Ikatlo.

Kapag Tumibok ang Puso
Please Subscribe to read the full chapter

Tatlong araw.

Tatlong araw na hindi nakapasok si Sungmin sa eskwela. Yun na ata ang pinakamatagal na araw na nawala siya sa eskwela dahil sa sakit. May isang beses kasi na nawala siya ng isang lingo pero dahil naman yun sa biglaang bakasyon na napagdesisyunan ng magulang niya. Umuwi kasi galing ibang bansa ang kuya niya at medyo matagal din yun babalik dahil na rin sa pag-aaral neto. Kaya nung nag-anunsyo na uuwi ang kuya niya ay wala siyang halong pag-aalinlangan na umabsent. Kahit na wala sa ugali niya.

Kaya naman sa tatlong araw na nawala siya ay puro text at tawag ang natanggap niya.

[Bansot, patay ka na ba?]

[Miiiiin, tatlong araw ka ng walaaaaa. Di ako nag-aalala ah, pero I’m worried.] Hala, ano daw?

[How are you babes? I miss you, come back quickly.

The Lord is my shepherd; I have everything I need. He lets me rest in fields of green grass and leads me to quiet ponds of fresh water He gives me new strength He guides me in the right paths, as he has promised. Psalm 23:1-3]

Marami pang text na dumating sa iPhone 6 Plus Gold (oo kailangan ko sabihin ang brand) niya na hindi na niya binasa. Isa-isa na niya itong dinelete dahil alam niyang paulit-ulit naman ang laman nito. Maya na lang din niya sila rereplayan. Pero sa pagkatingin niya sa bandang dulo, may isang ngalan ang lumitaw na bibihira na lang din niyang makita sa inbox niya.

Napakunot ang noo niya at dahan-dahang inalis ang basing towel sa kaniyang noo. Tama nga ang hinala niya kung sino iyon.

[Ming, kamusta ka na? Tatlong araw ka nang wala ah. Wala na yung cute na baboy sa harapan ko T^T. Miss you.]

 

Binato ni Sungmin yung iPhone 6 Plus Gold (oo kailangan ko sabihin ang brand). Hindi niya kailangan ng pampasakit ng ulo sa ganito kasama na pakiramdam.

 

---

 

Nagising si Sungmin na medyo maayos na ang kaniyang pakiramdam. Nakita niya rin sa thermometer na bumaba ng dalawa ang kaniyang lagnat. Marahan siyang bumangon sa kaniyang kama at sinuri ang paligid. Biyernes na. Dalawang araw na rin siyang nilalagnat. Hindi siya sakitin kaya naman lubos ang pag-aalala ng kaniyang manang. Si manang Jaci – sisenta anyos, walang asawa at dakilang tagapag-alaga sa kanilang magkakapatid- ay nag-iwan ng mga prutas at ang paborito niyang arroz caldo sa tabi ng kaniyang kama. Masarap talaga mag-alaga si manang Jaci kaya naman napakatagal na nila neto sa kanila. Siya rin nag-alaga sa kuya niyang dalawa na sa Europe na ngayon. Agad naman niyang kinain ang Arroz Caldo habang mainit pa. Pagkatapos nun ay dumeretso na siya sa banyo para maligo. Tila kasi gumaan ang kaniyang pakiramdam matapos niyang makakain ng mainit init at yung tubig din na katabi nun ay ang sarap ng hagod sa lalamunan niya. Tutal tatlong araw na din, pagaling na siya baka naman pwede na maligo.

Habang naliligo siya ay nagtataka lang siya kasi parang may isang bagay siyang nakalimutan dalhin. Iniisip niya kung ano yon, dala naman niya yung iPhone 6 Plus Gold sa loob (kailangan kasi niya ng tugtog kundi mapapraning siya kapag sobrang tahimik. Pero meron talaga siyang nakakalimutan—ah yung towel! Sa dinami-dami ng makakalimutan niya yung towel pa ngunit mabuti na lang at sa tingin ni manang Jaci ay tulog siya at malamang hindi ito basta basta papasok sa loob ng kwarto niya.

Safe naman sigurong lumabas siyang hubo.

Akma na niyang hahawiin ang tela na nagtumatakip sa kaniya mula sa bathrub na kinaroroonan niya at sa kabilang parte ng banyo nang may isang kamay ang humawak sa kamay niya kaya naman napigilan ang pagbukas niya ng kurtina. Agad namang nagulat si Sungmin at pinilit na kumawala sa kamay na humawak sa kaniya ngunit bago pa niya nagawa yun ay may isang tinig na bumasag sa katahimikang pawing nababalot ng tension.

“Di ka pa rin nagbabago, madalas mo pa ring nakakalimutan yung towel mo kapag naliligo.”

Agad namang binalot ni Sungmin ang towel sa kaniyang beywang. Wala na siyang pake kung hindi na niya napunasan ang kaniyang katawan at ulo. Dahil hindi matutumbasan ang kaba sa kaniyang dibdib sa pagkabasa ng kaniyang katawan. Wala na siyang pake dun.

At yun nga, pagbukas niya ng kurtina, kasabay ng mabilis ng pagtulo ng tubig sa kaniyang katawan at buhok ay ang bilis ng pintig ng kaniyang puso.

Shutangina, si Kyuhyun nga. Nakasandal sa may pader, naka tiklop ang dalawang kamay sa may dibdib at nagawa pa itong ngumit sa kaniya na sinisiguradong niyang may bahid pa ng malisya. Hindi niya napigilan ang pagtingin nito sa kaniya mula ulo hanggang paa.

 

“Anong ginagawa mo dito?”

Napangisi si Kyuhyun na agad namang ikinainis ni Sungmin. Ang lakas pa ng loob ng loko ah.

"Pinapasok ako ni manang eh, nagulat pa nga siya na andito ako. Ako kaya yung nagpupunas sa iyo kanina pa.” Nanlaki naman ang mata ni Sungmin, akalain mo yun kanina pa palan naandyna yung dakilang Cho na yan kaya pala katabi nung mga pagkain ay may isang upuan na malapit sa may kama niya na hindi lang niya pinansin. 

"Bakit ka nga nandito, ha? Hindi mo naman sinagot yun?" Lumabas na si Sungmin ng banyo at dinig na dinig niya ang pagsunod ni Kyuhyun sa kaniya gusto pa sana siya neto pagbuksan ng pinto kaso nauuna siya kaya hindi na nagawa pa ni Kyuhyun. Dali dali siyang lumapit sa mga hanay ng aparador at naghalungkat ng preskong masusuot. Nakita naman niya si Kyuhyun sa kaniyang peripheral bisyon na nagbabalat ng mansanas. Salamat naman at puro orange at mansanas lang ang nandun ayaw niya kasi ng saging kagaya ng laging pinapakain sa kaniya ng kaniyang inay. Nak, sagana sa Putasium yan. Yun naman pala eh mayaman sa Putasium. 

Naistorbo ng sandali ang pag-iisip ni tukmol ng narinig niya ang marahang paghikab ni Cho. 

"Sorry medyo kulang sa tulog."

Kibit balikat lang naman si tukmol. Pake ba niya.

Hindi pa siya nakakapagsalita uli nang nagsalita na naman ang damuho.

"Kanina pa ako dito siguro mga ala-siyete. Kaso natutulog ka daw sabi ni manang kaya pinapasok na niya na lang ako dito sa kwarto mo. Buti nga napapababa ko pa yung lagnat mo eh si manang kasi busy kakaluto ako na lang daw muna bahala."

Nagulat pa si Sungmin dahil ang lapit na bigla ng boses ni Cho, yun pala ay dahan dahan itong pumunta sa kinaroroonan niya at biglang inagaw ang towel na nasa kaniyang mga kamay. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na siya nakakilos nang punasan ni Kyuhyun ang kaniyang buhok, maingat pa nitong inuyuko ang ulo niya para mas maputuyo pa niya ng husto ang buhok nito.

"Dapat nga di ka nali

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
clouds1004
#1
Chapter 12: BUHAY KA PA BDFHKG eneng ene kala ko inabandona mo na kami :<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
tttham
#2
English please
jessabcm
#3
Chapter 11: bwiset kailangan nandito talaga si saging? hahahahahaha okay na eh charot!
Happy New Year!!!
kyuminsauce
#4
Chapter 11: ay wow ryowok wala ka pang balak sabihin nangyari kay sungmin. ipa crime scene investigation yan para makulong XDDDD
kyumin1115
#5
Chapter 11: Uy may cameo si Sungjin? Yaaaaassss! HAHAHAHAHA! Salamat sa pagupdate Polin! ❤️
Sichulbaby143 #6
Chapter 11: shet yung "Tangina mong Saging ka" at yung video na "si Sungmin at ang Saging" potangena eh HAHAAAAA hi ate polin~ di ko expected na mag u update ka pero thank you po! ^^ Si baby sungjin na yong lalaki sa gilid? HAHAHA
kyomen
#7
Chapter 11: HAHAHSHAHSHAHAHAHAHAHAHAHA k!ngina hahahahahahaa that "Tangina mong saging ka HAHAHAHAHAHAHA" at yung "Si Sungmin at ang tanginang saging" jusko laftrip yoko na HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA salamat sa update ate! napasaya at napatawa ako :-)
fxxxpxn #8
Chapter 11: Ay siomai, nalintikan na!! Hindibnanaman sila magkakasama purnada na naman si Kyuuu hahhaha. Hay tanginang saging hanggang dito may cameo hahhahah.
kyomen
#9
Chapter 10: HAHAHAHAHAHAHAHA yung ringtone putspa XD lol kyuhyun i feel you yoko ng ringtone hahahahahahaha
CHULelang
#10
Chapter 10: hahahahahahhahahaha yung Nata de Coco talaga eh xD Thanks pows sa update!! :)