nine

Room 203

"Patapusin nyo muna kaya akong magkape, pwede?" Angal ko sa tatlong pares ng matang nakatitig sakin.

Nagulat nalang ako pagkagising ko, mga nakatitig sila sa akin. Alas-siete daw sumugod si Yeri at Joy dito sa apartment sabi ni Wendy. 

Dalawang oras nila akong hinintay gumising para lang sumagap ng balita tungkol kahapon.

Pagkahatid ko kasi kay Joohyun sa bahay nila, mali. Sa mansyon pala siya nakatira. Hindi ako makapaniwalang ganun sila kayaman lalo na kapag naalala ko kung paano ako i-scam ni Yeri para ilibre siya. 

Pagkahatid ko sa mansyon nila, umuwi ako sa apartment na walang tao. Wala pa ng alas-sais si Wendy kaya nagkulong nalang ako sa kwarto. 

Hindi ko na din pinansin ang mga messages nila at inalala nalang yung oras na kasama ko si Joohyun. 

She's nice and sweet. 

Aaminin kong kinilig ako noong hawakan niya ang kamay ko. Nung sinabi niya yung tunay niyang pangalan. 

Nagustuhan ko yung tunay niyang pangalan. Joohyun. 

Parang ang romantic nung time na 'yun. 
Pero syempre para lang kasi kaka-meet lang namin. 

Siguro, ganun lang yung way niya ng pakikipagkaibigan. Nakwento naman ni Wendy na mahilig daw sa skinship si Joohyun. 

Panay daw kasi ang yapos sa kanya sa kitchen nung overnight.

Sinikap niya talagang hindi maging awkward at boring yung mga pinag-uusapan namin. 

Pero dahil kinapos ang social skills ko sa magaganda, kahit anong pilit ko, ang awkward ko talaga kahapon. Kaya tawa nalang ako kapag may sinabi siyang compliment. 

"Paano magsisimula ang chika kung hindi mo pa iinumin yang kape mo?" atat na tinapat ni Joy ang paborito kong mug sa bibig ko. 

"Ano ba kasi ang gusto nyong malaman? Ang aga-aga nyong sumagap ng chismis." sabi ko saka hinigop ang kape. Kulang sa creamer. 

"Anong nangyari pagka-alis namin?" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Joy. Sinenyas ko kay Wendy yung lalagyan ng creamer.

"Oo nga. Ang weird ni ate kagabi. Hinalay mo ba siya? Sinasabi ko na lihim ka talagang manyak!" kinalampag ni Yeri ang mesa namin. 

"Huy baka tumapon yung kape ni Oso, mamamantsahan 'tong mantel." sita ni Wendy saka inayos ang tela ng lamesa na dala pa ni tita galing italy. 

"Aba bakit niyo itatanong? Kung hindi kayo umalis edi sana nalaman nyo." pangiti-ngiti ko pang sinawsaw ang pandesal sa kape ko. Hmmm, sarap na.

Minsan ko lang naman sila labanan. 

"Hoy Salome! Kung hindi namin kayo iniwan kahapon, tingin mo magkaka-usap kayo?" sumang-ayon naman ang dalawa. Ayan nanaman siya sa mga nicknames niya. Hindi ko nalang pinansin dahil sanay na ako sa kanila ni Yeri.

Well, bukod sa pagpapakilala sa isa't-isa, nag-stroll lang naman kami saka namili ng ice cream sa malapit na parke. 

Cliche yung nangyari pero masaya naman as I've said, hindi hinayaan ni Joohyun na maging awkward yung moment.

"Kakausapin ko naman sya kahit na andun kayo 'no." Hinawakan ko ang mug ko saka tumayo para pumunta sa sala. 

"Hoy hindi pa tayo tapos!" Reklamo ni Joy. 

Narinig ko naman siyang mahinang binawalan ni Wendy, sumunod naman siya agad. 

Sus, under talaga sila ng isa't-isa. 

Sasabihin ko naman sa kanila mamaya pero sa ngayon, eenjoyin ko na muna 'tong kape ko.

*

Third period na sa hapon nila Seulgi at si Mr. Kang Hodong nanaman ang teacher nila. Eto lang ang may dalawang subject na tinuturo sa kanila. 

Buti nalang at Contemporary Arts ang subject nila ngayon. Isa sa mga subject na talagang na-eenjoy ni Seulgi bilang isang art enthusiast.

Pokus na pokus siya ngayon sa pinapagawa sa kanilang drawing nang may bumato sa kaniya ng papel. Sa pag-aakalang, naglalaro lang ang mga kaklase ay hindi niya yun pinansin. 

"Hoy Salome!" May bumulong sa bandang likod niya. 

"Binibisita ka ng anak ni Hades, o." sabi ni Wendy sa tabi niya saka tinuro ang pumuslit na si Joy. 

"Hoy umalis ka dyan, uupo ako." Naintimidate yung binatang nakaupo sa likod ni Wendy at mabilis na lumayas. Doon naupo si Joy at masayang kumaway sa mga kaibigan.

Hindi siya napansin ni Mr. Kang dahil may kausap ito sa labas. 

"Anong ginagawa mo dito? Pumasok ka nga sa klase mo!" suway ni Seulgi.

"May chika ako sayo!" May papalapit na kaklase ang kakausap sana kay Seulgi na kumaripas ng takbo ng ambaan ni Joy ng dala niyang balisong.

"Hoy saan galing yan? Bakit ka may ganyan?!" Halos malaglag na ang puso ni Wendy. Ilang pulgada rin ang dalang patalim ng gaga. 

Ikaw nga, makita mo yung crush mo na may dalang panaksak, kikiligin ka pa ba? 

"Hoy ilayo mo nga yan! Baka makita ka ni Mr. Kang!" Dumila pa ang gaga saka ibinulsa ang patalim. 

Minsan talaga kailangan mo nalang mag doble ingat kahit na kaibigan mo pa yung kasama mo. 

"Ito na nga. Si Bogart kasi, may balak pa yatang makipagbalikan sa future nanay ng magiging mga anak mo!" Paliwanag ni Joy habang pinapakialaman ang naiwang art materials ng kaklase nila Seulgi.

"Huy, anong nanay ng mga anak ang sinasabi mo? Kaka-meet lang namin kahapon." Depensa ni Seulgi saka tinakpan ang namumulang mukha. 

"Kanino mo naman nalaman yan?" Usig ni Wendy. Bilang isa sa mga humahanga kay Irene senior, tutol siya na malapit pa ito kay Bogum, aka Bogart.

"Kay Petita. Dumalaw daw ang walanghiya sa kanila kahapon. Saka nakita ko siyang nagpapapansin kay Ate Irene kanina nung nag-cutting ako. Kaya nga ako pumunta dito para makagawa ka na ng plano." Proud na saad ni Joy. 

"Sinong petita?" tanong ng oso.

" Si Yeri." "Ah.."

Hindi lang naman siya ang nagcutting. Dahil naging Ms. Friendship siya nung kinder, inalok na din niya yung iba niyang kaklase at sabay-sabay silang umiskapo.

"Oo nga Oso, gumawa ka na ng plano! Ayokong makitang masaktan si ate Irene. Kung ako lang, hahampasin ko sa bibig yung lalaking 'yun e." Pagsangayon ni Wendy. Gigil sya e. Hard stan si ate girl.

Hindi naman ito nagustuhan ni Joy. Umaandar nanaman ang pagiging selosa nito.

E, hindi naman sila. 

Mas lalong hindi sila M.U.

"Wow, kung makareact ka dyan, tila ikaw ang sinaktan a." Komento ni Joy. 

"Hindi naman sa ganun..ah siyempre bilang... ano, bagong kaibigan! Ikaw ba pag may nanakita sa akin hindi ka magagalit?" Dahil nakorner sya, kinorner din niya si Joy. 

Corner candy shop chaja bwa baby. Ika nga sa lyrics ng Red Flavor, ang song of the year. Walang nang dapat pang patunayan. Hindi na kailangan ng award. 

Anyway, inirapan lang siya ni Joy bilang magaling siyang umarte. Ginagalingan ni ate girl sa pag-arte para hindi mabuko.

"Siyempre ipagtatanggol kita. Ilalaban kita ng bugbugan kasi lampa ka. Lang kwenta yang abs mong pang display lang naman." bulong ni Joy. Siya lang talaga yung nakarinig ng litanya niya.

Pero kahit anong pintas niya sa pangdisplay na abs ni Wendy, hindi pa rin noon mawawaksi ang katotohanang may isang folder siyang punong abs ni Wendy na na-screen shot galing sa vlogs ng youtuber. 

May ipunan talaga ng abs na nagaganap. Humahabol na kasi si Irene na hindi kuntento sa photo lang at ginawan talaga ng gif.

"Wait lang," agaw pansin ni Seulgi, nakabawi na 'to sa pagkapula ng mukha niya.

"Ano?" 

"Sino si Bogart?" Tila bagong silang na sanggol itong tumitig sa dalawa. 

**

"Kung gusto mo nang puro Seulgi content, bakit hindi ka magrequest sa kanya na gumawa ng sariling youtube channel?" Suhestyon ni Moonbyul habang nakatitig sa cellphone niyang nagsesend ng file sa cellphone ni Irene. 

May nahalungkat si Moonbyul na video nila ni Seulgi na kumakanta sa karaoke, two years ago. Mga may tama pa sila sa video.

Wala ito sa lumang vlogs ni Wendy kaya na-excite talaga si Irene nang balitaan siya ni Moonbyul.

"Oo nga naman mamsh." Sabi ni Solar na nagtitimpla ng juice. 

Nasa bahay sila ni Moonbyul para gumawa ng report dahil nasa mansyon ang mga katas ng impyerno. Wala silang matatapos kapag doon sila gumawa. 

Bilang patay na patay si Moonbyul sa jowa niya, inimbitahan nalang niya ang dalawa. 

"Ako talaga ang magrerequest? Edi nabuko naman ako." Kinuha ni Irene ang inaabot na juice ng kaibigan. 

Napanuod na niya lahat ng videos ni Wendy na kasama si Seulgi. At gusto pa nya ng bago. 

"Bakit kasi umaasa ka sa mga videos na yan kung pwede mo naman siyang kausapin face to face?" Punto ni Solar. 

Ngumuso naman si Irene saka pinagmasdan ang kanyang wallpaper. Selfie ni Seulgi na nababagot si klase na kakapost lang ng oso sa kanyang twitter. 

"Iba kasi kapag magkaharap na kami. Kinakabahan ako sobra. Buti nalang talaga nakapagpigil ako nung iniwan nyo kami." Wala na kay Irene yung ginawang kasalanan ng kaibigan. 

Nasiraan kasi ang kotse ni Moonbyul nung ihahatid na niya ang nobya. Karma daw sabi ni Irene. 

"Aba, masanay ka na kung gusto mong may kahantungan yang pantasya mo. Hindi lang ikaw ang may gusto sa kanya. Sa university palang nakikilala na siya. Wala pa yung mga nagko-comment sa youtube ha." lalong humaba ang nguso ni Irene sa sinabi ng kaibigan.

"Birthday ng mama ni Seulgi sa makalawa. Sumama ka samin." Anunsyo ni Moonbyul. Uuwi sila sa bahay nila Seulgi ngayong weekend.

"Uy bakit naman ako sasama? Nakakahiya!" Inarte ni Irene.

Kinabahan ang loka pagkarinig ng mama ni Seulgi. 

"Uy sumama ka! Alam naman nila tito at tita kung gano ka bakla yung anak niya. Ingrereto niya nga yun sa mga dalaga ng kumare niya e." 

"Bes, malay mo magustuhan ka ng nanay ni Seulgi! Magpa-impress ka!" 

Kinulit-kulit ng magjowa si Irene para sumama. Gumagana naman kasi napapaisip na si Irene ng pros at cons. 

Mas madaming pros kung tutuusin. 

Ang cons lang naman ng pagpunta nya ay baka hindi sya magustuhan which is very malabo kasi parang parent whisperer si Irene. 

Lahat ng magulang ng friends niya gusto siyang ampunin.

Yung isa ay baka hindi siya magustuhan ng mga ito para sa anak nila. 

"Byulyi." tawag niya. Napalayo naman si Moonbyul sa kakahalik sa kanyang jowa.

"Yep?" 

"Anong magandang ipang regalo?" Nagkatitigan ang magjowa saka nagtawanan. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
Yung kinanta ni Seunggu at Joy yung "I'm a butterfly" by YB lol. Pareho kasi nilang kinanta. Tas yung ganap ni wendy at seunggyu sa singderella

Comments

You must be logged in to comment
parkjaeyoung801 #1
Chapter 15: 2024 na sa isang araw..
pero eto ako pauulit na kinikilig at pauulit na naiiwan sa ere..
ang sakit.. lam mo ba yun..
🤣🤣🤣🤣
Kylie_123 #2
Chapter 12: Hahaha lambot yarn?
Kylie_123 #3
Chapter 8: Hahahahaha 😂😂
alizoneeee
#4
Chapter 15: hello?? anybody home?
notjoohyunn
#5
Chapter 15: update po huhuhu :<
Softtacos #6
Chapter 15: Awts pain lungkot lumbay…
Binasa ko kasi kahit alam kong bitin, ayun… bitin

Ganda pa namaaaaaaaan
SEULRENEHAHAHA #7
nakalimutan mo ata password mo author
SEULRENEHAHAHA #8
tapos nako mag wait wth respect nag comeback na redvelvet:DD
seulrenebears_
#9
Chapter 15: waiting po ud jdksjsnse super funny po hahahaha tawan tawa ako hihi sana may kasunod pa!
Jominjeong_yookim #10
Chapter 15: Otornim pagalawin mo naman yung baso kung gusto mo lang naman