Sa Unit 2, Exhibit A

Sa Mga Mata Nina Kat at Win
Please Subscribe to read the full chapter

 WINTER’s

 

I never had a hard time bonding with my girlfriend’s friends. Iisa kasi ang circle namin ni Rina. Back in highschool, sina Giselle at Ningning lang din ang madalas niyang kasama—na naging kaibigan ko din naman over time. Sa college naman, mga kaklase lang din namin nung first year ang mga kaibigan ni Rina maliban sa aming tatlo nina Gigi at Ning. At.. kung meron man siyang ibang nakaclose, hindi ako nahirapan sa pag-iisip kung paano makikitungo sa kanila. Bakit? Dahil wala akong time para isipin sila noon, busy din naman kami sa pag-aaral. 

 

Sina ate Seulgi, sila yung mga naging kaibigan ni Rina na may madalas na interaction with me noon. Okay naman.. naging kaclose ko na din siya at ang barkada niya pagkatapos ng thesis defense nila noon kung saan kami ni Rina ang secretary at runner. 

 

Ate Seulgi and Ate Irene became my friends too sa first full-time job ko since I graduated. Naging workmates ko sila sa Japan. 

 

“Nasa loob na daw sila.” 

 

Hindi ako sumagot at patuloy lang sa pagbabasa sa nakita kong ‘Establishing Rapport with Your Girlfriend’s Friends’ online. Oo, fiancee ko si Rina.. at okay naman kami ng closest friends niya. Itong pinoproblema(?) ko ngayon, para sa work friends niya. 

 

Rina’s walking beside me, nakahawak sa isa kong kamay so I know that I’m walking fine at wala akong mabubunggo because she’s guiding me.

 

Ang sabi ni Sophie Saint Thomas sa 3 easy ways to impress your girlfriend’s friends, first thing to do is to show up. 

 

I’m here, walking on the hallways of the building papunta sa gym na pinag-signup-an ni Rina five months ago para kitain ang dalawang kaibigan niya sa work; sina Yujin at Wonyoung. 

 

I’ve seen and talked to Wonyoung many times. Mostly kamustahan lang, naging close lang kami dahil sa paghahanap ko ng condo noon.

 

Hindi ko itinuloy ang blog ni Sophie at lumipat sa kabilang article, yung art of charm nga. Mukhang mas bagay sa’kin ang mga nakalagay dun.

 

Smile, smile, smile. Don’t do anything flirty. Avoid controversial topics. Never discuss your ex.

 

Hm.. madali lang pala eh.

 

“Yujin!”

 

Inilusot ko ang phone ko sa bag na dala ni Rina nang marinig kong tinawag niya ang friend niya. I heard about Yujin quite a lot, mula kina Rina at Wonyoung. 

 

I saw the Yujin getting off the treadmill when she looked back kay Rina na tumawag sa kaniya. Nakita ko na din si Wonyoung na nakangiti sa amin at nakatayo sa may gilid ng Yujin.

 

“Wonyoung, hindi na ako nakareply kanina.” Pinanood ko si Rina na nakipagbeso sa dalawa niyang kaibigan, habang ako.. nanatili lang dito sa likod nila.

 

When they finished greeting each other, napunta na sa akin ang tingin nila. I remember the first one sa binasa ko kanina. 

 

Smile, smile, smile.

 

Kaya ngumiti ako. Nakita kong papalapit sa akin si Wonyoung. 

 

I remember, Don’t do anything flirty. Not that I’m planning to. Ang sabi sa blog, careful of how your partner may interpret your actions, although si Rina naman ito.. na palaging possessive, I’m careful nga around Wonyoung. Ang balita ko kasi, girlfriend yata siya ni Yujin so I don’t want to make a wrong impression. 

 

“Hi din, Winter.” Wonyoung patted my shoulder, nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi beso ang bati niya sa akin.

 

Hindi ako sanay sa ganung greeting eh. 

 

Kung si Rina siguro, okay lang. Kahit sa lips pa, hehe..

 

My eyes drifted towards Yujin, the new face—para sa akin. Pero para sa kaniya, ako ang new face. 

 

Ngumiti din ako sa kaniya. 

 

Kinakabahan nga ako—pero buti nalang, ngumiti din siya. Pati nga mga mata niya, ngumingiti din sa akin.  

 

Friendly pala. 

 

“Hi, ako po si Yujin.” Yujin extended her arm for a handshake. Ang formal naman. 

 

“Winter.” Pakilala ko, “Fiancee ni Rina.” Narinig ko naman ang mahinang tawa nina Wonyoung at Rina kaya tiningnan ko ang fiancee kong may toothy smile pa.

 

Nagulat ako nung hinila ako ni Yujin sa forearm ko papalapit sa kaniya. I looked back at Rina, magkausap na sila ni Wonyoung at papunta sa may gilid, ibinaba ang bag niya sa tabi ng bag yata ng kasama niya. 

 

“Anong gusto mong i-try, ate Winter? Treadmill kasi muna ako eh.” Ibinalik ko ang tingin kay Yujin, she’s clicking on the small LED monitor ng treadmill. 

 

Now, I’m not the type na pumupunta sa gym. I do exercise in my room noong nasa Japan ako at kapag bored ako nung umuwi ako dito sa Pilipinas, pero hindi pa ako nakakatry talaga na pumunta sa mga ganitong gym. Niyaya ako nina ate Seulgi noon kaso nagkahiwalay na kami ng teams, thus, different schedules.. and I got busy.

 

“Sige, sabayan nalang kita.” Sumunod na ako sa kaniya since iniwan na din naman ako ni Rina dito. 

 

Yujin pointed out the buttons na pwede kong paglaruan para sa gusto kong pacing. “Ito, ate. Adjust mo nalang sa gusto mong speed or altitude.”

 

I’ve learned during my first job experience kung paano makisama. At dahil mukhang mabait naman si Yujin, I think hindi naman ako mahihirapan sa kaniya.

 

“Thank you.”

 

“Hindi nagk-kwento si ate Karina na may bago na pala siya. Akala ko, yung ex pa din ang gusto niya.” 

 

Never discuss your ex.

 

Okay lang naman siguro.. since wala akong ex pa. Si Rina lang naman ang nagpilit na nagbreak daw kami. 

 

Ako, walang break-break. 

 

“Ako yung ex niya.. pero ‘wag kang maniwala sa kaniya. Hindi talaga kami nagbreak nun.” 

 

“Oh! Ikaw pala yun.” Tumawa si Yujin. We have the same posture at nanonood sa TV sa harap namin kung saan may live streaming ng basketball match, governor’s cup yata ito. “Kaya pala, nagulat ako nung sinabi ni Won na fiancee daw ni ate Karina yung kasama niya.. eh hindi naman interested si ate sa kahit sinong nagkagusto sa kaniya sa office namin.” 

 

“Ah, talaga?” Napatawa nalang din ako sa kwento niya. I haven’t heard much about how Katarina is sa work environment niya. Kung magkukwento kasi si Rina, puro rants lang about sa ginawa niya sa maghapon.

 

“Oo, sikat si ate Karina as rejector.” Kamot-ulo siyang sumagot sa akin, sabay silip kina Rina at Wonyoung na nagtatawanan. 

 

“Swerte ko naman pala.” I muttered, nakatingin na din sa fiancee ko. Daldal lang yata ang ipinunta ni Rina dito eh.

 

“Congrats po pala.” Sabi ni Yujin. We looked at each other at napatawa nalang din sa eye contact namin. 

 

“Thank you.. Attend ka sa kasal namin.”

 

Nung una, medyo nahihiya pa ako whenever people—especially those that Rina knows, approaches me or calls my phone para i-congratulate ako, kami. Pero nasasanay na din ako ngayon at na-aappreciate ko na din how they care to give greetings and initiate catching up with me.

 

Lalo na.. hindi naman ako ganun ka-friendly during my student years. Kaya nakakatuwa that they know me, not just because I’m Rina’s bestfriend, or girlfriend, or now—fiancee.

 

“Kailan ba?”

 

I shrugged, grinning. “I’ll make sure to invite you and Wonyoung.”

 

“Ay, what if break na kami by then?” Napatingin ako sa kaniya, mukhang nagjojoke lang naman siya. I chuckled, her question got me into thinking.

 

In the past month, I’ve been hearing a lot about the idea of uncertain future.. lalo na galing kay Gigi. She and Ning had fights about that. Parang.. everytime that topic—of making comments about future plans daw nila comes up during our group conversations, nagc-clash yung replies ng dalawa and the next thing we know, nagsusuyuan na naman sila. 

 

I don’t know what goes on during their suyuan, if Gigi makes promises or if Ning lets Gigi’s fixed decision about not wanting to marry pass para lang hindi na sila mag-away.

 

Avoid controversial topics. Sige, I’ll try.. ‘Di ko sure kung controversial ba yung topic namin ni Yujin ngayon, about her and Wonyoung, pero okay lang naman siguro ‘tong pahapyaw na usap. 

 

“Kayo na ba..?” Tanong ko, making sure I don’t sound like a gossiping newcomer. Yung tipong ano lang.. parang ate ni Yujin. 

 

Ate naman ang tawag niya sa akin so, okay lang siguro.

 

“Hindi pa.” I heard her giggling, pumindot sa monitor ng treadmill niya at nagsimula siyang tumakbo while mine remained walking. 

 

“Yun pala eh, edi huwag munang maging kayo para walang ib-break.” Biro ko, tumawa naman siya. 

 

Sabay kaming napatingin sa TV sa harap namin when the staff raised its volume. Mag-third quarter na ang laro ng Meralco Bolts at San Miguel Beermen. Kilala ko.. kasi mahilig diyan sina papa at kuya.

 

“Mahilig ka sa PBA, ate Winter?” PBA, Philippine Basketball Association. Kung saan sikat noon sina James Yap, Jaworski, Jimmy Alapag, Jun Mar Fajardo, at marami pang iba. 

 

“Nung around 2016.. mahilig ako dyan.”

 

I remember Rina and I being forced to watch their games. Isa sa mga bihirang napagkasunduan namin noon.. ang manood para makausap ang kuya at papa ko. Dahil sa bahay namin, sa pamilya ko, walang-wala sina James Yap sa kasikatan ng papa at pagiging bibo ng kuya ko tuwing may bisita—which is si Rina lang naman most of the time.

 

They don’t need to exert too much effort to impress my guest. 

 

Impress.. That’s what I’m trying to do right now. Isang taon din halos akong nawala, maraming nagbago sa buhay ni Rina habang wala ako dito.. and I’m doing my best to impress her, by fitting in her world. 

 

First up, ay ang friends niya sa work kung saan unexplored ko pa kahit na araw-araw ko naman siyang hatid-sundo. Hanggang lobby lang naman kasi ako..

 

But now, I feel satisfied with how this day is going. Madaldal din pala si Yujin, mas madaldal pa kesa kay Wonyoung. ‘Di pala ako dapat kinabahan. 

 

Nang maramdaman ko na ang pagod, umalis na din ako muna sa treadmill at hinanap ang fiancee ko. Si Wonyoung kasi, mag-isa nalang at kinausap na si Yujin. 

 

Ayoko namang mag-thirdwheel.. sawa na ako kakasama kina ate Seulgi at ate Irene. 

 

It didn’t take long until mahanap ko si Katarina na nasa kabilang dulo, may kalarong orange na pusa. Nakaupo sila sa yoga mat at busy ang partner ko sa pagpi-picture. Sa sobrang busy, hindi niya na napansin ang paglapit ko sa kaniya.

 

Tingnan niyo ‘tong si Rina. Siya yung nagyayang mag-gym pero hindi naman nagpapapawis?

 

Napairap ako habang pinapanood siya.

 

“Sana naggala nalang tayo kung magpi-picture taking ka lang pala.” That’s when she noticed me. Inirapan niya din ako bago bitawan ang pusa na nasa lap niya kanina lang.

 

Umupo ako sa monoblock na nasa gilid. Wala akong ginagawa, nagpapahinga lang at pinanood ang pagtayo niya sa mat para maglakad-lakad at magpatuloy sa pagkuha ng litrato niya sa mirror wall. 

 

“Sana naggown ka nalang din kung gagawin mong red carpet 'tong yoga mat.” Sabi ko pa, parang baliw kasi.. may sarili yatang fashion show at feel na feel ang gym fit niya ngayon. 

 

After taking one more photo, nagulat ako nang hilahin niya ako para patabihin sa kaniya when she went back to sitting on the mat.

 

“Sali ka para ‘di ka puro reklamo d’yan.” She said as she wrapped an arm around my waist.

 

Hawak niya pa rin ang phone niya and this time, mirror selfie naman ang pinagkakaabalahan niya. Ay— hindi pala selfie, kasama na kasi ako. Hindi pa ako ngumiti agad kaya she forced me to smile by pinching my cheek.

 

Sinubukan ko mang i-keep yung mala-passport picture kong serious face, hindi ko naman matiis when I saw how cute we look sa camera screen ng phone niya. 

 

After three more photos, tinanggal ko na ang pagkapit niya sa akin. Kinuha ko nalang yung mga maliit na dumbbell sa ilalim ng monoblock na inupuan ko kanina. I saw the label, 5-kg daw.

 

“Sana sa unit nalang pala ako nag-exercise.” Reklamo ko ulit, thinking about how comfy it would’ve been kung diretso higa ako sa couch o sa kama ko sa kwarto. 

 

“‘Di pwede! Sayang membership ko dito.”

 

“‘Di ka naman talaga madalas pumunta eh..”

 

Tumingin sa akin si Rina, nakangisi. Tuwa talaga siya kapag naiinis ako? Ewan ko ba dito. Kaya I like it whenever I successfully tame her, she thinks na ako ang pinepet niya, but it’s the other way around.

 

“Kaya nga andito ako ngayon para makinabang.”

 

“Makinabang pero nakaupo ka lang dyan, nanonood.”

 

As I start lifting the weights, sa dalawang kamay ko; at ginaya ang nakikita ko sa monitor na guide sa arm exercise, tumigil na din naman si Rina sa paghawak sa phone niya.

 

I thought she’ll join me pero pinanood lang niya ulit ako.

 

“‘Lika nga dito, kukurutin kita.” Gigil is evident in her actions nang gumapang siya papalapit pa sa akin, kaya napatigil ako sa ginagawa ko at binitawan yung mga hawak kong dumbbells.

 

“Ayaw!” Aaah! Niyakap ko ang sarili ko kasi nakita kong balak niya akong kurutin talaga.

 

Umiling si Rina, kagat ang labi niya habang nakatitig sa braso ko. “Pakurot sa bicep ng baby na yan!”

 

“‘Wag kasi!” Kunot-noo ko siyang nilayuan at lumipat sa kabilang mat. 

 

I heard her laughing, at nakitang hindi niya man ako sinundan ay tuloy pa din naman siya sa panonood sa’kin. Hindi ko na muna itinuloy yung kanina at ginaya nalang yung nags-stretching ng braso sa monitor. Sa totoo lang kasi.. tinatamad na din akong tumayo pa, pagod mga paa ko sa treadmill kanina.

 

“Ang cool mo kaya!”

 

Si Rina.. whatever I do, nakikita ko kung paano niya ako tingnan. Palagi niya akong sinusuportahan. Palagi niya akong pinapanood. Palagi niya akong tinititigan na para bang ako ang may-ari ng mundo niya. 

 

Simpleng pagsagot ko sa usapan naming magkakaibigan, nakangiti siya habang sinisilip ang mga labi ko, and it didn't feel uncomfortable at all.. because I feel her loving me. I can feel her falling for me, over and over again, every day. 

 

“Rina.”

 

“Hm?”

 

“Magbuhat ka din kaya.” Sabi ko sabay turo sa dumbbells na nasa gitna namin.

 

Narinig ko ang malalim niyang paghinga bago tumawa. Aakalain talagang pagod na siya kahit umupo lang naman mula kanina.

 

“Ayoko, ikaw nalang. Papanoodin nga kita.” She really insists on watching me. Edi sige.

 

“Nakausap ko na si Yujin.”

 

“Oo nga eh, ang cute niyo kanina.” My eyes squinted at her response.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hehe helloo

Comments

You must be logged in to comment
xiaosythe 0 points #1
cutieee🥺
Aenan_11
12 streak #2
Chapter 12: thank you sa update, Author😊
joyie4ever 14 streak #3
Chapter 12: Hahyyy❤️
kimmynjeongg
#4
Chapter 12: HAYYY basahin q n nga ung una 😔😔😔🥺🥺🥺
fanficethusiast #5
Chapter 12: cute 🥺
idkwhatnametouse #6
Chapter 12: namiss ko tooo
twentythreeee
#7
Chapter 12: Yay! Thanks po sa update!
Ardem_Joseph23
15 streak #8
Chapter 12: Ayy. Planning for the future.. Sana all
franzii
14 streak #9
Chapter 12: tnx pi sa update. gusto ko rin ng helicopter toy
yhielswift013
#10
Chapter 12: awww namiss ko to 🥹