Ika-siyam

Kapag Tumibok ang Puso
Please Subscribe to read the full chapter

Nakaka-ilang buntung hininga na ang ginagawa ni tukmol para lang maibsan yung kaba na nararamdaman nya.

Hindi naman sya kinakabahan sa pagkanta niya sa entablado eh. Ang kinakakaba niya eh kung anong kahihinatnan ng resulta.

Sino sa kanila ni Kyuhyun ang mananalo. Sana wala na lang sa kanilang dalawa ang maging finalist. 

Kapag kasi si Kyuhyun ang nanalo, sampal naman sa kanya na tutuparin niya ang kahilingang iskolarsyip ni Ryeowook. Kahit naman kabutihan ang intensyon ni Kyuhyun, hindi pa rin maalis sa isipan niya na sa kabila ng lahat, si Ryeowook pa rin ang naalala ni Kyuhyun. Nanggigil siya tuwing naaalala niya yung matatamis na ngiti ni Kyuhyun nung kausap niya si Ryeowook.

"Nyeta..." HIndi siya palamura pero iba talaga yung inis niya. Minsan nakakapagod din palang magkimkim.

Samantalang siya, ang hiling na tutuparin niya eh yung kagustuhan ni Kyuhyun na magkaayos sila.

Samantalang si Kyuhyun, iba naman pala ang nasa isip.

Kapag nanalo si Kyuhyun, makikita na naman yung matamis na ngitian ng dalawa. Sabi naman ni Donghae 'friends' lang daw talaga sina Kyuhyun at Ryeowook, pero iba naman yung nakikita niya eh. Sabagay, nilamon na siya ng selos. 

 

"Tell me how am I supposeeeee to liiibbbbbb widawt yuuuuuuuuuu..."

"Donghae wag ka ngang maingay kita mong nagko-concentrate yang si tukmol."

"Lakompake. Mukha ba yang nagko-concentrate eh parang binuhusan ng kalamansi yung mukha niya eh."

 

Napailing na lang si Sungmin. Nagpuntahan kasi yung dalawa niyang bugok na kaibigan para daw suportahan siya eh sa nakikita naman niya wala namang ibang ginawa yung dalawa kundi kumain, magtalo, kumanta, kumain at magtalo uli.

Hayyy ganito pala ang buhay, parang life.

 

"Soooo anong kakantahin mo?"

Tanong ni Donghae habang pinapapak yung isang botelya ng Nata de Coco na baon ni Hyukjae.

"Sikreto!" Sabi naman ni Sungmin sabay kindat.

"HAEEEEE!!!" Biglang napatingin ang dalawa nang marinig ang malakas na hiyaw ni Hyukjae.

"Ano wag ka ngang maingay nakakahiya sa mga kasambahay ni tukmol sabihin eskandaloso ka."

Hinablot naman ni Hyukjae yung Nata de Coco na nilamutak na'ng tuluyan ni Donghae. Napaupo na lamang ito pagkatapos ay humagulgol ng iyak.

"Bakit mo kinain yung Nata...di ba pinapatapon ko nga yan kasi kalahating taon na yan sa ref...."

 

At yun ang dahilan kung bakit si Sungmin na lang ang mag-isang pumunta sa event nang gabing yun.

 

"Wag kang mag-alala susunod kame pagkatapos magtae ni Donghae." Sabi ni Hyukjae kay Sungmin nung tumawag ito. Rinig na rinig pa niya yung paghiyaw ni Donghae habang sunod sunod na kabag ang inilabas.

"Kingina may taeng kasama!!!"

At yun na ang huling narinig ni Sungmin.

 

*

Kung bibilangin siguro ang bilang ng mga kalalakihan at sangkabklahan na naglingunan kay Sungmin ng mga panahon na iyon, ay hindi na niya mabibilang. Kasi naman sabi magsuot ng daw ng presentable kaya naman naka-suit and tie sya. Aba malay ba niyang naka polo shirt at slacks lang ang iba. Parang gusto tuloy niyang magpalit. Inilapag niya ang gitara niya muna saglit sa isa sa mga silya sa loob ng dressing room. Meron daw siyang kahati dahil kaunti lamang ang libreng kwarto sa may gym na pagdadausan ng patimpalak. Nawa'y hindi isang Cho Kyuhyun ang makasama niya. Ito rin ang unang pagkakataon na inisip niyang sana andito si Siwon para merong nangungulit sa kanya o kaya man lang eh magliligtas sa kanyang makausap si Kyuhyun kaso nasa bakasyon na ang bakulaw na kabayo (yan ay narinig lamang niya kina Donghae at Hyukjae).

Naisip niyang meron pa syang halos isang oras para makapaghanda. Kaya naman naisip niya na bakit hindi na lang niya itext yung dalawang damuho na dalhan siya ng pamalit tutal sabi naman nila eh susunod na lang sila. Akma naman niyang ite-text na sana yung dalawa nang biglang may mabasa siyang text mula sa isang numero na hindi naman nakaregister sa selpon niya.

 

Asan ka na?

Halos dalawang minuto din niyang pinag-isipan kung paano sasagutin ang text. Inisip niyang si Kyuhyun yon ngunit kahit pa matagal na silang hindi nagte-text sa isa't isa eh hindi naman niya binura sa contacts ang numero ni Kyuhyun.

Sino kaya to? Tanong niya sa kanyang sarili.

Dito na ako sa may 6th floor.

Shet. Napashet na lang si Sungmin nang napagtanto niya kung sino ang nagtext sa kaniya. Walang iba kundi si Kim Ryeowook.

San ka?

Text pa uli neto.

 

Niluwagan niya nang kaunti ang neck tie niya bago siya nagreply at sa hindi mawaring dahilan eh parang may masamang nararamdaman si Sungmin sa pag-uusap nilang ito ni Ryeowook. Pakiramdam niya eh wala itong idudulot na maganda. ANo kaya kung 'wag na lamang niya ituloy? Ngunit ayaw naman niyang magmukha siyang duwag sa taong lubos niyang kinaiinisan.

Tinext muna niya sina Donghae at Hyukjae na dalhan siya ng pamalit na disente at nababagay sa okasyon. Masyado kasi syang overdressed.

Maya-maya pa ay nagreply na rin siya. Dito sa may dressing room. Huli sa kaliwa.

Halos limang minuto pa lamang nang magreply siya kay Ryeowook nang bumukas na ang pinto. Himala namang ganun kabilis an

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
clouds1004
#1
Chapter 12: BUHAY KA PA BDFHKG eneng ene kala ko inabandona mo na kami :<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
tttham
#2
English please
jessabcm
#3
Chapter 11: bwiset kailangan nandito talaga si saging? hahahahahaha okay na eh charot!
Happy New Year!!!
kyuminsauce
#4
Chapter 11: ay wow ryowok wala ka pang balak sabihin nangyari kay sungmin. ipa crime scene investigation yan para makulong XDDDD
kyumin1115
#5
Chapter 11: Uy may cameo si Sungjin? Yaaaaassss! HAHAHAHAHA! Salamat sa pagupdate Polin! ❤️
Sichulbaby143 #6
Chapter 11: shet yung "Tangina mong Saging ka" at yung video na "si Sungmin at ang Saging" potangena eh HAHAAAAA hi ate polin~ di ko expected na mag u update ka pero thank you po! ^^ Si baby sungjin na yong lalaki sa gilid? HAHAHA
kyomen
#7
Chapter 11: HAHAHSHAHSHAHAHAHAHAHAHAHA k!ngina hahahahahahaa that "Tangina mong saging ka HAHAHAHAHAHAHA" at yung "Si Sungmin at ang tanginang saging" jusko laftrip yoko na HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA salamat sa update ate! napasaya at napatawa ako :-)
fxxxpxn #8
Chapter 11: Ay siomai, nalintikan na!! Hindibnanaman sila magkakasama purnada na naman si Kyuuu hahhaha. Hay tanginang saging hanggang dito may cameo hahhahah.
kyomen
#9
Chapter 10: HAHAHAHAHAHAHAHA yung ringtone putspa XD lol kyuhyun i feel you yoko ng ringtone hahahahahahaha
CHULelang
#10
Chapter 10: hahahahahahhahahaha yung Nata de Coco talaga eh xD Thanks pows sa update!! :)