Ika-anim

Kapag Tumibok ang Puso
Please Subscribe to read the full chapter

Pagpasok ni Kyuhyun ay agad na sumalubong sa kaniya ang maliligayang ingay ng mga estudyante na nagkukumpulan sa may bulletin board. Bigla siyang kinabahan, oo nga pala ngayon nga pala yung araw na lalabas yung resulta ng unang elimination round. Hindi naman siya kinakabahan siya ng bongga kung matatanggap siya o hinde, ang nararamdaman niya ngayon ay kasabikan sa kung sino ang mawawala at matatanggal. Huh, hiling niya na sana matanggal na yung kabayong mapapel sa buhay nila ni Sungmin.

"Hoy, Kyubabes ano pang tinatayo mo dyan? Dali tingnan na natin yung resulta." Napatingin naman si Kyuhyun sa humila ng kamay niya at tumawag sa kaniya ng kinginang Kyubabes. Wala namang iba kundi si Ryeowookita. Ang baklang feeler ng sanlibutang ibabaw. Hindi na siya nagpumiglas pa dahil una, ayaw na niya makipagtalo; pangalawa, ayaw na niyang masira ang araw niya at pangatlo, wala siyang pake.

Ngunit bigla naman ang kaniyang pagsisisi ng pagdating nila sa may bulletin board ay andun din ang kanyang love of his life, ang puto ng kaniyang bumbong ang asukal ng kanyang ensaymada, ang dugo sa kaniyang dinuguan- si Lee Sungmin. Nakatingin din ito sa kanila kaya naman biglang niyang inalis ang kamay ni Ryeowook sa kaniyang kamay ngunit isang irap lamang ang isinagot neto. Buti na lamang ay hindi napansin ni Ryeowook kundi mageeskandalo ito.

"Kyubabes! Nakapasok ka!" Grabe putlang putla na si Kyuhyun. Kelangan talaga ng bruhang to ipagsigawan ang katagang yan. Paglingon niya sa kinaparoroonan ni Sungmin ay wala na ito pero nasulyapan pa niya ito ng onti na naglalakad pabalik ng silid-aralan kasama si Siwon ang halimaw na kabayo.

Huminga na lamang siya ng malalim. Sa Biyernes na ang susunod na round. At yung resulta ay sa Lunes na malalaman. Pagkatapos nun ay ang susunod nilang pagtanghal ay sa Christmas Ball na. Dun na din sasabihin ang mananalo. Marami na ang natanggal sa unang eliminasyon pero sa kasamaang palad nakasabit pa ang kabayo ng dahil sa kanyang banal na awitin. Walangya. Pero babawi siya. Babawi siya sa Christmas Ball. Dun siya aamin kay Sungmin, dun niya sasabihin ang lahat kahit masakit man kay Ryeowook. At sana, dun din niya maririnig mula kay Sungmin ang mga katagang, "gusto din kita Kyuhyun."

 

 

"Nakita mo yun min? Pasok tayong lahat! Ang galing natin!" Pabulyaw na pagmamayabang ni Hyukjae sa lahat. Wala naman may pake sa kinanta niya pero tuwang tuwa pa rin siyang ipamalita sa lahat na animo'y siya ang star ng pasko. 

"Kaso mas mahirap na ngayon eh." Pakiwari ni Donghae. Tumango naman at sumang-ayon si Sungmin. "Di ba min, sa pagkakaintindi ko, ngayong kaunti na lang tayo eh mahahati sa dalawa ang mga natira? Yung unang grupo eh magtatanghal sa Biyernes at yung pangalawa ay sa Lunes?"

"Sa nabasa ko kanina, oo." Sagot ni Sungmin. Sana ay pangalawang grupo siya para sa Lunes pa siya kakanta at yung pangalawang grupo kasi sa Lunes din malalaman ang resulta. Gusto niya ng ganun na agad agad malalaman. Ewan ba niya kung bakit desidido siya manalo. Eh kaya lang naman siya sumali para asarin si Kyuhyun.

"Tapos yung mananalo sa unang grupo ay makakalaban ang sa pangalawang grupo, ganun ba?" Dugtong ni Donghae.

"Oo yun yung sabi." Sagot naman si Sungmin habang nakikinig lang si Hyukjae.

"Pero!" Biglang nabuhayan ata ng loob si Hyukjae. "Pero, maglalaban sila ng duet."

Biglang nanlamig si Sungmin. Sana magkapareha sila ni Kyuhyun ng grupo para walang chance na magdu-duet sila. 

"Grabe ano ba tong pinasok ko," pagkasabi nun ni Donghae ay biglang nanamlay silang tatlo. Nga naman, ano ba tong pinasok nila.

 

 

Para mawala ang pagsisisi sa kung anong kaekekan na pinasok nila nagbigay ng suhestyon si Donghae na kung pwede ba ay mag-Starbucks sila sa uwian sa Biyernas. Bilang selebrasyon na rin na nakapasok sila sa eliminasyon. 

“Wow lakas ah, may pera?” Pang-aasar ni Hyukjae na agad namang kinainis ni Donghae.

“May GC ako bakit?” Pagmalalaki neto at kitang-kita kay Hyukjae at pagkaputla at kaba.

“Mi-min, libre mo naman di ba?” BIglang tawa ng malakas si Donghae.

“Tangina mong unggoy ka. Wala ka pala pera!!!”

 

Eto na yung Biyernes na inaantay ng lahat. Sa kasamaang palad ayon kina Hyukjae at Donghae, hindi nila kasama si Sungmin sa grupo. Sa Lunes pa siya kakanta. Bigla naman din ikinalungkot ni Donghae na may chance na makakalaban niya si tukmol.

“Kapag ako makakaduet mo min. Magpaparaya ako.” Sabay pahid sa mga luhang nangingilid na kung titingnan mong mabuti ay wala naman.

“Ulol mo, unang round palang nagpaparaya ka. Kung ano anong katangahan ginawa mo nun!”

Binatukan naman siya ni Donghae. “Hindi na ngayon no babawi ako. Prinaktis ko ng mabuti yung kantang nirekomenda mo saken. Hinding hindi ko na makakalimutan.”

Naiiling naman si Sungmin. Hinatak na lamang niya yung dalawa sa loob upang makapila na sa pangalaweng eliminasyon.

“Ay oo nga pala kagrupo pala natin si Siwon no? Ano kayang kakantahin niya ngayon baka kantang simbahan na naman yan.” Sabi ni Donghae habang bumubunot ng numero. De-numero na kasi sioa ngayon at least ditto makapaghahanda siya. Pero paktay, dahil ang numerong nabunot niya ay –number one.

“Oh ano ka ngayon, una ka. Hala!” Nang-inis pa to si Hyukjae eh halos nangingitim na nga yung labi ni Donghae. Hindi na ito humihinga sa kaba.

Pero mukhang kambal sila sa malas ngayon dahil ang numerong nabunot niya ay number two. Jusko, hindi pa siya handa.

 

Nasa entablado na si Donghae. Kabang-kaba siya. Para maalis na lang yung kaba niya ay iniisip na lang niya yung Starbucks session nila mamaya. Naku, sinisigurado niya na oorder siya ng Venti papalgyan niya maraming whip cream na halos lagpas pa sa baso. Punyeta talaga tong kaba niya.

“Unang kalahok, Lee Donghae.”

Ayan na, nagpalakpakan na mga tao.

 

 

“Sa pagpatak ….”

 

WOOOHHHH sigawan agad ang mga tao, pano kanta ng masa yan.

 

“ng bawat oras ay ikaw

Ang iniisip-isip ko

Hindi ko mahinto pintig ng puso

Ikaw ang pinangarapngarap ko

Simula ng matanto na balang araw iibig

ang puso….

I….

I……”

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
clouds1004
#1
Chapter 12: BUHAY KA PA BDFHKG eneng ene kala ko inabandona mo na kami :<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
tttham
#2
English please
jessabcm
#3
Chapter 11: bwiset kailangan nandito talaga si saging? hahahahahaha okay na eh charot!
Happy New Year!!!
kyuminsauce
#4
Chapter 11: ay wow ryowok wala ka pang balak sabihin nangyari kay sungmin. ipa crime scene investigation yan para makulong XDDDD
kyumin1115
#5
Chapter 11: Uy may cameo si Sungjin? Yaaaaassss! HAHAHAHAHA! Salamat sa pagupdate Polin! ❤️
Sichulbaby143 #6
Chapter 11: shet yung "Tangina mong Saging ka" at yung video na "si Sungmin at ang Saging" potangena eh HAHAAAAA hi ate polin~ di ko expected na mag u update ka pero thank you po! ^^ Si baby sungjin na yong lalaki sa gilid? HAHAHA
kyomen
#7
Chapter 11: HAHAHSHAHSHAHAHAHAHAHAHAHA k!ngina hahahahahahaa that "Tangina mong saging ka HAHAHAHAHAHAHA" at yung "Si Sungmin at ang tanginang saging" jusko laftrip yoko na HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA salamat sa update ate! napasaya at napatawa ako :-)
fxxxpxn #8
Chapter 11: Ay siomai, nalintikan na!! Hindibnanaman sila magkakasama purnada na naman si Kyuuu hahhaha. Hay tanginang saging hanggang dito may cameo hahhahah.
kyomen
#9
Chapter 10: HAHAHAHAHAHAHAHA yung ringtone putspa XD lol kyuhyun i feel you yoko ng ringtone hahahahahahaha
CHULelang
#10
Chapter 10: hahahahahahhahahaha yung Nata de Coco talaga eh xD Thanks pows sa update!! :)