Ikaapat

Kapag Tumibok ang Puso
Please Subscribe to read the full chapter

Nagtataka si Sungmin kung bakit tila naging mas mabilis ang byahe nila pauwi kumpara sa kung gaano sila katagal nung papunta. Siguro kasi andun yung tensyon at hiyaan o ilaangan kaya't bawat patak ng segundo, minuto at oras ay napakabagal para sa kaniya. Hindi naman sa sinasabi niya na okay na sila ngayon ni Kyuhyun, pero hindi naman sa sinasabi niya din na bagyong bagyo pa rin ang relasyon nila - platonic lang ha, pla-to-nic, walang bahid ng kalibugan at kung ano pa man, friends lang ganern- pero tingin niya nandun sila sa estado na alam na nila kahit papano na may mali sa kanilang dalawa.

Parehas sila OA, yun lang yun.

Medyo masama pa rin ang pakiramdam ni Sungmin. Kaya naman sabi ni Kyuhyun dadalhin siya pa sa isang lugar na mas magpapagaan ang kaniyang pakiramdam bago siya nito iuwi. At labis ang pagpapawis na naramdaman ni Sungmin nang makita niya kung san siya dinala ng damuho. Sa ospital.

"Labas na, Min." Hinawakan naman siya ni Kyuhyun sa braso, hinahatak siya ng marahan papalabas. "Linggo na ngayon, Lunes na bukas hindi pwedeng may sakit ka pa rin." 

Inginuso naman ni Sungmin ang kaniyang mapupulang labi sabay hatak pabalik ng kaniyang kamay. Hinding hindi siya lalabas ng kotseng to at hinding hindi siya papasok dun. Mas gugustuhin pa niyang umuwi na lang at magpahinga kaysa makapasok diyan sa ospital na yan. "Ayoko, di ako papasok diyan. At kung sasabihin mo na hindi mo ako iuuwi kapag hindi ako pumasok diyan eh okay lang. Tawawagan ko na lang yung driver namin." Pataray naman netong sabi.

Napailing uli si Kyuhyun sabay sabi ng "tsk," sa mahina netong boses. "Bakit may sinabi ba ako, ha?" Ipinatong ni Kyuhyun ang kamay niya sa bubong ng kotse at yumuko upang pantayan ang mukha ni Sungmin na nasa loob pa rin ng sasakyan at naghihimutok."Pero..." panimula ni Kyuhyun na agad namang ikinamutla ni Sungmin dahil bakas sa mga mata at boses neto na may iba itong binabalak,"...kung hindi ka lalabas diyan..." kinakabahan na si Sungmin, paano ba naman kasi, papalapit ng papalapit ang mukha ni Kyuhyun hanggang sa napansin na lang niya na halos nakahiga na siya at kalahati na ng katawan ni Kyuhyun ay nasa loob na ng sasakyan.....

"....hahalikan kita, dito sa loob, habang bukas ang pinto, sa harap ng mga taong dumaraan."

 

Tila hihimatayin siya sa narinig niya kaya mas minabuti niyang itulak si Kyuhyun papalabas at magmartsa papuntang ospital habang ang isa ay mamamatay kakatawa dun sa parking lot.

 

"Gago ka, tingin mo natutuwa akong malapit ang nguso mo sa nguso ko?" sambit ni Sungmin sa sarili habang pinipigil ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

 

 

---

 

Lunes na. Ang pinakaiintay na araw ni Sungmin. Yun kasi ang unang araw ng registration. Taon taon ang ganitong kaganapan sa eskwela nila pero ngayon lang siya sasali, ngayon lang sila sasali. Iniisip niya ano kaya ang magiging reaksyon ng mga kaibigan niya kapag nalaman na sasali siya? At sasabihin din ba niya ang dahilan kung bakit siya sasali at ano naman din ang irarason niya kapag tinanong kung ano at kaninong kahilingan ang tutuparin niya. 

"Sungminnnnnn!!!" Ayan na ang dalawa niyang hampaslupang kaibigan. Hindi rin niya ikakaila na namiss din niya ang dalawang bugok.

"Uy, nangayayat ka ah!" Bati ni Hyukjae na agad namang ikinatuwa ni Sungmin. Kinurot kurot pa nito ang kaniyang mga braso pati na rin ang bilbil niya.

"Hoy! Hindi ka nagte-text!" Si Donghae naman ngayon ang nagsalita habang naka-akbay pa sa kaniya. "Hindi naman sa nag-aalala ako ng sobra ah baka kasi mapagkamalan mokong clingy pero I'm worried talaga eh." Sabi nito na kunwari pang nagpapahid ng luha.

"Tanga! Anong pinagkaiba nun!" Hinampas hampas naman ni Hyukjae si Donghae sa ulo kaya't nahiwalay ito kay Sungmin. Sa kakaharutan nila hindi nila namalayan na napahinto na sila sa isang lugar. At nasaktuhan pa dun sa may bulletin board. Nakita nung dalawa na nakataingala si Sungmin sa isang pirasong papel na masyadong makulay kumpara sa iba. Agad namang nagtinginan ang dalawa at nagsikuha. 

"'Wag mong sabihin na sasali ka dyan." Buling ni Hyukjae sa may bandang kanan ng tenga ni Sungmin na agad namang sinundan pa nung isa sa may bandang kaliwa naman. "At bakit ka interesado?" Napapikit ng mata si Sungmin. Minsan talaga susuko ka na lang sa dalawang to na akala mo ay araw araw lango sa droga.

"Oo sasali ako." Humarap siya sa dalawa at nginitian ng matamis ang dalawa niyang kaibigan na tila ba'y may hinihiling na ewan. "At sasali din kayo."

Napangiti naman ng bongga si Hyukjae, eto talaga yung mga bet niya eh yung mga nagpapasikat. Matagal na kasi siyang hindi nakakapagpapansin sa mga chikabebe dun sa QPAV kaya ngayon time to shine na naman ang peg. 

"Okay! Game!" Sabi ni Hyukjae sabay hugot ng ballpen at mag sa-sign up na sila.

Tiningnan naman ni Sungmin ang isang damuho at ayun namumutla at medyo namamawis na. "Hi-hindi ako marunong kumanta eh." 

Susuyuin naman sana siya ni Sungmin ng biglang nagsalit si HYukjae, ang mga mata ay nanlilisik sa tuwa at ang labi ay halos mapunit sa pagkakabatak ng ngiti. 

"Sorry, sign-up na tayo, nakalista ka na, Awdisyon na sa Miyerkules."

 

At hinimatay si Donghae.

 

---

 

Isang malaking usap-usapan sa school ang pagpasok sa kumpetisyon nina Sungmin, Eunhyuk at Donghae at mas kinagimbal pa ng lahat ay pinaka una sa listahan ang pangalang Cho Kyuhyun. Kaya ang sentro ng bulung-bulungan ngayon ay nasa dalawa. Issue Tissue na naman. Pero dahil di papahuli si Siwon, ay sumali na rin ito. Wala naman balak sumali sk Ryeowook dahil bago ang kumpetisyon ay ang finals exam at hindi niya isasaalang-alang ang kanyang mga grado para lamang dito, tutal andyan naman si Kyuhyun niya (daw).

"Hyuk hindi ko talaga kaya wala akong alam sa mga ganito at hindi ako marunong kumanta." Halos mapunit na yung uniporme ni Hyukjae kakapilipit ni Donghae dun sa tela sa may bandang braso. Hindi naman umiimik yung isa sa kadahilanang nag-iisip nadaw siya ng kakantahin niya.

"Ano kayang maganda? Listen kaya ni Beyonce?" Sabi ni Hyukjae at agad naman ito nilista sa papel niya.

"Hyuk, oy ano ba pakinggan mo nga ako. Di mo ba ako ichi-cheer?" Kinuyog-kuyog niya ang peste niyang kaibigan pero wala pa rin.

"Eh, Kilometro?" Sabay tayo at kumanta ng "Gagawin ang lahat upang sa hule, sa hule, sa hule, sa hule, sa hule s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
clouds1004
#1
Chapter 12: BUHAY KA PA BDFHKG eneng ene kala ko inabandona mo na kami :<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
tttham
#2
English please
jessabcm
#3
Chapter 11: bwiset kailangan nandito talaga si saging? hahahahahaha okay na eh charot!
Happy New Year!!!
kyuminsauce
#4
Chapter 11: ay wow ryowok wala ka pang balak sabihin nangyari kay sungmin. ipa crime scene investigation yan para makulong XDDDD
kyumin1115
#5
Chapter 11: Uy may cameo si Sungjin? Yaaaaassss! HAHAHAHAHA! Salamat sa pagupdate Polin! ❤️
Sichulbaby143 #6
Chapter 11: shet yung "Tangina mong Saging ka" at yung video na "si Sungmin at ang Saging" potangena eh HAHAAAAA hi ate polin~ di ko expected na mag u update ka pero thank you po! ^^ Si baby sungjin na yong lalaki sa gilid? HAHAHA
kyomen
#7
Chapter 11: HAHAHSHAHSHAHAHAHAHAHAHAHA k!ngina hahahahahahaa that "Tangina mong saging ka HAHAHAHAHAHAHA" at yung "Si Sungmin at ang tanginang saging" jusko laftrip yoko na HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA salamat sa update ate! napasaya at napatawa ako :-)
fxxxpxn #8
Chapter 11: Ay siomai, nalintikan na!! Hindibnanaman sila magkakasama purnada na naman si Kyuuu hahhaha. Hay tanginang saging hanggang dito may cameo hahhahah.
kyomen
#9
Chapter 10: HAHAHAHAHAHAHAHA yung ringtone putspa XD lol kyuhyun i feel you yoko ng ringtone hahahahahahaha
CHULelang
#10
Chapter 10: hahahahahahhahahaha yung Nata de Coco talaga eh xD Thanks pows sa update!! :)