One

Room 203


Maaliwalas ang panahon ngayon sa harap ng SMU. May mangilan-ngilang estudyante na ang pumapasok kahit maaga pa. Isa kasi ito sa motto ng nasabing paaralan, "Mas maaga, mas malaki ang pag-asa" or something like that. Ang isa naman ay ang, " Walang lugar ang tamad sa tuktok ng tagumpay," or whatevah. You get the point.

But not Seulgi. There she is, sleeping peacefully on her bed covered with her favorite blanket na puno ng teddy bear (at isang buwan nang hindi napapalitan so that's fun.) habang yakap ang kanyang plushie na si Jake the dog from adventure time. Nakakabilib para sa isang grade 12 student na wala pang narereview para sa kanyang oral recitation ang matulog hanggang seven a.m. 

But Seulgi doesn't have the "Bear" title for nothing. Pinapanindigan na rin nya kahit na ang dahilan ng pagkakaroon ng ng nickname na ganun ay dahil sa mukha nya. 

Hindi na bago ang "hibernating Seulgi" para sa mga kakilala ni Seulgi kaya't bilang isang dakilang matalik na kaibigan at room mate, isinama na rin ni Son Seungwan o mas kilala bilang Wendy, ang pag-gising sa kaibigan tuwing umaga. 

Ginagawa nya yun pagkatapos nyang maghanda at papasok na tulad ngayon, inaayos na lang niya ang kanyang necktie nang pasukin niya ang kwarto ng kaibigan. Such a lovely friendship.

"Seulgi, bangon na," tawag nya rito saka hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan.

"Anong oras na ba?" mabagal at naghihikab na tanong pabalik ni Seulgi.

Napatingin si Wendy sa suot na wrist watch sa kanan niyang kamay, "Seven-o-eight. Maligo ka na, may kape na sa table," sabi nya sa kaibigan saka lumabas at naupo muna sa sofa ng sala. Ten to fifteen minutes ay siguradong tapos na maligo ang kaibigan. 

"Wan, pahinging pabango!" maya-maya'y sigaw nito na sinagot naman ni Wendy ng isa 'Yung violet na bote ang gamitin mo huwag yung red!' habang nagbabasa ng lecture.

"Tara!" aya ni Seulgi makalipas ang ilang minuto. Hindi pa ito nakakapagsuklay at may busal pa ng tinapay sa bibig.

Napatingin muli si Wendy sa kanyang relo, seven twenty-five ang nakalagay. Swerte sila kasi late palagi ng ten minutes ang teacher nila.

"Yung kape mo? Saka hindi ka pa nakakapagsuklay," nakakunot nitong puna. 

Kadalasan sa mga ganitong sitwasyon, nakaayos na dapat si Seulgi at tapos na din kumain. 'Bumabagal ata ang oso ah.' Isip ni Wendy. 

"Nauna ko nang nainom. Sa daan nalang ako magsusuklay. 'Lika na, malapit nang mag-time." Pahayag niya saka hinila ang kaibigan sa pinto.

Iyan ang araw-araw na buhay ni Seulgi. Gigising ng late saka magmamadali. Bilog siguro ang buwan kapag gumising ito ng maaga. Ipinagpapasalamat na lang niya na may Wendy siyang kasama at nasa tapat lang ng inuupahan nilang bahay ang SMU. 

"Number one, Ms. Kang," salubong ng kanilang first period teacher. Mabilis na napatingin si Seulgi kay Wendy na sinuklian naman siya ng 'may-recitation-ngayon' na tingin.

"Ms. Kang," pananawag pansin ni Sir Kang Hodong. Hindi sila related pero kung titignang mabuti ay pwede na silang pagkamalang mag-ama. Nagmana lang si Seulgi sa nanay nya. 

"Sir!" balik hayag ng Oso saka inaninag ang mukha ng guro. Nakalimutan nyang isuot ang kanyang salamin. Near-sighted kasi siya at si Wendy lang talaga ang nakikita nya ng malinaw ngayon. 

"Religion kung saan may nasusulat na hindi si Eve ang unang babae sa mundo kundi si Lilith. Anong religion ito?" hayag ni Hodong. 

'What is this! Sino ba si Lilith?!' nagkakaroon na ng mini-war sa loob ng utak ni Seulgi habang nakikita ng lahat ng pagtagaktak ng kanyang pawis. 

'I told her to study last night. Not my fault anymore, bear.' Sabi ni Wendy sa isip at may panghihinayang na tinignan ang kaibigan.

Titingin na sana si Seulgi sa kaibigan nang may bagong tinig siyang narinig sa kanilang likuran.

"Excuse me, Mr. Kang?" isang mahinhin na tinig at mahinang katok sa kahoy na pinto ang nakaalis ng atensyon ng guro sa kawawang oso. 

"Ms. Bae!" Nilapitan ng guro ang kadarating na estudyante at mahinang nag usap.

Dali-dali namang naupo ang dalawa sa kanilang upuan. "Judaism yung sagot," bulong ni Wendy sa kanya. 

"Talaga? Hanggang Hinduism lang yung nabasa ko kagabi. Tinapos ko pa kasi yung output kay sir Jaesuk." dahilan niya saka pinunasan ang pawisan niyang mukha.

"Hanggang kailan ba iyan? Natapos na ba ninyo yung pinapagawa kong presentation?" Nabaling muli ang tingin nila sa kanilang guro at sa estudyanteng si Ms. Bae. 

"Ang ganda ni ate Irene 'no?" bulong sa kanya ni Wendy. Tinitigan nya ito ng mabuti kahit na hanggang 144p lang talaga ang kayang quality ng mata nya ngayon. 

"Siya ba yung Irene na nanalo dati sa archery nung grade 10 tayo? Hindi ko makita yung mukha nya." Reklamo ng oso. 

"Ikaw kasi hinatak mo ako kaagad. Ipapaalala ko sana sayo kanina yung salamin e. Pero sya nga yung sa archery." Tumango nalang si Seulgi saka tumingin sa 144p quality sa harap nya.

"Sige. Maghanda na kayo bukas. Sabihin mo na din kila Ms. Kim Jisoo na magpapalit kayo ng Schedule." Rinig nilang sabi ni Sir Hodong. Sa 20/20 vision ni Wendy, nakita nya ang paglawak ng ngiti ni Irene. Dali-dali nitong kinapa ang cellphone sa bulsa at mala ninja na kinuhanan ang senior nya ng dalawang taon. 

"Ayan o, tignan mo ang cute nya!" Nagpipigil tiling pinakita ni Wendy ang picture sa katabi. 

"Naharangan ni Sir yung bibig e. Paano ko malalaman na cute saka maganda sya?" Reklamo nya ulit ngunit sa loob-loob niya'y hindi maikakailang maganda ang mga mata ni senior Irene. Salamat sa napakalinaw na camera ng cellphone ni Seungwan.

"Tsk. Ang alam ko kasali sa performing arts guild si ate Irene. Nuod tayo minsan. Pero alam mo ba ang ibig sabihin n'on?" Tinignan siya ni Seulgi. Siya namang lapit niya sa tenga ng kaibigan saka bumulong, "Makakasama natin siya next year." Tinignan lang siya ni Seulgi ng 'so?' 

Napagdesisyonan na nila na sasali sila sa nasabing guild pagtungtong nila ng college bilang mahilig sila parehong kumanta at magaling sumayaw si Seulgi.

Pero imbis na magpaliwanag ay ngumiti lang ng nakakaloka ng kaibigan. 'Magse-sail na ang ship ko!' 

"Ms. Kang, anong sagot mo?" Napatingin sila kay Mr. Kang. 

"Akala mo makakaligtas ka. Sagot." Naka upo ito sa ibabaw ng matibay na desk (sa laki ba naman ni Sir) habang sinisipat ng tingin ang kanyang mga estudyante.

Mga nangangalumbaba at tila hindi nakapag-kape kanina. May isa pa siyang nahulong naghikab at papikit-pikit ang mata.

'Mga walangyang 'to. Pag walang pumasa sa inyo ngayong sem humanda talaga kayo.' Sabi niya sa kanyang isip.

"Sir paulit po ng tanong." Nakangiwing pakiusap ni Seulgi. 

'Pasalamat ka't ka-apelyido kita.' Inulit niyang muli ang tanong at saka tinignan ang studyante.

"Sir, judaism po." Sagot ni Seulgi na nagpapasalamat kay Wendy gamit ang kanyang telepathic skill.

"Tama. Next."

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
Yung kinanta ni Seunggu at Joy yung "I'm a butterfly" by YB lol. Pareho kasi nilang kinanta. Tas yung ganap ni wendy at seunggyu sa singderella

Comments

You must be logged in to comment
parkjaeyoung801 #1
Chapter 15: 2024 na sa isang araw..
pero eto ako pauulit na kinikilig at pauulit na naiiwan sa ere..
ang sakit.. lam mo ba yun..
🤣🤣🤣🤣
Kylie_123 #2
Chapter 12: Hahaha lambot yarn?
Kylie_123 #3
Chapter 8: Hahahahaha 😂😂
alizoneeee
#4
Chapter 15: hello?? anybody home?
notjoohyunn
#5
Chapter 15: update po huhuhu :<
Softtacos #6
Chapter 15: Awts pain lungkot lumbay…
Binasa ko kasi kahit alam kong bitin, ayun… bitin

Ganda pa namaaaaaaaan
SEULRENEHAHAHA #7
nakalimutan mo ata password mo author
SEULRENEHAHAHA #8
tapos nako mag wait wth respect nag comeback na redvelvet:DD
seulrenebears_
#9
Chapter 15: waiting po ud jdksjsnse super funny po hahahaha tawan tawa ako hihi sana may kasunod pa!
Jominjeong_yookim #10
Chapter 15: Otornim pagalawin mo naman yung baso kung gusto mo lang naman