Kabataan nga Naman~

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

Ramdam na ramdam ni Taehyung ang pag-aalala ni Jisung sa kanya. Ngayon lang nag-alala ng husto sa kanya ang dalaga at kakaibang pakiramdam ang hatid nito sa kanya. Nakakapanibago.

 

“Nurse Joy! Nurse Joy!” tawag ni Jisung sa nurse-in-charge sa clinic.

 

Nagmamadaling sumulpot sa may pintuan si Nurse Joy.

 

“Ilang beses ko bang sasabihing hindi ako si Nurse Jo… HALA! Anong nangyari?” agad namang tinulungan ni Nurse Yumi si Jisung sa pag-alalay kay Taehyun.

 

Pinaupo nila sa kama si Taehyung. Kinuha agad niya ang first aid kit. Samantalang hawak pa rin ni Jisung ang kamay ni Taehyung.

 

“Taehyung, alisin mo na kasi kamay mo.” Sabi ni Jisung. Pero umiiling lang si Taehyung.

 

Mayamaya ay dumating na si Nurse Yumi dala ang mga gagamitin niya sa paggamot sa sugat ni Taehyung.

 

“Taehyung, alisin mo na kamay mo.” Sabi ni Nurse Yumi.

 

Sapilitang binaba ni Jisung ang kamay nito.

 

Napabuntung-hininga naman si Nurse Yumi sa nakita niya. Akala niya ay sobrang lala na ng sugat ng binata. May kaunting gasgas lang ito malapit sa mata at may maliit ring sugat na nagdurugo ngunit hindi naman malala.

 

“Akala ko mabubulag na ‘tong kaibigan mo sa sobrang taranta mo ha.” Natatawang wika ni Nurse Yumi sa dalaga.

 

Awkward smile na lang ang nasagot ni Jisung sa nurse.

 

“Eh Nurse Joy, nagulat ho kasi ako.” Nahihiyang wika ni Jisung sa dalagang nurse.

 

Marahil ay bahagyang nabugbog ang mata ni Taehyung dahil pakiwari niya sa paningin niya’y nanlalabo pa ito. Siguro dahil sa pagtama ng frame sa mata niya ng malakas pero other than that, wala ng dapat ipag-alala. Matarantahin lang si Jisung.

Matapos ang paggamot ni Nurse Yumi sa binata ay iniwan niya muna ang dalawa para irecord sa kanyang logbook ang aksidenteng ito.

 

“O sige, maiwan ko muna kayo. Next time Jisung, bawas bawasan ang pagkakape ha~”

 

“Yes, Nurse Joy.” Sagot ni Jisung.

 

Nakasanayan na kasi nilang tawagin si Nurse Yumi ng Nurse Joy dahil na rink ay Taehyung. Nanunuod kasi ng mga back episodes ng Pokemon itong si Taehyung at natripan niyang tawagin ang kaibigan ng mama niya na Nurse Joy.

Yes, kakilala ni Taehyung ang nurse. Kaya may bantay rin si Taehyung sa school dahil sa friend ng mama niya.

 

 

 

Silang dalawa na lang sa clinic. Naupo si Jisung sa tabi ni Taehyung na pinili na lang umupo sa higaan. Pareho silang tahimik.

 

Sinuntok na lamang bigla ni Jisung si Taehyung sa braso.

 

“ARAAAY!” napasigaw si Taehyung habang kinikiskis ang kamay sa masakit niyang braso. Naiimagine na nga nya ang pag-iling ni Nurse Yumi sa ingay niya.

 

“Ano ba kasing iniisip mo na ikinatulala mo?” tanong ni Jisung.

 

Napatitig ang binata sa mata ng dalaga. Nakita na naman niya ang pag-aalala ni Jisung. Napangiti si Taehyung. Malabo man ang paningin niya ngayon ay malinaw na malinaw para sa kanya ang pag-aalala ni Jisung.

 

Pinitik naman ni Taehyung ang noo ng dalaga, “Wala. Bigla lang akong natulala.”

 

Pinitik naman ni Jisung

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG