Sa Unit 2: Doorbell Ep. 2

Sa Mga Mata Nina Kat at Win
Please Subscribe to read the full chapter

“Pasok ka.” is what Winter said to make sure that her friend would feel welcomed in her home.

 

Nakangiting umatras si Winter para padaanin ang kaibigan niya sa loob ng unit. 

 

Si Giselle pala ang may pakana ng kaba niya kanina sa pag-ring nito sa pintuan niya.

 

“Wala kang work?” Tanong ni Winter habang ipinaglalagay ng kape si Giselle sa kitchen. Pumunta din naman si Giselle sa may kusina para dun umupo.

 

“Wala.”

 

“Aga mo for movie night.” Winter said, chuckling while gently pushing the mug towards her friend.

 

Yes, today is their scheduled movie night. Nakaready na nga ang mga lulutuin ni Winter na host sa hang nila mamaya. 

 

“Kakagaling ko lang kina papa.”

 

Hindi pumasok si Giselle dahil half-day lang naman sila ngayong araw at dapat, sa site siya. It’s alright, nagtext nalang siya sa foreman to update her. 

 

“Oh.” Tumango-tango si Winter. Wala din naman siyang pasok ngayong araw. 

 

“Wala si Ning sa kwarto so dito muna ‘ko.”

 

Winter knows why. Her fiancée, Katarina, asked Ningning kaninang umaga na samahan siyang bumili ng mga snacks at juice for later. And.. since si Ningning ang niyaya ni Katarina, it just means that they’re gonna be buying alcohol too. 

 

“Musta sina papa mo?” 

 

Napatingin si Giselle saglit sa kaibigan niya at tumigil muna sa pag-inom ng kape. “Okay naman. Umalis na bunso namin kaya silang dalawa nalang nasa bahay.”


Tumango ulit si Winter, kanina pang nakatitig lang kay Giselle kaya napatawa ang kaibigan niya sa tingin na binibigay sa kaniya ni Winter. 

 

“What?” Natatawang tanong ni Giselle. Winter chuckles as well at nahihiyang umiwas ng tingin.

 

“You never told us why you don't wanna get married..” 

 

Winter’s just curious. She remembers how marriage talks were brought up back in college pero pa-segue lang at hindi naman naikwento nang buo ni Giselle kung bakit nga ba ayaw niya.

 

“It’s okay kung ayaw mong sabihin.” She assures her. Ngumiti si Giselle at inubos muna ang kape niya bago magsalita. Winter waited patiently.

 

“Sinabi ko sa inyo na spontaneous couple ang parents ko diba? Like sa dates nila noon, kung saan nalang sila mapunta and all.” Giselle started. 

 

Being ‘spontaneous’ is Giselle’s parents’ identity sa point of view ni Winter. Ang parents ni Katarina, they’re the goofy ones. Parents ni Ningning ay yung tipo na palaging nagsasabing ‘Dito ka nalang sa bahay magpa-sleepver anak.’ para hindi na umalis ang anak nila. Parents ni Winter naman.. medyo strikto pero ka-close naman nina Giselle dahil ilang taon na silang magkakaibigan. 

 

Giselle continued sharing, “Pero they got married ten years after they started dating.. pinanganak yung kuya ko at ako, ‘di pa sila kasal nun but they were very happy anyway.” 

 

Winter also knows that fact. Giselle once told them that during Karina’s parents’ small dinner party para sa 25th anniversary. 

 

“They shared ten years of love, but a year after they got married, they became distant.. Hindi ko pa napapansin nung bata ako until lumaki ako and they explained why my father doesn't come home every weekends, why random men pick up my mom sa gabi.” Malalim na paghinga ang narinig ni Winter mula kay Giselle pagkatapos nitong magkwento. 

 

“Gigi..”

 

“Oo, we look like a happy family but.. behind the loud pretty exterior, I have parents who only stayed married para sa mga anak nila but they love someone else now.”

 

Winter couldn’t say a thing. This isn’t what she expected, obviously. Akala niya, baka homophobic pala ang parents ni Giselle or something.. But turns out.. 

 

Parang label nalang pala ang tingin ni Giselle sa marriage.

 

“Ang gulo diba?” Tumawa pa nang kaunti si Giselle, napapagod na agad kahitmaaga pa dahil sa kwento niya.

 

Sinadya niyang hindi sabihin o i-open sa mga kaibigan niya ang mga bagay na ito because she’s not proud of it. Who would be?

 

Winter wanted to nod, but she can’t get herself to join her friend sa pagtawa sa kalagayan nito. “Gigi, that doesn't mean na ganun din mangyayari sa inyo.”

 

Alam naman ni Giselle yan. 

 

“I know.. pero..”

 

“Hm?”

 

“Wala, gutom na ‘ko.”

 

Kahit hindi na magtanong si Winter, she can tell what’s on her friend’s mind right now. After listening to Giselle’s side, she can clearly see her emotions now.

 

And right now, she can tell. There’s fear in Giselle’s eyes.

 

------

 

Hapon na nang dumating sina Ningning at Katarina na mukhang nag-enjoy din sa pag-gagala sa buong araw. Wala pa din si Yeji, ang paalam kanina, mago-overtime daw. 

 

Ningning glances at her girlfriend and engaged friends na nasa couch. Habang nakayakap si Karina sa fiancee niya, naglalaro si Winter ng PS5 with Giselle.

 

Like the usual, mukhang koala na naman si Katarina. She’s sitting behind Winter, arms around Winter’s body, legs around Winter’s waist. Kung si Superman si Winter, si Karina ang cape niya at legs ni Karina ang underwear niyang nakalabas sa pants.

 

“Kat, phone mo.” Banggit ni Ningning. Kaya talaga siya napatingin sa living room, kasi kanina pang tunog nang tunog ang phone ni Karina, sumasabay pa sa ingay ng nilalaro nina Giselle at Winter. 

 

Sumilip si Karina sa phone niyang nasa bulsa ng sweater niya pero ibinalik lang din ang tingin sa TV, resting her chin on Winter’s shoulder. “Yaan mo siya.” Sabi niya while rubbing her cheek against Winter’s ear. 

 

“Rina!” Inis na tawag ni Winter dahil nadi-distract siya.

 

“Bakit?” Karina pouted, leaning closer to kiss her fiancee’s cheek. Hindi naman na nagsalita si Winter na nakakunot na naman ang mga kilay dahil focused na focused sa laro nila ni Giselle.

 

Tumunog na naman ang phone ni Karina kaya napatingin siya kay Ningning. “Ikaw na sumagot, Ning.”

 

“Gaga, hawak mo yung phone mo.”

 

“Ih..” Ayaw pa din ni Karina. Ayaw alisin ang mga kamay sa ilalim ng shirt ni Winter where she keeps her hands warm.

 

Winter glared away from the TV screen. “Baby, sagutin mo na nga yan.”

 

“Ako na nga tatawag, jusko.” Napatayo tuloy si Ningning mula sa pagkakaupo sa kitchen dahil hindi na din matiis ang ingay ng phone ni Karina. 

 

“Gagi ka Kat, si Yeji pala ang natawag.” Tumabi na din si Ningning sa girlfriend niya sa sahig at nag-lean sa paanan ng couch para icheck ang messages ni Karina kung may text ba si Yeji at kanina pang tumatawag.

 

“Baby, matagal pa yan?” Bulong ni Karina habang hinahalikan ang jawline ni Winter. 

 

Hindi agad nakasagot si Winter but she tried to pull her face away from Karina’s lips.

 

“Oo, matagal pa.” Si Giselle na ang sumagot. Napatawa naman si Winter nang marinig ang frustration ng fiancee niya. 

 

“Mabilis nalang po.” Winter mumbles, giving a quick kiss sa lips ng fiancee niya bago bumalik sa paglalaro.

 

Ningning, on the other hand, dahil hindi naman siya pinapansin ni Giselle na busy sa laro, ay minabuti nalang tawagan si Yeji para kamustahin. Maliban kasi sa pag-overtime ni Yeji, nasiraan pa siya ng sasakyan nung isang araw kaya siguradong magb-byahe ang kaibigan nila. 

 

Kung mas mamalasin pa, baka abutan ng mas hassle na rush hour. 

 

“Ha? Bakit ka naglalakad? Hindi ka hatid ni Lia?”

 

Nakuha agad ang atensyon ni Karina when she heard Ningning mentioning Lia habang kausap si Yeji. Meanwhile, Giselle and Winter remained locked in their game zone.

 

“B-Basta! At saka, wala namang car si Lia.”

 

“Anong oras ka pa makakauwi?” Nag-aalalang tanong ni Ningning. 

 

“Naghihintay lang ako ng taxi.. baka mga 10 na.”

 

When Yeji picked up the call, mukhang nasa labas nga ang kaibigan niya at maingay ang paligid, hinihingal pa. Grabe din kasi talaga ang hassle sa pagco-commute. 

 

“Okay, ingat ka ha.”

 

Sabay na nagtinginan sina Karina at Ningning pagkatapos ng phone call. 

 

“Dito na tayo magsleep?” Ningning asks, glancing one time at the wall clock. Mukhang hindi sila makakaraming movie kung maagang uuwi sa kani-kanilang units.

 

“Okay lang sa’kin.” Napa-smirk naman agad Karina sa sagot ni Winter—na may-ari ng unit, habang naka-lean ang ulo sa likod nito. 

 

“Basta ako lang sa kwarto ni Win.” 

 

Giselle, who just finished playing, ay tumingin kina Karina at Winter bago niya ibaba ang controller sa center table. “Sige, tapos kasama namin sa salas si Winter.” Pang-aasar niya sa clingy na kaibigan. 

 

Sinamaan naman siya agad ng tingin ni Winter nang maramdaman ang panggigigil ni Karina sa tyan niya dahil napipikon na naman. 

 

“Gigi!”

 

After successfully removing Katarina’s hold on her, nakatayo na din sa wakas si Winter at nagstretch muna while walking towards the kitchen.

 

“Luto muna ako.” Pagpapaalam pa niya. 

 

Giselle sat next to Karina kaya sumunod si Ningning na kanina pang gustong makausap ang girlfriend niya.

 

When she’s about to poke Giselle’s arm, bigla namang lumingon si Giselle kay Winter sa kitchen.

 

“Gusto mo tulungan kita, Win?”

 

“Hala, ‘wag na. Masikip sa kitchen.”

 

Ningning failed to hide her smile nang ma-reject ang tulong na inooffer ng girlfriend niya because finally, makakapag-usap na sila. 

 

Si Karina naman, nagc-contemplate kung pupuntahan ba ang fiancée niya para tulungan o magstay para maka-catch up sa dalawang kaibigan niya.

 

“Gigi, nakapili ka na?” Ningning asked almost immediately as Giselle turned her gaze back to the TV.

 

Napansin naman agad siya ni Giselle and it looked like she was going to hold Ningning’s hand pero she chose to keep her hand to herself. 

 

“Saan?” Tanong ni Giselle, slightly turning her body para makaharap nang kaunti si Ningning as they converse.

 

“Kung saan tayo kakain?” Kinuha ni Ningning ang phone niya mula sa bulsa at iniabot na din kay Karina ang phone na nagamit sa pangtawag kanina para shindi stuffed ang mga kamay niya.

 

Naalala naman ni Giselle ang usapan nila days ago about nga doon. “Oh, oo nga pala.” 

 

Within her, gusto niyang sabihin na hindi siya makapili. 

 

Pero ayaw niyang nagsisinungaling sa girlfriend niya.

 

“Nakapili ka na?” Pag-uulit ni Ningning sa tanong as they stared at each other.

 

Iba din kasing tumingin si Ningning eh.. para bang, nangingilatis? Yung tipong hindi mo kayang magsinungaling kasi sigurado kang.. malalaman at malalaman niya ang nasa isip mo. 

 

“Hindi pa.. I haven’t checked yung sinend ni Winter.” She decided to be honest. 

 

Iba din talagang tumingin si Ningning. You would know immediately how she feels about what you said or what you told her. So.. kung alam mong mad-disappoint siya sa’yo, don’t look at her directly in the eyes.

 

That’s something Giselle can’t do. 

 

She loves Ningning’s eyes.

 

“Last week pa yun, Gigi ah.” May buntong-hiningang sabi ni Ningning kaya napakamot na sa batok si Giselle. 

 

“Na-busy tayo sa work, diba?” She tried to explain.

 

That’s partly true naman. Fragments of truth kumbaga.

 

“Right.” Sagot ni Ningning, not even trying to hide the disappointment in her tone.

 

Giselle bit her lip and finally looked away, umayos na din sa pagkakaupo. 

 

A small gap peeked in between them.

 

It felt like a wall. 

 

A wall drawn and that they’re both aware of its existence.

 

“If you want, ikaw nalang pumili.” Pabalang na sagot ni Giselle, instantly regretting how she said it nang marinig ang scoff ni Ningning.

 

“Palaging ako pinapapili mo.”

 

“Kung nagmamadali ka kasi.. pili ka na.”

 

Ningning continued to stare at her girlfriend na nasa TV na ang tingin. Her perspective also shown Karina na nananahimik lang sa gilid at kinakagat ang labi. Ningning felt bad dahil alam niyang madalas gawin ni Karina yun when she’s uncomfortable.

 

“Nevermind, huwag na lang.” Pagsuko ni Ningning at tumayo na to join Winter sa kitchen kahit tumanggi na kanina sa tulong na binibigay sa kaniya ni Giselle.

 

Giselle, back on the couch, sighed to herself bago buksan ang phone niya para tingnan ang mga sinend ni Winter na kainan sa kaniya last week. 

 

“Huy, Gi. Tatampo yun.” Biglang sulpot ng rarely maliit na boses ni Karina. 

 

Like she was given the chance to pull her gaze out of the options sa messenger niya, Giselle took it at nakipagusap nalang kay Karina. Wala na din naman siya sa mood na mamili ng restaurant ngayon. 

 

“Ako na naman ang manunuyo, eh ang ayos-ayos ng usap namin.”

 

“She just wants you to be as enthusiastic as her sa monthsary date niyo.. Since it’s your thing, monthsaries.” Tuloy-tuloy na sabi ni Katarina, leaning her head against the backrest of the couch. 

 

“I am always excited naman.” Wala sa loob na sagot ni Giselle.

 

How is it so easy to lie to other people pero hindi niya magawa kay Ningning? Kahit white lies man lang para protektahan ang nararamdaman ni Ningning, hindi niya kaya. 

 

It’s just that.. this past few weeks, pakiramdam ni Giselle, pinipilit lang nilang bumalik sa dati. They keep ignoring the growing worries and issues between them.

 

“Giselle Aeri, remember she’s ready to give up on marriage for you and what you can do is be cooperative sa mga ganitong bagay.”

 

She knows Ningning. She knows her girlfriend and Giselle knows that even if Ningning assured her, there’s a big part that aches inside her girlfriend dahil sa bagay na pinoproblema nila ngayon. 

 

How can she act like they’re okay when first of all, alam niya namang hindi talaga sila okay?

 

“It’s not like you’re going on a date dahil gusto niya lang.. gusto mo din naman, diba?” Nakatingin pa din si Katarina sa kaniya while Giselle kept avoiding her friend’s gaze. 

 

Tama naman si Katarina, so she nodded.

 

“That date is for you two to celebrate your relationship, so be good to her.” 

 

Ibinaling ni Giselle ang tingin niya kay Katarina, then sa phone niyang nasa upuan. 

 

“I’m trying to be good for her.”

 

Magkaiba ang ‘good to her’ at ‘good for her’. Sa totoo nga, Giselle wanted to say ‘I’m trying to be better for her’. 

 

But that would be lying to herself again, ever since what happened last month, Giselle felt herself zoning out of her bubble with Ningning. 

 

“Edi suyuin mo.” Sabi ni Katarina, lightly patting Giselle’s arm.

 

Hindi na sumagot si Giselle.

 

It’s gonna be a long night, bulong ni Katarina sa isip niya.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hehe helloo

Comments

You must be logged in to comment
xiaosythe #1
cutieee🥺
Aenan_11
12 streak #2
Chapter 12: thank you sa update, Author😊
joyie4ever 14 streak #3
Chapter 12: Hahyyy❤️
kimmynjeongg
#4
Chapter 12: HAYYY basahin q n nga ung una 😔😔😔🥺🥺🥺
fanficethusiast #5
Chapter 12: cute 🥺
idkwhatnametouse #6
Chapter 12: namiss ko tooo
twentythreeee
#7
Chapter 12: Yay! Thanks po sa update!
Ardem_Joseph23
16 streak #8
Chapter 12: Ayy. Planning for the future.. Sana all
franzii
14 streak #9
Chapter 12: tnx pi sa update. gusto ko rin ng helicopter toy
yhielswift013
#10
Chapter 12: awww namiss ko to 🥹