Ika-sampu

Kapag Tumibok ang Puso
Please Subscribe to read the full chapter

Masaya na si Ryeowook na nakilala niya si Kyuhyun.

Sa totoo lang hindi niya alam kung bakit nahantong sa ganitong sitwasyon ang pagkakaibigan nilang dalawa eh. Alam lang niya isa siya sa tagahanga nilang dalawa. Oo tama ang nabasa niyo. Masugid din siyang taga-hanga ni Sungmin. Kahit sino naman kasi ay madadala sa matatamis niyang ngiti at sa magaganda niyang mata. Iniisip nga niya kung naging isang matong lalaki siya at naging isang babae si Sungmin ay liligawan niya ito. Kahit na siguro bakla siya basta eh top (heuheuheu, parehas kasi silang bottom aniya) kaya hindi niya rin magawang maligawan si Sungmin gaya na lang ng sangkabaklaan sa eskwela na ito. Kapag naging sila, ew, lesbianism na tawag dun.

Ngunit kagaya ng ibang admirasyon, nauwi din ang kaniya sa isang malagim na inggit.

Nagkaroon siya ng tsansa na maging kaibigan si Kyuhyun. Nung una, hindi niya napapansin si Kyuhyun. Nakatuon ang isip niya kay Sungmin. Sa gamit niya, sa angking niyang yaman, sa kabaitan niya, sa pagiging mapagkumbaba niya at sa napakatahimik nyang pamumuhay kahit na halos sambahin na siya sa eskwelahan. Kaya nung naging close sila ni Kyuhyun ay dun lang niya napansin na totoo ngang halos lahat na kay Sungmin na. 

Kasi kahit si Kyuhyun ay na kay Sungmin.

Gusto niya rin ng kaibigan ng kagaya ni Kyuhyun.

Yung bang laging nakabusangot ang mukha ni Sungmin pero sa tuwing makikita niya si Kyuhyun ay hindi niya namamalayan na sobrang nakakasilaw na pala ang ngiti niya. Daig pa niya yung taong nanalo sa lotto. Gusto niya din maranasan yung mayroon naghahatid at sundo sayo sa eskwelahan kahit na may sarili ka ng driver. Gusto niya din yung kapag pagod ka sa PE merong magdadala ng tubig sayo tapos hahayaan kang yakapin siya kahit pawis ka na.

Gusto niya rin ng ganung kaibigan.

Gusto niya rin ng ganung Ka-ibigan.

Gusto niya...ng  maging si Sungmin. Yun ang napagtanto niya.

At gusto niyang maging kanya si Kyuhyun.

Kaya nung may pagkakataon, kinuha na niya.

 

*

 

Totoo naman ang sinabi ni Kyuhyun. Hindi naman naging sila at hindi magiging sila. Pero hanggat hindi nagkakamabutihan sina Sungmin at Kyuhyun ay hinding -hindi niya ibibigay kay tukmol ang lalaking inangkin niya ng dalawang taon.

Nasa may hagdan sila sa 6th floor. Iniisip niya, yun na ang huling gabi na magiging makasarili siya. Tutal pasko naman. Tsaka nakakapagod ding lagi na lang siyang naghahabol. Yung tipong lamang nga siya sa mga araw na kasama niya si Kyuhyun pero alam naman niya na sa mga sandaling iyon ay hindi naman siya ang laman ng isipan ni Kyuhyun.

 

Ay may ganyan ka din, meron ding ganyang si Sungmin eh.

Parehas kayo ni ming, laging nahihirapan sa topic na to sa Math.

Ay may ganyan ka ding ballpen, may binili din akong ganyan kay Sungmin eh.

 

Nakakairita. Sungmin dun. Sungmin dyan. Sungmin lagi.

Gusto na sana niyang gumawa ng paraan para paglapitin si Kyuhyun at Sungmin. Sa totoo lang hindi niya alam ang dahilan bakit parang nagkaroon ng samaan ng loob ang dalawa. Ang alam lang niya ay sa ibang tao na sumasama si Sungmin at si Kyuhyun...well, sa kanila na sumama ni Heechul. Kaya nung napansin niya na meron na siyang pag-asa ay dalian na nyang ginawan ng paraan kahit na alam naman niya na sa huli ay wala pa rin syang tsansa.

Gustong gusto rin niya kasing nakikitang pikon at inis si Sungmin. Kumbaga sa ganung paraan ay alam niyang nakalalamang siya.

Ngunit ngayong matatapos na ang taon, naisip niya na oras na rin para magbagong buhay.

Wala rin naman siyang mapapala sa ginagawa niya eh. Tsaka graduating na sila. After neto, sigurado naman na wala na rin silang komunikasyon ni Kyuhyun. So para saan pa?

Ngunit hindi nya naisip na hahantong sa ganito.

Hindi niya naisip niya madadala pa rin siya ng kanyang selos, inggit at pagkainis kay Sungmin.

Kaya naman nung naitulak na niya sa hagdan si Sungmin ay dun lamang siya nagising na isang kahindik hindik na aksyon ang nagawa niya.

Ngunit huli na ang lahat at ang huling beses na nakita niya si Sungmin na may malay ay yung pagkatakot at paghingi ng tulong sa kanya nung madulas na ito.

Gayunpaman, kahit pagsaklolo sa taong isang beses na niyang hinangaan ay hindi pa niya nagawa.

 

*

 

Sobrang takot ang naramdaman ni Sungmin nung malaman niya na hindi lang siya ang mag-isa sa bandang lugar na iyon. Madilim at tago ngunit bakit tila napakaraming yabag ng paa ang kaniyang naririnig? Andun pa rin si Sungmin sa paanan ng hagdan at andun pa rin siya sa may gawing pai-taas. Naririnig niya ang impit na boses ni Sungmin na bakas ang sakit sa pagkadulas na nangyari ngunit hindi pa rin magawa ni Ryewook na tumayo at bumaba upang humingi n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
clouds1004
#1
Chapter 12: BUHAY KA PA BDFHKG eneng ene kala ko inabandona mo na kami :<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
tttham
#2
English please
jessabcm
#3
Chapter 11: bwiset kailangan nandito talaga si saging? hahahahahaha okay na eh charot!
Happy New Year!!!
kyuminsauce
#4
Chapter 11: ay wow ryowok wala ka pang balak sabihin nangyari kay sungmin. ipa crime scene investigation yan para makulong XDDDD
kyumin1115
#5
Chapter 11: Uy may cameo si Sungjin? Yaaaaassss! HAHAHAHAHA! Salamat sa pagupdate Polin! ❤️
Sichulbaby143 #6
Chapter 11: shet yung "Tangina mong Saging ka" at yung video na "si Sungmin at ang Saging" potangena eh HAHAAAAA hi ate polin~ di ko expected na mag u update ka pero thank you po! ^^ Si baby sungjin na yong lalaki sa gilid? HAHAHA
kyomen
#7
Chapter 11: HAHAHSHAHSHAHAHAHAHAHAHAHA k!ngina hahahahahahaa that "Tangina mong saging ka HAHAHAHAHAHAHA" at yung "Si Sungmin at ang tanginang saging" jusko laftrip yoko na HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA salamat sa update ate! napasaya at napatawa ako :-)
fxxxpxn #8
Chapter 11: Ay siomai, nalintikan na!! Hindibnanaman sila magkakasama purnada na naman si Kyuuu hahhaha. Hay tanginang saging hanggang dito may cameo hahhahah.
kyomen
#9
Chapter 10: HAHAHAHAHAHAHAHA yung ringtone putspa XD lol kyuhyun i feel you yoko ng ringtone hahahahahahaha
CHULelang
#10
Chapter 10: hahahahahahhahahaha yung Nata de Coco talaga eh xD Thanks pows sa update!! :)