Dalaga na si Jisung

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

Sa isang restaurant, abala ang lahat sa pagkain.

Oo, sa pagkain dahil sa engagement party ni Kai.

 

Tama, malapit ng matali si Kai sa kanyang babaeng pinakamamahal.

 

Ang lahat ng mgakakaibigan ay naroon kasama ang ilan nilang kamag-anak.

 

“Kai-yah~”

 

Tumakbo si Chanyeol papunta kay Kai habang nakasukbit ang braso ng soon-to-be wife niyang si Naru.

 

“Hyung~” natutuwa namang sinalubong ni Kai ang nakatatanda.

 

Todo yakap naman si Chanyeol sa kanya at natatawa na lamang si Naru sa gilid dahil sa kung makakapit si Yeol ay parang lintang hindi matanggal.

 

“Si Nijin andyan!”

 

Pagkarinig na pagkarinig ni Yeol ng pangalang Nijin ay agad siyang kumalas sa pagkakaakap kay Kai.

 

Napalingon sila sa likod at nakita nila ang naka-Tuxedong si Kyungsoo.

“Asan si Nijin? Nasa’n?” paghahanap ni Yeol

 

Nangigiti na lamang sina Tao, Sehun, Baekhyun, at Lay sa tabi ni Kyungsoo.

 

Nagdabog si Yeol at inirapan si Kyungsoo, “Aminin mo, nagseselos ka lang eh.” Biro ni Yeol kay Kyung.

 

“Hindi no.”

 

“Selos na ‘yan.” Pang-aasar ni Yeol.

 

“Hindi nga sabi.”

 

Dahil malakas trip nilang magkakaibigan…

 

Lumapit si Kai kay Kyung habang tinititigan ang nakatatanda ng kanyang makapanghumaling na mga mata.

 

“Oy!” unti-unting umatras si Kyung.

 

“Oppa, samantalahin mo na si Jong In, hindi pa naman kami kasal.” Biro ni Naru sa likod.

 

“KAISOO! KAISOO!”

 

Sabay-sabay na nagcheer ang magkakaibigan.

 

Dahil sila-sila lang naman halos at ang ilang mga imbitado ay mga kaclose nila, sinakyan rin nila ang trip ng couple at naki-cheer.

 

“Huwag niyo akong pagkaisahan.” Babala ni Kyung na nanlalaki na ang mga mata.

 

“Come on hyung~” biro ni Kai na dahan-dahan pa ang lakad papalapit sa nakatatanda.

 

“Don’t do this Kai.” Atras ulit si Kyung.

 

“I know you want it too Hyung.” Biro pa ni Kai.

 

 

“LET’S PARTEEEEEEEYYY!!!”

 

 

Ang lahat ay sabay-sabay na napalingon sa may entrance ng function hall.

 

Dumating na ang pamilya ni Chen.

Kasama niya sina Shiwon, ang kambal at ang mabait na si Jisung na ngayo’y nagdadalaga na.

 

“Hello~” bati ni Shiwon.

 

Para makatakas si Kyungsoo, dali-dali siyang pumunta sa likuran ni Jisung.

“Tito Kyung?” pagtataka ni Jisung.

 

Napansin naman agad ni Jisung kung bakit nagtatago ito kaya hinarap niya si Kai at sinabing, “Tito Kai stop harassing Tito Kyung or I will ask Tita Naru to harass you.”

 

Naumid naman si Kai.

 

“Pero, binigyan niya ako ng permiso.” Sabay lingon kay Naru na nakangiti pero agn isang kilay ay nakataas na.

 

Ngumiti rin si Jisung sa Tito Kai niya.

 

“Jisung naman, panira ka ng trip.” Angil ni Chanyeol.

 

Nakahinga naman ng maluwag si Kyungsoo at saka ginulo ang buhok ni Jisung.

“Thank you princess.” Sabi ni Kyung.

 

Napakagat ng labi si Jisung na ang mata ay umikot na lang bigla.

“Aish! Tito Kyung, do you know how many hours I’ve spent just to straighten my hair perfectly?”

 

Naghagikgikan naman ang lahat dahil sa bagong sentro ng tawanan.

 

“Wala pa ring piangbago ang anak mo Jongdae.” Bungad ni Baekhyun.

 

“I’m still fabuluous Tito Ganda?” tanong ni Jisung kay Baek.

 

Namula ang pisngi ni Baek sarcastic na ngumiti kay Jisung.

 

“Oo na lang. Makaalis nga muna.” Umiskapo naman si Baek.

 

Pasimpleng hinila ni Shiwon ang buhok ng anak at binulungan, “Ikaw talaga. Tama na ang pagbabansag sa mga tito mo ha.”

“’Yaan mo na Shiwon, nag-eenjoy naman kami eh.” Sagot ni Lay.

“Tito Gwapo~” tumakbo naman si Jisung papunta kay Lay at inakap ito.

 

“Naks~ may kinikilingan talaga anak mo eh.” Puna ni Tao.

“Porket may dimples na si Hyung, gwapo na agad.” Hinanakit ni Sehun.

 

Nagsama ang dalawang bitter na maknae.

 

“Naku Jisung, hindi ka na mabubuhat ni Tito, dalaga ka na eh.”

“Okay lang ‘yun Tito Gwapo. Basta makita ko lang dimples mo, busog na ako.” Biro ni Jisung.

 

Napaubo naman ng napakalakas si Chen, “Oy~ Jisung, balik dito.”

 

“You’re such a kill joy Jongdae.” Hirit ni Jisung na naglalakd pabalik sa tabi ng kanyang tatay.

 

Nangiti na lang ang magkakaibigan dahil hanggang ngayo’y hindi nila maiwasang maaliw sa batang… este, dalagang ito.

 

Bumulong si Naru kay Kai at sinabing, “Jong In, gusto kong magkaron ng anak na tulad ni Jisung.”

Napangiti naman ang binata at bumulong, “Sure, ano gagawa na ba tayo mamaya?”

 

“YUCK!!! ANO BA ‘YAN! SA HARAP PA NAMIN KAYO ANG-USAP NG GANYAN!” tinulak ni Yeol ang couple papunta sa table nila.

Nagtawanan na naman ang grupo habang ang mukha ni Jisung ay blanko – wala siyang maintindihan.

 

“What are you talking about Papa?” tanong ni Jisung kay Chen.

“Bata ka pa, saka na.”

Ngumuso si Jisung at sinabing, “Kelan? Kapag pumuti na si Tito Kai

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG