five

Room 203

"Biiiiiiiiiitch!" Tili ni Wendy mula sa kanilang dining table na umabot hanggang sa ika-apat na kapit-bahay ng tinitirhan nilang apartment.

"Wendy! Utang na loob maaga pa!" Sigaw ni Seulgi galing sa kanyang kwarto. Nahagip ng mata niya ang digital clock sa kanyang study table at alam niyang hindi pa oras ng pagbangon niya. 

"Ate Wendy pakihinaan naman o. Thanks." Pakiusap ni Mina na inokupa ang kanilang sofa sa sala. Balot itong ng hiniram niyang kumot sa kanyang ate. 

Nakitulog muna ito sa kanila dahil umalis ang mag-asawang Kang para bisitahin ang kanilang lolo.

"Sorry guys!" Paumanhin ng vlogger saka muling itinuon ang atensyon sa kanyang macbook. 

Nabasa na niya ang comment ni Irene. Sobrang saya niyang malaman na pinanuod ng kanyang senior ang vlog nya pagkagising sa umaga. 

Irene Bae: 6 am palang pero tawa na ako ng tawa sa inyo! Hello Rookie, I would love to be in your vlogs! Punta ka ulit sa bahay. You can bring your bestfriend if you want 😄😄 
(125 thumbs up)

At mukhang nakumpirma na ng kanyang subscriber kung sino ang "senior" niya dahil sa dami agad ng thumbs up nito kahit dalawang oras pa lang ang nakakalipas. 

gayass: IT'S YOU! THE SENIOR OH MY GOSH SHIP
(35 thumbs up)

Yuriniverse: hala si senior Irene!!! Oh my gosh wendy ikaw na!

Hoemeup: what does she say? I only understood half of the comment

(May mga international Subscribers din si Wendy salamat sa nilalagay niyang english translations sa lahat ng kanyang videos)

Goodsamaritan: +hoemeup she said she's laughing at 6 in the morning because of them and she told wendy to come to their house again

Grindonme: +Yuriniverse sino siya? 

Yuriniverse: +Grindonme 2nd Year College sya sa SMU main campus! Medyo famous siya sa school namin. Bale totoo lahat ng sinabi ni Wendy tungkol sa kanya

Everyone is GAY: bring your friend daw o! Wendy mas interesado siya kay daddy seulgi

Mahinang tumatawa si Wendy sa mga nababasa niyang comments. Reply siya ng reply sa mga nakakatawang comments at nang makuntento ay tinignan niya ang isa pang comment ni Irene sa luma niyang video. 

Sa "My Dancing Machine BFF" video.

'Pinili niya 'tong panuorin sa dinami-rami ng videos ko? Fishy'

Irene Bae: One word: WOW 
Ang cool nyo pareho! The whole video was perfect excluding the part where my sister and satan came into the frame. 

"SEULGI!!"

"SON SEUNGWAN!!" galit na sigaw ni Seulgi sa bestfriend. 

Yamot naman na nagkamot ng ulo si Mina "Si ate wendy naman oh.." bulong ni Mina at labag sa loob na nagligpit ng pinaghigaan. Maya-maya ay pumasok na ito sa banyo. 

Kung inaakala nyo ay walang nabubulabog sa ingay nila, nagkakamali kayo dahil ayan at may sumusugod na bata--este ginang sa kanilang gate. Gulo-gulo ang buhok nito at minadali ang pagkakabuhol ng kanyang asul na silk robe. Ang taray. 

Walang makapigil kanya maski na ang misis nitong kagagaling lang sa ibang bansa. 

Walang habas nitong pinanggigilan ang doorbell ng magkaibigan. Kahit na nayayamot ay bakas pa rin ang pagka-antok nito. Ano kayang ginawa nila ng misis niya?

Dali-daling nilabas ni Wendy ang nagdo-doorbell at pinagbuksan ng gate. 

"Ms. Kim? Ms. Taeyeon?" Kilala ni Wendy ang ginang. Sikat itong artist na nakatira sa ikalawang bahay mula sa kanan ng kanilang inuupahan at pagmamay-ari niya ang nakatayong resto-bar sa ikaapat na kanto mula sa apartment nila. Madalas rin nila itong tulungan magbuhat ng art materials papasok sa bahay nito.

"Ano bang problema at ang ingay niyo? Anong oras pa lang o." Reklamo ng artist. Hindi niya naman mapagalitan ng husto ang estudyante dahil napamahal na ito sa kanya.

"And it's ate Taeyeon, Wendy." pinasadahan naman siya ni Wendy ng tingin. Walang halong malisya. 

'Naka-robe siya. Sabado ngayon ng umaga. May marami siyang red marks sa leeg tapos.. wait, red marks sa leeg? Sabado.. oh my gulay dumating na si ate Fany!!'

Nanlaki ang mata ni Wendy sa kanyang napagtanto at mabilis na humingi ng sorry. Maraming beses. MARAMING BESES.

Meaning, napatawad na siya ni Taeyeon at nakabalik na ito sa kanyang bahay ay nag-sosorry pa rin ito. Tinawagan din niya si "ate Fany" at humingi ng sorry na tinawanan lang naman ng ate. Humantong pa ngayon sa kasalukuyan niyang pagbebake ng cookies bilang sorry. Ganun siya ka guilty. 

'3 months silang hindi nagkita at siguradong pagod silang dalawa! Ang bad mo Seungwan!'

"Bakit ka nagbake ng ganito kaaga?" tanong ng kakagising na oso. Hinanap niya ang kapatid sa sofa. 


"Umuwi na si Mina, nagpapasama daw si tita sa palengke." Walang lingon na sagot ni Wendy habang abala ito sa paghuhugas ng pinaggamitan niya.


"So bakit ka nga nagbake?" Nagbukas ng ref ang oso at kinuha ang gatas na ibubuhos sa mangkok niyang may coco crunch. 


"Nagising ko sila ate Taeyeon kanina, nakakahiya. Kaya nagbake ako para sa kanila." Nang matapos sa paghuhugas ay naupo ito sa tapat ni kaibigan oso at humigop ng lumamig na niyang kape.


"Totoo naman kasing maingay ka. Pero nandyan na si ate Fany?" Tumango lang si Wendy. 


"Alam mo bang pinanuod ni ate Irene yung video na pinakilala kita sa subscribers ko?" Binuksan na ni Wendy ang topic na kanina pa gumugulo sa utak niya.


"Yung sing and dance natin?" 


"Oo yung bumungad yang abs mo! At nagcomment pa sya. Sa dinami-dami ng videos ko, yun yung napili niyang panuorin." Naging excited ang boses niya.


"So? E nasa popular videos mo yun e. Malamang makikita niya." Pagsasawalang bahala ng oso saka tinapos ang kinakain.


"May anim akong mas sikat na videos kumpara mo dun." Kontra ng panadera (lol)


"Eh ano nga? Di ko kasalanan na pinanuod ako ng crush mo no." Tumayos si oso saka naghalungkat ng makakain sa kabinet. "Nagugutom pa ako." Reklamo niya. 


"Hindi ko sya crush! Role model ko lang sya no.." 'May Joy na ako.'


"May ramen diyan sa pangatlong pinto." Pagkuwan ay sabi niya sa oso. Sumaya naman ang oso at daling kumuha ng tatlong pakete. Naglabas din ito ng apat na itlog.


"Hindi mo naman pala crush pero parang nagseselos ka dyan na pinanuod niya yung video mong kasama ako." 'Malay ko bang mahilig sa abs yung Irene.'


Nagpakulo na ng tubig ang oso at saka binudbod ang mga pampalasa. "Paki separate mo nga yung pula ng itlog." tinulungan naman siya ng kaibigan. Si Wendy na rin ang nagbate ng mga ito para sa kanya.

"Iniinvite niya ako sa bahay nila at kung pwede daw kitang isama! Interesado to sayo." Tuloy pa din sa pagbate ng itlog si Wendy habang pinipiraso naman ni Seulgi ang noodles.


"Hasty Generalization." Aba at nambabato na ng Fallacy of Relevance ang oso sa kanilang argument.


"'Nga pala, bakit hindi mo sinabing kapatid pala yun ni Yeri? Well, half." habang kumukulo ang sabaw ay hinalo ito ng oso habang dahan dahang binuhos ni Wendy ang binateng itlog.


"Hindi ko din alam. Nagulat nga din ako diba? Masikreto yung batang 'yun." Sunod na nilagay nila ang pinirapirasong noodles. 


"Hindi ko pa din nakikita yung buo niyang mukha. Maganda ba talaga?" 'Baka chance ko na palang maging taken.'


"Oo grabe! Kung hindi lang kay.. I mean kung walang ibang tao dun baka naglaway na ako sa ganda nya." Lumalambot na ang noodles kaya inihanda na nila ulit ang mesa. 


"Sobrang anghang!" Hiyaw ni Wendy. "Bakit puro spicy beef kinuha mo?" 


"Inaantok pa ako e." 


"Ewan ko sayo. PG. Kakakain mo lang e." 


"Share naman tayo dyan ah!" 


"Pero ang hatian 7:3?" 


"Edi ikaw maghati. Grabe 'to." Napanguso si osos nang agawin sa kanyang ang sandok. Equal na equal ang hati.


"Nga pala. Dun na tayo sa resto-bar ni ate Taeyeon mananghali, ibibigay ko na din yung cookies na ginawa ko." 


"Fine. Namimiss ko na din yun e."

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
Yung kinanta ni Seunggu at Joy yung "I'm a butterfly" by YB lol. Pareho kasi nilang kinanta. Tas yung ganap ni wendy at seunggyu sa singderella

Comments

You must be logged in to comment
parkjaeyoung801 #1
Chapter 15: 2024 na sa isang araw..
pero eto ako pauulit na kinikilig at pauulit na naiiwan sa ere..
ang sakit.. lam mo ba yun..
🤣🤣🤣🤣
Kylie_123 #2
Chapter 12: Hahaha lambot yarn?
Kylie_123 #3
Chapter 8: Hahahahaha 😂😂
alizoneeee
#4
Chapter 15: hello?? anybody home?
notjoohyunn
#5
Chapter 15: update po huhuhu :<
Softtacos #6
Chapter 15: Awts pain lungkot lumbay…
Binasa ko kasi kahit alam kong bitin, ayun… bitin

Ganda pa namaaaaaaaan
SEULRENEHAHAHA #7
nakalimutan mo ata password mo author
SEULRENEHAHAHA #8
tapos nako mag wait wth respect nag comeback na redvelvet:DD
seulrenebears_
#9
Chapter 15: waiting po ud jdksjsnse super funny po hahahaha tawan tawa ako hihi sana may kasunod pa!
Jominjeong_yookim #10
Chapter 15: Otornim pagalawin mo naman yung baso kung gusto mo lang naman