eight

Room 203

So babalikan natin ang eksena't hihimayin ang bawat naganap.

Una, nag-cr si Seulgi sa room 203 na para sa staff lang ng play. Pangalawa, pumasok si Irene sa loob ng 203 para magpalit ng damit dahil nawalan ng ilaw sa dressing room. Pangatlo, lumabas si Seulgi sa CR at bumungad ang semi hubad, maputi, makinis, mukhang malambot at may hubog na katawan ni Irene.

Pang-apat, imbis na tumalikod ang oso ay tumitig pa ito at pinasadahan ng tingin ang katawan ni Irene. Bastos.

Panglima, tumili si Irene at binato ng wet wipes si Seulgi na nararapat naman talaga sa kanya.

At pang-anim ay ang kasalukuyang nangyayari ngayon.

Pinagbabatuhan ni Irene kung anuman ang madampot niya sa manyakis na oso. Bag, tsinelas, make-up kit, yung costume niya at kung anu-ano pa.

Inawat na siya nila Solar nang akmang ibabato ang industrial fan kay Seulgi na nagtatago na sa walang kalaban-labang si Wendy.

"Wendy ilabas mo nga muna yang si Seulgi habang pinapakalma namin 'tong kuneho." nagpupumiglas pa si Irene.

Nakakapagtaka ang reaksyon niya samantalang kung makapaglaway ito sa picture ni Seulgi na naka swimsuit ay ganun-ganon nalang. Mas talo pa si Seulgi dahil clueless siya na pinagnanasahan na pala siya diba? Dapat quits na.

Nahihiya kasi ang kunehong actor. At dahil actor sya, nag-inarte sya. Sabi nga ni kuya Noel (yung direktor namin bakit ba), "Ang artista ay matalino." Sinunod lang ni Irene at nagpanggap na galit kahit na nahihiya lang talaga ang ate nyo.

Nang si Irene at Solar nalang ang nasa loob ay kumalma na ang kuneho.

"Ano, okey ka na? Tapos ka na sa kaartehan mo?" naglabas si Solar ng tubig saka inabot sa kaibigan. Ininom naman iyon ng naghahabol hiningang kuneho saka nagpatuloy sa pagbibihis.

"Gaga ka. Ano ba kasing nangyari? Bakit andito si Seulgi? Umalis lang ako saglit sa pinto e." pinagpupulot ni Solar ang mga kinalat na gamit ng kaibigan. Lagot sila sa iba nilang kasama kapag natagpuan nilang ganito ang kwarto.

"Solar.." parang nagsusumbong na bata itong si Irene.

"Ano?" Lingon sa kanya ni Solar. Nilapitan niya ang kaibigan saka niyakap. Pulang-pula pa ang mukha nito.

"Baka na-turn-off na yun? Paano na?" nagpapadyak pa si Irene sa bisig ng kaibigan. Napapa-irap nalang tuloy si Solar sa kanya.

Kung sakaing na-turn-off nga si Seulgi, dahil eskandalosa siya at hindi dahil sa nakita ng mata ng oso.

Bulag nalang ang oso (o kahit sino) kung ma-turn-off sa katawan niya 'no.

"Girl, bakit naman mate-turn-off si Seulgi sa iyo? Baka kamo na-turn-on! Ayan sya, nagpatikim." Mapanukso niyang tinignan si Irene na nakabusangot pa rin ang mukha.

"Gaga." Hinampas pa niya ito sa braso saka sunuot ang kanyang bag. "Pero paano ako niyan lalabas? Nakakahiya!"

"Hindi 'yan! Magtiwala ka sa akin."

*

Tahimik.

Sobrang tahimik nila habang kumakain sa isang restaurant. Imbis na pag-usapan nila ang tungkol sa play ay mga tila tuod silang kumakain.

Hindi naman ito pwede kay Joy. Hindi papayag ang lahi ni satanas na hindi makachika.

"Ate girlfriend ko nga pala si Saeron." Agaw eksena ni Yeri.

Kanina pa nito iniisip kung kailan iaanunsyo ang balita. Depensa nya, wala namang nagsasalita.

'Aba'y ginagalit ako nitong si Yeri.' Nayayamot na lumagok ng tubig si Joy.

"Mamaya tayo mag-uusap, Yeri." Kung hindi sana napahiya si Irene kanina ay ngayon siya magkakalat.

Hindi niya mahablot ang buhok ni Yeri ngayon dahil nasa tapat niya lang si Seulgi.

"Guys bakit ba ang tahimik natin? Anong ganap ba?" Tanong ng insensitive na si Joy.

Hindi talaga ito titigil hangga't walang nasasagap na chika.

Napansin ni Wendy na mananapak na si Irene kaya pinigil niya si Joy sa kagagahan niya. Hinatak niya ito patayo saka nagpaalam.

"Ah, ano.. una na kami ni Joy. May ano lang kaming pupuntahan." Utal-utal nitong sabi saka tinapik ng mahina sa braso si Seulgi.

Babala lang sa pwedeng mangyari.

Di na napansin ni Wendy yung ngiti ni Joy na mukhang asong gala. Siya yata ang may kailangan ng tapik sa braso.

(Asong gala sweetie, I'm so sorry.)

"Kami din pala aalis na, ate. Ihahatid ko pa si Saeron sa kanila e." Humirit pa ng isang chicken leg si Yeri bago sila umalis ng jowa nya.

Wow. Himala at may ihahatid ang dimonyita. Samantalang hindi siya napipilit ng kahit sino na pumasok kapag walang sasakyang maghahatid.

Iba na talaga nagagawa ng may jowa.

"Bakit hindi pa tayo magsabay? Diba Saeron tiga Tatlong Kahig ka?" sa labas pa lang ng restaurant ay naaamoy na ang maitim na balak ni Solar.

"Opo." bulong ni Saeron.

Nakakaramdam pa din sya ng pagkailang dahil sa sitwasyon kahit na ginawa naman nila Moonbyul ang lahat para hindi siya mailang.

"Tamang-tama, sa Pitong Gatang lang sa Solar. Kami na maghahatid sa inyo tutal dala ko naman ang kotse ko." Ipinakita pa ni Moonbyul ang susi ng kanyang kotse na ipinamana sa kanya ng kanyang lolo na nakabilang pa sa Hukbalahap.

"Kotse mong bulok kamo." Pintas ni Solar.

Grabe ang pintas niya sa kotse ng nobya na ilang beses nang sumundo at sumagip sa kagagahan niya.

At habang pinipilit niya nila ang mga bata na sumabay sa kanila ay hindi naman makali ang dalawang mute.

Napapahigop nalang ng natirang mainit na sabaw si Seulgi dahil sa kaba. Makaka-one on one na niya ang kinakaparayaw ni Wendy sa kanyang si 'Irene senior' na pinanuod ang video niya.

Malay ba niya na ganito pala kaganda si 'Irene senior'.

Noong napanuod kasi niya ito dating maglaro ng archery ay yung pana nalang ang naaninag niya sa sobrang layo ng pwesto nila ni Wendy.

Hindi naman ininda ng frenny niya kasi girls scout ang ate wendy, nagdala ng binoculars.

Ngayon ay napagmamasdan niya ito ng harapan at naka 1080p pa sya dahil sa suot na salamin.

Hindi niya napapansin na sobrang pula na ng tinititigan niya at parang may bulateng inasinan na sa dibdib ni Irene.

"Sige, Seulgi alis na kami." Paalam ni Solar.

Tinapik pa niya ang bestfriend na namumula.

"Alis na kami, friend. Ayos ka lang ba? Kasama mo naman si Seulgi, hindi ka nyan pababayaan," inakbayan pa ni Solar ang oso.

"Diba, Seulgi?" Mapanukso nitong nginitian ang inosenteng oso na malikot ang mata.

"O..oo! Hindi ko pababayaan si ate Irene." Lakas na tibok ng puso ni Seulgi.

Feeling niya kasi ay nahuli siyang gumagawa ng krimen.

Naglalakbay na kasi ang mata nito sa bandang puso ni senior.

Taray ni senior naka v-neck. In this economy?

Pero nagandahan lang naman talaga siya sa chain necklace ni senior Irene.

Porke nakatingin sa dibdib, bastos agad? Aba.

"Ayan na Irene, ha? Hindi ka daw pababayaan ni Seulgi." Para pa itong luka-luka na lumingkis kay Moonbyul.

Reflex lang kasi ang talim na ng tinginan ni Irene sa kanya. Nakakahiwa na ng balat.

'Ihanda mo na ang sarili mo Kim Yongsun, dahil mawawalan ka ng hininga sa bisig ko.'

Hindi alam ni Solar pero parang may bulong sakanya ng mga katagang iyon.

Samantalang, tikom naman ang bibig ng bessy niya.

Weird.

"Ate, babye." Hinalikan ni Yeri ang ate niya saka hinarap si Seulgi.

"Ate Seulgi subuk-subukan mo lang hawakan ang ate ko, babalian kita ng buto." Niyakap pa niya ito saka bumulong,

"Dudukutin ko yang mata mo pag minanyak mo si Ate. Nakita ko yung ginawa mo kanina."

**

Shet.

Mga hayop talaga mga nakapalibot sakin.

Iniwanan talaga ako sa taong kaka-meet ko lang?

Ayan tuloy nagtititigan lang kami. Buti sana kung bigla niya akong hahablutin tapos hahagkan.

Charot.

May araw talaga sakin si Joy at yung hayop kong bestfriend.

Nanggigigil ako.

Mahaharap ko talaga mamaya yang kalahating demonyo kong kapatid.

Walanghiyang 'yon, inunahan pa akong magka-jowa.

"Ah.. ate Irene." Oh kinakausap niya ako. Ang cute cute niya, nakakainis.

Nakakadagdag sa appeal niya yung mono-lids niya.

"Yes?" Ayan, ganyan nga Joohyun. Ipakita mong hindi ka marupok!

"Sorry nga pala kanina. Hindi ko alam na nasa loob pala kayo ng kwarto." Umiwas na ang mata niya sakin. Napapakamot din siya sa batok.

Hindi naman niya kasalanan kasi naiihi na talaga siya at 'yun ang tinuro ni Solar sa jowa niya na pwedeng ihian.

At mas lalong wala akong kasalanan dahil may karapatan naman talaga akong pumasok doon.

So ang konklusyon ay si Solar talaga ang may kasalanan.

"Hindi mo naman iyon kasalanan. Sorry nga pala kanina, nagulat kasi ako." Tumango-tango naman siya.

Why are we so awkward?

"Kung.. kung pwede sana, kalimutan natin yung first encounter natin. Let's start again?" tinitigan niya muna ako saka napangiti.

Bes.

"Sige." naging linya nalang ang mata niya sa lawak ng ngiti niya. She's so adorable.

"I'm Joohyun." sinabi ko yung tunay kong pangalan.

Irene was my very first role.

Freshman ako ng binigay 'yung name sakin ng dati namin director.

Na-impressed naman ang colleagues ko sa acting ko at doon nagsimulang maging Irene ako.

Pati parents ko at si Yerim ay yun na din ang tawag sa akin.

"Joohyun?" Tumango naman ako habang pinagmamasdan siya. Para siyang batang musmos.

Pinaliwanag ko nalang sa kanya yung origin ng nickname ko at saka lang nawala ang confusion sa mukha niya.

"My friends call me bear o kaya oso." Alam ko na yun. Ilang beses siyang natawag na ganun sa vlogs ni Wendy.

Nakaka-curious kase hindi oso yung nakikita ko sa kanya.

Mas mukha siyang dog. Para syang yung mga fluffy dogs na nire-retweet ko sa twitter.

"I'm sure may pinagsimulan ang nickname na 'yan." Mas lalo akong na-curious nang mamula siya at tinakpan ng bag ang mukha niya.

"Promise ka muna na hindi mo ako pagtatawanan."

She so freaking cute.

"I won't. I promise!" Talagang pinakita ko pa sa kanya na nag cross my heart ako.

"Ano kase. Nung seven ako, naihian ko yung stuffed teddy bear ko tapos biglang pumasok si Wendy. Simula 'nun, hindi na niya ako tinigilang tawagin ng ganun."

Ang bilis bilis niya yung kinuwento.

Buti nalang malupit pa ang pandinig ko.

Pero what the hell?! Hindi ko mapigil yung tawa ko so I laughed.

After some minutes, nakabusangot na yung mukha ni Seulgi. Oh no.

"Sorry! Mababaw lang talaga kasi ako kaya mabilis akong matawa. Sorry."

"Ayos lang. Basta hwag mo ipagkakalat. Ikaw lang at si Wendy ang nakakaalam ng origin ng nickname ko." really?

"Pero bakit mo sinabi sa akin? Ngayon lang tayo nag-meet. Pwede kong ikwento yun kay Yeri kung gugustuhin ko." Ngumiti lang siya.

"Hindi ko din alam. Basta alam ko lang na hindi mo ako ilalaglag." She hopefully said.

"..Diba?"

"I won't." Nginitian ko siya saka sinenyasan siya na lumapit.

"Para mapanatag ka," hinawakan ko yung kamay niyang nakalapag sa table.

Ang lambot ng kamay niya.

"For the first time since my freshman year, ngayon lang ako nagpakilala sa tunay kong pangalan," nagulat ata siya sa new information at muntik na niyang alisin ang kamay niya.

I held it tight.

I'm attracted to her. Physically and emotionally.

Hindi ko alam kung tomboy na ba ako or what.

Basta ang alam ko, higit to sa naramdaman ko kay Bogum.

"And I want you to call me, Joohyun. Walang ate at lalong walang senior. Just Joohyun. Okey?"

"Just Joohyun?" She asked softly.

"Yes. Say it."

"Joohyun." 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
Yung kinanta ni Seunggu at Joy yung "I'm a butterfly" by YB lol. Pareho kasi nilang kinanta. Tas yung ganap ni wendy at seunggyu sa singderella

Comments

You must be logged in to comment
parkjaeyoung801 #1
Chapter 15: 2024 na sa isang araw..
pero eto ako pauulit na kinikilig at pauulit na naiiwan sa ere..
ang sakit.. lam mo ba yun..
🤣🤣🤣🤣
Kylie_123 #2
Chapter 12: Hahaha lambot yarn?
Kylie_123 #3
Chapter 8: Hahahahaha 😂😂
alizoneeee
#4
Chapter 15: hello?? anybody home?
notjoohyunn
#5
Chapter 15: update po huhuhu :<
Softtacos #6
Chapter 15: Awts pain lungkot lumbay…
Binasa ko kasi kahit alam kong bitin, ayun… bitin

Ganda pa namaaaaaaaan
SEULRENEHAHAHA #7
nakalimutan mo ata password mo author
SEULRENEHAHAHA #8
tapos nako mag wait wth respect nag comeback na redvelvet:DD
seulrenebears_
#9
Chapter 15: waiting po ud jdksjsnse super funny po hahahaha tawan tawa ako hihi sana may kasunod pa!
Jominjeong_yookim #10
Chapter 15: Otornim pagalawin mo naman yung baso kung gusto mo lang naman