eleven

Room 203

Tanghali ng lunes, magkasama si Seulgi at Seungwan sa pinakalikod ng library para magreview sa long quiz nila sa hapon at para makakopya si Seulgi ng homework at notes ng kaibigan.

"Hmm, nagtext si Yerim kung nasan daw tayo. Sabihin ko ba?" tanong ni Seungwan habang ngumunguya ng ipinuslit nilang pagkain.

Umangat ang ulo ng osong subsob sa kanyang notebook.

"Itanong mo muna kung anong kailangan, mamaya hindi natin matapos 'to." bumalik siya sa pagsusulat.

Sino ba kasing hindi matatambakan ng school work kung buong linggo puro si Irene senior lang ang laman ng utak niya?

Mabilis ang reply ni Yeri at mukhang malaki-laki ang problema.

Napapakunot tuloy ang noo ni Seungwan at napatigil sa pagnguya.

"Urgent daw, tungkol sa kanila ni Saeron." tinignan ni Seungwan ang oso na busy pa rin sa pagsusulat.

"Huy!" tawag pansin niya sa oso. Nag-aalala na din kasi ito sa bunsong kaibigan.

"Tanong mo kung kasama si Sooyoung.. uy may tawag ka." nagflash ang pangalan ni Yeri sa screen.

"Andami mo kasing tanong.. Hello, Yerim?" Sagot ni Seungwan sa tawag habang matalim na nakatingin sa oso.

Pinindot na rin niya ang loudspeaker para naman marinig din ng oso ang balita.

"Ate.." umiiyak si Yeri sa kabilang linya.

Nagkatinginan ang dalawa. Hindi kasi ugali ni Yeri ang umiyak kahit sa pang-ii-scam ng dalaga ay hindi pa niya nagawang umiyak.

"Uy Yerim, may..problema ba?" Hindi siguradong tanong ni Seungwan.

Walang sabing iniligpit ni Seulgi ang kanyang gamit at inilapit ang mukha sa cellphone ng kaibigan.

"Tahan na. Nandito kami si Seungwan sa library. Sa pwesto natin." marahang sabi ni Seulgi. Nakarinig sila ng mahinang okey saka natapos ang tawag.

Tahimik nilang inantay ang dalaga. Nang matanaw na nila ito ay inalok agad siya ni Seulgi ng yakap. Tuloy-tuloy ang iyak ni Yeri at paulit-ulit din siyang pinapatahan ng oso at ng vlogger.

Nang mahimasmasan ay inalok nila ito ng tubig saka hinintay na kusang ikwento ang nangyari.

"Nahuli kami ng mama ni Saeron. Pinapaghiwalay niya kami." hikbi ni Yeri.

"Ha? Teka, hindi alam ng mama ni Saeron? Hindi pa kayo legal?" tanong ni Wendy na naguguluhan.

"Hindi," iling ni Yeri. "Galit sa homouals yung nanay nya kasi naghiwalay sila ng papa ni Saeron kasi nahuli niyang may lalaki saka...pinapalipat na siya ng school ngayon." Nabulunan sa sarili niyang laway ni Seulgi at napa-ubo ng sunud-sunod.

Nakarinig tuloy sila ng shhhh mula sa naglilibot na librarian.

"What?" bulong ni Seulgi. "Ano ba 'tong napasok mo Yerim. Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin? Sana natulungan ka namin bago pa 'to mangyari." malumanay na sermon ng oso saka pinahid ang bagong agos na luha.

Hikbi lang ang sinagot ng dalaga.

"Alam na ba 'to ni Sooyoung o kaya ng ate mo?" Umiling ang dalaga at napabuntong hininga ang dalawa.

"Sige, doon muna tayo sa bahay. Mag-ayos ka ng sarili mo, you're a mess."

Pagdating nila sa apartment ng magbestfriend ay pinagpalit nila ng damit ang dalaga at pinagpahinga sa kwarto ng oso. Medyo may pilitan pang naganap dahil natatakot si Yeri na hindi na niya ulit makita si Saeron pag natulog siya.

"Paano 'yung quiz natin, Wan?" tanong ng oso.

Nasa kusina sila ngayon at nag-iisip ng plano.

Hindi sila papayag na ganun lang ang mangyayari sa first romantic relationship ng bunso nila.

"Ganito, pupunta ako ng room na nakapang-bahay tapos sasabihin ko bigla kang nahilo't sumuka at kailangan mo ng bantay." Suhestyon ng vlogger.

Medyo matagal nagprocess ang sinabi niya sa oso at nang magload na, binato siya ng linyang, "Kunwari buntis ako?" habang may pagtatanong sa kanyang mga mata.

Hindi malaman ni Wendy kung tutuktukan ba niya ang kaibigan ko ipagpapa sa Diyos.

"Really? 'Yun talaga ang pumasok sa utak mo? Tingin mo papaniwalaan tayo? Iisipin lang nilang narape ka!" Inirapan niya ang oso.

Alam sa school nila kung anong gusto ni Seulgi kaya kung buntis nga ito, malaking iskandalo.

Ngumuso ang oso, "Eh, sintomas ng buntis yung sinabi mo." Dahilan ng oso.

"Gagamitin ang common sense ha?" tinapik-tapik niya ang balikat ng oso.

"Ganito nalang, pupunta ako sa room natin tapos sasabihin kong nagka-allergic reaction ka. Puro ka pantal tapos inaapoy ka ng lagnat." tumango nalang si Seulgi at hindi na sumagot, baka mabara nanaman ito.

"Tapos ikaw naman, pumuslit ka sa building nila ate Irene, sabihin mo yung sitwasyon. Huwag kang papahuli ha? Ako na ang bahala kay Sooyoung."

Nang magkasundo sila ay nagpalit na ng pambahay si Wendy at si Seulgi naman ay nag pajama at long sleeve. Hindi nakuntento si Wendy sa damit ng kaibigan at pinag face mask pa ito at sumbrero.

"Mukha naman akong kidnapper nito." Reklamo ni Seulgi at saka pinaypayan ang sarili. Mainit-init nga naman ang get-up nya.

Pagdating nila school ay naghiwalay ang magkaibigan.

Muntik pang hindi makapasok si Seulgi nang maharang ito ng naglilibot na guard. "Kuya, huwag po kayo lalapit, may allergy ako baka mahawa ka." umarte pa itong concern sa guard.

"E, bakit ka pa pumasok?" may pagdududa sa tinig ng gwardya.

"Ano..naiwan ko po yung gamot ko sa locker! Sayang naman po kung bibili pa ako." napatango ang gwardya at hinanapan nalang siya ng ID.

"O, senior high ka palang, bakit andito ka sa college?" pinagpawisan na si Seulgi, wala na kasi siyang maidahilan.

"Ano po.. anung tawag dun.. naligaw po ako. Nahihilo po kasi ako kanina." hinihilinga nalang ni Seulgi na makalusot siya.

At mukhang sinuswerte siya dahil may nakita silang pumupuslit na studyante. Mabilis na kumaripas ang gwardya para mahabol ang tumatakas na studyante.

Dali-dali namang pumunta si Seulgi sa building nila Irene. May problema lang, hindi nya alam kung saang kwarto.

"Eto na nga ba ang sinasabi ko e." tinanggal na niya ang kanyang sumbrero at face mask. Dahil na din sa pagod ay mabagal nalang siyang naglakad lakad sa pasilyo habang sinisipat ang bawat kwarto.

Sa kabilang dako naman ay mabilis na nakapunta si Wendy sa kanilang room at mabilis siyang nag-internalize.

From chill to balisa at malungkot na Wendy na sya.

"Ms. Son, thirty minutes ka nang late para sa long quiz. Nakapangbahay ka pa, infairness at maganda ang taste mo." Sermon ng kanilang teacher sa 21st Century Literature na si Ms. Choi Sooyoung. May pagkamaldita pa naman ang teacher nilang ito.

"Yun na nga po e. Kung pwede po sanang i-excuse nyo muna kami ni Seulgi." Umarte siyang nanghihinayang at lungkot na lungkot.

"Bakit naman? Nasan nga pala iyong isang 'yun?" naki-usyoso na din ang mga kaklase nila.

"Mam, nagka-allergic reaction po sa kinain namin kanina. Hindi po namin alam na may hipon yung fried rice. Puro pantal mo ngayon saka inaapoy ng lagnat." Talagang kinabigay todo ni Wendy ang pag-arte. Kumapit pa ito sa braso ng guro.

Pusong mamon naman kasi si Ms. Choi, kahit na madalas ay kontrabida ito.

"Ha? Uminom na ba ng gamot? Bakit kasi hindi kayo nag-iingat." Sermon ni Ms. Choi. "Sige ie-excuse ko kayo. Ako na din ang magsasabi sa ibang teachers." Napapa-iling nalang ang guro. Pag balik talaga ni Seulgi matutuktukan nya ito.

"Thank you po! Dadalhan ko po kayo ng cake pagbalik namin ni Seulgi." suhol ni Wendy sa guro.

"Asus. Mag-aabala ka pa. Pero sige. Chocolate ha?"

Yes, tapos na ang problema niya kay Ms. Choi Sooyoung. Isang Sooyoung nalang ang problema niya, si Park Sooyoung.

**

"Naririnig mo ba yun?" Bulong ni Solar sa katabi na matindi ang konsentrasyon sa pakikinig.

"H'wag ngayon, Yongsun. May quiz tayo dito bukas, e." Suway niya sa katabi. Dahil grade conscious siya, kailangan niyang maperfect ang quiz nila mamaya pagkatapos ng discussion.

Tumigil naman si Solar sa pangungulit ngunit ayan nanaman ang naririnig niya. Nilibot niya ang tingin sa mga kaklase hanggang sa dumako ang tingin niya sa labas ng bintana.

"Seulgi?" Alangan siya habang sinisigurado kung si Seulgi nga ang nasa labas ng room nila dahil kung siya ang tatanungin, parang may kidnapper ang dating nito sa kanya.

"What?" nilingon siya ni Irene.

Basta talaga tungkol sa oso walang palag-palag.

Biglang lumakad ang prof nila at huminto malapit sa kanilang upuan.

"Tingin ka sa saglit sa window tapos sabihin mo sakin kung si Seulgi nga ba yung nakita ko." Pasimpleng tumingin si Irene sa bintana at muntik na siyang mapasigaw nang makitang may nakatitig sa kanya.

"Anung ginagawa niya dito?" hindi napigilan ni Irene ang lakas ng kanyang boses at narinig ito ng prof nila. Napatingin din ito sa bintana at kunot noong pinuntahan ang bisita.

"Ayan, ang ingay mo kasi." Reklamo ni Solar.

Pinagmasdan nila ang kanilang prof na anyayahan sa loob ng room si Seulgi, suot na niya ulit ang sumbrero at medyo nakababa naman ang kanyang face mask. Pawis na pawis na ito dahil sa kakatakbo.

Nakaginhawa naman ang oso ng tamaan siya ng lamig ng aircon.

Naririnig nila yung iba nilang blockmates na babaeng kinikilig. Mukhang kilala din nila ang oso. Napasimangot tuloy si Irene.

"What's your name, miss?" Tanong ng prof.

"Kang Seulgi po." dahil binilinan siya ni Wendy na huwag magpapahuli, umarte siyang may sakit. Matamlay ang boses at mata.

"Mukhang may sakit ka pa, sinong kailangan mo sa klase ko?" Pinaupo niya si Seulgi sa kanyang desk. "Si Joohyun po." Tinignan ng oso si Irene at mukha pati ito ay napaniwala niya sa pag arte dahil bakas ang pag-aalala sa mukha ng senior.

Hinarap ng prof ang klase at nagtanong, "Joohyun? May Joohyun ba tayo?"

Walang nagtataas ng kamay kaya't gumawa na ng aksyon si Yongsun at itinaas ang kamay ni Irene. Pinagtinginan tuloy siya ng blockmates niya.

"Oo nga pala! Pasensya ka na Irene, nawala sa isip ko." Na-iilang na ngumiti si Irene.

"Uhm, Seulgi iha, magku-quiz lang kami ha? Idi-dismiss ko na sila pagkatapos. Matulog ka muna saglit diyan." Nang marinig ang sinabi ng prof ay tumango lang si Seulgi at isinubsob na ang ulo sa table. Tamang-tama at inaantok naman talaga siya.

Laking pasasalamat ni Irene nang may nakahandang test paper ang prof nila at hindi dictation. Mabilis pa sa pagrarap ni Nicki Minaj ang pagsagot niya ng questions at nang matapos ay halos liparin niya ang pagtungo sa prof.

Sunod niyang nilapitan si Seulgi at marahang ginising.

Nang makalabas sila ng room ay binatak niya ang oso at dinala sa isang tabi. Sinipat niya ang noo ng oso at napahinga ng maluwag ng malamang wala itong lagnat.

Pero baka lagnatin ang oso sa sobrang lapit niya sa kanyang senior.

"May masakit ba sayo? Nahihilo ka? Gusto mong idala kita sa clinic?" Sunud-sunod ang tanong niya sa oso.

Bahagya namang lumayo si Seulgi sa senior saka inalis ang suot na face mask at sumbrero.

"Wala akong sakit," iling ng oso saka hinawakan ang kamay ng dalaga"...pero kailangan mong sumama ka sakin sa bahay."

"Ha?" Medyo rated ang pumasok sa utak ni Irene at mabilis siyang pinamulahan.

"Mahirap i-explain pero nasa bahay ngayon si Yeri at kailangan ka niya." Mas lalong gumulo ang isipan ni Irene pero mabilis siyang tumango nang marinig ang pangalan ng kapatid.

Nagmadali silang lumabas pero tulad ng eksena sa mga teleserye, may umeksena nanaman.

Makakasalubong nila ang teacher ni Seulgi sa Entrepreneurship na ngayon ay mukhang nabalitaan na ang "allergic reaction" ni Seulgi sa hipon.

"Seulgi?" Tawag nito sa kanila.

Nang marinig ang mahinang mura ni Seulgi, mabilis na inakbayan ni Irene ang oso.

"Ms. Seo!" Bati ni Irene sa dating adviser.

"O, Irene. Bakit kasama mo si Seulgi? Ang sabi ni Wendy may allergy sya?" Napatingin tuloy si Irene sa kasama.

'Ano bang nangyayari?'

Mabilis na nakabawi si Irene at isinubsob ang mukha ng oso sa leeg nya.

"Oo nga po e. Nagkulit po mam, tumakas nung umalis si Wendy. Ihahatid ko na nga pa sya sa kanila e." smooth na smooth ang pagpapalusot niya.

"Osige. Seulgi, magpagaling ka ha? Ipapadala ko nalang ang notes mo kay Wendy." Medyo natrigger si Seulgi dahil magkakaron pa siya ng assignment at mabilis na nag-angat ng ulo para magreklamo.

Pero mas mas mabilis ang kamay ni Irene na dumapo sa pwet ng oso.

Pinisil-pisil pa nya ito at hindi inalis ang kamay.

Nanghina ang mga tuhod ng oso at mabilis na pinamulaahan.

"Naku! Sobrang pula pa ng mukha mo, Seulgi. Sige umuwi na kayo para makapagpahinga ka na." Nang malagpasan sila ng guro ay mabilis na inalis ni Irene ang kamay sa pang-upo ng oso.

Hindi pa rin nawawalang ang panlalambot ng tuhod ni Seulgi kaya kahit na gusto niyang lumayo ay hindi niya kaya.

"Sorry! Sorry talaga! Yun lang ang naisip ko para hindi niya tayo mabuko." hingi ng paumanhin si Irene habang akay-akay palabas ng school ang pobreng oso.

Wala talagang halong malisya. Nabigla rin si Irene sa ginawa niya.

Pero hindi ibig sabihin n'on ay hindi niya nagustuhan.

Dahil kahit ulit-ulitin nila ang eksena, iyon pa rin ang gagawin niya.

'Hihi, ang lambot.'

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
Yung kinanta ni Seunggu at Joy yung "I'm a butterfly" by YB lol. Pareho kasi nilang kinanta. Tas yung ganap ni wendy at seunggyu sa singderella

Comments

You must be logged in to comment
parkjaeyoung801 #1
Chapter 15: 2024 na sa isang araw..
pero eto ako pauulit na kinikilig at pauulit na naiiwan sa ere..
ang sakit.. lam mo ba yun..
🤣🤣🤣🤣
Kylie_123 #2
Chapter 12: Hahaha lambot yarn?
Kylie_123 #3
Chapter 8: Hahahahaha 😂😂
alizoneeee
#4
Chapter 15: hello?? anybody home?
notjoohyunn
#5
Chapter 15: update po huhuhu :<
Softtacos #6
Chapter 15: Awts pain lungkot lumbay…
Binasa ko kasi kahit alam kong bitin, ayun… bitin

Ganda pa namaaaaaaaan
SEULRENEHAHAHA #7
nakalimutan mo ata password mo author
SEULRENEHAHAHA #8
tapos nako mag wait wth respect nag comeback na redvelvet:DD
seulrenebears_
#9
Chapter 15: waiting po ud jdksjsnse super funny po hahahaha tawan tawa ako hihi sana may kasunod pa!
Jominjeong_yookim #10
Chapter 15: Otornim pagalawin mo naman yung baso kung gusto mo lang naman