang may anghel na dumaan sa panandaliang katahimikan na namagitan sa kanilang tatlo.

 

“Huh?” Ngayon si Hyukjae naman ang nagtanong. “Bakla tayo?”


 

*

 

“Hindi ko gets.” Sumipsip ng pagkalimlalim si Donghae sa frap na syempre, libre na naman sa kanila ni tukmol. “Kung bakit kami natanggal.”

 

“Hayaan mo na,” bawi ni Hyukjae, “ayaw mo nun, wala ka ng iisipin bago magpasko? Yung mga makakapasa kasi eh kelangan kumanta pa sa Christmas Ball.”

 

“Eh hindi pa nga nakakakanta si tukmol. HIndi pa nga nakakakanta ang lahat. Tsaka hindi naman pangit boses naten ah.” Sumipsip uli ito sabay lingon kay Hyukjae.”Ay joke, ikaw pala.”

 

Tumaas naman ang dalawang kilay ni Hyukjae.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
clouds1004
#1
Chapter 12: BUHAY KA PA BDFHKG eneng ene kala ko inabandona mo na kami :<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
tttham
#2
English please
jessabcm
#3
Chapter 11: bwiset kailangan nandito talaga si saging? hahahahahaha okay na eh charot!
Happy New Year!!!
kyuminsauce
#4
Chapter 11: ay wow ryowok wala ka pang balak sabihin nangyari kay sungmin. ipa crime scene investigation yan para makulong XDDDD
kyumin1115
#5
Chapter 11: Uy may cameo si Sungjin? Yaaaaassss! HAHAHAHAHA! Salamat sa pagupdate Polin! ❤️
Sichulbaby143 #6
Chapter 11: shet yung "Tangina mong Saging ka" at yung video na "si Sungmin at ang Saging" potangena eh HAHAAAAA hi ate polin~ di ko expected na mag u update ka pero thank you po! ^^ Si baby sungjin na yong lalaki sa gilid? HAHAHA
kyomen
#7
Chapter 11: HAHAHSHAHSHAHAHAHAHAHAHAHA k!ngina hahahahahahaa that "Tangina mong saging ka HAHAHAHAHAHAHA" at yung "Si Sungmin at ang tanginang saging" jusko laftrip yoko na HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA salamat sa update ate! napasaya at napatawa ako :-)
fxxxpxn #8
Chapter 11: Ay siomai, nalintikan na!! Hindibnanaman sila magkakasama purnada na naman si Kyuuu hahhaha. Hay tanginang saging hanggang dito may cameo hahhahah.
kyomen
#9
Chapter 10: HAHAHAHAHAHAHAHA yung ringtone putspa XD lol kyuhyun i feel you yoko ng ringtone hahahahahahaha
CHULelang
#10
Chapter 10: hahahahahahhahahaha yung Nata de Coco talaga eh xD Thanks pows sa update!! :)