Feelings

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

 

Taehyung’s POV

 

Ang hirap talaga ng pinapagawa ni Tito. Ipit na ipit ako. Naiipit ako sa nararamdaman ko at sa gusto niyang mangyari.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng hilingin ni Tito na bantayan ko si Jisung pero ang nangyayari, sa loob ng isang linggo, puro kasinungalingan ang updates ko sa kanya. Hindi para pagtakpan ang mga ginagawa ni Jungkook na pagdiskarte kay Jisung kung hindi para protektahan ang feelings ni Jisung – maramdamin pa naman ‘yun.

Oo, dumidiskarte na si Jungkook. Kinakaibigan na niya si Jisung at eto namang si Jisung, kada kilig may hampas sa braso ko – o ‘di ba ang sweet niya rin sa’kin. Mentally painful na, physically painful pa.

Hay~ kung alam ko lang namaiinlove ako sa masungit na ‘yon eh ‘di sana hindi ko na lang kinaibigan nung mga bata pa kami.

Pwede ba ‘yun?

Pero paano kaya kung hindi ko siya nakilala?

Siguro, hindi ako nahihirapan ngayon.

 

Panay buntung-hininga at pag-iling-iling ang nagawa ko habang naglalakad pauwi galing school. Hindi ko na hinatid si Jisung tulad ng lagi kong ginagawa. Sinundo kasi ni Tito, may family dinner raw. Kaya heto ako, nagdadrama na naman.

 

Medyo mainit ngayong gabi ha. Makapag-ice cream nga. Bilhan ko na lang si Tito.

 

Napadaan ako sa may convenience store sa may kanto. Mula sa labas ay kita ko kung gaano kahaba ang pila sa cashier. Hindi na sana ako tutuloy pero desperado kasi akong makakain ng ice cream ngayon. Para kasing init na init ako at depress. Hahaha~ ang weird ko no?

 

Ayun, kumuha na ako ng ice drop at nagbabakasakaling gumalaw naman sana ang pila.

 

“Manong, excuse me ho. Bakit ang haba ho ng pila?” tanong ko sa mamang may dalang isang gallon ng ice cream – parang gusto ko rin nun.

 

“Ah, nasira daw ‘yung machine nila. Wala ‘yung manager, lumabas daw saglit kaya hindi mabuksan ‘yung machine.” Paliwanag ni Manong.

 

Naku baka matunaw ang ice drop ko. Nakaisip ako ng bright idea.

 

Dahil nainggit ako kay manong…

 

“Manong, pabantay naman ng pwesto ko saglit, may kukunin lang ako.”

 

“O sige.” Sagot naman nito.

 

Dali-dali akong bumalik sa mga ice cream. Dahil nga inggitero ako ngayong gabi, kumuha ako ng dalawang gallon ng vanilla ice cream – isa para sa’kin at isa para kay Tito Baek, baka kasi magtampo.

 

Pagkakuha ko ay bumalik ako sa pwesto ko at nagpasalamat kay Manong.

 

Mga ilang minuto na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin maayos ang problema. May iilan na ring mamimiling umalis sa linya at lumipat ng tindahan dahil sa tagal. Mga ilang minuto pa ay aanim na lang kaming nagtiyatiyagang maghintay. Sabi nga nila, patience is a virtue. Kapag hindi ako naghintay, wala akong makakaing ice cream.

 

Mayamaya pa ay may pumasok na dalawang bata. Isang babae at isang lalaki na nakauniporme ng pang-grade school. Gabi na pero nasa galaan pa sila.

“Ihahatid na kita.” Narinig kong sabi ng batang lalaki.

 

Kung tatantiyahin ko’y nasa Grade 5 na sila.

 

“Hindi na. Baka magalit ang papa ko.” Sagot naman ng batang babae.

 

Medyo naintriga ako sa usapan kaya humarap ako sa direksyon nila ng maayos – tsismoso rin po ako.

 

“Bakit naman? Dahil ba sa ayaw niya sa’kin?”

 

Hala! Anong eksena naman ito?

 

Napakunot ng noo ang batang babae at saka napaayos ng bangs niya. Na-stress ata sa tanong ng kasama niya.

 

“Hindi naman sa ayaw niya sa’yo kaso daw mga bata pa tayo. Bawal mo pa daw akong ligawan.”

 

WHAT!?! Tama ba ang narinig ko?

 

Hindi lang ata ako ang naging interesado sa usapan nila dahil pati ang ibang customer na nakapila ay nagulat sa usapan ng dalawa.

 

“Mga bata, magsipag-uwi na nga kayo. Gabi na. kanina pa tapos ang klase niyo ah.” Puna ng may katandaang babae na nasa unahan ng pila.

 

Itinaas ng batang lalaki ang kamay niya at sinabing, “Sandali lang ho kinakausap ko pa ho ang babaeng mahal ko.”

 

BOOM! GRADE 5 PA LANG, LUMA-LOVE LIFE NA? EH AKONG NASA HIGH SCHOOL PA LANG NI ISANG MOVES HINDI KO PA NAGAGAWA!

 

Napailing na lang ang mga matatandang nasa harapan ko habang ako ay patuloy lang sa pakikinig at panunuod ng usapan nila. Bakit nga ba kasi sa convenience store sila nagmomoment?

 

“Kakausapin ko si tito. Gagawin ko ang lahat para magustuhan niya ako. ‘Di ba promise natin ikaw at ako hanggang pagtanda?”

 

Parang gustong bumulwak ng dugo ko sa ilong sa mga naririnig ko. Wala na ba talagang pinipiling edad ang pag-ibig? Grabe sakit sa ulo!

 

Napakagat naman sa labi ang batang babae. Antagal sumagot. Titig na titig na nga ‘yung kasama niya eh. Pati kaming matatanda sa background ay nag-aabang sa sasabihin ng batang babae.

 

“Hana…” sabi ng batang lalaki.

 

“Gusto rin naman kita eh. Pero hindi ko pa alam kung hanggang pagtanda ay tayo talaga.”

 

Napasapo ako sa dibdib ko.

Pakiramdam ko, puso ko ang nadurog sa mga sinabi ng batang babae.

 

Nakita ko ang pagpilit ng ngiti ng batang lalaki, “Ayos lang. Gagalingan ko sa Math bukas para mapagmalaki mo ako.”

 

“Jiro…” angil nung batang lalaki.

 

Hinawakan ni Jiro ang kamay ni Hana at sinabing, “Hihintayin ko na lang ang tamang panahon para maging ikaw at ako.”

 

Pinanawan na ata ako ng kaluluwa.

 

Sinundan ko ng tingin ang dalawa at pareho silang kumuha ng ice drop. Magkahawak kamay silang pumila sa likuran ko.

 

Lalo ata akong nainitan dahil sa eksena kanina.

 

Parang nangyari na rin sa’kin ‘yung ganitong eksena. ‘Di ko lang matandaan. Bef

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG