Chapter 1 :")

Oppa dongsaeng [On-going]

 

*Introduction*

 

Ako nga pala si Aaliyah Beatrice Ynarez (pronounce as “Inarez”) but nick name ko “Aby”. Mag18 y/o na ako, ang height ko ay di sapat sa edad ko. Muka akong 13 years old sabi nila tapos baby face pa. Nakatira ako sa Alabang kasama ang mama kong napaka emotional, step dad na sira na ata ang ulo at isang step brother na ubod ng tigas ng ulo. I know right? Magulo family namin. Well, that’s life. Kaka graduate ko lang ng high school noong April. July palang ngayon. Nag stop muna ko kasi financial problem. Yung step dad ko, masyado madamot sa pera. Ayaw kami bigyan ni mama. Para nga kaming alipin dito sa bahay eh. May work naman si mama, call center agent sya sa Manila kaso kulang sinusweldo kasi sya nag babayad ng kuryente at tubig namin. Walang silbi si stepdad.

 

“anak!” – sigaw ni mama tinatawag na naman ako.

“ano?!” pagalit kong sinigaw.

“rereklamo ka na naman? Bumaba ka nga dito!”

 

Yes. Lagi kami nag sisigawan dito sa bahay. Daily routine namin yan hahaha!

 

Pagka baba ko sa sala, inutusan ako ni mama pumunta sa mall para bumili ng clearbook sa bookstore. Wala kasing malapit na bookstore dito since subdivision to.

 

*sa mall*

 

“ang bait talaga ni mama. May bayad talaga pag utos nya sakin. Saan kaya pwede pumunta?” sabi ko sa sarili ko pagka labas ko sa bookstore. Pag may pera akong hawak, mag isa ko ginagastos to. I love dating myself lalo na pag badtrip or may problem ako.

 

Punta nalang muna ako sa Timezone para mag laro ng basketball. Yun oh! Ansabee ng score ko? 98 lang hahaha! Okay lang yan babae naman ako eh.

 

Next, sa may race car. Woo~ pang 3rd? LOL. Pulube!

 

3rd libangan, sa may arcade. Tekken 6. Teka, pansin nyo ba pang lalaki nilalaro ko? Medyo boyish ako eh. Pero di ako tibo o tomboy ah! Ganito talaga ako umasta para lalong walang lumapit na lalaki sakin. Haha! Takot ako sa lalaki eh LOL:D bukod sa maliit at ngipin ko ay parang kay Spongebob, lalo ko pa pinapasama image ko sakanila haha!

 

Habang nag lalaro, nakaka 3 consecutive wins nako nang may nag challenge sakin. Gorabells nalang ako. 1st game palang talo na ako? Galing naman ng kalaban ko. Dahan dahan ako sumilip sa kabilang side ng nilalaro ko. Kaya naman pala! Mga unggoy este mga Koreans pala ung naka laban ko eh. Nayayabangan ako sakanila ng hindi ko alam kung bakit tapos matataray pa mga Korean girls.

 

Hindi ko namamalayan 5pm na pala. Nag text na si mama sakin at pinapauwi na ako. Nung kinuha ko ung paper bag na binili ko sa ilalim ng arcade table, pagka tayo ko may nasagi ako.

 

“Ay sorry po!” sabi ko kahit hindi pa naka tingin. Nag salita sya pero ibang lenguahe ginamit, pag lingon ko, ah!! Kaya pala eh. Koreano! Mairapan nga.

 

“babo!” sigaw nya sakin. Ano daw? Baboy? Hindi naman ako ganun kataba ah. Sakto lang. Grabe makapang lait kuya tadyakan kita jan eh!

(A/N: Babo – Korean word for “Stupid”)

~~~
Pagka uwi ko ng bahay, as usual, nag aaway na naman si mama at stepdad. Dineadma ko nalang sila at dumiretso akyat sa kwarto ko. Tinext ko nalang best friend ko.

 

“Kainis! Away na naman sila mama at daddy! Pag ako napuno na, papatayin ko talaga yang demonyong tatay ko!” text ko sa best friend ko.

 

Umakyat si mama nang nakikipag usap sa sarili.

 

“bhe” sabi nya sakin.

“Oh? Ano na naman pinag awayan nyo ni daddy? Sabi ko naman kasi sayo kahit anong batbat mo jan, hindi titigil sa pambabae yan!” pinagalitan ko si mama.

 

“mag iibang bansa na tayo” wika nya.

“Ano!?” nanlaking mata ko sakanya.

“ayusin na natin passport at visa natin next week pagka sweldo ko” tuloy nya.

“Ha? Seryoso ka mama? Baka naman nabigla ka lang. Pwede naman tayo makitira sa iba diba?” tutol ko.

“Hindi tayo tatantanan nyang stepdad mo pag nandito pa tayo sa ‘pinas”

 

Gusto ko na ayoko pumayag sa desisyon ni mama. Gusto ko kasi sawakas, after 16 years of existing in this life, makaka sakay na ako ng eroplano at mararanasan ang pag iibang bansa. Kaso ayoko kasi madami akong ala-ala, kilala, kaibigan na mamimiss dito.

 

“Saan, hanggang kailan tayo?” tanong ko.

“Sa Korea. Dun mo tatapusin college mo” sagot nya sakin.

“Saang Korea? South or North? Teka! Korea!?” nabigla kong sinabi.

“Oo. Sa Seoul tayo. Kay ate Jenny mo tayo titira”

 

Si ate Jenny, pinsan ko sya na nakatira dun simula pa noong 4 y/o palang yata ako.

 

“Hala! Ang panget ng ugali ng mga Koreans eh! For sure pag nauwi ako galing school, puro pasa muka ko dahil sa pakikipag away” reklamo ko.

“napag usapan na namin yan ni ate Jenny. Mabait naman daw ung iba” sabi ni mama.

“ung iba” sinabi ko nang may quotation mark sa word na “iba”.

 

“dami mo tanong at reklamo! Sumunod ka nalang”

 

Naiiyak naman ako. Ayoko pa iwan tong Pilipinas. Mahal ko to. At ayaw ko iwan ang mga kaibigan ko. 6 years akong mawawala.huhu! *iyak*

 

Pina alam ko na sa mga kaibigan at best friend ko about dun. Syempre na shock sila. Wag ko daw sila iwan wala na daw kasing baby sa tropa. Ako kasi baby nila dahil nga sa baby face ako at maliit pa. Nakakaiyak naman tong mga to!

 

“wag kayo mag alala. Ipapa roaming ko tong # ko para text text tayo at GM GM din ha. Haha” reply ko sa kadramahan nila.

 

                                                ****************

(A/N: Kung na boring ka dito, wag mo na ituloy. Hindi joke lang. Tuloy mo pa kahit hanggang Chapter 5? HAHA)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ieatdubu
#1
Chapter 13: Hahaha! Ang cute naman nito. <3
^^ Update po! ^^ Natatawa ako sa character ni Aby. :)
Si Bomi parang angel nga. Knight in shining skirt. <33
lazy-ssi #2
Don't worry ate, I'm reading! ^^

Cute naman, she's worried about him!
lazy-ssi #3
Hehe, cuute. She's making awkward conversation with Jeongmin! ^^
megan_choi
#4
UPDATE!!