Kilalanin sila

Kapag Tumibok ang Puso
Please Subscribe to read the full chapter

Naranasan mo na ba magkaroon ng barkada nung hayskul?

  Malamang oo. Kahit pa loner ka may barkada ka pa rin....hangin. Ay yun lang.   Eh naranasan mo na ba magkaroon ng kaaway?   Baka hindi pa.   Eh makasaksi ng away?   Hindi pa din?   Osige eto. Subaybayan mo na lang istorya nila.       Ating balikan ang taong 2008.    Oh wala kang magagawa alam kong ito ang taon na ayaw mong balikan.    Bakit?   Kasi jejemon ka pa nun. Yun yung mga panahong una kang nagkaselpon tapos yung mga text sayo puro gOoDmoRNing pho3s... Tapos sa dulo may gm. Oh edi ikaw si tanga akala mo yun yung normal na pagtetext. Oh ayun isa ka ng opisyal na jejemon. Wag ka mag-alala may levels yun pag ganyan, beginner yan at jusko mahabagin sana hindi ka umusad.    Wag mo gayahin si Kim Heechul na ikaw na lang ang susuko sa kanya sa pakikipagtext. Nako kung di lang sya maganda at mukhang masarap eh walang makikipag textmate jan. Ikaw ba naman, batiin ka sa umaga ng   [r1xE eNd sh1n3 p3e0pL3, gUt3N m0RHg3n]   Oh tapos gm tapos kapal pa ng mukha na i-german yung good morning. Pwe, umagang umaga inaambunan ka ng kajejehan. Siguro nung nagsabog ng kajejehan yung diyos lahat ng bata umatras sa pwerta ng nanay nila tas si Heechul lang nagpumiglas lumabas.    Syempre sabi nga nila di lahat makukuha mo. Maganda ka nga, jejemon naman. Okay tulog ulit baka sa panaginip makahanap ka ng perfect.    Si Heechul ay dapat pers year college na pero tinamad siyang i summer yung mga back subjects kaya nagalit si ma'am mirasol kaya di sya pinag graduate pero okay lang naman sa kanya tutal classmate niya yung kapatid niyang bakla din na si Ryeowook. Wala naman kaso sa magulang nila na bakla sila maliban lang sa lolo nilang heneral nuong world war II.    Alalang alala pa ni heechul nun yung naghihingalo yung lolo niya. Sinabihan siyang mabubulok sa impyerno ang mga bakla. Kaso pagkasabi niyang yun nalagutan na siya ng hininga.   "Pano ba yan lo sabi sa army di ba leave no man behind? Eh bat excited ka magpunta sa impyerno di mo man lang kami hinintay ni Ryeowook?" Sabay hila sa kapatid niyang  palabas ng pinagbuburulan.   Actually, hindi naman talaga baklain tong si Ryeowook. Narecruit lang ni Heechul sa organisasyon niya.   Tsaka sanggano sila ni wook katulad ngayon na may nangaaway sa kapatid niya.   Siya si Lee Sungmin.   Ang walking perfection ng SM High. Well, aminado naman si Heechul na wala sila panama dun.   Middle Class lang sila pero etong si tukmol eh yayamanin. May sariling kotse, laging nanlilibre sa dukhang maralitang populasyon ng eskwela. Minsan na rin niyang binayaran yung tuition nung isang estudyante na tinulungan siyang makalabas sa janitor's closet. Nako, pag nalaman lang nila na silang magkapatid nagkulong dun baka ipako sila sa krus ng buong sambayanan.   Peborit kasi ng madla tong bansot na to.   Di rin tinutubuan ng pimples si tukmol. Mamahalin din mga gamit nya. Tsaka minsan pag may photokapi tapos piso lang hinihingi ni ma'am, ililibre niya buong klase kase shutangina wala daw syang barya sa limang daan. Okay sige ikaw na mayaman kami na mamon lang baon.   Naalala tuloy ni Heechul na palihim siyang nagbebenta ng moth balls sa janitor dinadaan niya pa sa sales talk na "di mo na kelangan maglaba ng damit kuya, moth balls lang sapat na" ayun nahuli sila ng titser at napagkamalan pang droga yung binebenta niya.   Wala na tuloy siyang pandagdag baon.   Pero bakit nga ba nagkaaway tong si Ryeowook at Sungmin?   Iskolar kasi ng bayan si Ryeowook kaya para mapanatili niya ang iskolarsyip eh gusto niya sya number one sa lahat. Kung ano naman itinalino ng kapatid niya tsaka naman walang natira para kay Heechul.   Naalala pa niya yung inambit ng nanay niya sa kanya.   "Nak, sapat na yung maganda ka. Walang maganda at matalino. Pag maganda ka maganda ka lang."   Inirapan lang niya ng mata ang nanay niya.   Sumabat naman si Ryeowook.   "Eh ako ma di ba maganda din ako?" Sa panahong yun, ang tatay naman nila ang sumagot.   "Nak pag matalino, matalino lang. Wag kang greedy ano matalino na, maganda pa?gayahin niyo nanay niyo masipag." At dun na nagsimula ang walang hanggang pagtatalo ng magulang nila.   "Bakit sa tingin mo gwapo ka? Kaya lang kita pinatulan kasi malaki eggballs mo eh!!"    Dahan dahan ng umalis ng bahay ang magakapatid mukhang ayaw na nila marinig ang mga susunod na salitang maririnig nila.   "Kainis talaga yang Sungmin na yan. Grabe muntik na ako maungusan 0.137 na lang pagitan namin at nako baka maalis na ako sa top 2." Nasa star section kasi si Ryeowook at Sungmin. Minsan ng nagsalitan sila ng place. Grabe iniyakan yun ni Ryeowook nung naging top 3 siya ang sakit sakit nun. Alam niyang hindi niya matatalo yung top 1 pero hindi nya naisip na kaya pa rin siyang talunin ni Sungmin kaya naman isa lang ang naisip niyang paraan.   Ang kaibiganin ang top 1.   Nahirapan siya nung una pano tahimik lang yung top 1 nila tapos lagi pa tong nakikipag partner kay tukmol pag by pairs. Pero walang inuurungan si Ryeowook. Nung dumating ang panahon na nawili si tukmol sa mga extra curricular activities, eh hindi na masyado nagdidikit ang top 1 nila kay tukmol kaya kinaibigan niya ito.   Hanggang sa nagpapatutor na sya. Nilunok niya ang pride niya para lang maungusan ang si Sungmin. Simula nun, sa kanila na sumasama si Cho Kyuhyun at hindi na rin nito nakakausap madalas si Sungmin at simula din nun hindi na siya matalo talo ni bansot. Paano nagkaroon din to ng mga kaibigan na walang ibang alam sa mundo kungdi ang basketbol. Hay nako.   Sino ba yang friendship ni tukmol?   Nako ang dakilang paminta ng SM High. Si Lee Hyukjae at Lee Donghae.   Si hyukjae na kilala bilang eunhyuk ay isang malaking pamintang buo. Nako kunwari pa  player, kunwari pa mahilig sa basketball pero sus amoy na amoy siya ng sangkabadingan na hindi basketballs ang gusto niya.....kundi eggballs.   Tsaka ewan ko ba saan napulot ni tukmol yan. Grabe puta, ang lakas ng bragadang sa paa. Mahilig ata maghugas after laro kaya ayun nagkaputok ang paa. Pero wag ka daming naiinlab dun lalo na sa gilagid niyang pink.   Well, hindi lang si tukmol ang nabiktima nilang magkapatid. Hindi naman nila kinulong sa closet ang damuho pero nagpalaganap lang naman sila ng meme.   "Kwento mo sa gilagid mong pink."   Ilang buwan din naging expression yun sa skul at syempre yayamin si tukmol kaya nagpatawag ng IT para ipatake down kaya ayun utang na loob na naman ni hyokji yun kay tukmol.   Teka, kung paminta si hyukjae eh sibuyas naman si Donghae.   Tangina ang lakas ng bragadang. Mukhang koreano pero amoy arabo.   Shet naging usap usapan din yun sa skul kaso mukhang nagtatawas na ata ngayon tapos lalong nainlab mga babae sa kili kili ni Donghae kasi pumuti tapos ontinlang buhok ugh tangina pati si Ryeowook nagka kras na ata sa kili kili ni Donghae.   Pero wag ka, team bottom yan.   Hindi bottom sa kama pero bottom sa ranking.   Madalas nilang nakikita si tukmol na inaawat ni Siwon sa library. Paano tuwing tuturuan niya sa math yung dalawa eh laging kamot ang sagot. Dalawang oras na pero hindi pa rin nila mahanap yung X.   " tangina Sungmin basketball na lang tayo." Sabi ni Donghae s
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
clouds1004
#1
Chapter 12: BUHAY KA PA BDFHKG eneng ene kala ko inabandona mo na kami :<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
tttham
#2
English please
jessabcm
#3
Chapter 11: bwiset kailangan nandito talaga si saging? hahahahahaha okay na eh charot!
Happy New Year!!!
kyuminsauce
#4
Chapter 11: ay wow ryowok wala ka pang balak sabihin nangyari kay sungmin. ipa crime scene investigation yan para makulong XDDDD
kyumin1115
#5
Chapter 11: Uy may cameo si Sungjin? Yaaaaassss! HAHAHAHAHA! Salamat sa pagupdate Polin! ❤️
Sichulbaby143 #6
Chapter 11: shet yung "Tangina mong Saging ka" at yung video na "si Sungmin at ang Saging" potangena eh HAHAAAAA hi ate polin~ di ko expected na mag u update ka pero thank you po! ^^ Si baby sungjin na yong lalaki sa gilid? HAHAHA
kyomen
#7
Chapter 11: HAHAHSHAHSHAHAHAHAHAHAHAHA k!ngina hahahahahahaa that "Tangina mong saging ka HAHAHAHAHAHAHA" at yung "Si Sungmin at ang tanginang saging" jusko laftrip yoko na HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA salamat sa update ate! napasaya at napatawa ako :-)
fxxxpxn #8
Chapter 11: Ay siomai, nalintikan na!! Hindibnanaman sila magkakasama purnada na naman si Kyuuu hahhaha. Hay tanginang saging hanggang dito may cameo hahhahah.
kyomen
#9
Chapter 10: HAHAHAHAHAHAHAHA yung ringtone putspa XD lol kyuhyun i feel you yoko ng ringtone hahahahahahaha
CHULelang
#10
Chapter 10: hahahahahahhahahaha yung Nata de Coco talaga eh xD Thanks pows sa update!! :)