mama

the 1

Nasabi ko na bang selosa si Karina? 



 

Noong nagkabalikan kami, nawala sa isip ko na halimaw nga rin pala magselos ang jowa ko. Hindi naman sa nakakainis and super random na pagseselos, more like ‘yung cutie type of selos lang naman. Kakapanood niya ‘to ng mga teleserye eh. 



 

Katulad ngayon, hindi ko alam if bored na siya sa shooting nila ngayon kaya ganiyan ang mukha niya or totoong naiinis na siya sa kaharap namin. 



 

Best actress nga kasi ang jowa ko kaya medyo duda rin ako sa pa-maldita effect niya ngayon. 



 

Full english pa ang certified conyo kaya pati ang kunsintidor niyang manager na si Ningning eh tuwang tuwa. 



 

“I didn't think you would accept the offer, though,” full maldita mode ng jowa ko. 



 

Nandito kami ngayon sa tent ni Prof Medina. Bigla kasi kaming pinatawag–ay, ako lang pala. Nakarinig lang ng kung ano itong jowa ko kaya nagpumilit na sumama at ang magaling niyang manager, ngising aso lang na sumunod. 



 

“I saw someone na matangkad na pumasok there,” sagot sa akin ni Karina noong tinanong ko siya kung bakit siya sumusunod sa akin eh ako lang naman ang tinawag. 



 

“Anong connect?” 



 

“I smell something fishy,” naniningkit na matang sabi ni Karina. Agad namang umeksena ang manager niyang nakasunod na rin sa amin. 



 

“Really fishy,” asar ni Ningning habang tinataas baba ang kaniyang noo. 



 

Confused naman ako kasi anong fishy? ‘Tsaka anong connect ng matangkad na pumasok sa tent? 



 

Sa mga ganitong pagkakataon ko talaga napatutunayan na mag-bff nga si Karina at si Ningning. May mga bagay silang naiintindihan kahit sa isang tingin lang. 



 

Grabe, parang hindi naman kami ganito ni Giselle. Naalala ko tuloy sinabi sa akin ni Giselle one time,



 

“Kasi you’re slow, Winter. Kailangan isubo pa sa ‘yo para lang makuha mo” 



 

Itatanong ko ‘yan sa jowa ko mamaya. Hindi naman ako slow, ano. 



 

At first, yes, I didn't have the will to accept it. But when I heard that a certain person would be included, my mind changed. So here I am,” full english din na sabi ng matangkad na katitigan ni Karina ngayon. 



 

“I don’t think we need you here”



 

Tumawa ang kausap ni Karina bago magsalita. “Really? I think Winter does



 

Nalipat naman sa akin ang tingin ng lahat ng nasa tent na ito. Prof Medina, Eunchae, Ningning, Karina, at si Yeji. 



 

Bakit ako? 



 

“H-ha?” lito kong sabi matapos silang tumingin sa akin. Tahimik akong nakikinig tapos idadamay ako? 



 

“You need me, Winter, right? Like before?” nakangiting tanong sa akin ni Yeji. Hindi ko naman alam kung bakit ako kinakabahan. Bigla pang lumamig dito sa tent ni Prof eh sa ibang araw ay parang second home na ni satanas ‘to sa init.  



 

Hindi naman ako makasagot kasi narinig ko kaagad ang mababang tawag sa akin ni jowa ko na para bang binabalaan ako sa magiging sagot ko. “Winter”



 

Pwede bang call a friend? 



 

“C-chocolates po,” kabado kong sagot sa kanila. Agad namang natawa si Eunchae at si Ningning sa sagot ko. Narinig ko pa ang mahinang kantyaw ni Ningning sa akin. 



 

“Liar. I know you prefer the other choice” 



 

Napapikit na lang ako sa naging sagot ko. Eh kasi naman bakit ako ang tinatanong? Ako ba ang direktor? 



 

Ayan si Prof Medina, oh! 



 

Siya tanungin niyo! 



 

Narinig ko ang mahinang pagtunog ng bibig ni Karina. Agad akong napamulat at napa-ayos ng upo. Shet, shet, shet. 



 

Agad kong naalala noong nasa condo kami ni Karina dati. Nakwento ko sa kaniya ang mga naging crush ko sa kaniya. 



 

At isa na si Yeji doon. 



 

Natandaan niya ang pangalan ni Yeji for sure kaya spokening dollar na naman siya. 



 

Sa halos dalawang taon kong pagkakakilala kay Karina, nawawala lang naman ang pagkabaluktot ng dila niya kapag una, umaarte, pangalawa, kapag nagugulat, at pangatlo, kapag may kaaway. 



 

Sa tatlong pagpipilian, feel ko talaga na nasa pangatlong choice siya ngayon. 



 

Hindi ko lang sure kung ako ba o si Yeji ang kaaway niya.



 

“You really never changed, huh?” biglang tawa ni Yeji. Napalingon naman kami sa kaniya kasi bigla bigla siyang nagsasalita. Nagulat naman ako na sa akin siya diretsong nakatingin. 



 

“A-ako?” utal kong tanong kasi matapos ang ilang segundo, sa akin pa rin siya nakatingin. 



 

At kung nakamamatay ang tingin, siguro dead on arrival na ako sa hospital kanina pa. 



 

“Yes, cutie”



 

Ayoko na! 



 

I quit! 



 

Ano bang kasalanan ko kay Yeji para ganituhin niya ako?



 

Hindi niya ba alam na may jowa akong nangangagat?



 

After sabihin iyon ni Yeji, agad na nangibabaw ang kantyaw nila Prof Medina sa amin. Si Eunchae ang may pinakamalakas na hiyaw samantalang si Ningning ang may pinakamalakas na tawa. 



 

‘Yung jowa ko? Ayun nag-transform na siya sa pagiging black cat. Diretso lang ang tingin kay Yeji na ngayon ay ngising aso sa akin. 



 

Ibalik niyo ang stupid cheese cat ko!!



 

Dapat pala noong chinismis ko sa jowa ko na naging crush ko si Yeji, chinika ko na rin na pamilyado na siyang tao at may anak na naghihintay pauwi. Isinama ko na rin sana na may asawa siya na maliit pero grabe kung mambarda. 



 

Hindi ko rin naman alam dito sa Yeji na ‘to at bakit nandito. Nagulat na lang ako na pagkapasok namin nila Karina sa tent ni Prof Medina eh nakangiti na nang masama itong si Yeji habang nakaupo sa upuan na laging inuupuan ni Karina. 



 

At hindi ko rin inakala na na-recruit na pala ni Lucifer itong si Yeji kasi biglang sumama ang ugali niya. 



 

Hindi naman siya ganito before ah! 



 

Lia, when I catch you, Lia. Lia, when I catch you!



 

Ang isa pang nakakagulat ay bakit parang knows ni Yeji ang sa amin ni Karina? 



 

Hindi ko naman sinabi sa kaniya ‘to!



 

Napanguso ako sa naisip. Hala, halata ba kami ni Karina? 



 

Eh? First time ko lang naman makita ulit si Yeji at first time niya kaming makita ni Karina na magkasama ah. 



 

So paano niya nalaman? 



 

Never namang akong ilalaglag ni Giselle at never din namang kakausapin ni Ryujin itong si Yeji. 



 

“I see na nagkakasundo kayo. This is Yeji, member din siya ng club namin before and silang dalawa ni Winter ang mga umasikaso sa film before,” extra ni Prof Medina matapos niyang makita na super intense na ng artista niya. 



 

Agad naman akong lumapit sa jowa ko. Kahit na magkatabi na talaga ang upuan namin, mas lumapit pa ako. 



 

Minata naman ako ni Ningning pero nag-make face lang naman ako sa kaniya. Uunahin ko pa ba siya eh may feeling akong nagtatampo na ‘tong baby ko. 



 

Bahala siya diyan. Chat niya na lang si Giselle kung may reklamo siya sa akin. 



 

“Due to conflict sa sched, hindi siya agad nakasali sa ating team pero she messaged me last week na free na raw siya so, here we are!”



 

So, magiging kasama na namin siya sa shooting? Nasa kalahati naman na kami kasi unang una, short lang naman ito compared sa Before You. 



 

Okay lang naman sa akin na may new addition since si Yeji lang naman ‘yan. Ang hindi ko lang gets ay bakit biglang sumali itong si Yeji. 



 

Super miss niya na ba ang jowa niya kaya naghahanap ng distractions? May anak naman sila ni Lia, ah. 



 

Anyways, mabilis na nagpakilala ang lahat kay Yeji. And kaya rin pala ako tinawag ni Prof Medina kanina is because ipakikilala niya sa akin si Yeji although alam naman niya na we knew each other since college. 



 

Mabilis naman na nagustuhan ng mga staff si Yeji kasi ang bait lang din ng aura na meron siya. Palangiti rin kasi ang super click sa mga staff ang pagkawala ng mga mata niya everytime na ngingiti siya. 



 

Kung super ngiti siya, itong katabi ko ngayon ay super maldita naman ng hitsura. Hindi na kami masyadong sumama kila Prof Medina sa pag-tour kay Yeji at nanatili na lang sa tent ni Karina. 



 

Talagang jirits ata talaga ang jowa ko kasi pinaalis niya lahat ng staff dito sa loob. Muntik na nga rin ako umalis eh kaso noong pagtayo ko nakita ko ang maldita niyang mata. 



 

“Baby, pa-deliver ba ako ng tinapay?” basag ko sa katahimikan. Hindi naman niya ako sinagot at busy siya sa panonood niya sa cellphone. 



 

Sinilip ko ang phone niya at nakitang puro sea lions ang nasa screen. 



 

Ayan na nga, ang bago niyang kinaaadikan. Muntik pa nga akong hilahin niyan sa Ocean Park noong isang araw eh. Gusto niya raw manood ng live show ng mga sea lions. 



 

Kaso nakipagdebate pa siya sa sarili niya kasi hindi niya raw sinusuportahan ang pagkulong sa mga animals inside sa zoo or waterparks.



 

Hindi ko alam sino nanalo eh. Basta hindi kami natuloy which is ipinagpasalamat naman ni Ningning kasi hindi niya na raw kaya na mabalita ulit si Karina sa buwang ito. 



 

Si Karina raw talaga ang papatay sa kaniya. Sus, akala mo naman. Isang sorry nga lang ng jowa ko with her cute pout eh tiklop na rin ang manager niya. 



 

Grabe kasi ‘yung mga tawag na nakuha niya noong gabing nalasing si Karina. Akalain mo ba namang nag-tweet gamit ang main account at nagsasabing “my girlfriend”, sinong hindi mabubulabog doon? 



 

Halos tatlong araw siyang trending sa kahit anong social media accounts and nabalita pa. Hindi pa kasi nakaka-get over ang samabayanang Pilipino sa cutie image niya sa show tapos dinagdagan agad ng dating news. 



 

Kahit ako eh, kung fan ako ni Karina tapos ganoon, mababaliw talaga ako. 



 

Imagine ‘yung private mong idol eh cute pala talaga na nagtatago sa astig image tapos may jowa. 



 

Sana all na lang talaga. 



 

Pero ayun, ilang araw din kaming nagkulong lang sa condo niya. Kahit si Ate Seungwan eh binebaby si Karina kasi isang tawag lang ng jowa ko sa boss ko na hindi ako papasok ng three days, oo agad si boss. 



 

Kahit one week pa nga raw. Hindi naman daw matao sa shop these season. 



 

Aba. 



 

Sayang ang one-week na sahod ‘no! 



 

Lalo pa at may plano na akong mag-take ng boards. 



 

Hehe napanaginipan ko kasi na tinawag daw akong Engr Kim ni Karina. Syempre sino ba naman ako para ipagkait iyon sa jowa ko. 



 

Kaso ‘di ko pa nasasabi kahit kanino ang plano ko kasi dinidistract ako lagi ng jowa ko. 



 

Feel ko talaga scammer sa Quiapo ‘tong si Karina eh. Alam mo ‘yung mga modus na kakausapin ka lang tapos the next moment magigising ka na lang na wala ka ng bag? 



 

Ganoon si Karina. 



 

Taga-Pasay naman daw talaga ang family nila at hindi taga-Recto. 



 

Anyways, balit tayo sa mga fans ni Karina. 



 

Nasira sila ni Karina. As in. 



 

Pagkabukas ko ng twitter kinabukasan, nakita ko na super gulo na sa fandom nila. Halo halo ang mga tao eh. May naiiyak kasi hindi na raw less ang idol nila. 



 

Meron din namang detective conan kung maka-deduct kung sino ang jowa raw ni Karina. 



 

Meron din na nagpoll pa kung nagkabalikan daw ba kami ni Karina o hindi. Kitang kita ko pa si Faye at Alison na naka-vote sa No. Muntik ko na ngang i-mention ‘yung dalawa eh. 



 

Kung pumupunta kasi kayo ulit sa shop, ‘di ba? Edi hindi kayo nahuli sa chika. 



 

Meron din namang hinahanap na ako. Feel daw nila Winter ang pangalan ng jowa ni Karina eh. Ang random naman daw kasi noong IG story nila Ning at Karina last month. 



 

Kaya napa-post ng announcement ang agency ni Karina regarding sa pagpunta niya nga sa Korea next month. Dapat talaga surprise ‘yun eh kaso dahil nga sa mga detectives na fans ni Karina, napilitan si Ningning na magbigay ng diversion. 



 

Siya rin naman kasi ang pasimuno. Kung hindi niya pinost ‘yung story na ‘yun sa IG, edi sana walang problema ngayon. 



 

Buti na rin pala at hindi ko nilagay ang pangalan ko sa IG. Nasa following kasi ako ni Ningning at sure akong kung Winter ang nilagay kong name sa account ko, mahahanap nila ako agad. 



 

Pero kilala na nila ako bilang isa sa mga staff ng new series ni Karina. Syempre nag-post din kasi ako ng mga candid shots ng set eh. 



 

Ika nga ni Ningning, diversions. 



 

“Do you want me to confirm it, babe?” tanong sa akin ni Karina noong minsan ay nasa sala niya kami, nanonood ng Elementals. 



 

Napaisip din naman ako. Syempre inisip ko na ang mga pros and cons if sakaling i-announce niyang may jowa nga siya. 



 

Ang sabi ng agency niya, bahala raw kami. Labas naman daw sila doon. Support lang sila sa kung anong desisyon namin. Aww, ka-touch.



 

Sabi naman nila Ryujin, go lang. Wala naman daw kasing kaso. Kapag ginyera raw ako, sila na bahala. 



 

Ang opinion naman ng bff naming dalawa ni Karina ang pinaka-highlight ng usapan. 



 

“I prefer na ‘wag magsalita si Rina about sa status niya. I mean, based lang sa image na ipinapakita ng jowa mo, Winter, siya ‘yung type na bigla na lang maga-aanounce na college na anak niya” sabi sa akin ni Giselle noong tinanong ko siya. 



 

“No, don’t say anything na lang. You built an image na tanging drama promotions and konting personal details lng ang binibigay, Karina. Let’s leave them na lang and hayaan silang hanapin si Winter” ang reply naman ni Ningning kay Karina. 



 

And because same naman ng sinabi ang mga bestfriends namin, we went along na lang sa mga sinabi nila. 



 

“Okay, baby. I won’t reveal it,” halik sa akin ni Karina matapos naming ilang oras na pag-usapan ang bagay na iyon.  



 

“Baby, galit kaaaa?” pangungulit ko sa jowa ko. Hindi na naman niya ako pinansin pero naramdaman ko ang pisil niya sa kamay ko. 



 

Napangiti naman ako nang malaki. Kahit kasi na hindi niya ako pinapansin, kinuha niya pa rin ang kamay ko kanina at hawak niya iyon buong oras na nanonood siya. Ramdam ko nga kapag nanggigigil siya or ano eh kasi pumipisil siya sa kamay ko. 



 

Isa na rin ‘yun sa sign na hindi talaga siya naiinis. 



 

Eme naman nitong jowa ko. 



 

“Babyyyy” nguso ko sa kaniya habang sinisilip ang mukha niya. Nakita ko naman ang maliit niyang pagnguso at ang kunot ng noo niya. Hindi ko na tuloy napigilan na halikan ang ilong niya. 



 

Hindi naman siya natinag kaya hinalikan ko ulit siya pero this time, sa pisngi na niya. Inulit ko lang ‘yun hanggang sa mapadpad ako sa mga nunal niya. 



 

“May bagong nunal akong nakita kanina, baby. Tumutubo pala talaga sila,” masayang kwento ko kay Karina. Hindi naman na niya ako natiis ay nakahawak na siya sa bewang ko. Ang cellphone niyang pinapanooran niya ay nasa lamesa na lang. 



 

“Where ba ‘yan, babe?” tanong niya sa akin bago umayos ng upo. 



 

Ngiting tagumpay naman ako kasi this time, jowa ko naman ang nabudol ko. 



 

Nagtuloy tuloy ang usapan namin ni Karina tungkol sa mga nunal. 



 

“Favorite kong nunal mo? Tinatanong pa ba ‘yan, baby?” sabi ko kay Karina matapos niya akong tanungin kung ano ang fav kong nunal niya. 



 

“Syempre ‘yang mga nasa mukha mo! Automatic na ‘yan, babe!”



 

Akala ko nga hindi na mab-bring up si Yeji eh. 



 

“Pero naging crush mo talaga siya, babe?” maktol sa akin ni Karina. Natawa naman ako sa kaniya bago tumango. 



 

“Dati pa naman ‘yun, baby. And pamilyadong tao si Yeji, I swear” 



 

Ilang minuto siyang nanahimik. Tanging tunog lang ng electric fan at ng pinapanood niya sa cellphone ang maririnig. Nakasuksok lang naman siya sa leeg ko.



 

“Sorry,” muffled na sabi niya. Pinaulit ko naman kasi nga hindi ko masyadong narinig. 



 

“Sorry if minsan too much na me,” mahina niyang sabi sa leeg ko. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. 



 

Gaya nga ng sabi ko, hindi naman nakakasakal type ang pagseselos ni Karina. Highschool type of selos lang na para bang hindi ako umupo sa tabi niya sa klase. 



 

‘Tsaka sure akong kaya lang naman siya ganoon kay Yeji is because nakita ako ni Yeji noong highschool. Inggitera pa naman ‘tong jowa ko kaya gusto niya rin malaman kung paano si Winter noong college kasi nabanggit ko at nila Giselle na medyo masungit si Winter college version. 



 

“Gusto mo na masungit ako? Super lala ng pagkunot ng noo ko noong college, baby!” 



 

Tumango lang naman siya sa akin. “You’re super cute kaya kapag upset ka. Haha, sorry pero talagang cute ka whenever you’re frustrated or naiinip na” 



 

“Weh, narinig mo lang kay Giselle ‘yan eh”



 

“Oo nga, babe! Promise haha. Look ka sa salamin minsan kapag galit ka and you’ll see”



 

“Ay, talagang titingin pa sa salamin? Sa tingin mo ba maalala ko ‘yon?”



 

“Look!”



 

“Anong look?” medyo inip kong sabi sa kaniya. Tumawa naman siya nang malakas. 



 

“You’re naiinis na naman kasi and ms lalo mo lang ni-prove na super cute ka when you’re naiinis” 



 

“Ni-prove daw. Meron bang word na ni-prove?”



 

“Now, you’re being annoying” 



 

“Luh, akala ko ba cute?”



 

“Sabi ko naman sa ‘yo na gets ko naman, right? Basta you’ll always remember ‘yung napagkasunduan natin,” pag-aamo ko sa jowa ko. Naramdaman ko naman ang pagtango niya. 



 

“Love you, babe,” sabi niya sa akin after ng ilang segundo. Napangiti naman ako sa naisip. 



 

“Sabay ganun?” 



 

Hinampas niya ako nang mahina kaya natawa ako. Mas lalo pa siyang sumuksok sa may leeg ko kaya hindi ko napigilang suklayin ang buhok niya. Nilapit ko ang bibig ko sa bandang tenga niya, “Wab yu too, baby”



 

Malaking advantage sa amin na nandito si Yeji. Bukod kasi sa may nae-explain niya nang maayos sa mga actors at kay Prof Medina ang mga lines and scenario sa script, ganado rin ang mga staff sa pagkilos kasi todo kung makapuri itong si Yeji. 



 

Feel ko nga crush niya siya ng mga tao dito eh. Silang dalawa ni Karina. 



 

Parehas na matangkad at parehas na maganda, aba syempre kung ako ang staff dito kahit 12AM ang pasok gora ako. 



 

Nag-usap na rin sila Yeji and Karina. Instant bff nga sila eh since medyo similar ang mga hilig nila sa buhay. Another point din na gustong gusto ni Karina ang mga kwento ni Yeji about sa akin noong college. Tapos bilang resident chismosa, g lang naman si Yeji sa paninira sa akin. 



 

Natanong ko na rin pala na bakit parang alam niya ‘yung sa amin ni Karina. 



 

“When I saw the photo, ‘yung nagviral, hindi ko alam pero ikaw agad ang pumasok sa isip ko, Win. Even si Lia nagulat sa sinabi ko pero I had the feeling na ikaw ‘yun based sa buhok mo,” pagchika sa amin ni Yeji habang kinakain ang take-out na pastil. 



 

Kaming tatlo lang naman ang nandito sa loob ng tent kasi may kikitain daw si Ningning. Nagtagal pa nga ang tingin ko sa kaniya kasi iniisip ko na what if si Giselle pala talaga ‘yung kikitain niya. 



 

Kaso agad namang na-debunked kasi epal si Ningning. “For your information, Winter, hindi ako like you na bumabalik sa ex. So kung iniisip mo na kikitain ko ang bff mo, you’re nababaliw na”



 

“Ay, so naging kayo nga ni Giselle?”



 

“ your jowa, Rina. Minsan ang sarap takpan ng face niya for 5 minutes”



 

“So, ikaw talaga ‘yung ex na pinaparinggan ni Giselle sa IG?” tuloy ko sa pang-aasar. Napikon naman siya agad at hinarap ako. 



 

“I deeply hope you choke”



 

“Likewise!” 



 

“WINTER!”




 

“Told you, babe. Hair mo talaga ang giveaway,” pag-agree naman nitong jowa ko na g na g sa pagkain. Nagalaw niya na rin ang extra rice na order namin. 



 

“Tapos nag-public ka pa ng IG mo, Win. So sabi ko, ay sila nga” dadag pa ni Yeji. 



 

“Luh, dahil lang doon?” 



 

Amazed naman ako sa utak nitong si Yeji kasi dahil lang sa pag-public ko ng IG account ko eh na-confirm niya na mag-ex talaga kami ni Karina. 



 

Minsan ang gulo rin talaga ng utak ni Yeji eh. 



 

“So anong plano niyo?” tanong ni Yeji sa amin. 



 

“Plano saan?” sagot ko sa kaniya matapos kong ngitian si Karina dahil sa paglalagay niya ng tissue sa tabi ko. 



 

“Sa inyo,” walang kwentang sagot ni Yeji. I clicked my toungue dahil doon kaya natawa si Karina bago marahang hinaplos ang kamay ko. 



 

“About sa relationship namin, you mean, Yej?” sabi ni Karina.



 

Yej? 



 

Wow, close na sila agad. 



 

Tumango si Yeji. Napanguso naman ako kasi feeling ko nasa talk show kami ni Tito Boy. 




 

Chocolate po ulit. 



 

Karina looked at me muna bago ngumiti kay Yeji. Sinabi naman niya ang set-up namin. Tango lang naman nang tango si Yeji and at some point, she agreed din na no confirmation and best approach lalo na at may mga fans si Karina na obsessed din masyado. 



 

Although ‘di ko sure if fans ba talaga tawag sa mga ganoon.



 

Iyon din ang ayaw ko sa line of work ni Karina. Masyado kasi siyang nilalagay sa pedestal ng ibang tao kaya nakakalimutan na tao lang din naman siya at may buhay outside sa pag-acting. 



 

Nakakainis lang na ang dami nila laging say sa buhay ni Karina na hindi naman na connected sa acting work niya. Tulad nung mga comments nila sa mga kaibigan ni Karina, sa mga brand ng damit at pabango, pati na rin sa mga sinusuportahan niyang charity and such. 



 

Eme niyo guys. Hindi naman robot jowa ko ‘no. 



 

Tapos natanong ni Yeji saan ang work ko ngayon. Na-reveal tuloy na hindi ako tumuloy sa pagr-review ng board exam. Gulat naman daw siya kasi hindi niya in-expect sa akin. 



 

“Luh, bakit ano bang tingin mo sa akin, Yeji”



 

“Huy, hindi sa inaano kita ha. Wala lang, noong college kasi you give the vibe na studies only eh. And then top ka pa ng graduating class so I’d expect na you have license na now,” depensa naman ni Yeji sa akin. 



 

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Karina sa kamay ko at ang pagpisil niya. Bagay na ginagawa niya kapag mga uspaang hindi ako comfy ang nagiging topic.



 

Okay na me, baby. Kahit one month pa tayong mag-usap about sa career ko, okay lang. 



 

After kasi namin mag-break ni Karina, ito talaga ang pinaka-inayos ko. 



 

Kinausap ko si Mama about sa mga thoughts ko na hindi nawala ever since I saw her smiled faltered noong sinabi ko sa kaniyang hindi ako magt-take ng board exam. 



 

Kahit naman kasi walang sinabi sa akin dati si Mama, alam ko namang medyo na-disappoint siya. And iyon ang naging mabigat na dala dala ko sa loob ng ilang taon. 



 

Kaya naging sensitive issue sa akin before ang about sa status ng career ko. Sa super defensive ko kasi at sa will kong patunayan na I made the right decision, ‘di ko napansin na mabigat na issue na pala for me ang about sa pag-take ko ng break.



 

Nadamay pa tuloy si Karina. 



 

Pero okay na ako ngayon. 



 

Kaya kinuha ko na rin ang chance na ito para sabihin sa kanila ang plano ko. 



 

“Actually, kaya ko rin tinaggap ang side job na ito ni Prof Medina is because nag-iipon na rin ako,” pagsimula ko sa chika. Agad namang napaayos ng upo si Karina kasi first time niya lang din naman marinig ‘to. 



 

Hindi pa rin naman niya binibitiwan ang kamay ko kaya may extra lakas ako para sabihin ang plano ko sa buhay. 



 

Syempre hindi naman pwedeng itapon ko na lang sa wala ang apat na taong pagpapakahirap ko sa CEA ‘di ba? Why not pagkakitaan siya. 



 

Joke. 



 

Pero true. Oras na para naman magamit ko ang mga calculus in everyday life ko. 



 

Eme lang. 



 

“Ipon? Don’t tell me bibili ka na ng singing–ay. Hala, ayan ba plano mo? Huy, alam na ni Karina,” extra ni Yeji kaya sinamaan ko siya ng tingin. And dahil sa sinabi niya, nagpanic na rin ang jowa ko. Ramdam ko ang pagpisil niya sa kamay ko kaya inilingan ko siya. 



 

“Kapag magp-plano talaga ako ng proposal ko, hindi kita isasali sa GC. Napaka-ingay mo, Yeji,” pagmamaldita ko kay Yeji. Natawa naman siya sa akin habang panic malala na ang jowa ko. 



 

“Babe?” tawag niya sa akin. Agad ko naman siyang inilingan. 



 

“Kalma, baby. Hindi ako maglalagay ng singsing sa kamay mo hanggat hindi pa Engr ang tawag mo sa akin…”



 

“And ayun ang want kong sabihin sa inyo, magt-take ako ng board exam sa darating na schedule. First time ko siyang sabihin and kayo pa lang ang nakakaalam–”



 

“OMG!” tili ni Yeji. Agad naman akong napangiwi sa kaniya. Puro omg lang ang sinabi niya bago kinuha ang phone. 



 

“Uy, anong gagawin mo?” takang tanong ko sa kaniya. Nakangiti niya naman akong hinarap bago nagsalita. 



 

“Tawagan ko si Lia. Ichichika ko ‘to”



 

“Baliw! Hindi naman ako kilala ng jowa mo, huy”



 

“Kilala ka kaya niya, Minjeong” ngisi niya sa akin. Agad naman akong namula dahil sa sinabi niya. 



 

Napatayo ako bago siya duruin. “Pinabasa mo?!”



 

Tumayo na rin siya at tumatawang dinuro rin ako. “Malamang? Gusto niya raw mabasa eh and tinanong niya sino si Minjeong so sinabi ko na ikaw” 



 

“Snitch! Hindi ka ba tinuruan ng teacher mo na masama ang pangs-snitch?” naiinis na sabi ko sa kaniya. Hinahabol ko na siya dito sa loob ng tent kasi nangako siyan hindi niya sasabihin kahit kanino tapos sinabi niya pala kay Lia. 



 

Nasa labasan na siya ng tent nang harapin niya ako at itinaas ang kamay niya. Napahinto naman ako sa paghabol sa kaniya. 



 

“Wala akong nagawa since jowa ko siya. Try mo baliktad tayo ng situation and tinanong ka ni Karina sino si Minjeong, sasabihin mo ba o hindi?”



 

“Sasabihin ko, syempre!” mabilis kong sagot sa kaniya. Nag-make face pa siya sa akin. 



 

“So gets mo na? Mamaya ka na kumahol diyan, Winter. Kakausapin ko lang jowa ko.” 



 

“Lia, lovey!...” ‘yan ang huli kong narinig kay Yeji. HInihingal naman akong umupo sa tabi ni Karina na kanina pa walang imik. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay tinignan ko siya at nakitang nakatingin lang siya sa akin. 



 

“Baby? Oks ka lang?” 



 

Matagal siyang tumitig sa akin bago ngumiti. Umiling naman siya bago ako binigyan ng magaan na halik sa labi. 



 

“Proud of you, always”



 

Ayan na naman si Karina scammer. 



 

Maagang natapos ang shoot. Dalawang oras pa bago ang normal na tapos ng shoot namin ay nagsabi na si Prof Medina. 



 

“Let’s go home na!” 



 

Pakitang tao rin ‘tong si Prof eh. Halatadong nagpapagood shot sa bagong recruit niya. Noong bago rin naman ako dito ganyan siya. Pero after a week, pinagod na ako!



 

Prof Medina scammer din.





 

“So you’ll quit na sa shop ni Ate Seungwan?” 



 

Naglalakad kami ngayon sa kalsada malapit sa CEA. Wala rin naman kasi masyadong tao bukod sa iilang mga estudyanteng lumabas para maglakad lakad din. 



 

Halos ala-una na rin kasi ng umaga. Dito kami dumiretso after namin kumain sa condo ni Karina. 



 

Inilingan ko siya. “Hindi naman agad agad, baby. Siguro nandun pa rin ako sa mga unang buwan tapos siguro if three months na lang before board ay tsaka ako magl-leave. Ayaw ko rin namang iwanan sila agad kasi syempre sila ‘yung tumulong sa akin” 



 

Ayaw kong mag-quit sa shop. Siguro kung pwede lang na doon na ako mag-work ay ginawa ko na. 



 

Biniro naman ako ni Ate Seungwan noong minsan na napag-usapan namin kung anong mangyayari kung sakaling maging engineer na ako. 



 

“Then be my business partner”



 

Naalala ko umiyak pa ako kay Ate Seungwan noon. Touched kasi ako sa sinabi niya. 



 

“Sinabi mo na sa family mo? ‘Yung plans mo?”



 

“No pa. True stone ‘yung sinabi ko na kayo pa lang ni Yeji nakakaalam, baby” 



 

Tumango lang naman si Karina bago nakangiting tiningala ang arkong nagsasabi ng pangalan ng school namin. 



 

Ang saya ng puso ko ngayon. Ang lumakad kasama si Karina sa daang minsan kong sinumpa ay super nakakainit ng puso. Naalala ko na sa bawat paglakad ko sa kalsadang ito noon, either naiinis ako kasi hindi maganda mga naging kagroup, malungkot kasi hindi natapos ang exam, o kaya naman masaya kasi nakaabot sa passing grade. 



 

And to walk hand in hand with Karina a feeling of contentment, grabe na. 



 

Inabot kami ng 3AM sa paglalakad at pagchichikahan. Nakailang balik kami sa CEA and sa Main. Nilalakad lang namin while nagk-kwento ang isa’t isa sa happenings noong college. 



 

Nakwento ko kung paano pinalabas ang kaklase namin noon sa class ng terror namin prof. Nakwento ko kung paano kami nabaliw dahil sa isang error sa programming. 



 

Kinwento ko kung paano ko minsang pinangarap ang sandaling iyon. 



 

And thankful ako na si Karina ang kasama ko while walking. Masaya akong siya ang the 1.



 

Kasi hindi ko maimagine kapag hindi siya. 



 

Siguro tatanda na lang akong mag-isa kung hindi siya ang itinakda para sa akin. 



 

Parang kung hindi ikaw, ‘wag na lang. 




 

It’s you or no one, baby.




 

‘Cause you’re the 1. 








 

Nagising naman ako sa patuloy na pagyugyog sa kanang kong braso. Umungot pa ako dahil alam kong maaga pa para gumising. 



 

Please lang! Umaga na tayo natulog, Karina. Pagpahingahin mo naman ako!



 

“Maawa ka sa akin, baby. Maawa ka,” mahina kong ungol kay Karina na hindi pa rin matigil sa kaka-alog sa akin. 



 

“B-babe,” 



 

Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang tono ng boses ni Karina. Siguro kung hindi siya mukhang pinagbantaan ng mga kidnapper eh pagtutuunan ko ng pansin ang hitsura niya. 



 

Paano ba naman kasi, sino bang mukhang model ng kumot? Sakto pa na nasa likod ni Karina ang bintana kaya ang ganda ng effect sa kaniya. 



 

Kumikinang ang jowa ko! 



 

At sumilip na naman ang collarbones niyang villain story ko! 



 

“B-babe naman, please wake up,” ulit niya sa natatakot na boses kaya napaupo ako. Agad ko namang naramdaman ang lamig kaya hinila ko ang kumot sa katawan ko. 



 

“B-bakit? Ano meron? Sino aawayin?”



 

“I woke up sa tunog ng phone…” umpisa ni Karina. Kahit bangag, tumango lang naman ako sa kaniya, urging na ituloy niya.



 

“I thought it’s my phone and si Ningning ang tumatawag…”



 

“Tapos, baby?”



 

“And then noong sinagot ko, hindi si Ningning ang tumawag. It’s not even my phone to begin with and the caller was your mom…”



 

“Hindi naman pala si Ningning, baby eh. Bakit ba takot na takot ka diyan. Si Mama lang naman pala eh,” nakapikit kong sabi bago humiga na ulit. Sarap sarap ng tulog ko tapos–



 

Wait.



 

Wait a minute. 



 

Hindi raw si Ningning ang tumawag. 



 

Si mama pala. 



 

Si Mama. 



 

Si Mama! 



 

Agad akong napabalikwas. “Si Mama?” 



 

Kagat labing tumango si Karina sa akin bago binigay ang phone ko. “She asked kung nasaan ka raw. And because I just woke up, I said na you’re still asleep. And then she said na gisingin daw kita kasi she’s your mom. I swear, babe. When I heard na she’s your mom, nababa ko ‘yung phone out of panic” 



 

“And then seconds later, nag-text siya” 



 

Tumango ako sa jowa ko bago tinignan ang text sa akin ng nanay ko. 





 

Mama Globe:

alas dyis na at tulog ka pa rin ay kainaman 




 

Mama Globe:

pinalinis ko na ang kwarto mo…..mauwi ka sa sabado dito winter at isasama mo yang kaibigan mo



 

Mama Globe:

lilinisan ko rin ga ang kabilang kwarto?..... o kwarto mo matulog iyang kaibigan mo? 



 

“Baby, hindi ka pa nakakapunta sa Batangas ‘no?”



 

Tumango lang naman sa akin si Karina. Napalunok ako bago magsalita. 







 

“Paalam ka kay Ning, baby. Uwi tayo sa weekend sa bahay” 


 

 

 

 

=====

hindi ako pinatulog ni karina kaya ito po hahha. thank you po sa lahat ng support! see po next year (real kasi midterms na namin this nov)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
haha bye sau teh

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2132 streak #1
Chapter 8: rereading uli ㅠ.ㅠ
Hiccups_ #2
Chapter 8: Malapit na rin midterms namin kaya re-read ulit!!!
gomtokkim
2132 streak #3
Chapter 1: rereading muna ㅠ.ㅠ
Pengu513 #4
Chapter 8: Update juseyo :((
gomtokkim
2132 streak #5
Chapter 3: imy author ㅠ.ㅠ
joyie4ever #6
Maze u🥲
Ghad20
30 streak #7
Chapter 8: Congratulations again
eldmcrn #8
PROMOTED AGAIN CONGRATS PO 🥳🥳
kminju_ #9
Chapter 4: HSHADHHWADHA TANGINA LOPIT
Etoile__
329 streak #10
promotedddd!!!!!,🥳🥳😘😘