seven

Room 203

 

Hindi 'to inaasahan ni Irene at mas lalo namang hindi ito inaasahan ni Seulgi.

Kung tatanungin si Irene, may nakaplano na siyang eksena ng kanilang pagkikita. 'Yun bang makabagbag damdamin na magsasalubong ang mga mata nila habang papalapit sila sa isa't-isa na parang walang tao sa paligid tapos biglang may eeksena sa gilid at doon lang sila matatauhan. Mahihiya silang dalawa saka magpapakilala at magpapalitan ng number. O kaya naman ay magkakabungguan sila sa hallway tapos mahuhulog sya kay Seulgi (literally and figuratively) at magdidikit ang mga labi nila tapos tuloy french kiss! Well.. let's exclude the last part.

(Magiging kontrobersyal iyon sa school lalo na at peymus lodi ang ate nyo.)

Pero hindi talaga sumagi sa isip nya ang sitwasyon ngayon! Dahil imbis na sa mata niya nakatitig si Seulgi ay sa katawan niyang kinulang sa saplot ito nakatitig!

"LABAS!"

Okey. Let's bring it back to 1:40 (wtf) dahil ang kasalukuyang oras ngayon ay 6:37 ng hapon.

Balikan natin kung paano nga ba sila napunta sa ganitong sitwasyon. Kung bakit naka underwear lang ang lodi nyo at bakit tila iniputan ng ibong adarna bird ang oso at nahanginan ni amihan ang mata nyang titig na titig sa *ehem* y body ni lodi.

*

"Bakit ba ayaw mong sumama? Wala na naman tayong pasok ngayon ah?" nakakunot ang noo'ng nagtatanong si Wendy sa kaibigan.

Mamaya na ang play nila Irene at excited siyang manuod. Excited na din siyang maipakilala ang kaibigan sa senior. Kaya laking pagkadismaya niya nang tanggihan siya ng kaibigan.

"Uuwi na ako. Gusto ko pang matulog." Sagot nito habang ngumunguya ng pringles.

"Ayan ka nanaman sa kakatulog mo e. May nabalita kaya na natulog tapos hindi na nagising." Pananakot ni Wendy saka padabog na inagaw ang pringles. Siya kasi ang bumili non. Hinusgahan lang siya ng tingin ng oso saka nagpatuloy sa pagkain. Maingay pa nitong sinipsip ang nabiling red tea sa seven eleven.

"Paano nga kung bangungutin ka? Tapos walang gigising sayo kasi mag-isa mo lang." patuloy pa si Wendy sa pangungulit sa oso. Hindi niya talaga ito tinigilan hanggang sa dumating ang kapatid ni lodi.

"Anong ganap mga bakla?" walang pakundangan itong naupo sa tabi nila at sinensyasan ang kasama na tumabi sa kanya.

"Sinong bakla ang sinasabi mo?" Depensa ni Wendy. Napalakas ang boses niya at may ilang studyente sa loob ng cafeteria ang napalingon.

Hindi yun napansin ni Wendy sa lakas ng pintig ng puso niya.

"Si oso. Pwede ring ikaw. May alam ako." nanunuksong tumaas baba pa ang kilay ng scammer.

'. Chill ka lang Wendy. Kapag pinakita mong kinakabahan ka, lalo ka niyang hindi titigilan. Kalma kalma kalma kalm..'

"Okey."

Napansin ni Seulgi ang katabi ni Yeri na nag-se-cellphone. Kaya mahina niyang hinampas si Yeri.
"Pakilala mo naman yang kasama mo. Bastos ka talaga." Sabi ng oso saka nginitian ang bagong salta.

"Ay oo nga. Eto pala si Saeron. Saeron si ate Seulgi saka si at Wendy." Tinuro nya ang bawat isa. "Mga ate, si Saeron nga pala..." Napatango naman ang dalawa sa kumaway habang nangungupit naman si Yeri ng pringles. "..girlfriend ko."

Hindi maipinta ang mukha ng dalawa. Tinignan nila si Yeri na akala mo'y tinubuan ang kamatsile sa ulo.

"?!" well. Let's say naglalakad si Joy papasok ng cafeteria nang mangyari ang introduction. All eyes on her at sa namumula niyang buhok na wala man lang kumukwestyon. May kinalaman si Yeri at ang blonde niyang buhok.

"The is you saying huh?!" Walang pakundangan itong na-upo mismong harap ni Saeron na ngayon ay parang nagsisisi na sa pagsagot niya kay Yerimi kahapon ng 8:30 am sa loob ng girls comfort room. Hindi nyo siya masisisi dahil kinantahan pa siya nito at inalayan ng tula at tatlong bigkis ng pinitas na orchids (galing office ng may ari ng school).. sa loob ng cr. How romantic.

Huwag kayong manghusga dahil apat na buwan silang nililigawan ni Yerimi mga animal kayo. Kaya naghuhuthot si Yeri para may pang surpresa siya!!


 

Pero hindi talaga naupo si Joy sa harap ni Saeron para kumprontahin ito. Naupo siya doon para tabi sila ni Wendy pero sikreto niya lang iyon.
 

"Yeri explain yourself, ." Nakataas pa ang kilay ni Joy habang nakatitig kay Saeron.

Nakaka-intimidate tignan si Joy bukod sa kilalang sweetheart ay may pagka-bully kasi ito saka selosa lalo na sa friends niya.

"Diba sinabi ko sayo na may gusto nga ako. Si Saeron yun." Nginitian ni Yeri ang girlfriend para mapakalma ito.

"Bakit sa amin hindi mo sinabi?" Reklamo ni Seulgi. Nakakatampo ng naman dahil siya ang pinakamatanda sa kanila.

"Nahihiya ako e!" bulyaw ni Yeri sa oso saka nagtago sa leeg ni Saeron.

"Congrats, hun. Kelan pa kayo?" Sincere ang pagkakabati ni Wendy. Happy talaga siya kahit na sa tingin niya ay bata pa sila Yeri masyado. E sa mahal nila ang  isa't-isa e.

Tinignan naman siya ni Joy ng masama. 'How dare you? Naunahan niya akong magkajowa kasi hindi ka nagme-make ng move sakin! How dare you talaga!'

"Kahapon ko lang po siya sinagot. Bale, four months po niya akong niligawan." sagot ni Saeron matapos kumalma ang puso niya.

"Wow naman." Pumalakpak pa si Seulgi.

"Shut up, iglot." masungit na pigil ni Joy sa kawawang oso.

"Nagtatampo pa din ako." Arte ni Joy.

"Sorry na! E sa nahihiya nga akong sabihin.."

"Na bakla ka din tulad ni Seulgi?" Putol ni Joy.

Nakatitig nalang ang dalawang matanda sa kanilang dalawa.

"Wow nagsalita ang Lesbian Queen." supalpal ni Seulgi sa redhead.

Minsan lang makapambara si Seulgi kaya naman proud na proud sya. Havey siya kasi itong si Joy mahilig pagapangin ang kamay sa mga parteng hindi dapat. At sa babae niya lang ginagawa.

"So happy ka na niyan? First time mong makapambara ngayon buwan."

At nagsimula na ang pagtatalo. Sorry ng sorry si Yeri kay Saeron dahil nasaksihan nila kung paanong awatin ni Wendy ang dalawang nagsasakalan.

("Joy stop! Hindi na nakakahinga si Seulgi!" "Dapat ako yung kampihan mo hindi yang oso!")
 

"Ayos lang. Pero.." lumapit ito kay Yeri saka bumulong "..tanggap na ba nila tayo?"

"Hwag ka nang mag-alala tungkol dun. Hindi sila problema kundi si ate." Napabuntong hininga si Yeri.

 

'Sana hindi na bitter si ate.'
 

Sa di kalayuan naman ay inaayos ni Moonbyul ang kanyang dslr para i-video ang scene nila Solar at Irene sa play para mamaya ay walang problema. Nililipat niya lahat ng files sa kanyang laptop nang mahagip ng mata niya si Joy at Seulgi na nagbubuno habang bini-videohan ni Yeri.

"Oh !" Dali-dali niyang nilapag ang camera at tinungo ang eksena.

Wala namang umaawat na iba kasi akala nila landian lang ng magkakaibigan. Akala lang nila..

You think you know. But you have no idea. 😬 - Kyle Hanagami, Oct. 2017

"Hoy itigil niyo yan!"

*

"I hate you guys." Bulong ni Seulgi habang nakatitig sa stage ng auditorium.

Matapos kasing mapaghiwalay ni Moonbyul ang dalawa ay inaya niya ang mga itong manuod ng play na ipinagpapasalamat ni Wendy.

Lahat sila ay nakahanay sa ikalawang linya ng upuan malapit sa stage.

Nag-cut na ng class ang tatlong junior high school students.

Well, plano naman talagang mag-cut ng magjowa dahil papanuorin talaga ni Yeri ang ate niya. Number one fan siya ng kanyang ate at nakatipid siya dahil date na nila ito ni Saeron.

"Mamahalin mo kami pagkatapos mong mapanuod si ate Irene. Baka mainlove ka dun." nginisian pa siya ni Wendy.

Bigla namang humagalpak ng tawa si Moonbyul. Naalala niya yung magkikita nila ng dalaga. Kung alam lang ni Wendy kung ilang pictures at videos ni Seulgi ang pinasa niya kay Irene. Kung paanong nababaliw si Irene tuwing nasasali sa usapan si Seulgi.

"What?" Tanong nila sa kanya. Umiling lang siya.

"Pero gusto ko talagang umuwi na." Ngumuso pa ang oso saka inayos ng kanyang salamin. Hindi na niya nakalimutan kaya't naka 1080p na ang paligid niya.

"Shhh! Magsisimula na."

"Tungkol saan ba ito?"

"Ate tumahimik ka na." At nahawi na ang pulang kurtina.

Ang dula ay tungkol sa buhay ng isang dalagang si Mary (Irene) sa taong dekada '80. Isa siyang dalaga na nangarap na mai-ahon ang kanyang pamilyang sadlak sa hirap sa pamamagitan ng pagsikat.

*
'. Ang ganda niya nga. What the.. angel ba sya? Fairy? Goddess?'

Titig na titig si Seulgi kay Irene. Humaling na humaling sa ganda ng senior.

'S-sya yung nanuod ng video ko?'
*

Inalok siya ng isang direktor na napasyal sa kanila baryo na pumunta sa maynila upang tuparin ang kanyang pangarap. Sa ganda ng dalaga ay tiyak na maraming kukuha rito. Labag man sa kalooban kuya niyang si Emman (Minho) ay hinayaan nilang sumama ang dalaga sa direktor. Sa maynila ay nakilala niya ang isang aktres na si Maricel (Solar) na bagong aktres. Tinulungan siya nito sa pasikut-sikot sa industriya at kung gaano kadilim ang lugar na iyon.

Sumikat ngang tunay si Mary (Irene) at mabilis na gumaan ang kanilang buhay. Kasama na niyang naninirahan ang pamilya sa naipatayo niyang bahay sa maynila. Natupad na ang kanyang mga pangarap. At sa pagtupad niya ng kanyang pangarap ay may kapalit palang halaga.

Isang proyekto ang dumating kay Mary (Irene) at kanyang makakapareha ang isang sikat na sikat at pinag-aagawang aktor na si Marco (Taemin)

*
"Ang yabang naman niyang Marco na yan." Reklamo ni Seulgi.

Kahit hindi niya aminin ay naiintriga din siya sa dulang pinapanuod. Buong atensyon niya ay nasa play.

"Oo nga e! Sana hindi nalang tinanggap ni Mary yung role." Inis na sagot ni Wendy.
*

Sumikat ang kanilang pelikula at naging sunud-sunod na ang proyekto para sa kanilang dalawa. Nagustuhan ng manunuod ang kanilang tambalan. Mapa-komedya, aksyon at romansa ay tinangkilik ng lahat. Maraming gusto na sila'y magkatuluyan ngunit hindi nila alam ang totoong nangyayari sa likod ng kamera.

Nagkagusto si Marco (Taemin) kay Mary (Irene) ngunit palagi siyang tinatanggihan ng dalaga. Tuwang tuwa ang binatilyo tuwing may mga intimate scenes ang kanilang pelikula. Paborito niya kapag romansa dahil nagagawa niya ang mga bagay na gusto niyang gawin sa dalaga.

*
"That ing ert!" Bulong ni Seulgi.

"Chill ka lang."
*

Napunta ang eksena sa pag-uusap ni Mary (Irene) at ang umiiyak na si Maricel (Solar). Inamin ni Maricel (Solar) na pinagsasamantalahan siya ng producer nila bago pa man siya sumikat at ngayon ay buntis siya. Ipinakita pa ang eksena kung saan ay ginagahasa siya ng producer.

*
"Tang ina?!" muntik nang mapatayo si Moonbyul. Sumisikip yung dibdib niya sa nakikita. Mukha kasing totoo ang nangyayari mula sa pagsiwak ng damit sa nobya hanggang sa mga iyak nito at paghingi ng tulong.

Kanya kanya sa pagsinghap ang manunuod kasabay ng intense na background music.

Si Joy nga ay umiiyak na habang yakap yakap ni Wendy.
*

Dala nang nangyari sa kanya ay hindi na kinaya ni Maricel (Solar) ang paghihirap at nagpakamatay nalang ito sa pag-inom ng lason. Natagpuan siya ni Mary (Irene) at naging isang malaking pagsabog ito sa industriya. Gustong sabihin ni Mary (Irene) ang totoo sa madla. Kung paanong naghirap ang kaibigan ngunit bago pa man malaman ang totoo ay nabayaran na ng kanilang ahensya ang media. Hindi nakuha ni Maricel (Solar) ang nararapat na hustisya.

Dumating ang araw na nilibing nila ang aktres. Umiiyak si Mary (Irene) sa kanyang kwarto nang maganap na hindi niya inaasahan. Sa araw pa ng pagkalibing ng kaibigan.

Naiwan si Mary (Irene) sa kanilang bahay nang pasukin iyon ng mga kalalakihan. Si Marco (Taemin) kasama ang kanyang mga tauhan. Pinasok niya ng kwarto ng dalaga at duon ay nagpakasasa sa katawan ng aktres habang binabantayan ng kanyang tauhan ang buong bahay.

Hindi pa ito nakuntento at inanyayahan ang tatlong kilalang aktor para halayin ang aktres.

*
Mas matindi ang reaksyon ng audience ngayon. Limang lalaki ang humahalay sa character ni Irene! Sumisigaw sila na itigil na yung play kahit na hindi naman talaga siya totoong nire dahil kung hindi siya umaarte ay kanina pa niya pinagsusuntok ang mga ito.

Pero dahil magaling nga siyang aktres ay halos sumugod na ang mga fanboys niya sa stage sa galit.

Si Yeri naman at Joy ay humahagulgol na sa kinauupuan nila habang pinapatahan ng kanilang mga katabi.

Tiim ang bagang ni Moonbyul at Seulgi. Nanginginig na ang kamao  ng oso. Tulad ng lahat ay gusto niya ring pumunta sa harap para bugbugin ang mga lalaki.

'Tangina. Bakit nila yun ginawa? Bakit sa kanya pa? Bakit sa taong nawalan ng kaibigan?'

Hindi alam ni Seulgi na tumutulo na yung luha niya sa sobrang galit.
*

Matapos ang kahalayan ay iniwan nila na parang basahan ang aktres. Nasa ganun siyang kalagayan ng dumating ang kuya nitong si Emman (Minho) na galing sa trabaho. Nalaman ng buong industriya ang nangyari sa aktres at pinaghahahanap na ng mga pulis ang mga aktor. Nagkaron ng depression ang aktres at nagtangka ring magpakamatay ng malamang nabuntis rin ito kung hindi lang napigilan ng ama. Ang masakit pa doon ay hindi nila alam kung sino sa limang dimonyo ang ama.

Natapos ang dula sa pagpatay ni Emman (Minho) kay Marco (Taemin) pagkatapos niyang patayin ang direktor na kumuha kay sa kanya kapatid, ang producer at ang apat na aktor. Walang takot na sumuko si Emman sa pulis at ang huling linya niya bago siya bitayin ay, "Kung kamatayan ang kapalit ng paghahanap ko ng hustiya, hindi ako nagsisising pinatay ko sila."

*

Nang lumabas ng cast upang mag-bow ay grabe ang palakpakan at sigawan ng crowd.

Hindi papatalo si Joy at Yeri na walang hiya-hiyang sinugod ng yakap si Irene at Solar sa stage kahit hindi pa tapos ng pagpapakilala sa kanila.

"You liked it, didn't you?" tanong ni Wendy sa Oso na nakatitig kay Irene na tuwang-tuwa sa kapatid.

"Ate hindi na kita aawayin promise! Hwag mangyayari yun sa totoong buhay ha?! Hindi ko kakayanin." Iyak ni Yeri sa bisig ng ate niya.

"Oo nga! Pag may umaaligid sayong mga lalaki sa room nyo sabihin mo samin ha? Ipapakagat ko sila sa aso namin!" isa pa si Joy na naka backhug kay Irene.

Hindi nila alam na tawa na ng tawa si Wendy, Seulgi, Moonbyul at si Saeron sa kanilang upuan dahil naka-on pa ang lapel ni Irene at rinig ng lahat ang pinagsasabi ng dalawa.


Bini-videohan din sila ni Moonbyul.

*

"Guys naiihi na ako." Sabi ni Seulgi nang makalabas sila ng auditorium. Malamig kasi sa loob dahil sa aircon.

May plano silang magcelebrate at hinihintay nalang nila si Irene at Solar na makapagbihis.

"Sa room 203 pwede kang maki-ihi. Sabi ni Solar doon daw ang pahingahan ng staff nila." Sabi ni Moonbyul.

Dahil wala nang choice ay pinuntahan na kaagad niya ang room. Kumatok muna siya bago pumasok. Wala nang tao. Puro props ang room 203 at mga gamit sa stage.

Nagmadali siyang pumunta sa cr at nilock ang pinto. Binuksan rin niya ang gripo para lamanan ang timba dahil walang flush sa inodoro. Walang kahit ano sa loob ng cr. Buti nalang ay nagbabaon siya ng tissue sa bag.

Dahil sa nag-e-echo ang tunog ng tubig, hindi narinig ni Seulgi na may pumasok na pala sa loob ng room 203.

"Okey ka na ba dito?" Tanong ni Solar kay Irene na hindi pa nakakapagpalit ng damit. Suot pa nito ang damit siya sa scene na may mansta ng kunwaring dugo.

"Oo. Kung bakit naman kasi nawalan pa ng ilaw sa dressing room." Buntong hininga ng dalaga.

"Osige. Dyan lang ako sa labas." Paalam ni Solar saka sinara ang pinto.

Sa CR sana magbibihis si Irene kaya lang ay napansin niyang nakalock ito at rinig niya ang lagaslas ng tubig. Kinatok niya ang pinto ngunit walang sumasagot.

"Sino naman kayang naglock nito? Sayang yung tubig." Pinagsawalang bahala nalang niya iyon at saka nag tanggal ng costume.

Naka-underwear nalang siya ngayon dahil bestida ang kanyang costume.

"Lagkit ko." Iritadong sabi ni Irene saka nilabas ng dalang wet wipes at pinunasan ang sarili. Nagpupunas na siya ng tuyong towel nang bumukas ang cr at lumabas si Seulgi na walang kamalay malay sa nakaabang sa kanya.

"Holy ." Laking gulat niya sa nagsalita sa kanya likod. Naparahap siya sa nagsalita at nahulog ang towel nang makilala kung sino ito.

Si Seulgi! Kung wala nga naman sayo ang swerte.

Nagkita na sila ni Seulgi! si KANG SEULGI na pinapanaginipan niyang sinasayawan siya habang nakaparada ang abs.

Nabaliktad ata ang sitwasyon.

Kasi siya na ang tinititigan! Yung mata ni Seulgi naglalakbay sa kinulang sa saplot niyang katawan.

"Wow." Bulong pa ng oso.

Nabalik nalang sa totoong buhay si Seulgi nang tumili ang hinahalay ng mata niya at may dumapong pack ng wet wipes sa mukha niya. Sapol.

"LABAS!"

Naitapis na ni Irene ang towel sa katawan nang bumukas ang pinto ng room 203 at niluwa ang mga kaibigan nilang kasama ni Solar.

"A..anong nangyari?" Nag-aalangang tanong ni Solar habang palipat lipat ang mata nilang lahat sa dalawa.

**

BIH NAGKITA NA SILA! 2800+ WORDS TO MGA ATENG. HINDI KO KINAYAKAYA. On the spot kong inisip yung kwento nung dula nila Irene. Heol.

Medyo totoo yung reactions ng audience at nila Yeri. Kasi last time na nagplay kami, may scene. As in Gang mga beh ang eksena! Walo yung tapos ka-close ko yung bida. Sobrang ingay ng audience tapos kaming mga aktors na ala sa scene umiiyak. After nung scene na yung sinuntok ko yung mga kasama naming lalaki XD

So ayun. What do you think guys? 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
Yung kinanta ni Seunggu at Joy yung "I'm a butterfly" by YB lol. Pareho kasi nilang kinanta. Tas yung ganap ni wendy at seunggyu sa singderella

Comments

You must be logged in to comment
parkjaeyoung801 #1
Chapter 15: 2024 na sa isang araw..
pero eto ako pauulit na kinikilig at pauulit na naiiwan sa ere..
ang sakit.. lam mo ba yun..
🤣🤣🤣🤣
Kylie_123 #2
Chapter 12: Hahaha lambot yarn?
Kylie_123 #3
Chapter 8: Hahahahaha 😂😂
alizoneeee
#4
Chapter 15: hello?? anybody home?
notjoohyunn
#5
Chapter 15: update po huhuhu :<
Softtacos #6
Chapter 15: Awts pain lungkot lumbay…
Binasa ko kasi kahit alam kong bitin, ayun… bitin

Ganda pa namaaaaaaaan
SEULRENEHAHAHA #7
nakalimutan mo ata password mo author
SEULRENEHAHAHA #8
tapos nako mag wait wth respect nag comeback na redvelvet:DD
seulrenebears_
#9
Chapter 15: waiting po ud jdksjsnse super funny po hahahaha tawan tawa ako hihi sana may kasunod pa!
Jominjeong_yookim #10
Chapter 15: Otornim pagalawin mo naman yung baso kung gusto mo lang naman