dreams come true

daan-daang salita na hindi tapos
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Hindi ko makakalimutan ang unang beses kaming nagkita.

 

Ang una naming pagkikita ay parang isang bagyo na mabilis ang pagdating; walang anumang babala, walang kahit anong tanda.

 

Hindi ko inaasahan.

 

Nasanay ako sa madilim na mundong namumulatan sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko.

 

Noong una ay hindi ako mapakali, nagtataka, natatakot, naguguluhan, ang pakiramdam ko.

 

Pero matapos ang ilan pang gabi,

 

natutunan kong mahalin ang kadiliman.

 

Malamig man ito, dala nito ang kapayapaang hinahanap ko.

 

Dala nito ang katahimikan at yakap na hanap-hanap ko sa buong araw na pakikipagbuno sa marahas na mundo.

 

Kaya nagulat na lang ako, dahil sa unang pagkakataon, nagkaroon ng kung ano sa kadiliman ko.

 

Ikaw.

 

Nandoon ka.

 

Lumitaw ka na parang alitaptap ng liwanag sa nakasanayan kong madilim at malamig na mundo.

 

Paunti-unti ay naramdaman ko ang dala mong init, ang dala mong yakap na para bang matagal ko na itong hinihintay at sa wakas ay natagpuan ko na ito.

 

Natagpuan na kita.





 

"Sino ka?"

 

Hindi ka sumagot.

 

Ibinaling mo lang ang tingin sa akin saka ngumiti.

 

"Ang dilim naman rito," sabi mo.

 

Hindi ako sumagot. Tiningnan lang kita habang patuloy kang naglakad, sinisipat ang bawat sulok ng kawalan sa ulo ko.

 

"Ano ang madalas mong gawin rito?" Tanong mo matapos dumaan ang ilan pang sandali.

 

"Wala," maagap kong tugon.

 

Wala naman kasi talaga. 

 

Madalas ay humihiga lang ako, tumutulala hanggang sa magising akong muli sa katotohanan at realidad.

 

“Boring,”

 

Muli ay tiningnan kita.

 

Nakatingala ka. 

 

Nadako ang paningin ko sa mukha mo.

 

Maamo ito, at para bang napaka-inosente ng kung ano mang lalabas sa bibig mo.

 

Nakakunot ang noo mo at patuloy na sinisipat ang kadiliman ko.

 

Na para bang may makikita ka.

 

“Ano bang hinahanap mo?” Tanong ko. 

 

Ako ang napapagod sa mga patingala mo.

 

Wala kang makikita riyan.

 

Matagal ko na pinagmamasdan at tinititigan ang bawat sulok na ito.

 

Walang kahit ano rito.

 

Ako lang.

 

Ikaw na rin, ngayon.

 

Ikaw at ako.



 

“Pupwede mo itong baguhin, alam mo ba?” Sabi mo bago sumalampak sa sahig.

 

Para sa isang babaeng ang awrang binibigay ay may pagka-sopistikada at misteryoso, walang kahinhinang pinapakita ang mga aksyon mo.

 

Natawa ako sa isip ko.

 

Sayang, maganda ka pa naman.

 

“Alam ko,”

 

Muli ay tiningnan mo ako. “Bakit di mo gawin?”

 

Nagkibit balikat ako. “Ito ang gusto ko,”

 

“Ang pangit ng gusto mo,” Walang kagatol-gatol mong sabi.

 

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. 

 

Tiningnan mo lang ako. Seryoso ang mukha.

 

Pilit kong pinigilan ulit ang sarili saka nag-seryoso. “Hindi ko hinihingi ang opinyon mo,”

 

Inalis mo ang paningin sa akin, saka muling tumingin sa malayo, sa kawalan.

 

“Gamitin mo ang pagkakataong ibinigay sa iyo para maibsan ang kung ano mang kulang at inaasam mo sa totoong mundo,”

 

Tumikhim ako.

 

Ayoko.

 

Ayokong masanay.

 

“Bigyan mo naman ng kaunting kasiyahan ang sarili mo,”

 

“Masaya ako rito,” giit ko.

 

“Mas may isasaya ka pa rito,” balik mo.

 

Tumahimik ako.

 

Hindi ka rin nagsalita.



 

Sa unang pagkakataon, may bumabagabag sa katahimikang binabalik-balikan ko.

 

Dahil nandoon ka.

 

Ikaw, at ako.




 

“Winter, gumising ka na,”

 

Iminulat ko ang mga mata.

 

Hindi ako nagsalita, at tiningnan lang pabalik ang mga mata sa harap ko.

 

Si Taeyeon.

 

Ang ate ko.

 

“Hey..”

 

Tumango lang ako bilang pagbati sa kanya.

 

“Kamusta ang tulog mo? Okay naman ba?”

 

Muli ay tumango ako. Lagi naman kasing ganon. 

 

Ngumiti siya saka inalalayan akong maupo at sumandal sa pader.

 

“Nakapaluto na ako ng agahan. Makakababa ka ba? O gusto mong dalhin ko rito?”

 

“Bababa ako,” Maagap kong sabi sa kanya.

 

Ayoko ng pakiramdam na itinuturing akong parang lumpo.

 

Hindi ako ganoon.

 

Kaya kong kumilos, para sa sarili ko.

 

Hindi ako baldado.

 

“Okay, okay,” Nakangiti niyang sagot. “Una na ako ha? Bumaba ka na pagkatapos mong maghilamos,” Tumayo na siya mula sa kama ko saka lumabas ng pintuan.

 

Tiningnan ko ang pigura niya palabas ng pinto bago dahan-dahang tumayo at tumungo sa kubeta.

 

Nakita ko ang sarili sa salamin.

 

Hindi na ganoon kalala ang itsura ko.

 

Epekto ba ito ng gamot?

 

Ng malalim na tulog?

 

Ewan ko.

 

Ang mahalaga, mukha akong normal.

 

Hindi na mag-aalala si Taeyeon.

 

Ayoko na nag-aalala siya. 

 

Naiinis ako kapag nakikita ko siyang malungkot dahil sa akin.

 

Hindi naman niya kasalanan na may kapatid siyang ganito.



 

Yumuko ako saka naghilamos.

 

Masarap sa pakiramdam ang malamig na tubig sa balat ko.

 

Nitong mga nakaraan, napapansin kong kinahihiligan ko ang malalamig na bagay.

 

Madalas ay bukas lang ang AC sa kwarto ko.

 

Sa pagkain naman ay kinahihiligan ko ang ice cream.



 

Sa gabi naman..

 

Malamig rin ang nakahiligan ko.



 

Tinuyo ko ang mukha saka lumabas

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
nga pala, you can use the drafts kung gusto ninyo ah! pwedeng as is, or babaguhin niyo (parang prompt), kayong bahala! paalam lang kayo sa'kin before doing so. message niyo ako rito, o di kaya sa twitter, @thepatataslover :)

thank you for being here! :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
700 streak #1
gonna read this later, tysm for the ud! 🤍
ryujinie__
700 streak #2
yyaaaaay! #seated tysm ♡