Chapter 3 :")

Oppa dongsaeng [On-going]

 

Habang nag mamaneho na si ate Jenny patungo sa bahay nila, syempre ako nag ttour yung eyes ko sa window ng kotse nya. Grabe! Iba talaga pag nasa ibang bansa ka. Para kang taga probinsya na 1st time makapunta ng Maynila. Lahat bago sa paningin mo. Halos tumulo na laway ko kasi lahat ng makita ko napaka ganda talaga.

 

Kinuha ko sa cellphone ko sa bag ko. Ittext ko sana best friend ko kaso naalala ko, hindi pa pala ako naka roam. Hayst! Namiss ko na kagad Pilipinas. 6 hours palang kami wala dun. Ayan tuloy,lumungkot itsura ko. Pero bigla rin ito nawala nung may nakita akong billboard ng KPOP group. “Boyfriend” yata yung name. Waaaaah! Ang pogi nila lalo na yung parang kamukha ni Minhyuk ata yun sa CNBlue?

 

“ate Jenny, sikat KPOP dito?” tanong ko.

“oo sobra. Kutob ko magugustuhan mo rin yan pag naimpluwensyahan ka ng mga magiging Korean friends mo” sabi nya.

“Ha! Sana nga po meron” patawa kong sinabi.

 

~~~

Pag dating namin sa bahay nya, may sumalubong samin isang babae. Akala ko friend nya, maid pala. Wow! Maid! Hahaha:D

 

Nag usap sila ng Korean, so iniwan ko na sila dun at nag libot sa 2 storey house nya. Maganda naman. Medyo malaki. Up and down then puro gadgets.

 

“Ate Jenny, may anak kana?” tanong ko bigla.

“ay oo! Tara. Akyat tayo. Nasa taas sila” aya nya.

 

Pinakilala ako ni ate Jenny sa dalawang anak nya na mukang nasa 6-8 years old palang, 1 boy and 1 girl. Kaso dineadma nila ako. Ako na nga tong nag hi, abot tenga ngiti at nag wave tapos sila, tingin lang sakin then wala na? WOW huh! Kainis lang. May asawa rin sya kaso bihira umuuwi. Busy daw sa work eh. Sus! Nambababae lang yun.Joke!

 

~~~

Maka lipas ang pasko, bagong taon, valentine’s, at birthday ko. May na.

(A/N: pasensya na po ang dami kong nilaktawan na months)

 

Medyo may alam na akong Korean basic words, phrases, greetings etc. Marunong narin ako kumain ng Korean foods at mag chopstick. Naka roaming narin # ko so nagkaka text na kami mag kakatropa.

 

Nag enjoy ako nung snow days kasi lagi ako nag lalaro sa snow. Syempre, 1st time kaya nilubos ko na. Ang cute din ng mga items nila tapos narealize ko na hindi naman pala sila mag kakamukha. Tsaka nag ttrabaho din si mama sa call center. Na naman? Yun lang ata alam ni mama na work eh haha!

 

“Aby, malapit na pasukan. Since may pera nako, mag college kana dito huh?” sabi sakin ni mama.

“Mwo!? Eh ayoko!” tutol ko. Ayan, napapa Korean narin ako paminsan minsan. Nasasabi ko na mga alam kong words.

“Anong gusto mo? Ngumanga ka dito sa Korea!?” pasigaw sinabi sakin ni mama.

(Mwo ? – what?)

 

Ayaw ko naman na mag sigawan na naman kami kaya nag “tsk” nalang ako.

 

“Sa ayaw at sa gusto mo, ieenroll kita! Jenny, saan ba may International school dito?”

 

Naiinis ako kay mama! Sinabi nang ayoko nga mag aral dito eh! Nag make face nalang ako sa inis ko.

 

~~~

May 23.

 

“anak. Gising na. May pupuntahan tayo” sabi ni mama habang tinatapik balikat ko.

 

“eodi?”

 

“ieenroll na kita sa Seoul International School” sagot nya.

 

“eh! AYOKO NGA!” sigaw ko then biglang nag takip ng kumot sa mukha.

 

“may mga Filipino naman dun eh”

 

Napaisip ako saglit pero nakapag decide din kagad na ayaw ko parin.

 

“Aby, go enroll now. Study” biglang pasok si Mr. Park. Asawa ni ate Jenny.

 

“arrasseo!” pasigaw ko at tumayo na sa kama.

 

Aish~ kainis naman eh!

(eodi – where? Arrasseo – understand)

 

Ang dami sinasabi sakin ni mama na dapat gawin ko daw pag nag aaral nako. Kunwari nalang ako nakikinig at puro ‘ok’ lang sagot ko.

 

“we’re here” sabi ni Mr. Park.

 

“eh? I’m going to study here? Wow! So big!” napa nganga kong sinabi sakanya.

 

Mag ppark palang si Mr.Park (naks! Park!), halatang international school nga. Halo halong lahi nakikita ko. Lalo tuloy ako kinakabahan parang ayaw ko na talaga.

 

Kami lang ni mama bumaba ng kotse kasi may kakausapin daw sa cellphone si Mr.Park. Edi ayun.

 

“mama. Ayoko na ata” bigla akong tumigil sa paglalakad.

 

“wag ka kabahan. May Filipino naman dito eh”

 

“kahit na. Ayoko na” hindi talaga ako nag lalakad.

 

“hay nako! Wag kana mag inarte jan. Halika na sabi eh!” hinila ni mama kamay ko.

 

Para tuloy akong batang nag mumukmok. Kumapit kasi ako bigla sa may poste para hindi mahila ni mama.

 

“Aaliyah Beatrice umayos ka! Nakaka hiya ka! College student kana para ka pang bata!” pinagalitan ako.

 

“eh! Bata naman talaga ako eh. Height at ichura palang bata na. Ayoko!” niyakap ko na ung poste.

 

“kukunin ko cellphone mo pag hindi ka nagpa enroll!”

 

Nung sinabi ni mama yun, napa bitaw kagad ako sa poste.

 

“Enroll lang ah. Pero hindi mag aaral. Tara na!”

Ang weird ko noh? HAHAHA!

 

Pumasok kami ni mama sa may registrar office. Eto na naman ako,nag bago na naman isip ko habang kinakausap ni mama ung babae.

 

“Kasi naman eh. Ayoko nga mag aral dito eh!” reklamo ko kay mama habang nag reregister kami sa international school dito sa Korea.

Ni roll ko eyes ko kay mama sa inis. Pag tingin ko sa kaliwang side ko. May lalaking 5’7 ang tangkad na biglang pumasok sa pinto. Parang biglang nawala inis ko nun. Napa titig nalang ako sakanya. “Ang cute nya naman. May kamukha sya eh. Drummer ng CNBlue, yata tsaka yung sa billboard na nakita ko? Hindi ko sure. Sabagay, magkaka mukha naman mga Koreans eh.

Teka, dito ba sya mag aaral?” sabi ko sa isip ko. Sinundan ko sya ng tingin kung saan sya pupunta. May kinausap syang isang staff sa faculty at may binigay na papel sakanya. Same ng sinusulatan ni mama. OMG! Dito sya mag aaral?!

 

“sige na nga! Mag-aaral na!” bigla kong sinabi kay mama. Anubeyen! Nadala ako sa kapogian nya.

 

“Okay Ms. Ynarez?” ako yata kausap nung babae. Sige tingin nalang.

“Your class starts on June 16 . Here is the schedule of your classes” sabi nya at may inabot na papel sakin.

 

Nanlaki mata ko na nabasa ko. Ano yun! Every day may pasok pati Saturday? Sa Philippines, hati hati schedule pag college ah! Iba talaga pag nasa ibang bansa.Kainis!

 

“Ah. Kamsahamnida (thank you)” sabi ko sabay bow. Ganun sa Korea eh. Respeto daw ang pag bow sa tao pag nag papasalamat, mang hihingi ng patawad at kapag babati.

 

Sana man lang may maging kaklase akong Filipino at sana maging classmate ko yung Minhyuk look-alike . Ay nakoo! 1st time lumandi? Hehe.

 

Bumili narin kami ng mga requirements + uniform. Medyo type ko uniform nila. Suit sa taste ko.

Kaso medyo maikli yung palda. Makikita na kaluluwa ko eh.

 

 

                                                 **********

(A/N: Boring ba? Wag nyo na ituloy hahaha. Boring na tao katulad ko ay nag result na boring na story. Humihingi po ako ng paumanhin)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ieatdubu
#1
Chapter 13: Hahaha! Ang cute naman nito. <3
^^ Update po! ^^ Natatawa ako sa character ni Aby. :)
Si Bomi parang angel nga. Knight in shining skirt. <33
lazy-ssi #2
Don't worry ate, I'm reading! ^^

Cute naman, she's worried about him!
lazy-ssi #3
Hehe, cuute. She's making awkward conversation with Jeongmin! ^^
megan_choi
#4
UPDATE!!