that person must be you

daan-daang salita na hindi tapos
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

2012.


 

"CTRL + S! CTRL + S!"

 

"Hoy Win, nandito ka sa concert para magsaya, hindi para manahimik!"

 

"Oo nga pri! Hindi ka ba nag-eenjoy?"

 

Napailing na lang ako. "Inienjoy ko yung music."

 

"KJ!"

 

Patuloy pa nila akong inasar pero hindi ko na lang sila pinansin. Pumikit ako at muling dinama ang musika.

 

Maingay man, dama ko ang saya habang nakikinig. Hindi ko masisisi ang mga taong nandito kasama ko, ang mga kanta nila, parang may magic. Kapag masaya ka, lalo kang sasaya kapag napakinggan mo sila.

 

Natapos ang isang kanta at agad naman itong sinundan ng gitarista ng isang strum, hudyat ng susunod nilang kanta na sumikat ngayong taon lang.

 

Nag-tilian ang lahat ng sinimulan ni Tine ang kanta, habang pasimpleng tumitingin kay Wat ng may ngiti sa labi. Isa ito sa mga dahilan kung bakit sila sumikat, dahil isa sila sa mga unang hindi natakot at nagpakatotoo kahit na wala pang napapatunayan sa industriya. Matapang na sinabi ni Tine na ang kanta nilang ito, ay isinulat niya para kay Wat, ang nobyo niya, at isa sa mga gitarista at sub-vocal nila.

 

Agad na nag-ingay ang mga tao sa paligid, ako naman ay tahimik lang na tumatango sa musika. Napapikit ako, dinadama ang bawat strum ng gitara.

 

"Ay! Omg sorry! Yunjin wtf don’t push me! Sorry po!"

 

Napadilat ako sa mabigat na bumangga sa akin, pagdilat ko, isang babae na yumuyuko habang nagsosorry ang nakita ko.

 

Nangibabaw ang malamig na boses ni Tine sa buong lugar.

 

For someone whom I meet for the first time

 

Maitim ang buhok niya, tingin ko ay mas matangkad sa akin at maputi. Maliit ang mukha, at may suot siyang black shirt, na pinarisan ng black leggings at white shoes. 

 

"O-Okay lang.."

 

Words suddenly resound in my mind

Saying that you are the one for me

And I can't even find the reasons

 

Isang beses pa siyang yumuko bago hinarap at pinalo ang kaibigan niya. Tinawanan lang siya nito saka sila humarap at muling itinaas ang kamay at nag-sway sa musika ng CTRL + S.

 

Parang nag-slow mo ang lahat, hindi ko rin alam.

 

Ang naririnig ko na lang ay ang CTRL + S, habang nakablur ang lahat at siya na lang ang nakikita ko.

 

Ano 'to??

 

You are not someone I dream of

But you know? It must be you no matter what

Just you, you are all that I need

With you is where I want to stay

 

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

 

Ramdam ang kilig at paghanga sa mga tao nang sabay na sinimulan ni Tine at Wat ang chorus.

 

Even if I could turn back time

I am sure I'd pick you every time

I know it right away at the first glance

That you're the one I've been waiting for

You don't need to be like the person in my dream

Being who you are is already enough

The one standing right beside me and ready to walk on together

If I'm asked who is good enough for me

That person must be you

 

Nag-sway lang ang mga tao habang nakataas ang mga kamay, dinadama ang kanta. Sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko na naialis ang paningin sa babaeng nasa harap ko. Saglit ko lang nakita ang mukha niya, pero hindi na ito nawala sa isip ko.

 

--


 

"Win, okay ka lang?"

 

Hinawakan ni Ningning ang balikat ko, mahina itong niyugyog. "Tulala ka na naman."

 

Bahagya kong ginising ang sarili, saka ko napansin ang kakaunti na lang na estudyante sa classroom.

 

"Uwian na Win. Dati-rati pagkalabas na pagkalabas ng prof eh ikaw ang susunod na lalabas ah. Anyare?"

 

Hinilot ko ang sariling sentido. Puyat na naman kasi ako.

 

"May gig pala mamayang 6pm CTRL+S sa almamater ko. Ano g?"

 

Napapikit ako, nawawalan ng pag-asa. Makikita ko kaya siya?

 

"Ning, tingin mo ba may saysay 'tong ginagawa ko?"

 

Umupo si Ningning sa tabi ko. "Alam mo.. sa totoo lang para talagang suntok sa buwan. Pero kasi akalain mo diba?"

 

"Mag-iisang taon na akong umiikot kung saan-saang gig ng CTRL+S."

 

Natahimik naman siya. "So.. titigil ka na?"

 

Ako naman ang nanahimik. 

 

Sa totoo lang, napapagod na ako. 

 

Kaso kasi.. gusto ko siya. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makilala.

 

"Kasi naman Winter, kukunin mo lang yung pangalan! Pangalan lang, may bebe ka na sana ngayon."

 

Napabuntong-hininga na lang ako. Ang laki din ng pagsisisi ko. Sana tinanong ko man lang ang pangalan niya.



 

Even if I could turn back time

I am sure I'd pick you everytime

I know it right away at the first glance

That you're the one I've been waiting for

You don't need to be like the person in my dream

Being who you are is already enough

The one standing right beside me and ready to walk on together

If I'm asked who is good enough for me

That person must be you


 

Matapos banggitin ang huling liriko, nakangiting nagpasalamat si Wat at Tine sa nagtitiliang mga tao. 

 

Nagsimula ng umalis ang mga tao, at bago ko pa matapik ang babae para sana ay magpakilala o kaya makuha man lang ang pangalan niya, dumaan ang isang malaking grupo ng mga tao, inilalayo sa akin ang babae at ang kaibigan nito. 


 

Sinubukan ko silang habulin, pero hindi ko na sila nakita.


 

Binalikan ko sila Ning. "Ning, nakita mo yung babae sa harap ko kanina diba? Yung, yung dumanggil sa akin?"

 

Nalilito siyang tumango. "Oo. Yung nakaitim? Bakit? Ninakawan ka??"

 

"Hindi, hindi. Kilala mo ba yun?"

 

Lalong kumunot ang noo nito. "Hindi Win eh. Dumayo lang ata 'yon, hindi nakauniform. Bakit ba anong nangyayari?"

 

Hindi ako nakapag-salita. Hindi ko din kasi alam. Basta, gusto ko siyang makilala.

 

"W-Wala. Hayaan mo na. Tara na."

 

Isang beses pa niya ako tiningnan bago ayain na umuwi sila Yuna.

 

"Woi! Yuna arat na. Asan sila Yeji?"

 

"Bumiling siomai."

 

"Anak ng, tara na wala na tayong masasakyan!"

 

"Ikaw na lang puntahan mo! Baka masapak ako 'non!"

 

Patuloy silang nag-away habang ako naman ay lumilinga pa rin, umaasang makikita pa siya.

 

Nasaan ka na ba?



 

Mag-iisang taon na rin akong ganito. Kapag may gig sa malapit ang CTRL+S, pinupuntahan ko, susuyurin ang audience, umaasang makita siya kahit isang beses lang.

 

Lagi rin akong bigo.

 

Tinapik ako ni Ning, binabalik ako sa kasalukuyan.

 

"Wag na lang tayo pumunta. May hahabuli din akong pending eh. Tara na't umuwi."

 

Tumayo siya dala ang bag, tinitext malamang ang mga kaibigan namin na hindi na tuloy sa gig.

 

Masama ang loob ko, pero siguro ito na rin yung sign na dapat tumigil ako. Kung naka-tadhana naman kami ulit magkita, magkikita at magkikita kami diba?

 

Isinukbit ko ang sariling bag sa balikat at sinundan si Ningning palabas ng classroom.


 

--


 

Bumababa kami sa hagdan palabas ng building ng may biglang kumapit sa braso ko.

 

Ang bilis ng mga pangyayari, nagulat na lang ako sa mga labing lumapat sa pisngi ko.

 

"Babe! Sabay na tayo umuwi?"

 

Napako lang kaming dalawa ni Ning sa mga kinatatayuan namin.

 

Abot-tenga naman ang ngiti ng babaeng nakakapit pa rin sa braso ko, itinataas nito ang mga kilay na para bang may ipinapahiwatig.

 

May lumapit na isang lalaki sa amin, pilit hinahawakan ang braso ng babae.

 

"C'mon, Karina. You'll scoop that low? Sobrang obvious na ni hindi ka nga niya kilala. Stop bothering other people and just come with me."

 

Hinigpitan ni 'Karina' ang kapit sa braso ko.

 

Agad ko namang nakuha ang gusto niyang gawin ko. Hindi ko pa rin napoproseso ang lahat kaya naman ginawa ko na lang ang unang pumasok sa isip ko.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
nga pala, you can use the drafts kung gusto ninyo ah! pwedeng as is, or babaguhin niyo (parang prompt), kayong bahala! paalam lang kayo sa'kin before doing so. message niyo ako rito, o di kaya sa twitter, @thepatataslover :)

thank you for being here! :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
700 streak #1
gonna read this later, tysm for the ud! 🤍
ryujinie__
700 streak #2
yyaaaaay! #seated tysm ♡