Chapter 4 :")

Oppa dongsaeng [On-going]

 

*Kriiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiiing!*

 

“Huh? Aga pa. 5 minutes pa” tinignan ko ung alarm clock ko. 4:30am pala ako nag alarm eh 7am pa klase ko. Ang aga ko pala nag alarm.

 

*Kriiiiiiiing! Kriiiiiiiiiing!*

 

Sige na babangon na. Lagi naman ganito mga estudyante eh. 1st day, lagi excited. Sobrang malinis ang physical appearance, mabango, neat tignan. Tapos maaga pa papasok.

 

Hinatid na ako ni ate Jenny sa Seoul International School, wala kasi si asawa nya eh.

 

“Goodluck Aby! Hwaiting~” cheer up sakin ni ate Jenny.

Nag buntong hininga ako.

“Hays! Hwaiting. Kamsahamnida” sabi kong naka taas ang fist then nag bow kay ate Jenny.

 

Sinarado na nya bintana ng kotse at umalis na.

 

Ok. This is it! This is really is it is it it! Tongue twister ba? HAHAHA:D

 

Hinanap ko ang room 310. Nag tanong ako sa naka salubong kong babae na mukhang Filipino. Syempre, para hindi mapahiya, english muna ginamit kong language.

 

“Excuse me. May I ask a question?”

 

“Yes?” sagot nya parang nag aalinlangan.

 

“Uuuuhh. Do you know where room 310 is?”

 

“Oh! You’re looking for that room? That’s my room too. Are you a freshmen?” tanong nya sakin.

 

“Yes. Yes I am. So? Are we classmates?” tanong ko.

“I guess yes. What is your nationality?” sabi nya.

“Ah. I’m from the Philippines. I’m a Filipino. You?”

“Ay grabe! Filipino din ako! Wow! Ang saya naman” bigkas nya habang nag tatalon.

 

Nagulat ako nung nag Tagalog sya ah. Sige, talon nalang din ako.

 

“talaga? Wow! Atleast kahit papaano magagamit ko language ko dito sa school” sabi ko.

 

“Kaya nga eh. Sa 3rd floor pala yung 310. Tara na!” hinawakan nya bigla kamay ko at umakyat na ng hagdan.

 

“Ano pangalan mo?” tanong nya sakin.

“Aby. Ikaw?”

“ako nga pala si Mae. Nice to meet you” inabot nya sakin kamay nya na parang makikipag shake hands.

“hehe. Same here” shake hands kami.

 

Pag dating namin sa 310, almost lahat Koreano at Koreana. Kaya ikinagulat namin yun.

 

“teka. Mali yata tayo ng room” sabi ko kay Mae.

“hindi. Sure ako 310 to. Teka, mag tatanong ako ah” may nilapitan sya isang estudyante. Nag korean sya. Wow! Galing naman ni Mae.

 

“Sabi sayo eh. Dito tayo. Tara pasok na”  hinila nya ko papasok sa room.

 

Almost lahat naka tingin samin o sa akin. If ever sa akin man, hindi na ako mag tataka. College student ba talaga to? Parang elementary lang eh. Sure ako yan nasa isip nila. Hayst! Hirap maging maliit ah!

 

Habang ung ibang estudyante nag dadaldalan, kami rin ni Mae may sariling mundo. Agaw pansin yung pagka bukas ng pintuan sa harap. Nang makita naming lahat yung pumasok, nag tilian sila pati si Mae napa takip ng bibig sa pagka gulat.

 

Bakit ano meron? Teka. Familiar to ah! Saan ko nga ba nakita ko? Mag aala Jimmy Neutron muna ko.

Mind. Thiiiiiiink. Thiiiiiiink... Sige isip pa..

Ah! Brain blast! Haha. Jimmy Neutron peg ko.

Siya yung nakita ko sa enrollment. Tsaka isa pa eh, hindi ko na talaga maalala. Grabe! Ganyan ba sya ka pogi para pag tilian ng mga babae.

 

“sino yan?” tanong ko kay Mae pero hindi ako pinansin at shocked parin sya.

“ui Mae! Sino yan!?” hinila ko ng konti buhok nya.

 

“Aby!!!! Si Lee Jeongmin yan!” sabi nya sakin ng patili.

“ano?” tanong ko.

“si Lee Jeongmin!”

 

“Aaaaah! Oh. Ano meron sakanya?” wala talaga akong kaalam alam.

“hindi ka ba maka KPOP? Member yan ng isang group” sagot nya.

 

“OMG! Hindi eh. Ah! Kaya pala. Anong group?” tanong ko habang naka tingin dun kay Lee Jeongmin daw.

“Boyfriend” sagot ni Mae.

 

Boyfriend? Teka. Familiar na yan eh. Saan ko nga ba nakita o narinig? Teka. Nasakit na ulo ko ah.

“Ah! Sya pala yun!” nasabi ko bigla. Naalala ko na. Sya nga yung nakita ko sa billboard nung kadarating ko lang dito.

“bakit sya nag aaral? Eh artista sya ah!” ok. Madami na akong natatanong.

“ganito kasi talaga. Pag artista ka tapos hindi ka nakapag tapos ng pag-aaral, mababa tingin sayo. Kaya kahit gaano ka pa ka busy need pumasok” inexplain sakin ni Mae.

 

Medyo nalilinawan nako.

 

Umupo si Jeongmin sa tabi ko. Teka! Sa tabi ko. Oh em gee! Ang bilis ng tibok ng puso ko di ko alam gagawin ko. Nanlaki nalang bigla mata  ko. Halaaa! Shizz! Di ako maka tingin sakanya.

 

“Aby! Katabi mo sya oh em gee!” natatarantang sinabi sa akin ni Mae.

“oo alam ko! Nahihiya nga ako eh kaya sayo ako naka harap”

 

Dumating na yung prof.namin.. Konti konti ko na dinederetso tingin ko sa harapan pero napa tingin ako bigla kay Jeongmin.

 

“annyeonghaseyo~” sabay bow. Hala! Binati nya ako. Napa alis kagad ako ng tingin sakanya. Nahihiya na talaga ako ah. Namumula na ako.

 

Akala ko sa Pinas lang mag iintroduce ng self sa harapan. Pati din pala dito. Now it’s my turn.

 

“annyeonhaseyo yeorubun. Choneun Aaliyah Beatrice Ynarez imnida. But you can call me Aby, I’m a Filipino. I’ve been staying here since December. I hope to be friends with you all. Thank you” sabi ko sa harap ng klase then nag bow na.

 

Okaaaay, muka silang tanga sa itsura nila habang naka tingin sakin. May mali ba?

(hello everyone. I’m Aaliyah Beatrice Ynarez)

 

After ko mag pakilala sa harap, si Jeongmin na. Ayan na naman sila nag tilian. Hindi ko naintindihan sinabi ni Jeongmin, pero sure ako may narinig akong “Boyfriend” na word.

 

“Ano sabi nya?” curious kong patanong kay Mae.

“Ang sabi nya “hello everyone. I’m Boyfriend’s Lee Jeongmin. I’m glad to be classmates with you. Let’s all be friends. When I’m here, please don’t treat me as an artist. Treat me as your classmate. Thank you”

 

“Aaaaaah!” muka naman akong dumbfounded. Okay pa sana sa New York nalang ako atleast English ang language.

 

Nung pabalik na sya sa upuan, nginitian nya ako. Syempre kilig naman ang lola mo, nginitian ko sya abot tenga.

 

                                                            ***********

(bored ba? Sorry po =__=)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ieatdubu
#1
Chapter 13: Hahaha! Ang cute naman nito. <3
^^ Update po! ^^ Natatawa ako sa character ni Aby. :)
Si Bomi parang angel nga. Knight in shining skirt. <33
lazy-ssi #2
Don't worry ate, I'm reading! ^^

Cute naman, she's worried about him!
lazy-ssi #3
Hehe, cuute. She's making awkward conversation with Jeongmin! ^^
megan_choi
#4
UPDATE!!