Sa Unit 2: Exhibit C

Sa Mga Mata Nina Kat at Win
Please Subscribe to read the full chapter

WINTER’s

 

"Tulog na tayo Rina." Bulong ko sa kaniya, she shook her head.

 

Nanonood si Rina ng movie. Nasa couch kami ngayon, cuddling. May work pa ako bukas kaya gusto ko na sanang matulog. Nakapatay naman na yung ilaw, only the TV na lang ang nagliliwanag dito sa living room ko.

 

"Why.. Aga pa." She murmured against my nape. It made me shiver kasi nakiliti ako..

 

Rina's currently the big spoon sa aming dalawa, her right arm's under my head, hinihigaan ng ulo ko. I felt her leg wrapping around me, pulling me closer if that's even possible. 

 

"Maaga ako bukas, daming ganap sa work.." Kaya gusto ko na sanang matulog.. Rina already told me earlier to sleep eh pero sabi ko, sasamahan ko siyang manood. 

 

Now, siya naman ang ayaw na matulog pa ako.

 

She nodded against the back of my head. "Ako na ang magluluto sa umaga."

 

I raised an eyebrow. Totoo ba? Si Rina, nagvovolunteer?

 

"Sure ka?" I faced her, smiling in amusement. Tamad kasi siyang magluto eh. 

 

Hindi na din naman ako nanonood kaya niyakap ko na lang siya. One thing about cuddling with Rina kasi.. she's so fluffy. Magaslaw siya on normal basis pero kapag yakap niya ako, I feel secured. Also, she leans her cheek against my shoulder madalas kaya ang cute because she has soft cheeks. 

 

Right now, nakalean ang cheek niya sa pillow and she's staring at me. Sobrang lapit namin.. sakto lang kasi ang couch ko for the two of us hugging. 

 

She nodded again, "Oo, don’t worry about it."

 

Okay.. if she says so.

 

I closed my eyes and chuckled, Rina took my hand para payakapin sa waist niya. 'Di ko rin alam kung bakit lagi siyang gigil na gigil sa pagiging clingy. I like it naman.. hehe.

 

I felt her moving her face closer and gave me a soft kiss pero antok na ako.. 

 

We're basically parang live-in partners na. We spend most of our days together. Although sanay na dahil mula paglaki ko, nakikita ko na siya araw-araw, it stills feels surreal. Siguro kasi may time din naman na hindi ko siya nakikita araw-araw.

 

Anyway, living with Rina.. lumalabas yung mga madalas naming pag-awayan mula pa noong college. Mga bangayan over small things, mga pikunan. Pero masaya naman kami by the end of the day. 

 

Hindi ko din siya matiis eh.

 

Today, I woke up 15 minutes later than when I should've. If you're asking where Gigi is, wala na siya sa room ko. Since Rina's been sleeping on my bed with me, si Gigi na lang ang gumagamit ng kama niya sa kwarto nila ni Yeji. 

 

"Rina, 'wag makulit." She kissed my cheek kasi while I'm checking my e-mails.

 

Kakatapos ko lang maligo. Alam ko naman na favorite ni Rina daw yung aamoyin ako after ko maligo pero kasi, nagmamadali ako.

 

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya sa'kin, hinawakan niya ako sa braso at ipinulupot sa sarili niya as she sat on my lap. 

 

Hays, Rina naman eh.

 

"Emailing my client." Sagot ko nang makaadjust ako sa position namin. I checked the clock, may time pa naman ako para kumain kahit kaunti. Tapusin ko lang 'tong pagcocompile ng files ko. 

 

Hindi ko nagawa kagabi kasi hinintay ko pa yung response ng client which was very late na din naman. 

 

"Hm.." 

 

I stared up at her, nakatingin lang kasi sa akin. Tinaasan ko siya nang kilay pero ngumiti lang siya at hinalikan ako sa cheek at noo.

 

Ah, I hate that I love it when she's clingy.

 

I was about to lean up to kiss her jawline when I smelled something..

 

burning?

 

"What’s that smell?" Tanong ko, nakakunot din ang mga kilay namin until biglang tumalon si Rina from my lap at tumakbo palabas sa living room. 

 

". .." 

 

What? What's going on? Minadali ko na ang pagsesend ng e-mail para masundan si Katarina. What's out there ba? Nagluto lang naman siya kanina.

 

Tch.. sana naman hindi yun ang naaamoy ko?

 

Napatakbo din tuloy ako palabas ng kwarto at tama ang hinala ko. I saw fire on the stove, what now.. pinabayaan niya bang nakabukas lang ang apoy? Sunog na sunog na ang bacon na niluluto niya kaya amoy na amoy sa unit ko. When I saw Rina jumping away from the stove, I pulled her out of the kitchen area at ako na ang nagpatay.

 

I clicked my tongue before washing my hands. "Rina, ano ba yan.." Naiinis ako, oo. Dapat kasi, ako na lang pala ang nagluto. 

 

She was even flirting with me sa kwarto kahit may niluluto pala siya.

 

"May presentation ako mamaya. Sana ako na lang pala ang nagluto." Sabi ko pa when I saw her biting her lower liip at nakayuko sa tapat ko. 

 

Pagkatapos kong punasan yung stove, naglakad na lang ako pabalik sa living room. Inamoy ko yung sleeves ng damit ko, hays.. amoy pagkain tuloy. 

 

"Sorry na." I heard her walking, following me.

 

"Mangangamoy bacon ako mamaya." Reklamo ko habang sinisimulan nang tanggalin ang pagkakabutones ng shirt ko. Kasi naman eh, today's a busy day and it's not going well kahit 'di pa ako nakakapunta sa work. 

 

Ang balak ko, papabanguhan ko na lang sana gamit yung pabango ni Rina pero bigla siyang nanguna sa paglalakad at pumasok sa kwarto.

 

"I’ll prep new clothes for you." She said, taking a polo shirt mula doon sa closet ko. 

 

"Late na ako." Paalala ko sa kaniya bago sumunod sa kaniya while removing my top.

 

Feels new na naghuhubad ako like this pero hindi para sa usual reason why papunta kami sa bedroom.

 

"Mabilis lang, wait lang."

 

As much as I want to smile dahil she looks and acts like my wife now, hindi ko pa din magawa kasi sa dami ko ngang iniisip, dumagdag pa ang possibility na ma-late ako for today's meeting sa work. 

 

Nagplantsa si Rina ng damit para sa'kin, nag-asikaso na ako ng mga gamit na dadalhin ko for work. Oo na, habang topless. Sanay na naman kami sa isa't-isa, at pareho kaming nagpapakiramdaman dahil sa nangyari. I still have to think about work.

 

"Hindi ka na kakain?" Tanong niya habang isinusuot ko yung damit. 

 

Umiling ako. Ramdam ko din na matamlay siya and knowing her, nafi-feel bad si Rina for sure about sa nangyari. "Hindi, magcoffee na lang ako sa pantry."

 

May food naman sa pantry namin sa work, okay na yun. For now, magmamadali na ako, kanina pa din akong nakakatanggap ng messages from ate Irene.

 

"Baby, sorry." Sinusundan pa din ako ni Rina habang naglalakad palabas ng unit. 

 

Ngumiti na ako kasi nakita kong malungkot ang fiancee ko. Ayoko namang umalis na hindi siya okay.. 

 

na hindi kami okay.

 

"Okay lang. Alis na ako." I told her, kissing her lips. 

 

"I love you." She mumbles, humawak sa mga braso ko when I cupped her face. 

 

When I pulled away, nakita ko naman na nakangiti na siya.

 

That's better.

 

KARINA’s

 

Lugmok ako dito sa couch ni Winter when the main door opened. Excited pa akong tumayo para i-check kung si Win ba yun pero narinig ko ang boses nina Ning kaya bumalik ako sa pagmumukmok sa couch.

 

Naiinis ako sa sarili ko, ang clumsy, puro kalandian inaatupag!

 

Alam ko naman eh. Nalimutan ko lang talaga kanina for a moment na hinayaan ko nga palang nakabukas muna yung stove para hindi agad lumamig yung bacon. Ang bango kasi ni Winter.. nalimutan ko tuloy.

 

"Oh, bakit nakasimangot ang Kat namin?" The minute Gigi pointed it out, mas nalungkot ako. 

 

Pumasok sila ni Ning sa unit, parehong bihis na at ready na yatang umalis. 

 

They have a date today. Dapat talaga, last week pa eh pero naging busy sila pareho. Sayang nga, balak pa sana namin ni Win na sundan sila sa date nila. Yan tuloy, nasaktuhan naman ng work ni Win ngayon so wala, mag-isa lang ako at wala din ako sa mood na makipag-asaran sa kanila. 

 

"Amoy ano.." Ning was sniffing, hay.. amoy bacon pa pala.

 

I stood up para buksan yung exhaust. Nagspray na din ako ng air freshener sa living room.

 

"Awit, nasunog mo?" Tanong pa si Giselle habang nakatingin sa mga nakalagay sa lababo, obvious na nga eh! Nakakainis.

 

"Oo, kaya galit sakin si Winter." Syempre, OA lang ako.

 

"Kaya pala 'di kami pinansin ni Win." Tiningnan ko si Ning nung sinabi niya yun, just checking kung seryoso ba siyang hindi sila pinansin ni Winter.

 

But she was grinning so it's a relief na nagbibiro lang siya. Kinabahan na ako eh.. ayoko talagang nagagalit si Win.

 

Nagtawanan na yung dalawa. Inirapan ko sila. 

 

It's been days since Gigi and Ning's breakup. Wala namang masyadong bago aside from Gi staying with Yeji. Pumupunta pa din si Ning sa units namin, we still hang out at night. 

 

Iniwan ko na sila sa living room at nagpunta na lang sa may sink para maghugas ng mga nasayang na pagkakainan sana namin ni Winter kanina. 

 

Hays.. hindi pala kami nakapagbreakfast. 

 

"Aaah!" Pinatay ko muna yung tubig sa sink at binitawan ang sponge. "Ang bulok kong maging asawa, ayoko na." I said before drying my hands with the kitchen towel. 

 

What difference does this make? Bakit pa ba ako maghuhugas? Wala din naman akong magandang magagawa as asawa ni Winter soon. Palagi na lang failed, palagi na lang nakakahiya mga ginagawa ko. The other day? I told Winter na ako ang maglalaba ng mga damit namin and I ended up ruining her shirt dahil masyado pala yung pagkukuskos ko.

 

"Weh? Ayaw mo na?" Tinabihan pa ako ni Ning when I sat back on the couch.

 

Nakakainis talaga, hindi mawala sa isip ko yung pagtitimpi ni Winter kanina. I sighed, a heavy one, as I pulled on my hair, scratching my scalp habang nakapikit. 

 

Gusto ko lang namang ipagluto si Winter. 

 

Gusto ko lang din namang lambingin siya.

 

Ang hirap naman magmultitask.

 

"Baliw, okay lang yan Kat." Pinat ako ni Gigi sa balikat. "Part of the experience ang magkamali."

 

I know, I know that. 

 

Pero kasi.. yun na nga lang ang gagawin ko, hindi ko pa magawa nang maayos.

 

"Text mo na lang si Win." Suggest ni Ning, giving me my phone na nakapatong lang sa center table kanina. 

 

"Okay.."

 

Rina ko: baby magbreakfast ka ah? sorry talaga kanina. I'll do better tomorrow.

 

After I sent the text, my friends stood up na parang hinintay lang talaga nila na makapagtext ako kay Winter.

 

"Sa'n kayo punta? Sama ako." Sabi ko kahit alam ko naman kung saan ang lakad nila. Bakit ba? Gusto ko lang mang-asar bago sila makaalis eh.

 

"Hindi pwede." Bilis ni Gigi mangreject. Gustong-gusto niyang masolo yung ex niya.

 

Si Ning naman, tumawa at nginitian ako. "Sumama ka," She challenged me.  "Pag-uusapan daw namin bridal shower niyo ni Winter."

 

Anong bridal shower? 

 

"Luh, gagamitin niyo pa kami para sa date niyo." Binato ko sila gamit yung unan pero sinalo lang nila pareho.

 

"Meeting nga 'to!" Sabi pa ni Gigi. 

 

"Belated happy 20th sa inyo, by the way."

 

Walang sumagot sa dalawa. Napailing na lang ako. 

 

"Goodluck talaga sa inyo." Asar ko sa kanila. 

 

"Anong goodluck? Kakain lang naman kami." Defensive pa talaga si Ning. Sige lang, panindigan niyo yan.

 

Humiga na lang ako sa couch at nagscroll sa phone ko, waiting for Winter's reply. By now, baka nasa car pa din yun.

 

"Kakain as exes." Sagot ko pa. 

 

"Heh."

 

"Bye na." Tinapik ni Ningning yung balikat ko, nagpapaalam na. Tinanguan ko lang sila without looking at them kasi nakita kong nagreply na ang fiancee ko.

 

W ko: It’s fine, magbreakfast ka na din Rina.

        Overtime ako mamaya ha baby.

 

Mag-oovertime pala siya.. edi hindi kami sabay matutulog? Ang pangit naman ng araw ko. 

 

Gustuhin ko mang magpakabusy sa work pero wala naman akong gagawin sa office. Sa site ang diretso ko today if ever kaso mamayang hapon pa yun.

 

Nang makaalis sina Gi at Ning, hindi pa agad nasaraduhan ang pinto ng unit ni Winter. When I checked, pumasok pala si Yeji na mukhang bagong ligo at nakabihis na.

 

“Good morning.” Walang ganang bati ko, ngumiti naman siya. 

 

Tinawanan ako ni Yeji because of my tone. Hindi naman kasi good ang morning ko kaya oo na, napilitan lang ako.

 

“Wala kang project?” Umiling ako.

 

“Meron pero mamayang 2 pa ako aalis.” 

 

She only nodded and sat beside me, nakatingin sa phone na hawak niya sa lap niya. Oo nga pala, bihis si Yeji ngayon kasi she planned to go out with Lia. 

 

"Ano, kamusta si Lia?"

 

"'Di na nga nagreply, sabi ko susunduin ko sya eh."

 

Kaso ayan, mukhang iniiwasan na naman siya ni Lia. Ewan ko din. Yeji only told me na gusto niyang makipagkita sana ngayong araw because she and Lia made plans daw pero hindi naman na daw nagchachat sa kaniya or at least magparamdam man lang after makauwi sa Bulacan the other day.

 

“Puro ka kasi Ryujin, magtiis ka daw.” Pang-aasar ko. Totoo naman kasi, kinwento niya sa’kin na nagkasabay daw sila ni Ryujin nung isang araw pauwi.

 

“Hindi naman.” Tanggi niya, rolling her eyes.

 

Inirapan ko din pabalik. “Kilala kaya kita.”

 

“Magwoworry ka kay Ryujin tapos magwoworry ka din umiiwas sa’yo si Lia.” Sabi ko, she looked at me like I hit the bull’s eye. 

 

I don’t know why pero kahit mula noong college pa, I feel like I know Yeji? I know how she feels, I know what she’s thinking kahit hindi naman kami close at hindi nag-uusap kasi duh, magkaaway kami noon.

 

“Ayan, umiwas na nga. Tapos wala ka namang progress with Ryujin.” 

 

Parang ako yung nagrarant for her, ‘di ba? 

 

Although honestly, I’m just saying what I think she’s thinking. 

 

Ngayon kasi, I know there’s something she hasn’t told me yet. Sinabi kasi sa’kin na sasabihin daw niya pero never naman sinabi! Hindi tuloy ako sure kung ano bang nararamdaman niya, hanggang thoughts lang ang kaya ng powers ko.

 

“It’s not like gusto kong magkaprogress.” 

 

Tiningnan ko siya, nakatitig pa din siya sa phone niya. 

 

In the past days nga, I’ve only seen her always checking her phone kapag nasa unit. Naghihintay siguro ng texts ni Lia. Iniiwasan din daw siya sa work eh.

 

“Sure ka?”

 

She glanced at me and nodded. “Oo, I honestly don’t like seeing myself din with Ryujin.”

 

“Ayoko din namang mapalapit kay Ryujin.” Sabi niya pa, sighing as she placed her phone on the center table. Inilayo sa sarili para siguro hindi niya icheck nang icheck.

 

“Then.. bakit parang push and pull ka kay Lia?”

 

Ilang weeks ko na kasi siyang tiantanong, palaging si bawi ‘to kaya hindi ko alam kung anong gusto niyang gawin sa buhay.

 

“Ayan na oh, halata namang gusto mo din si Lili mo. Why are you wasting your time beating around the bush?” Tanong ko ulit. If Ryujin’s not in her business naman pala kasi, why is she like this?

 

“I get distracted when Ryu’s around.” Pag-amin niya. 

 

Hay nako. Stressed na nga ako sa sarili ko, stressed pa ako sa lovelife ni Yeji.

 

Tinitigan ko siya pero mahina niya akong sinapak para paalisin ang tingin sa kaniya. Napakaepal! Nagpapakamabait na kaibigan nga ako eh!

 

“Alam mo ikaw?” I slapped her shoulder, she winced at lumayo nang kaunti sa’kin. 

 

I glared at her pero hindi niya ako tiningnan. and instead, kinuha ulit ang phone niya. 

 

Napabuntong-hininga na lang ulit ako. 

 

“Ikaw naman talaga ang nakakaalam niyan if worth it ba si Ryujin or not.. pero baka mamaya, na-let go ka na pala ni Lia kasi pansin niyang distracted ka kay Ryujin.”

 

Hindi siya umimik but she leaned her head against my shoulder habang nags-scroll siya sa phone niya.

 

“I’m actually surprised sa effect sa’yo ni Ryujin.. Kasi noon, when you were into Winter, you’d only look at Winter.”

 

My god.. I can’t believe nagamit ko pang example ang fiancee ko. 

 

Sakit ng bangs ko dun ah.

 

Anyway, malay ko ba kung nakikinig pa siya sa’kin. Ang hirap kayang magbigay ng advice dito. Hindi naman niya kinekwento yung moments niya kay Ryujin at kung anong nafifeel niya dun. 

 

Nakakainis. If I were to pick for her, Ryujin would never be in the options. 

 

But it’s her heart so I can’t do anything about it. 

 

“You’re really going to support me kahit anong gawin ko, ‘di ba?” Bigla niyang tanong as she sat properly, placing her phone on the pocket of her cargo pants. 

 

“Oo naman, pinatira mo ‘ko nung sinetup ako ng ex mo eh.” 

 

Tawa naman siya. Anong nakakatawa don? Pinaalala ko lang sa kaniya na ex niya si Ryujin at sinetup ako ng ex niyang si Ryujin na part ng problem niya ngayon. 

 

When Yeji stood up, saktong nagbuzz ang phone ko.

 

W ko: Rina, don’t wait for me later. Baka madaling araw na ako makauwi. 

 

Okay, kakalma na ako. 

 

Yeji waited for me to finish reading bago siya magsalita.

 

“I have to go.” She said, clicking on the screen of her phone too.

 

“Saan?” 

 

She glances at me and smiled. 

 

“I’ll make sure Lia won’t let go.”

 

THIRD PERSON’s

 

After her talk with Katarina, Yeji rushed to the parking lot. Walang reply si Lia sa text niya kanina lang, informing the other that she’ll go to her place. 

 

She’s been there before naman. Lia’s living by herself na ngayon. Noon, kasama pa sina Yuna but since kaya naman na ang expenses, Lia decided to live alone. 

 

Yeji shakes her head as Karina’s voice continued to speak in loop sa inner thoughts niya. She already disliked it when Lia stopped having lunch with her. Oh, Yeji knows she’ll hate it if Lia just suddenly stops hanging out with her in general. 

 

Hindi alam ni Yeji kung bakit biglang lumalayo si Lia sa kaniya pero alam niyang ayaw niya ng ginagawa ni Lia, for whatever reason the latter has para layuan siya.

 

They’ve been tight as work colleagues, can even call each other as ‘work wife’. Although Yeji has mastered the art of taking care of someone, Yeji doesn’t have enough experiences in being taken care of.. by someone who isn’t family. Yun bang pangromantic, Lia’s treatment feels like her first time tuloy.. since her relationship with Ryujin is almost like her one

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hehe helloo

Comments

You must be logged in to comment
xiaosythe 0 points #1
cutieee🥺
Aenan_11
11 streak 0 points #2
Chapter 12: thank you sa update, Author😊
joyie4ever 14 streak 0 points #3
Chapter 12: Hahyyy❤️
kimmynjeongg
#4
Chapter 12: HAYYY basahin q n nga ung una 😔😔😔🥺🥺🥺
fanficethusiast #5
Chapter 12: cute 🥺
idkwhatnametouse #6
Chapter 12: namiss ko tooo
twentythreeee
#7
Chapter 12: Yay! Thanks po sa update!
Ardem_Joseph23
15 streak #8
Chapter 12: Ayy. Planning for the future.. Sana all
franzii
14 streak #9
Chapter 12: tnx pi sa update. gusto ko rin ng helicopter toy
yhielswift013
#10
Chapter 12: awww namiss ko to 🥹