Hay Buhay~

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

Hawak-hawak pa rin ni Taehyung ang kamay ni Jisung. Gustuhin mang bumitaw ni Jisung ay hindi niya magawa dahil sa tuwing pipisilin ng binata ang kamay niya ay pakiramdam niya’y nawawala na ng tuluyan ang takot niya.

 

“Tae-hyung…”

 

“Hmm?”

 

“Kasi…”

 

“Ano ‘yun Jisung?”

 

Huminto sila sa paglalakad. Nakatitig si Taehyung sa dalaga na puno ng pag-aalala. Ngayon lang niya nakitang ganito kaseryoso ang mukha ng kaibigan. Sanay kasi siyang nagloloko lang ito at lagi siyang binibiro.

 

“Pwede mo na akong bitawan. Okay na ako.”

 

Bago pa man bitawan ni Taehyung ang kamay ni Jisung ay muli niya itong pinagmasdan at saka ngumiti.

 

Sabay na lamang silang naglakad hanggang makarating sila sa tapat ng bahay nina Jisung.

 

“Sige, uwi ka na. Gabi na. Baka inaantay ka na ni Tito Ganda.”

 

Nawala na sa isip ni Taehyung ang pinabibili ng Tito niya kaya bigla na lamang siyang nataranta ng maalala iyon.

 

“Oo nga pala.”

 

Natawa si Jisung, “Oo nga kaya uwi na.” pinagtulakan ni Jisung ang binata paalis.

 

“Pero sigurado ka bang okay ka na?” pagpupumilit ni Taehyung.

 

“Sinabing oo nga. Ang kulit mo.” Nangingiting tinutulak ang binata.

 

“O bakit parang namumula ka?” biro ni Taehyung habang patuloy sa pagtulak ang dalaga.

 

Nang mapansin niyang tila huminto si Jisung ay umikot siya at tinabihan ang dalaga. Binangga niya ang balikat nito, “Uy, namumula siya. Kinikilig ka sa sweetness ko no?”

 

Hinampas ni Jisung ang balikat ni Taehyung, “Che! Andami mong alam. Uwi na~”

 

“Oo na.. uuwi na…”

 

 

 

“HAHAHAHAHAHAHAHA!!!”

 

Sabay na napalingon sina Jisung at Taehyung sa may bintana ng bahay ni Jisung.

 

Nagkatinginan silang dalawa at muling tinulak paalis ni Jisung si Taehyung.

 

“O sige na, nagkakasiyahan ata sina Mama sa loob.”

 

“Eto na, hindi mo na ako kailangang pagtabuyan.” Ngumuso si Taehyung na para bang nagpapaawa.

 

“Drama mo talaga.”

 

 

 

“JIMIN! ‘WAG MONG PAGTRIPAN ANG ASSET KO!!!”

 

 

Sabay na napatingin ang dalawa. Kung hindi sila nagkakamali ay boses iyon ni Jhope.

 

“Anong ginagawa niya sa inyo?” tanong ni Taehyung kay Jisung.

“BInibisita ako?” tanong ni Jisung.

“Hindi naman kayo close eh.”sagot ni Taehyung.

“So ganun? Eh bakit nasa bahay sila?”

 

Napaisip silang dalawa at isa lang ang naiisip ni Taehyung sa mga oras na ito at maaaring pareho sila ng iniisip.

 

Hindi kaya…  Dali-daling hinila ni Taehyung si Jisung papasok ng bakuran nila. Binuksan ni Jisung ang pinto at tumambad sa kanila ang mga kaibigan ni Taehyung na naghaharutan sa living room habang ang parents ni Jisung ay humahaglpak sa tawa.

 

Nagkukulitan sa sahig sina JHope at Jimin samantalang ang iba nilang kasama ay nakikipaglaro sa kambal.

 

“Jisung, andito ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ng mga kaibigan mo.” Bungad ng Mama niya.

 

Ngumiti si Jisung sa mama niya pero bakas sa mga mata niya na nagtataka siya sa biglaang pagsulpot ng mga ito.

 

“Taehyung okay ka na ba?” tanong ni Chen na mukhang seryosong seryoso.

 

“Ayos na ho ako. Sige alis na po ako.” Nagbow si Taehyung.

 

“Aalis ka na agad? Iiwan mo na kami?” tanong ni Suga.

“Hindi mo man lang kami namiss?” pagdadrama ni Jin.

“Para naman kaming others sa’yo.” Hirit ni JHope.

 

Sabay-sabay na nagpaawa ang mga binata kay Taehyung.

 

Napailing na lang si Chen sa hitsura ng mga ito.

 

Sa kabila ng kasiyahan nila, may isang nag-aalala… si Jisung.

 

“Dito ka na lang kumain Taehyung. Naghanda ako ng masarap na pagkain.” Sigaw ni Shiwon mula sa kitchen.

 

“Hindi na ho baka gilitan na ako ng leeg ni Tito.” Biro ni Taehyung habang nagbabow.

 

“Hayaan mo nang mamuti mata ni Baekhyun.” Hirit ni Chen.

 

Bubuksan na sana ni Taehyung ang pinto ng may kamay na pumigil sa kanya. Napatingin siya sa kanyang gilid at nakita niyang nakatitig lang si Jisung sa kanya.

 

“Natatakot ka pa rin ba?” mahinang tanong ni Taehyung. Biglang nag-alala si Taehyung dahil sa pagpigil ng dalaga.

“Hindi pero kinakabahan ako para kay Jungkook. Iba kasi kilos ni Papa, baka malaman niya.” Bulong ni Jisung.

 

Tila naumid naman si Taehyung sa sinabi ni Jisung sa kanya. Si Jungkook pala ang inaalala niya. Naalala niya tuloy kung paano mag-overreact si Chen dahil sa simpleng tawag at text.

 

“Nag-aalala ka kay Jungkook?” mahinang tanong ni Taehyung.

Tumango si Jisung habang ang mata nito ay nangungusap sa kanya.

Ano pa nga ba ang magagawa ni Taehyung, kung hindi ang omoo.

 

Pagharap niyang muli kina JHope ay biglang tumunog ang phone niya.

 

Nagtext si Tito…

 

From Tito Baekhyun

                Diyan ka na magdinner, tapos na akong kumain.

 

Napasilip si Taehyung sa may kusina kung saan naghahanda ang mama ni Jisung. Sumilip si Shiwon at nag-okay sign sa kanya. Ngumiti si Taehyung sa kanya at saka muling tinignan si Jisung.

 

“Okay na. payag na si Tito.” Sagot nito.

 

Lumaki ang ngiti ni Jisung.

 

Biglang tumunog ang phone ni Taehyung. Isang text na naman ang natanggap niya kay Baekhyun.

 

From: Tito Baekhyun

                Pero pag-uwi mo may kurot ka sa singit

 

Biglang napalunok na lang si Taehyung at saka ibinulsa ang phone.

 

“Bakit?” tanong ni Jisung.

 

“Wala. Basta ipagdasal mo na lang ang singit ko pag-uwi ko.” Bu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG