Kimchi o Ako

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

Taehyung’s POV

 

Ilang segundo pang nanatili sa dibdib ko si JIsung habang paulit-ulit pa niyang hinahampas ang balikat ko. Ako naman, patuloy lang sa pagtawa. Ang cute niya talagang magdrama.

 

Bago pa man ako lalong mahulog sa patibong ni Jisung, dahan-dahan ko siyang inihiwalay sa’kin.

 

“O sige, nakita mo na ako. Uwi na.” sabi ko sa kanya.

 

Hinampas niya ako sa braso, “Aray! Jisung, nakakarami ka na. akala ko ba namiss mo ako?”

 

“Oo namiss kitang bugbugin kaya dinadamihan ko.” Halata sa boses niyang naiinis siya sa’kin.

 

Ano ba? Ano na naman bang ginawa ko? Minsan talaga ang hirap spellingin ng mga babae. Pasalamat ka Jisung, mahal kita.

 

“Uwi ka na baka gabihin ka sa daan. Ihahatid na kita sa sakayan.” Hinawakan ko ang kamay niya at hinila papunta sa may sakayan pero nagmatigas lang siya.

 

“Bakit mo ba ako pinapaalis agad?”

 

Ano bang problema nito?

 

Napakamot ako sa ulo at saka bumuntung hininga, “Pinabibili kasi ako ni Tito ng kimchi.”

 

“Eh ‘di sasamahan na lang kita tapos makikikain na ako sa inyo.” Biglang ngumisi si Jisung at mukhang hindi ko nagugustuhan ang ideya niya.

 

“Hindi na. kaya ko na ang sarili ko. Uwi na. Bilis.” Sabi ko sa kanya kaso biglang nagbago na naman ang aura niya.

 

‘Yung totoo, meron ba ngayon si Jisung? Ambilis magbago ng mood niya eh.

 

Nameywang si Jisung at nagsalubong ang kilay niya.

 

“Kimchi o ako?”

Tinitigan ko siya,”Ha?”

 

“Ang sabi ko, kimchi o ako?” lalong nagseryoso ang tono ng boses niya. Bakit ba niya ako pinapipili kung kimchi o siya?

 

“Hinihintay na ni Tito ‘yung kimchi Jisung.”

 

“Ano bang mas importante ha? ‘Yung kimchi o ako!”

 

Hala! Sinigawan na niya ako. Bakit ba kami nauwi sa kimchi o siya? Paki-explain nga.

 

“Bakit mo ba ako pinapipili? Bibili lang naman ako, ano naman ang epekto sa’ting dalawa.” Sabi ko sa kanya na medyo natatawa.

 

“Eh kasi naman, gusto ko na ngang sumama sa pagbili pero ayaw mo akong pasamahin tapos pinapauwi mo na ako. Eh gusto lang naman kita makasama.”

 

Nakita ko ang pangingilid ng kanyang luha.

 

Talaga bang namiss niya ako ng husto?

 

Nag-isip ako ng ilang segundo at saka napabuntung hininga.

 

“O sige na. Sumama ka na. Sa susunod ‘wag mo na akong papipiliin ng kimchi o ikaw ha.”

 

Unti-unting lumaki ang ngiti niya sa labi at saka pinahid ang luha niya. Kinuha niya ang kamay ko at sinabing, “Pero kung papipiliin kita ulit, kimchi o ako?”

Napa-facepalm ako, corny pero aaminin ko na, “Syempre ikaw. Ang kimchi pwedeng pang-isang araw lang pero si Jisung pang matagalan – pwedeng forever.”

 

Kinutusan niya ako, “ Walang forever! Halika na nga.”

 

Nagtawanan lang kami habang naglalakad papunta sa pinakamalapit na supermarket.

 

 

 

Ilang minuto rin kaming nagtagal sa daan bago makarating sa supermarket paano ba naman itong si Jisung kung anu-ano ang nakikita sa daan na gustong bilhin. Andyan ka na hilain ako sa nagtitinda ng pang-ipit ng buhok tapos nung makakita ng ice cream stall gusto daw niyang bumili kaso sabi ko bukas na gabi na. Hindi pa siya nakuntento at nahinto rin kami sa pet shop, nakakita ng Alaskan malamute na sobrang cute, sabi niya gusto niyang bumili kaya abonohan ko raw – ‘yung totoo, full moon ba? Bakit parang sinapian ang bestfriend ko? At ang huling pangungulit niyang hindi ko pinayagan ay ang panonood ng sine. Narinig kasi naming sa mga nagdaraan na mga estudyante na showing na ang gusto niyang horror film, ayun mukhang na-excite, hinila ba naman ako pasakay sa bus para lang makapanood kami.

 

Nagkapalit ata kami ng utak ni Jisung ngayon ah.

 

Kumuha na ako ng basket. Akala ko kimchi lang bibilhin ko pero nagmessage si Tito at nakalagay doon ang ilang supplies na gusto niyang bilhin ko pa.

 

“Nasaan na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG