Three

Room 203

Tahimik ang lahat na naka-upo sa sala ng pamilya Bae. Palihim na pinapadaan ang mensahe gamit ang kanilang mga mata. Hinihintay nila na bumaba ang ate ni Yeri mula sa kwarto nito. Walang ni-isa sa mga ito ang pumapansin sa nakahandang meryenda kahit na takam na takam na ang mga ito.

Tila yelong naninigas ang mga dating kaibigan ni Joy at Yeri habang ang mga bago naman ay nililibot ang tingin sa malawak na sala ng mga Bae.

May kalakihan ang bahay nila Yeri. Dalawang palapag at may anim na kwarto. Isa para sa mag-asawang Bae, tig-isa sa magkapatid, isa para sa mga katulong at dalawang bakante para sa mga bisita.

"Gago ang yaman pala nila Yeri?" Bulong ni Lisa kay Chaeyoung.

Hindi naman sa mukhang mahirap si Yeri. Palagi kasi itong nagpapalibre at inuutakan sila. Napakakuripot din nito.

"Oo! Kaya hindi ko nililibre yun e." Pabulong na sagot ni Chaeyoung sa kaibigan.

"Ang madalas ma-uto ni Yeri si Mina saka si ate Seulgi niya." Napatingin sila kay Kang Mina saka napatango. Si Mina kasi yung mukhang kapag hoholdapin mo palang ay nakalabas na agad ang wallet at cellphone. Kasama na pati ang charger. Sobrang bait tulad ng ate niya.

"Bakit tayo tahimik?" Tanong ng naa-out of place na si Umji. Bago siyang kaklase at kaibigan ni Yeri kaya nagtataka siya sa kinikilos ng iba.

"Shut up! Baka bumaba na sya!" Pabulong na saway ni Jennie. 

"Ay mama!" Impit na tili ni Mina saka umupo ng maayos nang may marinig silang yabag mula sa hagdan. 

Napatingin silang lahat sa hagdan at lahat ay napabuntong hininga ng makitang si Yeri at Joy lang pala ang bumaba.

"Bakit ganyan mukha nyo? Para kayong mga bato." Puna ni Joy. Feel at home siya sa bahay ng mga Bae dahil halos tumira na siya doon sa dalas ng pagdalaw nya. Close na rin sila ng mga katulong.

"Sinong hindi magmumukhang bato? Matapos yung nangyari dati!" Singhal ni Jeongyeon na tila trinaydor. Ang alam nya kasi ay kila Joy ang sleep-over nila kaya pumayag ito agad.

"Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ni Eunbi, new friend.

"Nag group study kasi kami dito last year tapos sila Joy naman, gumagawa ng group project nila dahil malakas ang wifi namin dito." Bumulong pa ito ng 'user'.

"Umuwing umuusok ang ulo ni ate dahil doon sa issue ng jowa niyang nangaliwa." Pagkukwento nya para sa bago nilang friends.

"'Lam nyo yon diba?" Tumango naman silang lahat dahil medyo famous sa SMU si Irene at ang ex nitong si Bogum. 

"Ayun, napakalma na sana namin ni Joy. Papasok na sana sa kwarto niya e biglang dumating yung na Bogum na 'yon. Gigil na si Ate at ang Bogum panay wari ang explain!" Ganadong-ganado na si Yeri sa pagkukwento. Kapag naalala nito yung scenario noon ay bumabalik ang excitement. Minsan lang kasi niya nakitang magwala ang ate niya. Di niya inaakalang babasagin ni Irene ang pinaka-iniingatang vase ng mama nila na nagkakahalagang seventy thousand pesos at proud pa siya na hindi niya pinigilan.

"Lalapit pa sana noon si Bogum nang sampalin ni ate Irene! Grabe na shook talaga kami noon!" Nakisali na rin sa pagkukwento si Joy. Ginaya pa nito yung pagsampal ni Irene. 

"Ang lutong nun guys! Feeling ko pati ako nasampal e. Nabitawan ko pa yung cellphone ko." Sabi ni Yerin saka pinakita ang cellphone niya na may lamat sa screen protector.

"Tapos?" Atat na tanong ni Eunbi. Medyo nagsisisi siya na hindi niya kaagad na-approach ang mga batang scammer. Mahilig pa naman siya sa mga aksyon.

"Ayun na nga! After sampalin ni ate Irene si Bogum, ay si bakla nag pause muna." Kwento ni Joy habang isinasadula nila ni Yeri ang eksena. "Diba nga kasali sa teatro ang ate nyo? Aba'y nagamit dito sa scene nila girls!" Inihanda na ni Joy ang sarili at nagtransform bilang Irene habang nakaabang ang mga kaibigan.

"Eto na," Huminga muna ito saka tinignan si Yeri-gumaganap na Bogum-nang may hinanakit sa mata.

"Masaya ka na ba? Masaya bang paglaruan ako?" puno ng pait na bigkas ni Joy, damang-dama niya si Irene sa part na 'yun.

"Babe hindi toto-" bago pa maituloy ng ganadong si Yeri ang arte niya ay dumating ang kanilang katulong kasama ang bagong bisita.

"Yeri andito na yung isa mo pang kaibigan." Kanya-kanyang violent reaction ang mga dalaga. 

"Manang naman! Andun na e! May sampal na dapat--hay!" dismayadong hayag ni Joy.

"Wala pa ba yung ate ni Yeri?" Mabilis pa sa alas kwatro ang pagpihit ng leeg ni Joy sa direksyon ng boses. 

'Oh andito sya! Anong gagawin ko? Act like a ganon?' sabi ng boses sa ulo niya. Lalapitan na sana niya ang bagong bisita nang unahan siya ni Yeri. ' im gonna kill your later.' 

"Ate Wendy!" Niyakap ni Yeri ang pinakamatanda sa silid. "Nasaan si ate Seulgi?" 

"Hindi makakarating e. Mina yung ate mo sinumpong ang tiyan. Pinapasabi rin niya umuwi ka bukas ng maaga." Binaling ni Wendy ang tingin sa kapatid ng kanyang bff. Tumango naman si Mina at bakas ang pag-aalala sa ate.

Nagsimula na silang magkwentuhan at magkasayahan. Magaling kasing mood changer si Wendy at napaka friendly rin kaya't walang na out of place sa kanila. 

Kasalukuyan silang humahagalpak ng tawa dahil sa pagkakadulas ni Jeongyeon nang may tumikhim. 

"Hi." Tila nakakita sila ng diablo na naging tutubi ng lumapit si Irene sa kanila. Lahat ay nanlalaki ang mga mata at pigil hininga. 

'Kapatid ni Yeri yan? Oh my gosh tomboy na ako.'

'Shet may diyosa!'

'im gay pero parang mas naging gay ako ngayon!' 

Ang mangilan-ngilan na pumasok sa isipan nila. 

Hindi alam ni Irene kung ma-o-offend siya sa biglang pagtahimik ng mga ito o tatawa sa ekspresyon ng mukha nila. Pinagmasdan niya ito isa-isa pero walang tumalo sa reaksyon ni Wendy. 

"S-senior Irene?" Bulong ni Wendy. Na-starstruck si ate girl.

"Yes. And you must be Wendy? Hi." Lumapit pa ito saka kinamayan si Wendy. 

'Hindi ako maghuhugas kamay kahit pa malagyan ako ng tae!' Puno ng admiration ang mata ni Wendy na hindi nakaligtas kay Joy. 

Fan na fan ito ni Irene mula nang masilip niya itong umarte at gusto niyang ishare yun kay Seulgi. 


"Hindi ko alam na kapatid ka ni Yeri! Hindi niya sinabi na ikaw pala yung ate niya daw na hindi kagandahan saka masama ang ugali..." natauhan siya ng bigla siyang batuhin ni Yeri ng unan. 

Nilingon ni Irene si Yeri, "Mag-uusap tayo mamaya." Sabi niya saka ulit kinausap si Wendy.


"Naihulog kasi ni mama si Yeri nung bata pa siya kaya ganyan. Pagpasensyahan mo na. Kahit ako nagtataka kung paano kami naging magkapatid." Walang awang sabi ni Irene habang nakangiti ng matamis. 

"I know! I mean.." nagpalipat-lipat ng tingin si Wendy sa magkapatid.

"Hoy anong ibig mong sabihin? Dapat ba akong ma-offend?" Reklamo ni Yeri.

"Shut up Yeri, we're talking. Kailangan ko ng mapagkakatiwalaan na magbabantay sa inyo. Wala na akong tiwala kila manang." Saka hinatak ni Irene si Wendy sa kitchen. 

Paglabas nila doon ay nakangiti si Irene habang namumula naman ang mukha ni Wendy. Walang nakakaalam kung anong naganap sa kitchen pero naging strikto si Wendy buong gabi habang mahimbing na natutulog si Irene sa kanyang silid. 

To: Sluggie Bear

SEULGI BAKIT NGAYON KA PA NAGTA-TAE!!! SAYANG!! Oh my gosh bakskdnoansodnakdndkal

Napakunot ng noo si Seulgi saka hinagis ang cellphone sa dulo ng kanyang kama. Iniinda pa rin niya ang masakit na tiyan. 

'Hindi na ako kakain ng balot!'

****

Hi. Gusto ko lang sabihin na wala akong alam sa ugali ng ibang idols bukod sa SM idols :--(( yung kay Kang Mina medyo nag search ako nakalagay lang dun cheerful lol. 

Kailangan ko na talagang pumasin ng ibang girl group.

Ala pang Seulrene. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
Yung kinanta ni Seunggu at Joy yung "I'm a butterfly" by YB lol. Pareho kasi nilang kinanta. Tas yung ganap ni wendy at seunggyu sa singderella

Comments

You must be logged in to comment
parkjaeyoung801 #1
Chapter 15: 2024 na sa isang araw..
pero eto ako pauulit na kinikilig at pauulit na naiiwan sa ere..
ang sakit.. lam mo ba yun..
🤣🤣🤣🤣
Kylie_123 #2
Chapter 12: Hahaha lambot yarn?
Kylie_123 #3
Chapter 8: Hahahahaha 😂😂
alizoneeee
#4
Chapter 15: hello?? anybody home?
notjoohyunn
#5
Chapter 15: update po huhuhu :<
Softtacos #6
Chapter 15: Awts pain lungkot lumbay…
Binasa ko kasi kahit alam kong bitin, ayun… bitin

Ganda pa namaaaaaaaan
SEULRENEHAHAHA #7
nakalimutan mo ata password mo author
SEULRENEHAHAHA #8
tapos nako mag wait wth respect nag comeback na redvelvet:DD
seulrenebears_
#9
Chapter 15: waiting po ud jdksjsnse super funny po hahahaha tawan tawa ako hihi sana may kasunod pa!
Jominjeong_yookim #10
Chapter 15: Otornim pagalawin mo naman yung baso kung gusto mo lang naman