Pagdududa Atbp

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

A/N:

Hi guys~ magtitriple update po ako... wait for my another updates after this...

 

 

 

Sa Kim Residence, tulala sa TV si Chen habang nag-iisip ng plano. Kaso, may mga dumating na mga asungot. Asungot nga kaya o matutulungan siya sa kanyang problema?

 

“Teka nga, bakit halos lahat andito kayo? Wala ba kayong trabaho?” bagot na tanong ni Chen sa mga kaibigan niya.

 

“Kami ang iyong konsensya.” Bungad ni Baekhyun.

“Andito kami para konsensyahin ka.” Dagdag ni Kyungsoo.

“Kokonsensyahin ka naming hanggang maalala mo ang mga ginawa mo.” Gatong pa ni Xiumin.

“Well, luckily, wala si Suho hyung rito para masermonan ka ng todo-todo.” Pampalubag loob naman ni Sehun.

 

Napabuntung hininga si Chen at napasandal sa kanyang kinauupuan. Ito talaga ang hilig ng mga kaibigan niya, dadamayan ka sa problema mo pero kokonsensyahin ka muna. Well, mukhang kailangan naman niya ang mga pambubwisit ng mga ito para makapag-isip isip siya.

“Hindi mo ba talaga naalala ang mga ginawa mo hyung?” tanong ni Tao.

Napailing si Chen,”Hindi eh, ang natatandaan ko lang ay magkasama kami ni Kyungsoo sa bar.”

“Babe, nag-bar ka?” gulat na gulat na tanong ni Kai kay Kyungsoo na nasa tabi niya.

Hinampas ni Kyungsoo ang braso ni Kai, “Babe ka diyan! Isumbong kita kay Naru eh.”

Nagtawanan ang lahat pwera kay Chen na napangiti lang.

“Eh hyung, bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ang mga nangyari kesa pinipilit nating ipaalala sa kanya ang mga ginawa niya?” suhestiyon ni Sehun na sinang-ayunan naman ng mga kaibigan nila.

“Sehun, kailangan nating ipaintindi kay Chen ang mga ginawa niya.” Sabi ni Chanyeol.

Sa tabi ni Chanyeol ay napaubo si Baekhyun, “Basta ang masasabi ko lang ay nasaktan niya ng husto si Jisung.”

Napayuko naman ang mga tito ni Jisung at nalungkot. Naalala nila ang mga kwento ni Baekhyun sa kanila na si Chen lang ang hindi nakakaalam.

 

“Guys naman, alam niyo namang nakakalimot ako kapag nakainom ako. Please, sabihin niyo naman na kung anong ginawa ko.” Nangingiyak na pakiusap ni Chen.

 

Sasagot na sana si Kyungsoo kaso dumating ang kambal at umakyat sa lap ni Chen.

 

“Pa~” naglambing si Jihye, ang isa sa kambal na may bangs.

 

“Bakit Jihye?” tanong ni Chen habang hinahaplos ang buhok ng anak. Alam niyang nasa likuran lang niya ang asawa niya at pinapanuod sila.

 

“Pa~” nabaling naman ang atensyon ni Chen kay Jinhee na isinandal ang ulo sa dibdib ng ama.

 

Lumambot naman ang puso ng sampu dahil sa nakita nila. Parang bigla tuloy nilang ginustong magka-anak na. Kaso, thinking of what happened between Jisung and Chen, bigla rin nilang na-realize na hindi pa sila handa.

 

“Boys, you don’t have to explain everything to him. Ako na ang bahala.”

 

Sabay-sabay na lingon nila kay Shiwon. Tumango naman sila. Inilapag naman ni Chen si Jinhee kay Luhan at ang isa ay kay Xiumin.

 

“Kayo muna bahala sa mga anak ko, practice niyo na ‘yan.” Bilin ni Chen.

Natawa naman ang dalawa.

 

Lumapit si Chen kay Shiwon na nakatayo sa likod ng counter. Umiinom ito ng tubig at malayo ang tingin. Imbis na harapin niya ang asawa, pumunta siya sa likuran nito at niyakap ito. Tulad sa mga napapanood niya, ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ng asawa at naglambing.

 

“Hay naku Mr. Kim, hindi mo ako madadaan sa paglalambing mo.”

“Hindi naman ako naglalambing.”

Inilapag ni Shiwon ang baso sa counter at hinarap ang asawa habang hawak niya ang mga kamay nito, “Eh anong tawag mo sa ginagawa mong ‘to?”

 

“Nagmamahal lang.” sabay ngiting mahinhin.

 

“YIHEE~”

 

Napasilip sa may counter ang mag-asawa.

“Ang lakas talaga ng pandinig ng mga ‘yon.” Puna ni Shiwon na namumula ang pisngi ngayon.

“Basta sa mga ganitong bagay, mabilis kame.” Biro ni Chen with matching pagtaas-taas ng kilay.

Kinurot ni Shiwon si Chen sa braso, “Ayan~ dyan kayo magaling~”

“Aray naman Shiwon.  Mana talaga si Jisung sa’yo pagdating sa kasweetan – pisikal.” Angil ni Chen na nagpipigil ng sakit.

 

Matapos ang ilang segundong katahimikan, nagseryoso na rin ang mag-asawa.

 

“Chen, pumasok na pala sa school si Jisung. Kasama niya si Taehyung.”

Tumango si Chen, “Shiwon, ano ba talagang ginawa ko?”

Bumuntung hininga si Shiwon at tinitigan sa mata si Chen, “You slapped her Chen.”

Mangilang ulit na napapikit si Chen, “Ano ulit?”

“You slapped her and she’s hurt.”

Napatitig sa tiles si Chen at pinilit niyang alalahanin ang dahilan kung bakit nagawa niya iyon.

 

“Unang beses mo siyang napagbuhatan ng kamay Chen. Baekhyun told me that Jisung admitted her fault but Chen, hindi mo dapat ginawa iyon.”

“Shiwon, I’m sorry.”

“Hindi ka dapat sa’kin mag-sorry. Tell it to our daughter. Siya ang talagang nasaktan.”

Hinawakan naman ni Chen ang kamay ng asawa at sinabing, “Nasobrahan nga talaga ako ng alak kaya hindi ko na alam ang mga ginawa ko.”

“Chen, sa susunod naman. Kapag pinipigilan ka na, magpapigil ka n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG