Chapter 2 :")

Oppa dongsaeng [On-going]

 

Maka lipas ang ilang buwan, naayos na ang passport at visa namin. May ticket narin kami papuntang Korea. Ilang araw nalang, goodbye Philippines na ang peg namin ni mama.

 

Nag advance byebye nako sa mga friendships ko. Pero syempre bago umalis, may despidida muna. Pakain muna sa bahay. Kahit ayaw ni stepdad, wala syang choice. Tutal aalis narin naman kami.

 

“bakla, alam mo ung KPOP?” tanong sakin ng best friend kong si Chloe habang katabi ko sa sala.

“alam ko KPOP pero hindi ko sila gusto. Super Junior, Girls’ Generation, 2NE1 at CNBlue lang alam ko eh” sagot ko sabay subo ng spaghetti.

 

“ay tol! Nako! Daming pogi na KPOP artist ah. Kaso mag kakamukha talaga mga Koreans” sumingit si Alyssa sa usapan namin.

 

“manuod ka minsan ng mga shows nila bakla. Baka magustuhan mo sila kahit papaano” offer ng best friend ko.

“pag-iisipan ko ha” wika ko habang naka titig sa spaghetti.

 

Lumapit din ung isa pa naming kaibigan na si Marie at sinabing “pustahan tayo mga tol! Mag kaka boyfriend yan na Koreano!”

 

Ay oo nga pala, “tol” tawagan naming mag kakaibigan. 20 kami sa barkada. 12 na babae at 8 na lalaki. Kompleto kami sa despidida namin ni mama, syempre, mga mukhang pagkain tong mga to eh.

 

“Lul tol! Asa ka! Di nga yan nakikipag usap sa lalaki except sakanila eh” sabat ni Alyssa sabay turo sa mga lalaki kong ka tropa.

“oo! Sa tingin ko hindi ako magkaka boyfriend dun. Ayoko. Bata pa ko hahaha!” biro ko.

 

*makalipas ang ilang araw*

 

Bumaba na kami ng taxi at pumasok na sa entrance ng NAIA airport. Muka naman akong taga bundok nakakahiya! Napamangha ako sa mga nakikita ko. Nag lilibot mata ko sa airport.

 

“yiiiie! Excited nako mama!” sabi ko kay mama habang hinihila braso nya.

 

Habang nakaupo nag hihintay sa flight namin, nag reminisce ako ng mga ala-ala ko dito sa Pilipinas. Naiiyak ako pero pilit ko pinipigilan kaya kumain nalang ako ng chocolate.

 

“Flight 8701. Flight to Seoul, Korea” – sabi ng babae sa speaker.

 

“Oh tara na bhe!” tumayo si mama.

 

Pagka tayo ko, nag buntong hininga ako.

 

“haaayst! Goodbye Philippines. Farewell. I will miss you”

 

Ok. Ang drama ko eh noh?

 

~~~
Teka, nasusuka nako. Hindi ko na to kaya.

 

“mama. Nasusuka ako” mahinhin kong sinabi kay mama at hawak ang aking bibig.

“pasama ka sa stewardess sa comfort room” tinawag ni mama ung babaeng napaka tangkad at nakasuot ng uniporme.

 

Pagka tapos ko mag labas ng sama ng loob sa CR, bumalik nako sa upuan ko. Nakipag palit nako kay mama ng upuan. Hindi ko kaya sa may bintana, malalaglag yata kaluluwa ko eh.

 

Since 4-5 hours daw ang biyahe, natulog muna kami ni mama.

~~~

Naalipungatan na ako at nagising. Ano ba yan, may laway pa ako sa labi. Akala ko nananaginip lang ako na pupunta kaming Korea. Totoo pala. Miss ko na kaagad ang Philippines.

 

“Ladies and Gentlemen, we're 5 minutes from our destination. Please fasten your seat backs and make sure your lap trays are up and your seat backs in the full upright position.

Please turn off all electrical devices until we're at the terminal.

We will arrive on schedule local Korea time 4:50pm. The temperature is reported to be 28 degree Celsius.” Sabi ng stewardess. Oh diba natandaan ko lahat ng sinabi nya. HAHAHA!

 

“Mama!! Malapit na tayo! Palit na tayo pwesto. Gusto ko makita view ng Korea from the sky eh” ginigising ko si mama.

 

Pagka baba namin ng airplane. WOW!!!! Tuwang tuwa ako sa nakita ko. Snow. Wii!~ December na nga pala.

 

Sinalubong na kami ng pinsan kong si ate Jenny, wala na sa muka nyang Filipino sya. Mukha na syang Koreana hahaha!

 

“Ice!” sigaw nya habang papalapit samin ni mama.

 

Ano daw? Ice?! Nasaan? Tumingin ako sa taas. Baka kasi may malalaglag na yelo sa amin. Wala naman.

 

“Ice! Ang laki mo na!” biglang yakap sakin.

“Ah. Eh. Hehe! Bakit ice po?” sabi ko with a curious reaction.

“Nickname mo yan nung bata ka pa. Shortcut for Beatrice. Hindi na ba yun nickname mo?” sabi ni ate Jenny.

“Ah. Hindi na po eh. “Aby” na. Shortcut for Aaliyah Beatrice Ynarez po” explain ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ieatdubu
#1
Chapter 13: Hahaha! Ang cute naman nito. <3
^^ Update po! ^^ Natatawa ako sa character ni Aby. :)
Si Bomi parang angel nga. Knight in shining skirt. <33
lazy-ssi #2
Don't worry ate, I'm reading! ^^

Cute naman, she's worried about him!
lazy-ssi #3
Hehe, cuute. She's making awkward conversation with Jeongmin! ^^
megan_choi
#4
UPDATE!!