Hurt

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

A/N:

Sorry talaga kung sobrang late na ako mag-update, marami na kasi akong ginagawa sa school. Sana magustuhan niyo pa rin 'to.

 

 

 

Kyungsoo’s POV

 

Grabe ha! Ang bigat mo Jongdae. Kasi naman ang bait-bait mo Kyungsoo. Pasalamat na lang ako dahil bago puntahan ni Jongdae ‘yung mga babae sa bar ay hinimatay na siya sa sobrang kalasingan.

Badtrip nga lang dahil ako ang tagabuhat. Mas malaki pa sa’kin binubuhat ko ha.

 

Ang pinaka-inaalala ko ay sana si Shiwon ang makapagbukas ng pinto at hindi si Jisung.

 

End of Kyungsoo’s POV

 

 

Hirap na hirap si Kyungsoo na kaladkarin si Chen papasok ng bakuran nila. Oo, literal na kinakaladkad niya ang binata.. Isa pa sa inirereklamo niya ay ang malakas na amoy ng alak sa katawan ni Chen. Nasusuka na nga siya sa amoy dahil hindi siya sanay sa amoy ng alak pati na rin ng sigarilyo pero dahil kaibigan ang nangangailangan ng tulong niya, kahit ayaw niya ay tutulungan niya ito.

 How sweet~

 

“Konti na lang Chen. Magpagaan ka naman.” Angil ni Kyungsoo habang papalapit na sa may pinto.

“Wala naman kashe akong shinabeng iha-tid mo a-ko~” banat ni Chen.

“Eh kung iwan kaya kita sa kalsada at ipasagasa. Ano? Gusto mo?” pananakot ni Kyungsoo na medyo hinihingal na.

Napahagikgik si Chen na nangangalumata na, “Hehehe~ ‘To naman hindi na mabiro. Shayang naman ang magandang lahi ko.”

“Tignan mo ‘to, nakuha pang magbiro. Ihanda mo na sarili mo kapag humarap ka kay Shiwon.”

Pinilit ni Chen na tumindig ng tayo pero nabuwal lang muli siya, “At baket? Shino ang padre de pamilya sha bahay na ‘to? Ha? Ako! Ako! Ang gwapong shi Kim Jongdae!” pagdidiinan ni Chen habang hinahampas ang dibdib ng kanyang nakakuyom na kamay.

“Tapang mo Pre, palibhasa nakainom ka. Tignan natin kapag nahimasmasan ka.” Dagdag ni Kyungsoo nap ailing-iling.

 

Eek!!!~

 

 

“Anong sabe mo Kim Jongdae?”

 

Nanlaki ang mga mata ni Kyungsoo. Double the size of his eyes sa sobrang gulat.

 

“Shi-Shiwon…” nautal si Kyungsoo.

 

Samantalang ang lasing na si Chen ay nakangiti pa at kinawayan ang asawa.

 

“Hi my loves~”

 

Napakagat ng labi si Kyungsoo dahil sa mga sinabi ni Chen. Para kasing wala lang sa kanya ang lahat kahit kaharap na nito ang asawa niya.

 

“Loves ka diyan.” Malamig na wika ni Shiwon na nakahalukipkip.

Kumawala sa pagkakaalalay si Chen at mabuway na humakbang papunta kay Shiwon.

 

“Namish ko ang honey ko~”

 

Sa pang-apat na hakbang ni Chen ay bumigay ang katawan niya at saktong nasalo naman siya ni Shiwon. Umalalay muli si Kyungsoo dahil kitang-kita niya kung paano mahirapan sa pagbuhat si Shiwon.

 

“Ang tigas talaga ng ulo mo Chen.” Nailing na sabi ni Kyungsoo.

“Salamat Kyung dahil hinatid mo pa siya.” Pasasalamat ni Shiwon.

“Wala ‘yon. Alam mo namang kahit pasaway ‘tong kaibigan ko, kaibigan ko pa rin naman ‘yan.”

Nagkangitian pa ang dalawa habang ipinapasok sa loob ng bahay ang hilong-hilo na si Chen.

 

“Baby, bakit mukhang nag-iba ang bahay natin? Lumipat ba tayo?” painosenteng tanong ni Chen.

 

“Lasing ka na talaga Pre. Patulugin mo na agad ‘to ha.” Paalala ni Kyungsoo.

“Oo nga eh, iba-iba na rin ang tawag sa’kin.” Malalim na buntung hininga ang pinakawalan ni Shiwon.

 

Inalalayan nilang dalawa papunta sa sofa si Chen. Laking pasalamat na lang ni Shiwon na kanina pa niya napaakyat si Jisung sa kwarto nito kung hindi, giyera na naman ang mag-ama.

 

“Kyungsoo pwede bang pabantay lang saglit si Chen baka kasi biglang bumaba si Jisung, kailangan ko ng aawat.” Pakiusap ni Shiwon.

“Oo ba. O sige, kumuha ka na ng mainit na tubig.”

 

Umalis na si Shiwon at naiwan sa may living room sina Chen at Kyungsoo.

 

Habang nasa kusina si Shiwon ay nakabantay si Kyungsoo. Nagtatakip na nga lang siya ng tenga dahil sa panay na pag-ungol ni Chen at dahil sa pagbalibalikwas niya sa sofa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG