Ikalawa.

Kapag Tumibok ang Puso
Please Subscribe to read the full chapter

Maganda ang araw na sumalubong sa kanila pagkakinabukasan. Kahit medyo masakit ang kanilang mga katawan dahil sa OA na stretching na sinabak nila kahapon sa swimming eh mukhang wala namang ikapopoblema ang mga bida sa kwentong ito.

 

"Nagawa mo ba yung takdang-aralin natin sa Math ha Hyukjae."

 

Walang kibo ang isa.

 

"Huy!" Pak!! Pinalo sa ulo. "Bingi ka ba? Tinatanong kaya kita jan." Agad naman siya nilingon ni Hyukjae na bakas na bakas sa mukha ang galit at poot na nararamdaman.

 

"Pukingina mo kita mong nagbibisikleta di ba? Nakikiangkas ka na lang kasi namamahalan ka magtraysikel at isa kang gunggong na di marunong magbike kaya manahimik ka dyan. Nagcoconcentrate ako."

 

Mukhang nahimasmasan si Donghae. Nga naman pano kung madisgrasya sila eh mumunting bike lang naman ang sinasakyan nila. Napasinghal na lang sya sa halong inis at pagpapasalamat sa araw araw na libreng sakay. Bilang ganti ay hinigpitan niya ang hawak sa baywang ni Hyukjae. Panalangin na lamang niya ay hindi nito maduwal ang bituka papalabas.

 

 

 

---

 

 

Kaya pala ayaw magsalita ni Hyukjae tungkol sa takdang-aralin ay isa rin pala itong walang nagawa. Napuyat daw sya kakaaral sa test sa English eh sa pagkakaalala ni Donghae eh wala naman silang eksamen dun dahil una absent ng 2 araw ang guro nila pangalawa hindi naman talaga nag-aaral si Hyukjae.

 

"Tara punta tayo sa section ni tukmol." Aya ni Donghae. Agad naman nasilayan ang ngiti sa mukha ni Hyukjae, hay nako pagkakopyahan talaga ang usapan eh no. Ngunit bago ito tumayo eh lumingon muna ito sa kaklase. 

 

"Pre wala ba adviser naten?

 

"Ewan ko nga eh di naman nalelate yun pagkaganun absent na yun. Wala na tayo homeroom."

 

Nagtinginan naman si Donghae at si Hyukjae. Orayt, rock en roll to the world kopyahan time. 

 

"Osige sasaglit lang kami sa kabilang seksyon ah puntahan namin yung isa naming kaibigan.

 

Tumango naman ang kaklase nila.

 

--

 

"Hyuk, sure ka bang andyan si tukmol? Eh kahapon parang may sinat ata yun eh."

 

"Ewan. Di naman pala absent yun pero pwede naman tayo mangopya kay Siwon pagkaganun." Napailing si Hyukjae, nakalimutan niyang i-text si tukmol. Isang malaking  pagkakasala ang kaniyang nagawa. Baka sabihin ni tukmol ay walang nakakaalala sa kaniya. Akma na niyang kukunin ang selpon niya nang maisip na baka may patrol na naman ng agaw-selpon. Nung unang beses na nangyari sa kanya yun ay binali ng nanay niya yung selpon pagkauwi. Naku po, beastmode si mader. Para na daw niya pinahiya ang ngalan ng kanilang pamilya sa pagkakakumpiska ng selpon niya.

 

"Uy wala ka bang napapansin?"

 

"Huh?" Kibit-balikat naman si Hyukjae at lumingalinga sa paligid.

 

"Walang mga titser, anong meron?" 

 

Nagulat ang dalawa ng may isang boses pipit ang sumagot sa kanila. "Walang mga guro kasi may meeting kaya pati first period apektado. Second period na sila babalik," isang mabilis na pagtingin mula ulo hanggang paa ang binigay ni Ryeowook sa kanilang dalawa."Naaamoy ko ang halimuyak ng pangongopya." At humigop ito ng hangin na nakapikit pa ang mata.

 

"Aba aba pampam to ah" Sabi ni Donghae.

 

Pagkadilat ni Ryeowook ay isang malutong na--- "Nakapangdidiri.Hmp!" Sabay pasok sa loob.

 

Nako kungdi nga lang sila maga-Guidance eh papatulan na nila tong pipit na to. Sumusobra na eh. Akma ng kokonyatan ni Donghae yung pipit ng hinatak siya ni Hyukjae sa loob. Ah, oo nga pala si Sungmin ang hanap nila.

 

"Uy, min." Sabay nilang bati. Nakatutuwang may kaibigan ka sa first seksyon. Pwedeng mangopya, pwedeng magpaturo, pwedeng mangutang, pwedeng mangulimbat ng tanong kasi una silang nageeksam pero mas mahirap nga lang sa kanila. Kaya naman kahit nakilala lang niya si Sungmin mula kay Hyukjae at medyo ilang pa ito nung una dahil nga mahiyain tapos palaaral samantalang sila maingay ganern, eh sa huli nakuha din nila ang loob nito. Hayun nga, karay karay pa nila to sa pagbabasketball kahit madalas na natitisod.

 

Pero di magawang isipin pa rin ni Donghae yung pagkakaibigan nila ni Kyuhyun. KAhit di naman kasi nagsasalita si tukmol sa buhay niya eh alam naman nila ni Hyukjae na kambal-tuko yung dalawa dati. Sikat na sakit pa nga sila sa school eh nako kung alam lang nila dami kaya nila fanfics sa wattpad. Karamihan awtor ay babae galing sa kabilang exclusive school pero wag ka, dami ding lalaki ang may akda. Fanboy ang peg. 

 

Minsan na nilang napagusapan ni Hyukjae yun at aminado sila na medyo nakakaguilty pero di nila kasalanan kung ayaw makihalubilo ni Kyuhyun sa mga tulad nila. Bagamat di nila alam ang tunay na dahilan eh yun lang ang naiisip nila ni Hyuk na mababa ang tingin ni Kyuhyun sa kanila. Pero kung tutuusin may lamat na yung friendship ng dalawa bago pa man sila umeksena.

 

"Uy mangongopya ka ba o lulusawin mo si Sungmin sa titig dyan ha" ngayon si  Hyukjae naman ang may ganang mamalo. Hindi na alam ni Donghae na kakaisip niya ng mga bagay eh nakatitig na pala siya. Pagkadaka'y tumingin siya kay Kyuhyun dahil gusto niya malaman ang reaksyon nito at hindi naman siya nagsisi. Dahil ito din ay nakatingin sa kinapupwestuhan nila sabay irap at simangot na parang may pinaghuhugutan.

 

"Ah sorry kasi naman parang amputla mo ngayon Min. Di ba may sakit ka bakit pumasok ka pa?" Palihim niyang tiningnan uli si Kyuhyun at mukhang naiintriga din ito sa usapan nila. At hah, minsan masarap din makisawsaw sa issue ng iba eh. Lalo na kung ganito na patungkol sa love life ng iba.

 

Nilapitan ni Donghae si Sungmin para hawakan ang noo neto at tingnan kung may sinat pa rin. Unti unti naman niyang iginilid ang mata niya para Makita ang reaksyon ni Kyuhyun at hindi nga siya na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
clouds1004
#1
Chapter 12: BUHAY KA PA BDFHKG eneng ene kala ko inabandona mo na kami :<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
tttham
#2
English please
jessabcm
#3
Chapter 11: bwiset kailangan nandito talaga si saging? hahahahahaha okay na eh charot!
Happy New Year!!!
kyuminsauce
#4
Chapter 11: ay wow ryowok wala ka pang balak sabihin nangyari kay sungmin. ipa crime scene investigation yan para makulong XDDDD
kyumin1115
#5
Chapter 11: Uy may cameo si Sungjin? Yaaaaassss! HAHAHAHAHA! Salamat sa pagupdate Polin! ❤️
Sichulbaby143 #6
Chapter 11: shet yung "Tangina mong Saging ka" at yung video na "si Sungmin at ang Saging" potangena eh HAHAAAAA hi ate polin~ di ko expected na mag u update ka pero thank you po! ^^ Si baby sungjin na yong lalaki sa gilid? HAHAHA
kyomen
#7
Chapter 11: HAHAHSHAHSHAHAHAHAHAHAHAHA k!ngina hahahahahahaa that "Tangina mong saging ka HAHAHAHAHAHAHA" at yung "Si Sungmin at ang tanginang saging" jusko laftrip yoko na HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA salamat sa update ate! napasaya at napatawa ako :-)
fxxxpxn #8
Chapter 11: Ay siomai, nalintikan na!! Hindibnanaman sila magkakasama purnada na naman si Kyuuu hahhaha. Hay tanginang saging hanggang dito may cameo hahhahah.
kyomen
#9
Chapter 10: HAHAHAHAHAHAHAHA yung ringtone putspa XD lol kyuhyun i feel you yoko ng ringtone hahahahahahaha
CHULelang
#10
Chapter 10: hahahahahahhahahaha yung Nata de Coco talaga eh xD Thanks pows sa update!! :)