Come Back Home~

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

A/N:

Another update...mula Chapter 9 po ang bagong updates ha~

 

 

Pagkakitang pagkakita ni Jisung sa kanyang ama, agad itong lumiko at nag-iba ng daan. Sinundan siya ni Taehyung.

 

“Jisung, saglit, puntahan nating papa mo.”

 

“Ikaw ang pumunta kung gusto mo.” Nagmatigas si Jisung at nagpatuloy sa paglalakad.

 

Hindi naman siya galit kay Chen kaso hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Naalala niya kasi bigla ‘yung pagsampal sa kanya nito. Alam naman niyang may mali siya kaso napaka-unforgettable nito dahil first time siyang masaktan ng ama. Kaya pagkakita pa lamang niya sa kanyang ama ay may kakaibang kirot na siyang naramdaman.

 

“Jisung, paano kayo magkakaayos kung hindi mo siya kakausapin?” Inabutan ni Taehyung si Jisung kaya ngayo’y pinapakiusapan na niya ito.

 

“I’m not ready Taehyung.”

 

“Kelan ka magiging ready? Kapag pumuti si Tito Kai?”

 

Huminto sa paglalakad si Jisung at tinitigan ng masama ang kaibigan.

 

“You don’t have any right to make fun of Tito Kai’s skin. Ako lang.” nagpatuloy sa paglalakad si Jisung.

 

Napakamot si Taehyung sa ulo niya. Inandaran na naman kasi ng katigasan itong kaibigan niya at alam niyang si Chen lang rin ang makakasabay sa katigasan ng ulo nito kaso they’re not yet in good terms.

 

“Jisung naman eh.” Umangil na si Taehyung.

 

Hinarap ni Jisung si Taehyung. Magsasalita na sana si Jisung nang makita ang isang lalaking nakatayo sa likuran ng kaibigan.

 

 

“Jisung.”

 

 

Napalingon si Taehyung sa kanyang likuran at nakita si Chen na nakasunod sa kanila. Tinalikuran lang ni Jisung ang ama at nagpatuloy sa paglakad.

 

“Jisung, sandali, mag-usap tayo.”

 

“Pa, just go home. I’m not ready to talk with you. Please.”

 

Gumilid si Taehyung para magkaron ng sapat na space ang mag-ama habang nagdadrama kaso napasapo na naman siya sa kanyang ilong. Nag-English na naman kasi si friend.

 

“Hindi ako uuwi Jisung hangga’t hindi ka kasama.” Naglakad palapit si Chen sa anak ngunit sa bawat hakbang nito ay ganoon rin ang pag-atras ni Jisung. Bigla niyang naramdaman kung gaano kasakit ang naging epekto kay Jisung ng pagsampal niya.

 

“Why don’t you go back to your fans? I can go home alone. Taehyung let’s go.” Nilingon ni Jisung ang best friend kaso dinedma siya nito.

 

“Do I know you?” tanggi ni Taehyung. Umiwas ng tingin ang binata. Alam niyang ikakagalit ito ni Jisung pero wala siyang pakielam roon dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay magkaayos ang mag-ama.

 

“Jisung, sorry kung nasaktan kita. Hindi ko sinasadya anak. Mag-usap muna tayo.”

 

Nakatitig sa lupa si Jisung. Nagpipigil siyang umiyak. Nagpipigil siyang tumakbo at yakapin ang ama. Ang totoo, kahit gaano kasakit ang nangyari para sa kanya, ang isang araw na mawalay siya sa kanyang mga magulang ay higit pa sa lahat ng sakit na naranasan niya. Hindi nga siya nakatulog ng maayos kina Taehyung dahil inaalala niya ang papa niya – Daddy’s girl pa man din siya.

 

“Jisung…”

 

“I’m sorry Papa but give me more time to think.”

 

Tumakbo palayo si Jisung. Nabigla naman si Taehyung sa bilis ng mga pangyayari.

 

“Tito, susundan ko na po siya. Ako na ang bahala kay Jisung.”

 

Tanging pagtango na lamang ang nagawa ni Chen. This means…

 

 

MATUTULOG SA LABAS NG BAHAY SI CHEN-CHEN~

 

 

Samantala, naabutan na rin ni Taehyung si Jisung. Nakaupo ito sa waiting shed sa bus stop. Nakasiksik ito sa gilid at nakayuko. Tinabihan niya ito at tinignan.

 

“Mugto na naman mata mo. Papangit ka kakaiyak.” Pagsuyo ni Taehyung sa kaibigan ngunit hindi man lamang siya nito tinignan. Nakatitig pa rin si Jisung sa kanyang mga paa.

 

“I’m not vain so why would I care?”

Isang malakas at malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Taehyung. Ngayon lang ata siya nahirapang suyuin ang kaibigan. Kadalasan kasi, madali itong sumuko at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG