four

Room 203

Inaayos ni Wendy ang posisyon ng kanyang camera habang makikitang nag-iinat si Seulgi sa background. Nasa isang dance studio sila ngayong araw ng sabado. Sabado ang araw nilang mag bff at ngayon ay nasa mood si Seulgi para sumayaw. Bilang mabait na kaibigan ay pumayag agad si Wendy kesa tumambay nanaman sila sa apartment nila habang nagpapalaki ng tiyan. (lumalamon)

"Ayan okey na." pahayag ni Wendy nang makuntento sa pagkaka-anggulo ng kanyang camera. Isasama niya ito sa kanya 'vlogs'. 

Kilalang youtuber si Wendy at may 150 thousand subscribers na nalikom niya dahil sa kanya mga song covers at original compositions na nagva-viral. Idagdag na rin ang kanyang magandang personality at ang mangilan-ngilang clips ni Seulgi (at abs nya) na sumasayaw. 

Sa last vlog niya ay maraming naghahanap kay Seulgi nang mamention niya ito kaya't ang mga uhaw sa abs-I mean kay Seulgi ay nagwala sa comment section and Wendy is going to give the gays what they want.

Tamang-tama rin ang suot ni Seulgi na black sports bra at gray sweatpants. Paniguradong magwawala nanaman ang kalahati (inaamin na ng iba na nagsubscribe lang sila para sa abs nila ni Seulgi) ng subs niya. Napatunayan niya yun nang magpost siya ng stolen shot ni Seulgi with the 'lesbian filter' bago niya pa ma-set-up ang kanyang camera. Naka two hundred hearts agad ito sa instagram at nagdagsaan ang mga bakla.

"Hey guys! Look who is with me." Tinuro niya ang kaibigan at nahagip ng camera ang dismayado niyang mukha nang hindi siya pansinin nito. Patuloy na nagsasayaw ang oso.

"Seulgi! Kumaway ka naman sa mga uhaw sa katawan mo!" Tawag niya sa kaibigan na saka lamang natauhan at tumigil sa pagsasayaw ng makita ang camera. 

"Hi!" Masayang bati ng pawis na pawis na si Seulgi at kumaway pa sa camera. Kumakaway din ang abs nitong kumikinang sa pawis. 

"Okey na ba ha? Masaya na ba kayo? Busog na ba ang mga mata nyo? O baka hinihintay niyo rin yung sa akin?" Tukso ni Wendy. Nakasuot siya ng hoody at leggings ngayon at wala talaga siyang balak na ibandera ang katawan niya ngayong may dalaw siya. 

"Kaya ka ba pumayag na dito tayo sa studio at hindi mo ako pinagpalit ng damit? Para sa views?" Umaktong na-offend si Seulgi saka humarap sa camera, nakabandera ang abs nito. 

"Eto ba ang role model nyo? Ginagamit niya yung pagkakaibigan namin para sa views. I'm seriously hurt." Nag-iyak-iyakan pa ito saka kunwaring lalayas. Tinignan lang siya ni Wendy saka pinagpatuloy ang pagba-vlog. 

"Pasensya na kayo medyo papansin siya lately. Pero hindi na yun mahalaga kasi may kuwento ako sa inyo!" Tila bulateng inasinan si Wendy habang inaalala ang pagkikita nila ni Senior Irene niya. Lodi forever.

"Last week, inimbitahan ako ng isa naming friend na mag-overnight sa kanila. Syempre pumayag na ako kasi first time ko din makakapunta sa kanila saka kailangan nila ng nakakatanda. They're junior high school students." Kwento niya sa camera. 

Sa background makikita si Seulgi na nakahiga sa sahig habang kumakain ng dala nilang junk foods. Nakikinig rin ito sa kwento ng kaibigan dahil pagkatapos niyang matanggap ang text message ng kaibigan noong gabing iyon ay hindi na ito nagkwento pa. Maski ang kapatid niyang si Mina na sobrang bait ay tikom ang bibig. 

"Oh my gosh! Tuwing naalala ko talagang kinikilig ako e!" Umakto itong kinikilig-kilig habang hinuhusgahan naman siya ni Seulgi sa background. Marami-rami din siyang i-e-edit na parts. Kailangan na din niyang humanap ng memes.

"Eto na. May senior kasi kami sa SMU na sobrang hinahangaan ko talaga! Sobrang ganda niya, pang out of this world guys! Magaling siya sa archery, top student tapos nagte-teatro pa! Magaling magluto, maglaba saka magplantsa. Guys full package na 'to." Akala mo'y naglalako ng mamahaling kitchen appliances si Wendy sa way ng pagkukwento niya pati na din ang mga hand gestures niya. 

"Hindi mo pa kinukwento sa akin yung nangyari sa overnight na yun tapos ikukwento mo na sa viewers mo? Nagkakalamat na ang pagkakaibigan natin, Wendy." Reklamo ni Seulgi. Hindi pa rin niya nakikita ng buo ang itsura ng Senior Irene na iyan. Ang OA pa magkwento ni Wendy kaya lalo siyang na-curious. 

"Edi makinig ka nalang diyan!" Saka ikinwento ni Wendy ang buong gabi niya sa bahay ng mga Bae.

"Hinatak ka niya sa kusina nila para sabihing subscriber mo siya sa youtube at fan siya ng mga sinusulat mong kanta? She hugged you kaya ka namula." Pag-uulit ni Seulgi sa mga nalikom niyang info.

"Yes! Ay naku Seulgi kung andun ka lang. Haaay!" Tinignan niya ng makahulugan ang kaibigang oso. 

'What will happen if they meet? May nasesense akong something kung magkikita man sila.'

"Alam mo naman siguro na dahil sa pagkukwento mo niyan sa youtube account mo ay ibig sabihin makikita niya at malalaman niya yang pagnanasa sa kanya." Tukso ng uso. May ganang manukso kasi wala yung dalawang katas impyerno na nagpapahirap ng buhay niya.

"Okey lang duh." Inayos niya ang buhok saka naupo ng maayos. "Senior, alam kong malalaman mo kaagad ito, thank you for subscribing and liking my videos! Sana minsan makasama kita sa vlogs ko! Thank you." Mensahe ni Wendy. 

Bumalik nanaman ang nanghuhusgang ekspresyon sa mukha ni Seulgi. She even mouthed 'crazy' saka tumayo sa pagkakahiga. 

"Hoy nakita ko 'yun!" Reklamo ng kaibigan. 

Makikita sa video kung paano sila magkasatan at magsalahula. Nagbabatuhan sila ng pagkain. 

***

Napangiti si Irene sa pinapanuod niyang bagong vlog ni "WhenWandyVlogs"

Alas-sais pa lang ng umaga at kakagising lang niya. Nagche-check siya ng notifications niya nang makita niyang nag-upload ng bagong video ang paborito niyang vlogger.

Hindi niya ine-expect na mami-meet niya ito sa personal at sa sarili pa niyang pamamahay. Sinu-sino pa bang mga kilalang tao ang kinakaibigan ni Yeri? 

"Senior, alam kong malalaman mo kaagad ito, thank you for subscribing and liking my videos! Sana minsan makasama kita sa vlogs ko! Thank you." sabi ni Wendy sa video. 

Kanina pa siya tawa ng tawa sa pagtatalo ng mag bestfriend. Ang tagal din niyang tinititigan ang abs ng bestfriend ng youtuber. Ngayon niya lang ito nakita. Wala pang limang buwan ng madiskubre niya ang vlogs ni Wendy.

Wala din sa mga napanuod niyang videos ang nasabing bestfriend dahil puro song covers at music videos lang ang pinapanuod niya at first time niyang manuod ng " The Daily life of Windy"

'Sinadya ba talaga niyang mali ang spelling ng pangalan niya? Wandy tapos ngayon naman Windy.' 

Base sa mga comments, sa 200 videos (80 ay music related) ni Wendy ay nasa sampong videos lang makikita ang kaibigan nito (at ang abs) 

"Ikaw pala si Seulgi.." bulong niya, titig na titig ang mata sa oso. 

Nang matapos ang video ay nagcomment siya.

Irene Bae: 6 am palang pero tawa na ako ng tawa sa inyo! Hello Rookie, I would love to be in your vlogs! Punta ka ulit sa bahay. You can bring your bestfriend if you want 😄😄 

Pagkatapos ay pumunta agad siya sa search bar at nagtype ng bagong mapapanuod. 

"WhenWandyVlogs and Seulgi" at naglabasan ang mga videos na kasama ng vlogger ang bestfriend nitong oso. 

Nangunguna ang video na may titulong "My Dancing Machine BFF" na nakalikom ng 4.3 million views. Isa sa mga popular video ng vlogger. Ang pinaka mataas na views niya ay umabot ng 13 million para sa isa niyang Music Video.

Bago niya panuorin ay tinignan muna ni Irene ang mga comments. Ayaw niyang ma-shook ng maaga. 

gayass: whO IS SHE AND WHY ARE WE ONLY SEEING HER NOW WENDY SWEETIE EXPLAIN YOURSELF!!
(2.3k thumbs up)

YooAinmymind: i was gonna unsubscribe nung ing upload mo to!!
(785 thumbs up)

Hoera: those ABS tho
Edit: watch red flavor mv aka the song of the year!!
(3.7k thumbs up)

'Red Flavor? Hmm. Matignan nga mamaya.' 

After niyang masatisfied sa mga nabasa ay pinanuod na niya ang video and girl let me tell you

Muntik na siyang malaglag sa kama! 

"Oh my gosh!" Napigil niya ang hininga niya at nagmadaling ing-pause ang video.

Nagsimula ang video na blurry hanggang sa magfocus sa abs. Sa ABS saka ito nag zoom out at nakita ang whole body shot ni Seulgi. Naka crop top ito saka black leggings. Naka messy bun naman ang itim nitong buhok. 

"S-she's so hot.." bulong ni Irene sa hangina habang pinapakalma ang sarili.

'Paano siya naging kaibigan ni Yeri?!'

Nang makalma ay nag press play siyang muli at nagsimula nang sumayaw si Seulgi sa video. Sa audio cover ng kantang New Rules ni Dua Lipa.

".." tila na naiputan ng ibong adarna bird si Irene at para itong naging bato. Irene is not gay sa pagkakaalam niya. Pero ngayon hindi na niya alam. 

Napa charismatic ng bawat galaw ng dancer sa video. Bawat pitik ng balakang niya at bawat tingin sa lente ng camera ay parang hipnotismo sa manunuod.

Maya maya pa ay pumasok na sa frame si Wendy na may hawak na mic. Siya pala ang kumakanta. Yes, live na kumakanta si Wendy habang sumasayaw naman ang kaibigan nito. 

At nang matapos ang video ay parang mga bata itong pumalakpak at tumalon-talon. May dalawang tao ring pumasok sa frame at laking shook ni Irene ng makitang si Joy at Yeri ang mga ito. Akala ni Irene ay tapos na ang video nang lumitaw ang salitang bloopers at ipakita kung paano nila binuo ang makalalaglag na video. 

Pinakita doon na tatlo pala ang cameraman nila. Si Yeri, Joy at ang nagpakilalang si Moonbyul. 

"Kelan kaya kita mami-meet?" Bulong ulit ni Irene sa sarili habang tinitignan ang screen shot   niya ng whole body shot ni Seulgi.

Lingid sa kaalaman niya ay magtatagpo sila sa hindi inaasahang pagkakataon.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
Yung kinanta ni Seunggu at Joy yung "I'm a butterfly" by YB lol. Pareho kasi nilang kinanta. Tas yung ganap ni wendy at seunggyu sa singderella

Comments

You must be logged in to comment
parkjaeyoung801 #1
Chapter 15: 2024 na sa isang araw..
pero eto ako pauulit na kinikilig at pauulit na naiiwan sa ere..
ang sakit.. lam mo ba yun..
🤣🤣🤣🤣
Kylie_123 #2
Chapter 12: Hahaha lambot yarn?
Kylie_123 #3
Chapter 8: Hahahahaha 😂😂
alizoneeee
#4
Chapter 15: hello?? anybody home?
notjoohyunn
#5
Chapter 15: update po huhuhu :<
Softtacos #6
Chapter 15: Awts pain lungkot lumbay…
Binasa ko kasi kahit alam kong bitin, ayun… bitin

Ganda pa namaaaaaaaan
SEULRENEHAHAHA #7
nakalimutan mo ata password mo author
SEULRENEHAHAHA #8
tapos nako mag wait wth respect nag comeback na redvelvet:DD
seulrenebears_
#9
Chapter 15: waiting po ud jdksjsnse super funny po hahahaha tawan tawa ako hihi sana may kasunod pa!
Jominjeong_yookim #10
Chapter 15: Otornim pagalawin mo naman yung baso kung gusto mo lang naman