Sa Unit 3: Monthsaries

Sa Mga Mata Nina Kat at Win
Please Subscribe to read the full chapter

Adik sa’yo, awit sa akin.. 

 

“Ang dami nito, Ning! Mabubusog agad tayo.”

 

“Kaya nga kakanta din para hindi mabusog.” 

 

Nilang sawa na sa’king.. mga kwentong marathon..

 

“Ganun ba yun..?” Natatawang tanong ni Giselle habang iniaabot sa girlfriend niya ang microphone.

 

Naisipan ng bagong magjowa na magKTV para sa unang buwan nila. 

 

1st month. 

 

“Eat naa.” Hawak ang tinidor na may tinusok na isang shanghai roll, Ningning moved a few centimeters closer to her girlfriend.


 Tungkol sa’yo.. at sa ligayang..

 

“Ayoko.” Tinakpan pa ni Giselle ang bibig niya kaya inis na binitawan muna ni Ningning ang tinidor at inilagay sa plato para tanggalin ang kamay ni Giselle na nakaharang.

 

“Libre ko na nga!”

 

Iyong hatid, sa aking buhay..

 

No choice naman si Giselle nang hawakan ni Ningning ang kamay niya, locking her around her fingers bago ulit siya subukang pakainin ng shanghai. 

 

Opening , Giselle took a bite on one end para hindi na mainis si Ningning.

 

“Sarap mo naman jowain.” Sambit niya pagkatapos lumunok, sinamaan tuloy ng tingin ng girlfriend niya.

 

Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw..

 

“Sabi ko nga, jowa na kita.” Kamot-ulong pahabol ni Giselle with an awkward smile. Pinisil lang siya sa pisngi ni Ningning bago magsimulang kumain ng kaniya.

 

Sa umaga’t sa gabi, sa bawat minutong lumilipas..

 

“‘Pag mamaya, ‘di ako nakatulog agad sa sobrang busog ko..” Pakunwaring komento pa ni Giselle habang kumakain din naman at nakikinig sa background vocals ng patugtog sa TV. 

 

“Napaka-reklamador mo talaga.” Sagot ni Ningning sabay irap sa kaniya.

 

Hinahanap-hanap kita..

 

Umirap din si Giselle, “Wala naman akong reklamo pa!”

 

“Wala?!”

 

Hinahanap-hanap kita.. 

 

“Hindi mo pa ako binabati.” Patampong sabi ni Giselle. 

 

They went out early today. Ang paalam nila kina Karina at Ryujin, magsisimba sila tapos uuwi sa Batangas. Of course, the second one is a lie. In the first month of their review, Giselle and Ningning decided that they won’t tell their friends yet tungkol sa exciting turn—or level-up in their relationship. 

 

“Tampo ka na?” Asar ni Ningning, napansin din naman niya na mula kaninang umaga, paulit-ulit na siyang nasabihan ni Giselle ng ‘Happy motmot’ or ‘Happy first month’ or ‘Happy first period with you’. 

 

Sa isip at panaginip, bawat pagpihit ng tadhana..

 

“Six times na kitang binati today.” Tumalikod pa nang kaunti si Giselle kaya natawa na si Ningning. 

 

Ever since they started dating din, hindi na palaging parang tropa lang. Madalas, kapag silang dalawa lang ang magkasama, si Giselle ang sweet at clingy sa kanila.

 

“Ang cute mo, Gigi.” Ningning chuckles while taking a fork para subuan ulit ang girlfriend niyang nagtatampu-tampuhan.

 

Hinahanap-hanap kita, hinahanap-hanap kita, ahh..

 

“Ito na oh, eat muna.” Panunuyo niya, tumingin sa kaniya si Giselle para irapan siya ulit bago kumagat sa shanghai.

 

Sabik sa 'yo, kahit maghapon..

 

“Happy first month, Gi.” Bati ni Ningning habang kumakain ang kasama niya. Napangiti naman agad si Giselle.

 

..Na tayong magkasama, parang telesine.

 

“Luh nagpapacute.” Tukso ni Ningning—and for the third time, umirap na naman si Giselle.

 

“Ngumingiti lang!” 

 

Ang ating ending, hatid sa bahay n'yo.

 

Mahina siyang pinalo ni Ningning sa braso bago ibalik sa kaniya ang mikropono na kakabigay lang kanina. 

 

“Kumanta ka naman, kanina pa 'ko kanta nang kanta eh.” 

 

Iling agad si Giselle.

 

Sabay "good night"..

 

“Ayaw ko nga.” 

 

It’s not like she doesn’t sing. Madalas silang magkantahan sa kwarto o kahit noon sa dorm nung college pa sila. Pero gusto kasi ni Giselle, marinig si Ningning na kumanta ngayong araw dahil paborito niya ang magandang boses ng girlfriend niya.

 

Sabay may kiss..

 

“Dali naaa, ako lang naman nandito.” Pamimilit ni Ningning, pushing ang pulling her arm. “Ako naman ang kakantahan mo eh..” Ngumuso pa sa kaniya.

 

Sabay "bye-bye"..

 

Giselle looked at her girlfriend’s twinkling eyes, parang pangalan niya lang—Ningning, and then down to her pouting lips. Naalala niya ang first and only kiss palang nila ni Ningning one month ago.

 

“Sa umaga't sa gabi, sa bawat minutong lumilipas..”

 

Napaiwas tuloy siya ng tingin at namula. 

 

“Hinahanap-hanap kita.. Hinahanap-hanap kita..”

 

Kaya naman, kinuha niya na ang mic.

 

“Sa isip at panaginip, bawat pagpihit ng tadhana..”

 

Para naman kay Ningning, kaya sige.

 

“Hinahanap-hanap kita.. Hinahanap-hanap kita..”

 

2nd month.

 

Sa ikalawang buwan ng dalawang magkaibigan noon—magka-ibigan na ngayon, masakit ang puson ni Ningning.

 

“Nagdala ka ng extra?” Tanong ni Giselle na siyang hindi mapakali sa upuan dahil namimilipit na sa sakit ang katabi niya. 

 

Nasaktuhan pa kasi ng Monday class nila kung kailan mahirap pa ang subject na tatalakayin.

 

“Oo.. dapat pala hindi na ako pumasok.” Pagmumukmok ni Ningning na halos ihiga na ang ulo sa desk niya. 

 

“Uwi na tayo if you want.” Giselle said softly, marahang hinihimas ang lower back ni Ningning. 

 

Sa kanilang apat noong college, si Giselle ang marunong magpaamo kay Ningning tuwing tinatamaan ng attitude during her period. Sa ngayon naman, kalmado pa si Ningning at ang paghaplos sa likod nito usually ang nagpapatagal sa pagiging mahinahon niya.

 

“Bakit ikaw din?” Napatunghay si Ningning, nakita ang ngisi sa mukha ni Giselle.

 

“Aalagaan kita.” 

 

“Gaga, sayang class.” 

 

Dahil magsisimula na din naman ang klase, hindi na nakipag-away si Giselle. Hindi na din naman nagsalita si Ningning.

 

Pagdating ng break time, desidido na si Ningning na itutuloy na niya ang pagattend sa lahat ng klase sa araw na yun dahil nakakalhati na din naman siya sa schedule.

 

“Bakit dalawa lang?” Nagtataka si Ningning habang nakatingin sa dalawang pirasong fried siomai na inilagay ni Giselle sa desk niya. Lumabas kasi si Giselle kanina para bumili daw ngn kakainin ng girlfriend niya.

 

“Happy second monthsary!” Kwelang sagot ni Giselle, nakaturo pa ang index at middle finger niya sa dalawang siomai.

 

Knowing her girlfriend, alam na ni Ningning na ang totoo talaga, natakam din ang girlfriend niya sa siomai kaya kulang ng isa yun.

 

“Sus, palusot ka pa. Eh, kinain mo yung isa.” Sabi niya, tumawa lang si Giselle at uminom na ng tubig.

 

Halatang-halata din naman ang pagmamadali ni Giselle sa pagnguya kanina habang naglalakad pabalik kay Ningning kaya natawa na lang din siya. 

 

“Bilhan kita isang order pa kapag nagustuhan mo.” Pagbawi ni Giselle.

 

Ngumiti muna si Ningning at kinain na ang isang siomai bago hatiin sa dalawa ang natitirang piraso. 

 

“Happy second month, Gigi. Hati tayo?”

 

3rd month.

 

Sa lomian sila napunta para i-celebrate ang pangatlong buwan ng pagsasama nila. Dun lang kasi hindi sasama si Karina dahil ayaw daw niya ng hindi loming Batangas.

 

“Sina Kat at Win, pinaguusapan na naman tayo kagabi.” 

 

While waiting for their order na si Giselle ang nagbayad, Ningning opened the topic about their friends again. 

 

Giselle chuckled, “Rinig ko nga.” 

 

At night, Winter and Karina do video calls to talk and catch up, and during those calls, madalas nababanggit ang palaging pang-aasar ni Karina na baka magjowa na daw sina Giselle at Ningning.

 

Which is true naman..

 

“Sabihin na kaya natin?” 

 

“Ikaw bahala, I’m fine with anything, 

 

..mai.” 

 

Ningning quickly glances at her girlfriend at nakita ang pagb-blush nito—probably because of the last syllable na narinig ni Ningning mula sa kaniya. 

 

“Mai? My love yan ‘no?” Tanong ni Ningning na natutuwa sa pasimpleng callsign ni Giselle.

 

“Maybe..” Nahihiyang sagot ni Giselle, iwas tingin pa din.

 

Napailing nalang si Ningning at nagscoff sa girlfriend niya. “Sige, next year na natin sabihin kina Win ‘pag sure na tayo.” Mapang-asar niyang sabi kaya napatingin na si Giselle sa kaniya. 

 

“Baliw, ‘mai’ can be short for anything—my love, my crush, my Ningning.” Pag-eexplain nito, tumawa naman si Ningning as she masks the fluttering feeling in her chest with a giggle. Baka kasi sa kaniya mapunta ang asaran kapag nalaman ni Giselle na gusto na niyang tumili.

 

Hindi na din nakaimik si Ningning, paulit-ulit sa isip ang mga sinabi ng girlfriend niya. 

 

My Ningning daw kasi.

 

Sa isip naman ni Giselle, natutuwa siya dahil.. hindi pangit ang reaksyon ni Ningning sa sinabi niyang ‘My love’.


Pareho tuloy silang nakangiti habang naghihintay sa waiter na magdadala ng order nilang lomi.

 

After a few minutes, dumating na din ang order nilang lomi.

 

Ningning raised an eyebrow nang makita ang tatlong itlog ng pugo sa toppings nito. Usually, dalawa lang yun.. kaya tiningnan niya si Giselle para hulihin.

 

Si Giselle naman—na guilty sa pakana niya, grinned at her girlfriend. “Happy third monthsary, Ningning.”

 

4th month.

 

Their monthsary tradition became more meaningful with all of Giselle’s witty ideas para makakuha ng ngiti mula kay Ningning.

 

For their fourth month.. pauwi sila sa Batangas.

 

“Ning, tinatawagan ka na ni Tita.”

 

Napatigil si Ningning sa paglalakad para hintayin si Giselle na kinukuha ang phone ni Ningning mula sa bag niya. Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa sakayan sa labas ng subdivision nina Ningning.

 

“Ayan, sabi ko sa’yo sa inyo nalang dapat tayo eh.” Looking at her mom’s contact sa screen ng phone niya, umiling-iling pa si Ningning bago icheck ang missed call ng nanay niya. 

 

“Ayaw ko sa amin..” Nakangiwing sabi ni Giselle.

 

“Bakit nga?” 

 

“Madaming tao.” Palusot niya, pero ang totoo, ayaw lang talaga niya.

 

“Parents mo lang ang nasa bahay niyo, mai.” Mahina pa siyang tinulak ni Ningning kaya natawa na si Giselle.

 

“Sagutin mo na si Tita!” 

 

Ginawa din naman ni Ningning. Their phone call went on for about two minutes and Giselle had her arm wrapped around Ningning the whole time to make sure that she’s safe while talking to the phone and walking.

 

“Weird, tumawag sina mom at dad para mag-‘I love you’ lang.” Natatawang sabi ni Ningning, giving her phone back to her girlfriend.

 

“Parehong nagsabi?” 

 

Kinuha ni Giselle ang phone at ibinalik sa loob ng bag niya, pansamantalang binitawan ang balikat ng girlfriend niya.

 

“Oo, nagtake turns.” Ningning shrugs. Hindi kasi madalas ang ganung pangyayari. Oo, they say I love you to each other pero hindi ganito.

 

“Hmm, hindi naman weird yun, mai.” Itinawa lang din ni Giselle at inakbayan siya ulit.

 

Then, Ningning remembered something.

 

“I received a text from Kat din, nag-‘I love you’ kanina.”

 

Feeling tuloy ni Ningning, sobrang loveable niya at mahal na mahal siya ng mga tao.

 

“So.. nakatatlo na?” Biglang tanong ni Giselle. Ningning looked at her with a question.

 

“Anong tatlo?”

 

“Nun.” Vague na response ni Giselle, lalong napakunot ang noo ni Ningning.

 

“Nung ano?”

 

“Nung ano nga..” 

 

Oo, nananadya talaga si Giselle. She had this all planned. 

 

“I love you?” Tanong ni Ningning.

 

“I love you too.” Sagot ni Giselle, nakangisi as her plan worked well for her.

 

Yun nga talaga ang plano ni Giselle on their fourth monthsary.. to tell Ningning that she loves her.

 

Ningning’s eyes widened at the realization. “GIGI!” She exclaimed, covering with her palm that got her girlfriend laughing out loud habang naglalakad sila papasok sa subdivision.

 

Hindi makaget-over si Ningning na naisahan siya ng girlfriend niya kaya nagsimula silang magtulakan.

 

A part of Ningning is pushing Giselle dahil sa kilig na nararamdaman niya, and another part of her is pushing Giselle because she wants to distract the both of them from talking about the three significant words that were said. 

 

Wala namang problema si Giselle kung hindi muna sabihin pabalik ni Ningning yun.. she likes that she was able to tell her how the girl makes her feel. Handa siyang maghintay kung kailan magiging ready si Ningning na aminin ang lalim ng nararamdaman niya.

 

“Pero seryoso, I love you.” Habol ni Giselle nang matapos sila sa paglalaro sa daan, parehong pinapakalma ang mga sarili. “Four I love you’s, para sa’yo lahat. Happy fourth month, Ning.”

 

She made Ningning smile again.

 

Paanong hindi ngingiti si Ningning?

 

Giselle can be very, wholesomely sweet.

 

Mukhang deserve ng isang sweet kiss bago magpakita sa ermats at erpats ni Ningning.

 

5th month.

 

Their fifth month is still during their review for the board examination. Sa Forbes, sa kwarto nila with Ryujin and Karina. Sa desk ni Giselle, nakaupo sa tabi niya si Ningning. 

 

“Bored na ako.” Giselle and Ningning’s swivel chairs were rolled away from each other nang dumating si Karina at i-ni-insert ang sarili niyang upuan sa gitna nila. 

 

They just finished a whole BFF fries order kaya bumili ulit si Karina at ngayon lang nakabalik sa upuan.

 

Ryujin went back to Batangas kaninang hapon pagkatapos ng exam. The three of them just finished their mock board examination today kaya naisipang magchill ngayong gabi. 

 

That being said, busy sila kaninang umaga kaya hindi pa nakakatanggap ng bati si Ningning mula sa girlfriend niya. Not that she’s sulking, nung mga nakaraang buwan kasi, magaganda ang mga witty greetings ni Giselle kaya nageexpect siya.

 

“Ito na, pili na kayo ng movies.” It was Giselle’s idea to watch movies tonight. Laptop din naman niya ang gagamitin.

 

Ningning sat comfortably on her chair at hinayaang si Karina ang magcontrol ng mouse to browse the files in Giselle’s movie folder.

 

Fifth Harmony Concert (Mixed)

Five Feet Apart

The Five Year Engagement

The Fifth Wave

Five Nights at Freddy’s

 

Mabilis na kumunot ang mga kilay ni Karina upon seeing the titles. “Magaganda ba mga to? Ba’t puro gan’to papanoodin natin..? ‘Di ko bet.” 

 

Meanwhile, Ningning chuckled. Kahit hindi niya tingnan ang girlfriend niya, alam niyang nakangisi si Giselle ngayon, proud sa padali niya.

 

“Reklamo ka na naman, Kat. Makikinood ka lang naman.” Narinig pa ni Ningning ang pakikipag-usap ni Giselle kay Karina. “Yung five feet apart nalang panoodin natin.”

 

“Ang random kasi ng taste mo, Gigi.” Comment pa ni Karina bago pindutin ang file na pinapapili ni Giselle.


Si Ningning naman, hindi na mapigilan ang pagngiti. Especially when she glances over Karina’s shoulder at nakita ang naka-raise na kamay ni Giselle sa likod ni Karina, with all five fingers up.

 

“Happy 5th.” She saw Giselle mouthing.

 

“Corny mo.” She mouthed back. Ngiting-ngiti naman si Giselle while watching.

 

A few seconds later, she received a text from Ningning.

 

Twinkle: Happy fifth, Gigi

 

6th month.

 

To relieve stress from the upcoming board examination, Giselle bought tickets to an OPM artists/band event in Manila. 

 

“Happy 6th monthsary, mai.” Bati ni Giselle habang naglalakad sila palabas ng event area. 

 

It’s almost 2 A.M. nang matapos ang concert. Mabilis lang naman ang byahe nila pabalik sa Sampaloc kaya hindi sila nagmamadaling umuwi.

 

“Tagal ko nang hindi narinig yang ‘mai’.” Ningning replied, smiling. “Mas sanay kasi tayo sa names natin.” 

 

While they don’t use their ‘callsign’ that much, it remains dear to the both of them. Okay din naman ang palagiang “Ning” at “Gigi” nila dahil dun sila nasanay, at it reminds them of their friendship before they became girlfriends.

 

“Kahit anong name naman itawag mo sa akin, lilingon ako.” Pasimpleng banat nj Giselle, napatawa tuloy si Ningning.

 

“Landi mo.” Kasabay ng mahinang sapak sa balikat ni Giselle, “Wala kang kacornyhan ngayon?”

 

Ningning termed it as ‘kacornyhan’ now. 

 

Hinawakan ni Giselle ang chin niya at parang nag-iisip. “Meron ah, 6th performer ang favorite mo kanina ah.”

 

“Ah talaga? Hindi ko nabilang.”

 

They reached the fountain na crowded kanina nung dumating sila sa event pero kakaunti na ang tao ngayon, mga lima lang siguro kung bibilangin. 

 

“Binilang ko. First performer nga si ano eh..”

 

Giselle pulled Ningning’s hand at dun sila umupo muna para magpahinga. Nakatayo lang din kasi talaga sila for the whole four hours of concert.

 

“Sino?” Tanong ni Ningning, arm clinging around Giselle’s.

 

“Si..”

 

Ningning glared at her dahil pa-suspense pa.

 

“BinibiNing..” Biglang himig ni Giselle, pinaltan ang huling syllable ng pangalan ng girlfriend niya. Pabirong umirap si Ningning dahil kanina pa kasi inuulit-ulit ni Giselle yan. Nagustuhan yata masyado ang ‘Binibini’ ni Zack.

 

“Alam mo ba kung pa’no nahulog sa’yo? Naramdaman lang bigla ng puso..”

 

What she didn’t expect is that Giselle will continue singing. 

 

“Aking sinta ikaw lang nagparamdam nito. Kaya sabihin mo sa’kin.. ang tumatakbo sa isip mo..”

 

Ningning wanted to look at her in the eyes while she sang but.. ganito yata kapag sobra ang kilig niya, she’s scared that if she stares at Giselle.. baka hindi na mapatapos ang kanta.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hehe helloo

Comments

You must be logged in to comment
xiaosythe 0 points #1
cutieee🥺
Aenan_11
12 streak #2
Chapter 12: thank you sa update, Author😊
joyie4ever 14 streak #3
Chapter 12: Hahyyy❤️
kimmynjeongg
#4
Chapter 12: HAYYY basahin q n nga ung una 😔😔😔🥺🥺🥺
fanficethusiast #5
Chapter 12: cute 🥺
idkwhatnametouse #6
Chapter 12: namiss ko tooo
twentythreeee
#7
Chapter 12: Yay! Thanks po sa update!
Ardem_Joseph23
15 streak #8
Chapter 12: Ayy. Planning for the future.. Sana all
franzii
14 streak #9
Chapter 12: tnx pi sa update. gusto ko rin ng helicopter toy
yhielswift013
#10
Chapter 12: awww namiss ko to 🥹