Confusion

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

A/N:

SURPRISE!!!~

 

 

Pagkauwing-pagkauwi ni Jisung, isa lang ang hinanap niya…

 

“PAPA!!!~” sigaw ni Jisung sa may living room.

 

Sabay na nagtakip ng tenga ang kambal na naglalaro sa kutson na nakalapag sa sahig. Tumalim ang tingin ni Shiwon sa dalagang anak at napatayo siya ng ‘di oras.

“Jisung, dalaga ka na.”

 

Nagsalubong ang kilay ni Jisung at umupo sa tabi ng kambal.

“Si Papa?”

“Wala siya rito. Busy sila dahil iri-release na ang album nila.”

“Really?” biglang an-excite si Jisung at nawala pansamantala ang inis sa ama.

 

Kahit naman ganoon, mataas naman ang respeto ni Jisung sa boses ng tatay niya- sa boses lang niya. Just kidding. Ang totoo nga niyan ay pinagmamalaki niya ang papa niya sa lahat. Proud daughter kaya si Jisung.

 

Si Jihye at Jinhee na magtatlong taon pa lamang ay inakap si Jisung dahil mukhang good mood na ulit ang ate nila.

“Noo-na~” paglalambing ni Jinhee.

Natawa si Shiwon sa sinabi ng anak.

“Hala! Ma, noona raw o!” tinitigan ni Jisung si Jinhee ng mata sa mata.

 

“Noona!” tawag rin ni Jihye sa ate niya.

Kumunot ang noo ni Jisung at saglit na nalimot ang excitement sa album ng tatay niya.

Iniupo ni Jisung ang kambal sa kanyang lap at sinabing, “The two of you, listen to your ate. Unnie ang itawag niyo sa’kin hindi noona.”

“Noona~” ulit ng kambal na nakangisi pa.

“I said unnie.”

“Noona?” sabay na humilig pa ang ulo ng kambal.

Pinanuod lang ni Shiwon ang magkakapatid.

“It’s unnie. I said, Unnie!” diin ni Jisung.

“NOONA!” inis na pagpupumilit ng kambal.

 

Humagalpak ng tawa si Shiwon sa simpleng usapan na nauwi sa kulitan.

“Hahahahahaha~ mana-mana lang talaga Jisung.”

“UMMA~” angil ni Jisung.

Sabay na tumawa sina Jihye at Jinhee dahil sa suyang-suya na mukha ng ate nila.

 

“Jisung, ikaw na muna pala bahala sa mga kapatid mo ha. I’m just going to prepare our dinner.”

 

Paalis na sana si Shiwon ng tawagin siya ni Jisung, “Ma, sasabay ba sa dinner si Papa?”

“Mukhang hindi eh. Sabi ko nga, they’re busy with their album at baka sa mga susunod na araw o linggo ay ganito rin. Masanay ka na.” paliwanag nito.

“But…”

“Kukulitin mo siguro siya dun sa naging usapan niyo no?”

Umiling si Jisung at sinabing, “Hindi naman sa ganon Ma pero…”

“Hay naku, Jisung, just deal with your sisters first. Ihahanda ko lang ang pagkain.”

 

Walang nagawa si Jisung kundi ang makipaglaro muna sa mga kapatid niya

Samantala, sa may dance studio ng barkada…

 

“SEHUN, TAO! PWEDE BA BUMALIK KAYO SA PRACTICE ROOM NIYO.” Utos ni Kyungsoo sa dalawang bunso na nangungulit sa vocalization nila.

“Isang dekada na ang lumipas ha, pasaway pa rin kayo.” Paalala ni Baekhyun na nakapameywang pa.

Nakasilip sa may pintuan ng music room ang dalawang maknae na nagpipigil pa ng tawa.

“Isang dekada na rin ang lumipas, hindi pa rin kupas eyeliner mo hyung!” sigaw ni Tao.

“Aba’y-“ sumugod si Baek papunta sa pintuan kaya dali-daling kumaripas ng takbo sina Tao at Sehun.

Napailing si Chen. Pagkaalis ng dalawa ay agad namang dating ni Suho na may dala ng isang supot ng…

 

“CHICKEN!!!” nagbubunying sigaw nina Baekhyun, Kyungsoo at Chen. Saglit na nawala ang pagod nila sa practice nila.

 

Dahil sa malakas na sigaw nila ay nagsipagsuguran ang mga nasa kabilang kwarto.

 

“CHICKEN!!!” sumugod si Kai sa may table sa gilid at dali-daling sinilip ang laman ng plastic.

Hinampas naman ni Kyung ang kamay ng nakababata, “Patay-gutom lang?”

Sinuntok-suntok ni Kai ang dibdib niya habang nagdadrama, “Aray! Hyung, patay-gutom agad?”

 

Sa may pintuan ay may hilaang nagaganap.

“Chicken is not my style!” angil ni Kris na nakakapit sa pintuan. Hinihila kasi nina Tao at Sehun ang nakatatanda para kumain.

“Gege, kain na tayo. Bilis! Uubusan tayo ni Kai.” Pagmamadali ni Tao.

“Bawal mag-inarte, libre ‘to ni Suho hyung.” Dagdag pa ni Sehun.

“Kahit kelan, wala ka talagang paggalang.” Sabi ni Kris kay Sehun.

 

Mayamaya ay dumating si Lay na may dalang isang piraso ng manok. Huminto siya sa harap ni Kris.

“O, bakit?”

Sinalpak ni Lay ang isang buong manok sa bibig ni Kris.

Wala namang nagawa si Kris kundi nguyain ang manok. Halos maiyak kakatawa ang dalawang sutil na bunso dahil rito.

 

Buo ang magbabarkda at pansamantalang nahinto ang kani-kanilang practice. Sa lapag sila kumain ng nakabilog. Halos hindi makabasag-pinggan sa katahimikan dahil nga naman, busy ang bawat isa sa pagkain.

 

“Uy! Chen, hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na ng mag-iina mo.” Paalala ni Xiumin.

“Ako hyung hindi mo tatanungin? Hinahanap na rin ako ni Naru eh.” Singit ni Kai. Agad naman siyagn siniko ni Kyungsoo.

“Naku Kai, alam ko na tumatakbo sa utak mo.” Sabi ni Chanyeol.

Napaisip tuloy si Chen sa sinabi ng nakatatanda.

“Lalo na si Jisung, ‘di ba sabi mo, hindi pa rin nakakatulog ‘yung dalaga mo kapag hindi kayo nag-aasaran?” paalala ni Suho.

“Naman eh, huwag niyo na munang ipaalala. Parang gusto ko na tuloy umuwi.” Sabi ni Chen.

Natawa naman si Sehun,”Naks! Tatay na tatay na talaga si Hyung. Totoo ba ‘to?”

“Move on move on rin Oh Sehun, ilang taon na ang lumipas ha.” Sabi ni Chanyeol.

“At ganon pa rin ang tenga mo.” Banat ni Baekhyun.

Binato ni CHanyeol ng buto ng manok si Baekhyun, “Inggit ka lang.”

“Aray ha! Kadiri ka, may laway mo ‘to eh.” Angil ni Baek an hinagis pabalik ang buto sa binata.

 

“Pero kung gusto mo namang umuwi, sige okay lang. may bukas pa naman.” Sabi ni Suho.

“O, sabi ni Manager pwede na daw umuwi.” Sabi ni Kai.

“Nakiki

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG